Showing posts with label course syllabus. Show all posts
Showing posts with label course syllabus. Show all posts
THE FISHER VALLEY COLLEGE
C5 Annex Campus
Phase 2, Bgy. Pinagsama, Lungsod ng Taguig

Silabus ng Kurso
PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Pangalawang Semestre, A.Y. 2011-2012
Nobyembre 2011-Marso 2012


KOWD NG KURSO:                          FIL 102
BILANG NG YUNIT:                        3
ISKEDYUL AT SILID-ARALAN:     Miyerkules/Huwebes, 4:30-6:00, 105
WEBSITE NG KLASE:                      http://tfvc2010.blogspot.com
PROPESOR:                                      Raquel, Marlon B.
PARAAN NG PAGKONTAK:            (02) 553-9187 (Opisina)/raquel.marlon@yahoo.com (Email)/ Opisina ng Pakultad
ORAS NG KONSULTASYON:         Miyerkules/Huwebes, 2:00-4:00

DESKRIPSIYON NG KURSO:         Nagbibigay pokus ang kursong ito sa pagbasa at pagsulat bilang instrumento ng pagkatuto. Bilang bahagi ng mga makrong kasanayang pangwika, bibigyang-diin sa kursong ito ang mga estratehiya sa pagbasa ng iba’t ibang genre ng mga tekstong nakasulat. Idedebelop din ang kasanayan sa pag-unawa lalo na ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang sulating akademiko. Magiging batayang paksa ang ukol sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham Teknolohiya.                

LAYUNIN NG KURSO:                    Pagkatapos ng semestre, inaasahan na ang mga estudyante ay:
1. Mauunawaan ang halaga ng pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina;
2. Mapapahalagahan ang mga valyus na matatagpuan sa mga babasahing sanaysay tulad ng nasyonalismo, kamalayan at pananagutang panlipunan, mapanuring pag-iisip at katapatang ispiritwal;
3. Makakasulat ng iba’t ibang komposisyon na may pagpapahalaga sa mga valyus ng isang Pilipino tulad ng pananampalataya, pagkamasigasig at serbisyong pampamayanan; at
4. Makagsusulat at makapagbabasa ng isang papel pananaliksik o riserts sa harap ng madla.

MGA PANGANGAILANGAN NG KURSO:

Dalawang grado ang ibinibigay ng Kolehiyo sa isang semestre: una ay ang grado para sa midterm at ang pangalawa ay ang grado para sa final ayon sa Artikulo X, Seksyon B ng Student Handbook. Ang Final Grade ay 40% mula sa Prelim hanggang sa Midterm Period at 60% naman mula sa Pre-final hanggang sa Final Period.   

Pangangailangan sa Midterm Period (40%):

30%      Pagbasa ng Isang Uri o Genre ng Teksto – Walang gagawing pagsusulit sa prelim period. Bagkus, magsasalita kayo sa harap ng mga estudyante ng ibang klase sa ika-15 (Huwebes) ng Disyembre 2011. Pipili kayo ng isang teksto na maaaring tula, sanaysay, talumpati, pabula, maikling kuwento, at iba pa. Maaaring kabisado o hindi ang tekstong napili.

            Ang batayan ng pagmamarka ay ang mga sumusunod:
                        Kahalagahan ng Nilalaman ng Teksto                             40%
                        Presentasyon                                                                 30%
                        Kalinawan ng Pagsasalita, Tinig, at Personalidad               30%
30%      Midterm na Pagsusulit – Ang midterm na pagsusulit ay gaganapin sa ika-19 (Huwebes) ng Enero 2012. Lahat ng napag-aralan mula sa simula ay isasama sa pagsusulit. Iba’t ibang uri ng pagsusulit ang ibibigay tulad ng multiple choice questions (MCQs), matching type, enumeration, sanaysay, at iba pa.
                                 
15%      Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.

15%      Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-8 ng Disyembre (Huwebes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-12 ng Enero (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.

10%      Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.

