If Rizal is alive today, what can you say to him? Write the things that you want to say to Rizal by writing a POEM.
You poem should have at least 3 stanzas with at least 4 lines in each stanza. It can be written in Filipino or English.
The Fisher Valley College is a private Christian college in Taguig City with two campuses: the Main Campus is located at Bgy. Hagonoy and the Annex Campus is located at Phase 2, Bgy. Pinagsama. This website is created primarily for my students as an alternative experience of academic learning and as an avenue for communication utilizing the power of Internet technology.
Copyright © 2012 The Fisher Valley College
Design by Design Disease for Smashing Magazine | Blogger Templates by Blog and Web
47 comments:
Johne Rick S. Bermudo
B.S. HRM
Salamat s'yo aking magiting na bayani na si 'Rizal'
Salamat din sa lahat ng mga inalay mo para sa amin kapakanan at kalayaan
Salamat din sa iyong magandang katangian, katalinuhan at katapangan
Salamat din sa obra na iyong ginawa na Noli me Tangere at El Filibusterismo
Dahil sa inalay mo na kakayahan n ipag tanggol, kami ay nagkaisa para lumaban sa mga mananakop
Dahil din sa katapangan i-alay ang iyong buhay samin, kami ay nakalaya sa rehas na bakal
Dahil din sa iyong mga obra na isinulat, kami ay nagising na kailangan ipag laban ang karapatan ng bawat Pilipino
Dahil din sa iyong pag mamahal sa bayan, kami'y natuto na mahalin ang ating bayan na aming kinalakihan
Ngaun ang ating bansa ay malaya na sa kamay ng mga mananakop, dahil s'yo mahal kong Rizal
Ngaun ang ating bansa ay natuto na ipag laban ang karapatan ng bawat nating Pilipino, dahil din s'yo mahal kong Rizal
Ngaun ang ating bansa ay naging Demokrasya na at ipinag lalaban ito ng bawat Pilipino, dahil din s'yo mahal kong Rizal
Ngaun ang ating bansa ay nagpapasalamat s'yo sa lahat ng tulong at pagmamahal mo smin kaya kmi'y mahal na mahal nmin
Lady Anne Francisco.
BSIT
Fri, 10-1:00
"Bayani ng Lahi"
Bayani ka ngang maituturing
Sa iyong gawa at salita
Ang aming diwa
Ay iyong ginising
Nagbigay inspirasyon
Sa bawat mamamayang Pilipino
Ang bawat titik at salita na iyong binitawan
Tumatak sa aming isipan
Ikaw ang nagturo sa amin
Ng pagmamahal sa bayan
Tunay kang bayani
Na ipinagmamalaki ng ating lahi.
“JOSE RIZAL”
Ni: Jhoyce Tolentino, BSA-II
Jose Rizal ang ating kinamulatang bayani,
Mula pa noon at nagpasalin - lahi.
Siya ang nagpatunay na lahat ay nagwawagi,
Kung buo ang loob at nagpupunyagi.
Salamat sa iyong mga mapamulat na sulatin.
Dahil dito, kami'y nakakakita sa dilim.
Salamat sayo sa paglaban para sa demokrasya.
Dahil sayo, kami'y lumaya sa mga nangaalipusta.
Ikaw ang nagsabi na kabataa'y pag-asa ng bayan.
Ngunit pag-asa'y naglalaho na, dahil sa karahasan.
Kabataan ngayo'y walang pagpapahalaga sa edukasyon.
Kaya ang ating bansa ay nagiging mababang nasyon.
Kung ikaw sana ay buhay pa ako ay may hiling.
Ikaw sana'y sumulat ng modernong babasahin.
Upang magising ang natutulog na nating lipi.
At ng gamitin sa tama ang talinong kaloob satin.
Hindi masama na sa minsan ay mangarap.
Baka sakaling tuparin ng nilalalang sa alapaap.
Ikaw sana ay maging huwaran ng karamihan.
Ng lahat ay makapagsilbi sa ating inang bayan.
“JOSE RIZAL”
Ni: Jhoyce Tolentino, BSA-II
Jose Rizal ang ating kinamulatang bayani,
Mula pa noon at nagpasalin - lahi.
