You may now claim your IDs



Attention to all TFVC C5 Campus students:


You may now claim your Student ID. Look for Ms. Lara, our Student Assistant, at the Faculty Room.

1 comments:

riza mateo said...

rebisyon nang naunang komento(500 salita):
Maikling reaksyon sa opinyon ni Ginoong Arao.

May kaunting punto si Ginoong Arao sa pagdiriwang nang buwan nang wika.
Naintindihan ko ang kanyang punto, kung saan dapat nating bigyan pansin ang kahalagahan nang pagsasanay at pagtuturo nang wikang filipino sa mga kabataan.
Nawawalan nga naman ang saysay nang pagtuturo nito kung hindi natin sasanayin o bibigyan pansin ang pagbibigay nito nang mabuting halimbawa sa mga bata. Pero sa kabilang punto ang pggamit nang salitang banyaga ay mas higit na mkakatulong sa atin , upang makamit ang pinakaasam nating trabaho.nakalimutan yata ni ginoong arao na wikang ingles din naman nang tanungin siya bago siya tanggapin nang kanyang kumpanya.. ang lengwahheng ingles ,sa ngayon ang ginanagamit na pandaigdigang lenggwahe upang mgkatagpo sa iisang wika ang mgkakaibang nasyon. Ito rin ang nagiging pamantayan sa ngayon nang ibat-ibang kompanya upang matanggap sa trabaho.Ang pagdiriwang nang Buwan nang wika ay hindi nangangahulugan nang pag-alipusta o pangungutya sa pambansang wika kundi bagkus ito ay paggunita sa ating pinanggalingan.. wala panagkaiba ito sa pagdaraos nang kaarawan o kamtayan nang isang tao. ito ay tanda nag hindi pagkalimot nang mga pilipino sa kinagisnang wika. May kasabihan nga na " Ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan, ay di makararting sa paroroonan" at " Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda". marami nga sa ating lahat ay nagdiriwang nang kapaskuhan nang hindi naman alam kung ano ang tunay na diwa nang pasko. Bakit sa ating mga Pilipino ay nagdiriwang nang semana santa pero hindi naman nagbabago.?! lahat nang okasyon ay may dahilan pero hindi lahat nang tao ay pare-pareho ang pagkakaintindi kung bakit ito pinagdiriwang. hindi dapat lahatin ang mga pilipino. nagagawa lang nila gamitin ang salitang banyaga dahil yun ang tawag nang kanilang tungkulin. mas maiintindihan tayo nan mga dayuhan sa salitang ingles kesa sa filipino. Patungkol naman sa pagkakaiba nang intindi, sa paggamit nang salitang ingles imbes na tagalong, ayon sa iba mas ginagamit nila nbg salitang banyaga sa mga tabloid at pahayagan o di kaya ay sa radio at telebisyon upang hindi masyadong maintindihan nang mga nakakabata o mga bata ang ibang malalaswang paksa na maaring makaapekto sa kanila.Ika nga e dibersyon marahil ito nang mga mamamahayag upang hindi masyado malaswaan ang mga bata sa kanilang maririnig... ito’y hindi pagtapak sa ating wika kundi pagiwas sa paggmit nito sa hindi kaaya-ayang usapan o talakayan lalo na, maaring mabasa o marinig nang ating mga anak. Wag sana nating isarado an gating isip sa ibang paraan nang pakikipagtalastasan bagkus unawain ang mga ito. Ang pagdiriwang nang buwan nang wika ay mas makaktulong pa anya sa mga kabataan na ipaalala sa kanila na tagalong ang kanilang lenggwahe. At binibigyan ito nang importansya kaya ito pinagdiriwang.. Ang reaksyon ni ginoong arao ay masasabing may punto, at masasabi ring sobra sa reaksyon. Hindi lahat nang bagay ay dapat bigyan nang masamang kahulugan ,bagkus.,dapat nga ay suportahan at unawain. Kaya marahil mabagal ang pag-usad nang bansang ito dahil sa mga sobrang reaksyonaryong Pilipino. Imbes na suportahan natin ang bawat isa , ay mas pinipili pa nating hanapan nang pagkakamali. Wag sanang dumating sap unto na pati araw nang kagitingan ay hanapin na rin natin nang masisilip kung bakit ito pinagdiriwang, samantalang marami sa ngayon ay hindi alam kung ano at bakit may araw nang kaigitingan. Ang mga ganitong pagdiriwang ay pagtanda sa mga pamana sa atin nang ating mga ninuno. Ito ay dapat ipagmalaki at bigyan halaga. Sa ating pambansang departamento nang edukasyon, marahil siguro ay bigyan diin natin ang mga ganitong pagdiriwang, bilang paggunita sa kahalagahan nang ating wika. Para sa mga estudyante nawa’y huwag makalimot sa kahalagahan nang ating pambansang wika, kung bakit may buwan nang wika, at ang pinanggalinagn nating mga ninuno bago tayo ay sakupin nang mga dayuhan.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top