Mga Pangangailangan sa Final Period (60%):

30%      Portfolio ng Iba’t Ibang Genre ng Teksto – Ang bawat estudyante ay susulat ng orihinal na komposisyon ng iba’t ibang kombinasyon ng iba’t ibang uri o genre ng teksto na nakasulat sa ibaba. May anim na pagpipilian; pumili lamang ng isa.
           
Unang Pagpipilian:
                        Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
                        Minits ng Miting            = 1 piraso
Tula = 3 piraso (Hindi bababa sa 200 na mga salita bawat isa.)
           
            Pangalawang Pagpipilian:
                        Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Sanaysay = 2 piraso (Hindi bababa sa 500 na mga salita bawat isa.)
                        Memorandum = 1 piraso
                        Programa = 1 piraso                                                                 

Pangatlong Pagpipilian:
                        Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Dula = 1 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita.)
Imbitasyon = 1 piraso

            Pang-apat na Pagpipilian:
                        Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Nobela = 1 piraso (Hindi bababa sa 1,000 na mga salita)

            Panglimang Pagpipilian:
                        Riserts o Papel Pananaliksik (Hindi bababa sa 1,500 na mga salita.)  

Pang-anim na Pagpipilian:
Kung may ibibigay kang suhestiyon sa iba’t ibang kombinasyon, mangyaring makipag-usap sa akin tungkol dito.

Ipasa ang hard copy maging ang soft copy ng inyong portfolio sa email ko. Ang itinakdang pasahan ay sa ika-8 ng Marso (Huwebes) 2012, ala-una (1:00) ng hapon.

30%      Panghuling Pagsusulit – Ang panghuling pagsusullit ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga katanungan. Ang iskedyul ng eksaminasyon ay sa ika-15 (Huwebes) ng Marso 2012.

15%      Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.

15%      Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-16 ng Pebrero (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-15 Marso (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.

10%      Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.

MGA POLISIYA SA LOOB NG SILID-ARALAN:

1. Kung sakaling hindi kayo makakuha ng mga pagsusulit, hindi ninyo ito maaaring kunin sa anumang kadahilanan maliban na lamang kung may malubhang karamdaman o namatayan ng isang miyembro ng pamilya. Hindi saklaw ang panghuling pagsusulit sa polisiyang ito. Maaari kayong kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa panghuling pagsusulit isang linggo matapos ang opisyal na iskedyul ng pagkuha nito ng libre.
2. Kung wala kayo sa loob ng klase habang kinukuha ko ang atendans niyo, mamarkahan ko kayo ng ‘LUMIBAN.’
3. Siguraduhin ninyo na alam ninyo ang paggamit ng kompyuter at internet sapagkat lahat ng mga asignatura at mga sulatin ay ipapasa sa email at sa website ng klase.
4. Maaari ninyong dalhin ang inyong mga snacks sa loob ng silid-aralan. Maging responsible: huwag itapo ang basura kuing saan-saan.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.

OUTLINE NG KURSO:

Nobyembre 17              PANIMULA
Oryentasyon at Pagpapakilala ng Kurso
                       
Nobyembre 24              ANG WIKA
Kahulugan, Kahalagahan, Kasaysayan at mga Katangian ng Wika
                                    Ang mga Wika sa Pilipinas
                                    Ang Alfabetong Filipino at ang Wikang Filipino

Disyembre 1                 PAGBASA
                                    Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
                                    Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbasa
                                    Yugto ng Pagbasa
Limang Dimensyon sa Pagbasa
                       
           
Disyembre 8                 PAGSULAT
                                    Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat
                                    Mga Kinakailangang Gawain sa Prosesong Pagdulog at Pagsulat
                                    Pananaliksik at Pakikipanayam
                                    Ang Ugnayang Pagbasa at Pagsulat at ng Iba Pang Kasanayang Pangwika
                                   