Siya ang nagpatunay na lahat ay nagwawagi,
Kung buo ang loob at nagpupunyagi.
Salamat sa iyong mga mapamulat na sulatin.
Dahil dito, kami'y nakakakita sa dilim.
Salamat sayo sa paglaban para sa demokrasya.
Dahil sayo, kami'y lumaya sa mga nangaalipusta.
Ikaw ang nagsabi na kabataa'y pag-asa ng bayan.
Ngunit pag-asa'y naglalaho na, dahil sa karahasan.
Kabataan ngayo'y walang pagpapahalaga sa edukasyon.
Kaya ang ating bansa ay nagiging mababang nasyon.
Kung ikaw sana ay buhay pa ako ay may hiling.
Ikaw sana'y sumulat ng modernong babasahin.
Upang magising ang natutulog na nating lipi.
At ng gamitin sa tama ang talinong kaloob satin.
Hindi masama na sa minsan ay mangarap.
Baka sakaling tuparin ng nilalalang sa alapaap.
Ikaw sana ay maging huwaran ng karamihan.
Ng lahat ay makapagsilbi sa ating inang bayan.
Ika’y walang ibang ninais kundi ang pagkakabuklod-buklod ng kapwa Pilipino.
Ang pag-asam sa muling pagbangon ng lupang pinangako.
Napagtagumpayan nga kayang nakamit?
Saan nga ba dapat magsimula upang makamit ang pinakamimithi nating kalayaan?
Ang bayang marikit na naging mitsa sa iyong buhay tila walang kinahinatnan.
Ang pag-ibig sa ating lupang tinubuan na tila’y nilimot na ng kapwa Pilipino
Ang kabataang ika nga’y Pag-asa ng inang bayan.
Nasaan na?
Ang hangad mo’y bakit hindi tuluyang makamit?
Ano pa nga ba ang iyong naging pagkukulang?
hindi nga ba’t ika’y nakipagsapalaran mula sa mga mapag-parusang kamay ng mga dayuhan?
Ngunit bakit tila ba ito’y di na alintana ng mga kapwa Pilipinong iyong pinagtanggol.
Ang kasarinlang iyong tinupad mula sa iyong pagkawala
hindi tuluyang makamit
Pagaling, Fherly F.
2nd Year 1st Semester BSHRM
Rizal’s Life and Works
Thursday 7:00am-10:00am
Jose Rizal magpakailanman,
ikaw ang dapat na tularan.
Sambayanan at kabataan,
hinatid mo sa kaharian.
Pagmamahal mo’t karunungan,
ang lumigtas sa ating bayan.
Inalis mo sa kadiliman,
pinalit mo’y kaliwanagan.
Bayani ng sangkapuluan,
buhay ay halos na nilisan.
Walang takot sa kamatayan,
makamit lang ang kalayaan.
Jose Rizal sa kalahatan,
ngalan mo’y di matatabunan.
Sa aking puso at isipan,
habangbuhay iyong larawan.
Edjamil T, Salaya
ACT-2
Ikaw na walang katulad na bayani
sandata mo'y hindi baril o itak
ni hindi gumamit ng alahas
kadakilaan mo'ywalang katapat
Sakaling ikaw ay aking makaharap
matindingdamdamin ang ibubulas
hirap ng buhay aking naranas
sana'ymay bagaykang magawa
Sa panahong tao ay magkasundo
may magawa kaya ang el filibuterismo
sa bayangiyong ipinaglaban
sino na ang totoong kalaban
mga problemang hindi malutas
sana'y ika'y muling humarap
mga pagbabagong akingpangarap
bukas sana'y aming malasap
NORGEE B. PARRENO
Friday(10am to 1pm)
If only I can turn back time, to witness what went during your time,
I will exhaust everything to gather all the answers, and so I will not mime.
I have several questions for you Rizal, Are you really a hero?,
Or simply a Filipino that rose from being hero to zero?
Everybody knows your name. They know your poems and your books,
Some even painted your face and some even put shades on your face to enhance your looks.
