LEKTYUR BILANG 4

Komunikasyon


DEPINISYON NG KOMUNIKASYON

Webster: Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.

Greene at Petty (Debeloping Language Skills): intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin, o emosyon mula sa isang indbidwal tungo sa iba.

Pagkakaroon ng reaksyon sa tahimik na paraan sa pinaglalaanan ng mensaheng pangkomunikasyon.

Gray at Wise (Bases of Speech): kung walang metodo ng komunikasyon, ang mga institusyong pantao ay di magiging possible.

Maaring magamit sa mabuti o masamang layon.

Proseso ng pagpapadala ng at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues ma maaring berbal o di-berbal.

URI NG KOMUNIKASYON

1. Komunikasyong Intrapersonal: pansarili
2. Komunikasyong Interpersonal: pagitan ng 2 tao, o isang tao at isang maliit na pangkat
3. Komunikasyong Pampubliko: 1 tao at malaking pangkat ng mga tao.

KATANGIAN NG KOMUNIKASYON

1. Komunikasyon ay isang proseso: Ito ay isang closed-circuit na proseso na kinapapalooban ng encoding at decoding.

2. Proseso ng Komunikasyon ay dinamiko: Pag nangyari na, hindi na ito mauulit.

3. Komunikasyon ay komplikado: persepsyon

o          Persepsyon sa sarili
o          Persepsyon sa kanyang kausap
o          Persepsyon ng kanyang kausap sa kanya
o          Tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya

4. Mensahe, hindi kahulugan, and naipapadala/natatanggap sa Komunikasyon: pagbibigay ng kahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

Hindi tayo maaring umiwas sa Komunikasyon: through actions, gestures—not just words.

Mga Modelo ng Komunikasyon

Modelong S-M-R ni Berlo
·                    Source-Message-Receiver

Modelo ni Aristotle sa pag-eenkowd ng Mensahe
o          Pagtuklas
o          Pagsasaayos
o          Pagbibihis
o          Paghahatid

Modelo ni Schramm
o          Source-Signal-Receiver

Ruesch and Bateson Model:
o          Nagpapadala ng mensahe: pinagmumulan at nag-eencode
o          Mensahe: pangnilalaman at di-berbal na mensahe
o          Daluyan/Travel ng Mensahe: sensori (senses) at institusyonal (electronics)
o          Tagatanggap ng Mensahe: magbibigay-kahulugan sa mensahe at mag de-decode.
o          Tugon o Pidbak:
§          Tuwirang tugon: agad-agad ang pagsagot
§          Di-tuwirang Tugon: di-berbal
§          Naantalang tugon: panahon
o          Reversal of roles

MGA SAGABAL SA KOMUNIKASYON

§          Semantiko: salita o pangungusap mismo
§          Pisikal: ingay sa paligid
§          Pisyolohikal: sa katawan [kapansanan, pagkakasakit]
§          Sikolohikal: biases, prejudices, etc.

1 comments:

Anonymous said...

hellow pho sir.gud pm po,sir.sir,sana po natanggap at nabasa nyo na po ung assignment qoh po sa philippine history kc po di q pa po nakikita na nkapost po ung assignment qoh.salamat po sir.God Bless pho.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top