PAGKILALA SA BATAYANG ISTRUKTURA AT HULWARAN NG ORGANISASYON NG IBA’T IBANG GENRE NG TEKSTO

Disyembre 15                IBA’T IBANG GENRE O URI NG NAKASULAT NA TEKSTO I
                                    Ang Maikling Kuwento
                                    Ang Mga Alamat at Kuwentong Bayan

Disyembre 22-Enero 2 CHRISTMAS BREAK
                                               
Enero 5                                    IBA’T IBANG GENRE O URI NG NAKASULAT NA TEKSTO II
Ang Nobela
                                    Ang Sanaysay
                       
Enero 12                      IBA’T IBANG GENRE O URI NG NAKASULAT NA TEKSTO III
Ang Tula
                                    Ang Salawikain                         
Ang Paglalahad
           
Enero 19                      MIDTERM NA PAGSUSULIT                    

Enero 26                      IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO
                                    Pormulasyon ng mga Salita
                                    Paggamit ng mga Panlapi
                                    Panlaping Makangalan
                                    Panlaping Makauri
                                    Panlaping Makadiwa
                                    Paggamit ng Contextual na Clue
                                    Pagsusuri sa Ugnayan ng mga Salita
                                    Panghihiram ng mga Salita
                                    Paggamit ng Diksyunaryo                      

Pebrero 2                      MGA KASANAYAN SA PAG-UNAWA
                                    Ang Mabisang Pagbasa
                                    Mga Kasanayan sa Pag-unawa
                                    Pagkuha ng Pangunahin at Tiyak na Detalye, Skimming At Scanning
                                    Paghihinuha
                                    Paglalahat
                                    Pagwawakas
                                    Pagkilatis sa Katotohanan at Opinyon
                                    Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
                                    Pagsusuri sa mga Pamamaraang Ginagamit ng Awtor sa Paghahatid ng Mensahe
                                    Pagbibigay ng Ebalwasyon sa mga Ebidensya at Pangangatwiran
                                   
Pebrero 9                      PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA I
                                    Humanidades
                                    Panitikan
                                    Mga Likas na Agham
                                               
Pebrero 16                    PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA II
                                    Agham Panlipunan       
Kasaysayan
                                    Ekonomiks

Pebrero 23                    PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA III
                                    Larangang Propesyunal
                                                Korespondensya
                                                Aplikasyon
                                                Iba’t Ibang Uri ng Liham
                                                Memoranda
                                                Imbitasyon at Programa
                                                Minits ng Miting

Marso 1                                    PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA IV
                                    Riserts o Pananaliksik
                                                Ang Plano sa Pagsulat ng Riserts
                                                Ang Proseso at Metodo ng Riserts
                                                Pagrerepaso ng mga Kaugnay na Pag-aaral
                                                Pagsulat ng Isang Riserts
                                                Pagbasa ng Natapos na Riserts sa Publiko

Marso 8                                    Paglalagom/Synthesis

Marso 15                      PANGHULING PAGSUSULIT

SISTEMA NG PAGBIBIGAY NG GRADO:

          Porsiyento                      Grado                                    Porsiyento                         Grado
99-100                          1.00                                          84-86                            2.25
96-98                            1.25                                          81-83                            2.50
93-95                            1.50                                          78-80                            2.75
90-92                            1.75                                          75-77                            3.00
87-89                            2.00                                          74-60                            5.00

BATAYAN SA PAGGRADO NG MGA SULATIN:
            Nilalaman = 50%                      Format = 35%              Mekaniks = 15%

SANGGUNIAN:

Lorenzo, Carmelita, et al (1997). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod ng Makati: Gradwaters Publications and Research Corporation

Sauco, Consolacion P, et al (2004). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod ng Quezon: Katha Publishing Corporation

Villavivencio, Victoria, et al (2002). Sining ng Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod ng Quezon: Jollena Publishing

Iba’t ibang websites, magazine, at jornal

Panitikang Filipino Course Syllabus - 2nd Semester, AY 2011-2012

THE FISHER VALLEY COLLEGE
C5 Annex Campus
Phase 2, Bgy. Pinagsama, Lungsod ng Taguig