We commemorate annually and it is called Rizal Day,
Just like your friend Andres, who also have Bonifacio Day.
How I wish to let you see, that your you were right when you wrote, Why independence "why independence when the slaves of today will be the tyrants of tomorrow"
Less have become a hero like you, More have become greed and understanding have become narrow.
If only our leader’s have mind is like yours, then maybe we could have been more proud,
And our country could have reached the Magellanic cloud.
Last thing, I want to say to you Rizal and the rest of the gang,
That may your idea of Nationalism or Patriotism may spring in the minds of old and the young.
NORGEE B. PARRENO
Friday(10am-1pm)
If only I can turn back time, to witness what went during your time,
I will exhaust everything to gather all the answers, and so I will not mime.
I have several questions for you Rizal, Are you really a hero?,
Or simply a Filipino that rose from being hero to zero?
Everybody knows your name. They know your poems and your books,
Some even painted your face and some even put shades on your face to enhance your looks.
We commemorate annually and it is called Rizal Day,
Just like your friend Andres, who also have Bonifacio Day.
How I wish to let you see, that your you were right when you wrote, Why independence "why independence when the slaves of today will be the tyrants of tomorrow"
Less have become a hero like you, More have become greed and understanding have become narrow.
If only our leader’s have mind is like yours, then maybe we could have been more proud,
And our country could have reached the Magellanic cloud.
Last thing, I want to say to you Rizal and the rest of the gang,
That may your idea of Nationalism or Patriotism may spring in the minds of old and the young.
Rodel G. Paron
BSIT
isang bayaning manunulat,
ang nag imprenta ng iba't ibang aklat,
para tulungan ang pilipinas na mamulat,
para sa kanyang bayan na ang kalayaan ay sinalat.
sa kanyang aklat na noli me tangere at el filibusterismo,
buong lahi ang nakaramdan ng nasyonalismo,
ginamit ang kaalaman at talento sa pagsusulat,
para ipaalam sa pilipinas ang pang aabusong nagaganap,
para sa kalayaang ating tinatamasa,
ating ipagbunyi si Rizal na siyang nag alsa,
gamit ang panulat at papel sa kanyang pakikidigma,
kalayaan at karapatan ay kanyang ipinadama,
si Rizal na siyang bayani ng buong bayan,
ating bigyang halaga ang kanilang pagkamakabayan,
sapagkat tayo ngaun ay malaya,
dahil sa mga bayaning pinaglaban ang kapwa sa pangungutya,
Rodel G. Paron
BSIT
isang bayaning manunulat,
ang nag imprenta ng iba't ibang aklat,
para tulungan ang pilipinas na mamulat,
para sa kanyang bayan na ang kalayaan ay sinalat.
sa kanyang aklat na noli me tangere at el filibusterismo,
buong lahi ang nakaramdan ng nasyonalismo,
ginamit ang kaalaman at talento sa pagsusulat,
para ipaalam sa pilipinas ang pang aabusong nagaganap,
para sa kalayaang ating tinatamasa,
ating ipagbunyi si Rizal na siyang nag alsa,
gamit ang panulat at papel sa kanyang pakikidigma,
kalayaan at karapatan ay kanyang ipinadama,
si Rizal na siyang bayani ng buong bayan,
ating bigyang halaga ang kanilang pagkamakabayan,
sapagkat tayo ngaun ay malaya,
dahil sa mga bayaning pinaglaban ang kapwa sa pangungutya,
May ann Campos
BSE-Eng2
Oh aking idolong Jose Rizal ako sayoy napahanga
sa taglay mong galling at talino’t husay sa lahat nang bagay
Na iyong ipinamalas saiyong buhay
Lahat nang iyong ginawa’y aking tiningala at dahil sa iyong ginawa
Ako’y napabilib saiyong talinong taglay at
Saiyong mga Tula at nobela ay walang makakapantay
Kahit ikaw man ngayon ay patay para sakin mananatili kang buhay
Sapagkat saiyong mga ginawa lahat nang itoy nakaguhit na saating buhay
Saiyong mga ginawa sa ating bansa akoy napaluha
ngunit sa luhang itoy hindi lungkot kung di galak
sapagkat buhay moy iyong inalay para sa ating bansa
iyong mga sulatin ay akin nang tiningala sapagkat ikaw lang ang tanging may kayang gumawa
kayat gat Jose Rizal ako sayoy mananatiling humahanga hanggang sa aking huling hininga
sapagkat buhay mo ay iyong inalay para sa ating inag bansa
kaya dapat kang purihin at bigyang karangalan sa iyong mga ginawang natatangi at ikaw lamang ay may kayang makagawa.
JR LAGGUI
BSIT-2
Sa iyong tunay na pagmamahal saating
bansa buhay moy iyong ibinuwis
Alang-alang saating bansa lahat ay iyong giniba
sa pamamagitan nang iyong talinong wala sa iba
iyong diskarte sa buhay ay aking hinahangaan
dahil naabot mo ang iyong pangarap sa iyong pag susumikap
para saakin ikay walang katulad daig mu pa si Batman at ispayderman
kahit silay may kapangyarihan ako sakanilay hindi mabibilib
dahil hindi naman ang kanilang buhay ang kanilang inalay
bagkus angkanilang kapang yarihan
ngunit sakabila nang aking paghanga saiyo akoy natutuwat nagagalak sapagkat
ikay tinitingala saiyong mga ginawa at maraming tao ang saiyoy napahanga
pinangarap kong maging isang katulad mo,
ngunit kahit anong gawin ko hindi ko maabot ang mga bagay na naabot muna sapagkat akoy mahinang klaseng tao lamang
ngunit ako pari’y nananatiling nangagarap na maabot ko kahit konti lang nang mga naabot mo
ikaw ay talagang isang kahanga-hangang nilalang.
Saiyong pagkamartir para sa ating inang bayan akoy napahanga sapagkat inalaymo ang iyong buhay sa bans among sinilangan.
Akoy Masaya dahil sa akin ikaw ang aking natatanging idolong bayani
Kalian may hindi ito magbabago.
Guilaran,Roselyn G.
BSIT-II
Friday 10:00-1:00
Salamat Dr. Jose Rizal
Namulat ka nang ginarote ang Gom-Bur-Za;
Dahil sa iyong pagsusumikap
Kaya nabuo ang Kilusang Propaganda.
Sa salita’t sulat, giit mo ang reporma
Ngunit nagtengang-kawali lang ang España.
Gayunman, simulain mo ay ‘di nabigo;
Hinangad mong katarungan at pagbabago
Tinanganan, isinigaw ni Bonifacio:
Napuno ang salop, dibdib ng Pilipino.
Kami ngayong mga anak ng lalawigan
Parangal sa iyong kadakilaan at pangalan;
Gagawin tuwina ang pinakamainam
Upang itanghal ka sa rurok ng pedestal.
Nabuwal ka man din ng punglo sa Luneta
Nabuhay ka naman sa puso at gunita.
Kaya kami nagpapasalamat sa iyong kadakilaan,
Demokrasya ng bayan aming nakamtam.
Hameda S. Manalasal
BSIT-2
Fri(4-7)
Ang pagiging bayani’y di paghihirap,
Pagbuwis ng sariling buhay di sapat,
Simpleng tulong at sa pagpasaya’y,
Munting daan sa pagiging makabayan,
Mahalaga ang gamit ng ating wika,
Pagmamahal sa wika ay makabayan,
Rizal, dapat saluduhan at tandaan,
Pagmamahal sa wika’y kanyang ginawa,
Kanyang talambuhay ay dapat alamin,
Sulat at gawa’y dapat gawing salamin,
Bukal sa puso na pag-aaral ay gawin,
Pagnilayan kanyang buhay at gawain,
Sarili’y di inisip, baya’y inuna,
Ginising diwa ng tulog na bayan,
Upang mga ginawa ay maging batayan,
Dahil kabataa’y pag-asa ng bayan,
Salamat sa iyo para sa iyong kabutihan sa ating bansa,
Hindi kailanman malilimutan ang iyong mga nagawa,
Kayo ay isang bayani na dapat tularan ng bawat mamamayan,
Hinding hindi ka namin makakalimutan..