Silabus ng Kurso
PANITIKANG FILIPINO
Pangalawang Semestre, A.Y. 2011-2012
Nobyembre 2011-Marso 2012


KOWD NG KURSO:                          FIL 102
BILANG NG YUNIT:                        3
ISKEDYUL AT SILID-ARALAN:     Lunes, 7:00-10:00/10:00-1:00, 101
WEBSITE NG KLASE:                      http://tfvc2010.blogspot.com
PROPESOR:                                      Raquel, Marlon B.
PARAAN NG PAGKONTAK:            (02) 553-9187 (Opisina)/raquel.marlon@yahoo.com (Email)/ Opisina ng Pakultad
ORAS NG KONSULTASYON:         Miyerkules/Huwebes, 2:00-4:00

DESKRIPSIYON NG KURSO:         Bibigyang pokus sa kursong ito ang iba’t ibang uri ng panitikang Filipino – mga panitikang pabigkas na tradisyon at mga panitikang pasulat na tradisyon. Kabilang sa mga panitikang pabigkas na tradisyon ay ang mga kantahing-bayan, tula, mga tugma, at mga unang kuwento tulad ng alamat at pabula. Pag-aaralan din ang bawat genre ng pasulat na tradisyon tulad ng nobela, dula, maikling kuwento at sanaysay. Pag-aaralan din ang mga talambuhay ng mga manunulat sa panitikang Filipino at ang iba’t ibang panitikang panrehiyon ng Philipinas.                

LAYUNIN NG KURSO:                    Pagkatapos ng semestre, inaasahan na ang mga estudyante ay:
1. Mauunawaan ang halaga ng panitikang Filipino sa buhay ng bawat Pilipino;
2. Mauunawaan ang iba’t ibang uri ng panitikang Filipino sa pabigkas na tradisyon at sa pasulat na tradisyon; at
3. Maipapagmalaki ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa mga talambuhay at mga sinulat ng mga manunulat.


MGA PANGANGAILANGAN NG KURSO:

Dalawang grado ang ibinibigay ng Kolehiyo sa isang semestre: una ay ang grado para sa midterm at ang pangalawa ay ang grado para sa final ayon sa Artikulo X, Seksyon B ng Student Handbook. Ang Final Grade ay 40% mula sa Prelim hanggang sa Midterm Period at 60% naman mula sa Pre-final hanggang sa Final Period.   

Pangangailangan sa Midterm Period (40%):

30%      Portfolio ng mga Manunulat sa Panitikang Filipino – Walang pagsusulit na ibibigay sa prelim period. Bagkus, magsusumite kayo ng mga talambuhay ng mga manunulat ng iba’t ibang uri ng panitikang Filipino. Lalakipan ninyo ng kani-kanilang mga sinulat ang bawat taong isasama ninyo sa portfolio ng hindi bababa sa dalawang (2) piraso. Halimbawa, kung isasama ninyo ang talambuhay ni Andres Bonifacio, lakipan ninyo ito ng dalawang sanaysay na naisulat niya. Iproseso ang mga gawa nila sa Microsoft Word. Pagkatapos, ipasa sa aking email ang soft copy at ipasa din ang hard copy nito. Ipasa ninyo ito sa ika-19 (Lunes) ng Disyembre 2011, ala-una (1:00pm) ng hapon.

30%      Midterm na Pagsusulit – Ang midterm na pagsusulit ay gaganapin sa ika-16 (Lunes) ng Enero 2012. Lahat ng napag-aralan mula sa simula ay isasama sa pagsusulit. Iba’t ibang uri ng pagsusulit ang ibibigay tulad ng multiple choice questions (MCQs), matching type, enumeration, sanaysay, at iba pa.

15%      Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.

15%      Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-5 ng Disyembre (Lunes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-9 ng Enero (Lunes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.

10%      Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.