Beryl T. Matiga (Tue 7-10)
BSCS II
as the light of darkness approaches and the sun appears,
your heart is filled with sadness and your eyes are filled with tears.
the memories of your's and the nights that you shared
Are replaced with inspired and the thought of how you cared our rights.
owh Jose Rizal our saviour, who gave us hope
like a little "Angel" came to our earth
you gave only love ,that dont ever forget the love u brought.
Your braveness and the lessons u brought
its hard losing someone who give love and freedom
But thank you God, for my Angel who has gave us freedom
geralyn pesquera
bsit-2
fri/10:00-01:00
You have a knowledge
That leads to filipinos people
To unite and be brave,
For the future of life their.
You gave us strength to stand,
And to fight our right to our motherland
You give us hope and have a faith for God
For our life is in good.
Thank you for your kindness to our country,
Never forget your achievements,
You're a hero who must emulate of every citizen,
Absolutely we cannot forget you...
Rebutazo.E
Jose Rizal sa taglay mong katapangan
Dapat lang na ikaw ay pasalamatan
Pagkat ginamit mo ang iyong talino
Upang sugpuin ang may masamang motibo
Maraming natutuwa sa iyong paggiging matiyaga
Matulungin at maalalahanin sa kapwa
Ang taong tulad mo’y isang magandang halimbawa
Di lang sa mga bata at maging sa nakakatanda.
Kung lahat ng tao’y ganito ang ugali
Yaman ng bansa ay mananatili
Lungkot lang ang nadarama
Sapagkat sa iyo’y walang gumaya.
Bihira na ngayon ang taong tulad mo
Na may pagmamahal sa bayan
At handang lumaban kung kailangan
Sa pamamagitan ng pagsulat sa katotohanan
Pagkat ayaw mo sa madugong paraan.
Nais kitang pasalamatan
Sa iyong katapangan
At labis kitang hinahangaan
Pagkat ikaw ang siyang tunay na nagmahal sa bayan.
Natividad,Leana
BSIT-2
(Friday/10:00-1:00)
Bayaning Tunay
Bayani ka nga na maituturing,
Dahil sa iyong talino at galing.
Ito’y nakikita sa iyong mga likha at gawa,
Na nakatulong sa iyong kapwa.
Gayun man sa simula ay mahirap,
Pero dahil sa tiyaga kalayaan ay aming nadama.
Sa iyong katapangan na ipinakita
Mga espanyol ay humanga,
Kaya bayani ka talagang tunay ,
Kung wala ka bayan natin mistulang alipin,
Sa mga espanyol na naghahari,
Iyong napigil.
Alindoy,Michelle
BSIT-II
FRI(10-1)
Jose Rizal na aming bayani,
Inspirasyon sa aming nakararami,
Pangarap mo'y pilit na minimithi,
Para sa bayang sinisipi.
Ikaw ang simbolo sa kalayaan,
Ang nagtanggol sa ating bayan,
Ang bumuo sa pagkakaisa ng tanan,
Nararapat ka pasalamatan.
Ang larawan ng iyong kadakilaan,
Sa nobela ng ating kapayapaan,
Sa mensahe ng ating Kalayaan,
Nasa iyong puso nais na nilalaman.
Nagsisilbi kang inspirasyon sa aming lahat,
Pagkabayani mo'y nararapat,
Pag alala sayo ay di sapat,
Kundi ipagpatuloy ang labang tapat.
Cayleen Edem
BSIT-II
Oh! Rizal aming kalayaan
Nagbigay buhay sa aming bayan
Na naging sanhi ng kanyang kamatayan
Kya kami ngayo'y may kalaayaam.
Rizal pinagbunyi ka
Tapat at marangal pa
Maprinsipyo sa kanyang likha
Rizal namin, ikaw na !
Sa iyong katapangan kami'y
nakawala
Sa rehas ng puno ng sawa,
Daig pa namin ang pinag-aalipusta
Sa iyo'y kahapo'y kami'y guminhawa.
Rizal ko, Rizal mo, Rizal nating lahat!
Ang bayaning nagsilbi at nagpahalaga sa nayan ko.
na aking hinahangaan ng husto at buo
kaya nararapat lang na ika'y mahalin ko.
Lumaad,Hazelyn
BSIT-2
Fri(10-1)
"Idolong Tunay"
Gusto kong iparating sa iyo
ang aking pasasalamat,
Ika'y aking hinahangaan,
sa iyong tunay na katapangan.
Nais kong sabihin sa iyo
Isa kang huiwarang totoo,
Hindi nagdalawang isip
Maipagtanggol lamang mga pilipino.
Walang kinatakutan,
Walang kinailagan,
Ang inisip lamang
Ay ang kalayaan.
Sa iyong mga nobela
Ika'y nakilala,
Walang duda,
Ika'y idolong tunay.
Jazzen C. Alas
BSIT-2
"MANONG RIZAL"
Manong Rizal ako ay sa iyoy namangha
Mga espanyol sa iyoy natulala
Sapagkat sa talino mong taglay
Ikaw ay nahirang na isang bayaning tunay
Sa tinik mo sa Chicks akoy napailing
Silang sayoy haling na haling
Dahil ang tangi kong hiling
Ay makapg paibig din ng maraming babaeng sakin ay haling na haling
Sa katapangan mo akoy namangha rin
Sapagkat malalaking tao ay kaya mong banggain
Ikay walang takot kahit ikaw ay patayin
Kaya kaw manong Rizal kaw lamang ang iidolohin
Kung ikaw Manong Rizal nandito
Kaya mong lunasan lahat ng problemang ito
Sapagkat korupsyon ay kinapopootan mo
Kahit mataas na tao ay titibagin mo
"ANG ITATANONG KO LANG SAYO"
Mahigit isang daan at limampung taon na ang nakalipas,
Ang kasabihang ito'y wala paring kakupas-kupas,
Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan,
Ang itatanong ko lang sayo ngayon, kaya mo pa bang panindigan?
Pito sa sampung kabataan ang naliligaw ng landas,
Tatlo lang sa kanila ang iniisip ang magandang bukas,
Mga kabataang sa halip ay nasa paaralan at nagbabasa ng libro,
Subalit ngayon makikita mo saan mang kanto naghihithit ng sigarilyo.
May pag-asa pa kaya ang mga kabataan ngayon?
O pangaral mo'y kanila nalang itatapon,
Ang itatanong ko lang sayo,
Kasabihang nilikha mo, iyo pa bang ipagtataas noo?
MARA CLEA ARCANGELES
BSIT-II
Dakilang PEPE
Ikaw na aming Bayani na hindi kailanman natakot.
Ikaw na sa ami'y ibinigay ang iyong sariling buhay
Makamit lamang ang Kalayaan na ating Bansa
Ikaw na naging gabay para kami ay lumaban
Maging matatag at may dignidad yan ang iyong naituro nya
Isa sa pinagmamalaking asyano nang Asya na aming ikinasisiya
Sya na nagbigay nang inspirasyon upang ating matanto
Na ang bawat Pilipino ay may kakayahang maging isang tulad mo
Kami ay malugod na nagpapasalamat sa lahat nang iyong mga Sakripisyo
Habang buhay nang bawat Pilipino maaalala ang iyong kadakilaan PEPE.
Isa kang napaka-magiting at may paninindigang tao.
Hindi kailanman namin ipagpapalit ang aming Kalayaan na iyong pinaghirapang Abutin.
Ana Deborah B. Guerrero BSIT (main campus)
Submitted by:
GRACE S. SOLANA
POEM for RIZAL
You are a hero of word,a hero of writings
You are a hero of art,and that's the thing
A role model,a hero of victory
And we look up on you so highly.
Rizal through your ways we've experienced freedom
Although we can't deny that criticisms are given by some
Hail great Rizal you are so brave!
and because of that we are no longer enslaved.
I must admit I don't know you very well
But a lot of things people do tell
About your works and about your life
We are so lucky but I know that didn't not end our daily strife.
So for that Rizal I look up to you
I respect you in everything you do
Thank you for giving us this privilege to enjoy a normal life
I can sleep normal at night,I can do what my heart desires-
with the proper light.