Mga Pangangailangan sa Final Period (60%):

30%      Portfolio ng Iba’t Ibang Uri ng Panitikan – Ang proyektong ito ay gagawin ng pangkatan. Bawat pangkat ay may 5-7 miyembro. Pipili ang bawat grupo ng isang uri ng panitikan o genre ng teksto na nakasulat sa ibaba at susulat kayo ng orihinal na komposisyon.
           
                        Maikling Kuwento = 3 piraso (Hindi bababa sa 500 na mga salita bawat isa.)                    
                        Nobela = 2 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita bawat isa.)                                    
Tula = 10 piraso (Hindi bababa sa 150 na mga salita bawat isa.)
Dula = 2 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita bawat isa.)
Sanaysay = 5 piraso (Hindi bababa sa 300 na mga salita bawat isa.)
Pabigkas na Tradisyong Patula at Tuluyan = 5 (Hindi bababa sa 300 na mga salita bawat isa.)

Ipasa ang hard copy maging ang soft copy ng inyong portfolio sa email ko. Ang itinakdang pasahan ay sa ika-12 ng Marso (Lunes) 2012, ala-una (1:00) ng hapon.

30%      Panghuling Pagsusulit – Ang panghuling pagsusullit ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga katanungan. Ang iskedyul ng eksaminasyon ay sa ika-19 (Lunes) ng Marso 2012.

15%      Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.

15%      Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-13 ng Pebrero (Lunes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-12 ng Marso (Lunes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.

10%      Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.

MGA POLISIYA SA LOOB NG SILID-ARALAN:

1. Kung sakaling hindi kayo makakuha ng mga pagsusulit, hindi ninyo ito maaaring kunin sa anumang kadahilanan maliban na lamang kung may malubhang karamdaman o namatayan ng isang miyembro ng pamilya. Hindi saklaw ang panghuling pagsusulit sa polisiyang ito. Maaari kayong kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa panghuling pagsusulit isang linggo matapos ang opisyal na iskedyul ng pagkuha nito ng libre.
2. Kung wala kayo sa loob ng klase habang kinukuha ko ang atendans niyo, mamarkahan ko kayo ng ‘LUMIBAN.’
3. Siguraduhin ninyo na alam ninyo ang paggamit ng kompyuter at internet sapagkat lahat ng mga asignatura at mga sulatin ay ipapasa sa email at sa website ng klase.
4. Maaari ninyong dalhin ang inyong mga snacks sa loob ng silid-aralan. Maging responsible: huwag itapo ang basura kuing saan-saan.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.


OUTLINE NG KURSO:

Nobyembre 14                          Pagpapakilala ng Kurso at Oryentasyon

Nobyembre 21                          INTRODUKSYON
                                                Ang Kahulugan ng Panitikan
                                                Ang Uri ng Panitikan
                                                Ang Anyo ng Panitikan
                                                Ang Panitikang Filipino: Mga Problema at Solusyon
                                                Talambuhay ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
                                                            Francesco Arcellana                   Bienvenido Lumbera
                                                            Virgilio S. Almario                     Alejandro R. Roces
                                                            Lazaro Francisco                       Carlos P. Romulo
                                                            N.V.M. Gonzales                      Edith L. Tiempo
                                                            Amado V. Hernandez                Rolando S. Tinio
                                                            Nick Joaquin                             Jose Garcia Villa
                                                            F. Sionel Jose

Nobyembre 28/                                    ANG PANITIKANG FILIPINO SA PABIGKAS NA TRADISYON I
Disyembre 5                             Ang Pasalindilang Panitikan
                                                Ang Pabigkas na Tradisyong Patula at Inaawit
                                                Ang mga Kantahing-Bayan
                                                            Ayon sa Pagkakalahad
                                                            Nagsasalaysay
                                                                        Ang Balada
                                                                        Ang Epiko
                                                            Di-Gaanong Nagsasalaysay
                                                                        Awit Pampatulog sa Bata
                                                                        Awit sa Paggawa
                                                                        Awit sa Pag-ibig at Panliligaw
                                                                        Awit sa Pagkasal
                                                                        Awit sa Pakikidigma
                                                                        Awit-Panrelihiyon
                                                                        Awit sa Lansangan
                                                                        Awit sa Patay o Pagdadalamhati

Disyembre 12/19                      ANG PANITIKANG FILIPINO SA PABIGKAS NA TRADISYON II
                                                Ang Pabigkas na Tradisyong Patula at Di-Inaawit
                                                            Ang Kasabihan             Sabi-sabi
                                                            Bugtong                        Sawikain
                                                            Salawikain                     Bulong
                                                            Tanaga                          Ambahan
                                                Ang Pabigkas na Tradisyong Patula, Inaawit, at Isinasayaw
                                                            Ang Katutubong Dula
                                                Ang Pabigkas na Tradisyon sa Tuluyan
                                                            Mito o Mulamat                        Kuwentong Katatawanan
                                                            Alamat                          Kuwentong Kababalaghan
                                                            Pabula                           Palaisipan         
                                                            Parabola
                                                           
Enero 9                                    KAPALIWANAGAN SA MGA KATHANG NILALAMAN NG ANTOLOHIYA AT KALIGIRAN NG BAWAT GENRE
Sa Tula
Sa Maikling Kuwento
                                                Sa Nobela
Sa Dula
Sa Sanaysay

Enero 16                                  MIDTERM NA PAGSUSULIT

Enero 23/30                             ANG PANITIKANG FILIPINO SA PASULAT NA TRADISYON I
                                                Tula
                                                            Panahon ng Kastila
                                                                        May Bagyo Ma’t May Rilim – Di Kilalang Awtor
                                                                        Salita kay Hudas ni Gaspar de Belen
                                                                        Isang Tula sa Bayan ni Marcelo H. Del Pilar
                                                                        Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio
                                                            Panahon ng Amerikano
                                                                        Kalansay ni Lope K. Santos
                                                                        Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
                                                            Panahon ng Hapon
                                                                        Tren ni Manuel Principe Bautista
                                                                        Alay – Di Kilalang Awtor
                                                            Panahon ng Bagong Republika
                                                                        Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez
                                                                        Ang Burgis sa Kanyang Almusal ni Rolando Tinio
Kalookan: Balada ng Duguang Tinig ni Ruth
Elyna Mabanglo
                                                                        A Private Scar ni Sendong Makabali
                                               
Pebrero 6/13                            ANG PANITIKANG FILIPINO SA PASULAT NA TRADISYON II                                                   Maiikling Kuwento                                           
                                                            Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
                                                            Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
                                                            Naiibang Yungib ni Brigido Alba
                                                            Usok sa Mapupusok na Araw
Nobela
                                                            Ano ang laman ng Lupa? Ni Rodie Marte metin

Pebrero 20/27                           ANG PANITIKANG FILIPINO SA PASULAT NA TRADISYON III
                                                Dula
                                                            Ang Huling Hapunan – Di Kilalang Awtor
                                                            Tibag ni Carlos V. Guttierez
                                                Sanaysay
                                                            Kaiingat Kayo ni Marcelo H. Del Pilar
                                                            Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan ni Andres Bonifacio
                                                            Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto

Marso 5                                    PANITIKANG PANREHIYON
                                                Panitikan ng mga Kapampangan
                                                Panitikang Sebwano
                                                Panitikang Waray
                                                Panitikang Ilokano
                                                Panitikang Bikolano
                                                Iba Pang Panitikang Panrehiyon

Marso 12                                  Paglalagom/Synthesis

Marso 19                                  PANGHULING PAGSUSULIT


SANGGUNIAN:

Arrogante, Joey A (1991). Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Filipino. Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store

Arrogante, Jose A., et al (2008) Panitikang Filipino: Antolohiya, Binagong Edisyon. Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store

Santiago, Erlinda M., et. al (2007). Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad, Pang-Kolehiyo. Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store

Sauco, Consolacion et al (2002). Panitikan ng Pilipinas-Panrehiyon. Lungsod ng Maynila: Katha Publishing Co.


Infolinks In Text Ads

top