Vanessa Javier
BSIT-II
Bilangguang Pulitikal
Mundo nya'y umiikot sa apat na sulok,
Buhay pa ay unti-unti nang nabubulok;
Hinusgahan na 'sing talim ng isang gulok,
Dahil sa kanyang mapanuligsang himutok.
Nagigising sya pag sapit ng dapit hapon,
Upang sariwain maalab na kahapon;
Nung kanyang hinagpis ay di pa nilalamon,
At dahil sa talas ay hinusgahan ngayon.
Buong pagkatao man niya ay nakapiit,
Puso't damdamin na may di kayang maipit;
Pinayuyko man ito ng buong pilit,
Apoy ay di huhupa anumang hagupit.
Mascariñas, Lourdes P.
Thursday 7-10am
(cross-en)
BAYANI HABAMBUHAY
O Rizal,
Ika'y lubos kong hinahangaan,
Kabayaniha'y pinairal upang maisalba,
Yaring bansang nasadlak sa dusa.
Makawala lamang sa pagkakagapos,
Pluma ang siyang isinulong
Sa hirap at paghihinagpis,
Yaring bansang naghahapis.
Mga kabataa'y pinangaralan,
"Ang kabataan ang pagasa ng bayan"
Ang 'yong mga akda'y tumatatak sa'ming isipan
Pagka't alaala mo Rizal ay mananatiling buhay sa aming diwa
Rose Anne O. Pereira
BSCS-II
O Rizal aming bayani
Naging matapang at tapat sa lahat ng oras,
Naging inspirasyon ng mga mamamayang pilipino
At ipinaglaban kung ano ang totoo.
Simpleng estudyanteng nangarap
Gumawa ng paraan upang umunlad,
Nag-aral ng mabuti at nagsumikap
Hangang mga pangarap niya'y matupad.
Ikaw ang naging pinuno ng Bayan,
kaya marapat lamang ika'y pasalamatan
Tunay na dakila sa lahat ng mandirigma
Si Rizal lamang ang may paninindigan.
Meldrid Prugelio
BSIT-II
Someday of time
Someday the truth
someday the mules
thus right before miles
May go to success.
Man who knows the truth
Man who gets rid todent
Man would be man
To prophesy that he is a destiny.
Thus the promise be nothing
For the time that vanished
For what man differ his own death
can be broken like an arrow.
Ma. Catherine Go
BSIT-II
" KAHANGA- HANGA ”
Kahanga-hanga ka Rizal,
Isip at talino sadyang kahanga-hanga,
Bawat bigkas ng tulang inalay sa bayan,
Sadyang walang katulad,
Kahanga-hanga ka talaga,
Na kaming mga kabataan ay pag asa ng bayan,
Salamat sa inspirasyon na yung inalay,
Ako na isa sa mga kabataan iyong nabanggit,
ay nagising sa katotohanan,
Kahanga-hanga kang lubusan,
Tinta na pang sulat ang naging sandata,
Mga tulang nagawa ang gumising sa bayan,
Kahit buhay ay iaalay para sa bayan,
Kaya nararapat lang na ikay kahangaan.
De Guia Maricel S.
BSHRM 2
Akoy humahanga sa yong katapangan,
isa kang tunay na bayani,
nitong ating munting bayan;
modelo kang tunay saming kabataan;
dapat kang tularan,
sayong kabutihan;
pinamalas na kabayanihan'
di mapapantayan,
sanay marami pang Rizal sa mundo;
na handang magtanggol;
sa aming mga indio,
salamat sa iyo munti naming HERO'
harold peter q medina
bshrm
oh aking isang magitng na bayani,
akoy nag papasalamat sayo na marami,
natulungan at kung hindi dahil sayo,
hindi kame magigising sa katotohan,
at na tuto kame na sa kapwa pilipino,
at tinuruan mu rin kame na tumayo sa
ating bansa a kinagisnan
at kinalakihan, sabe bansa mo to
sabe mo saiyong isipan akin
to walang dapat manakop sa,
ating bansa at walang pwedeng,
kumontrol sa ating bansa kung hindi,
tayong mga pilipino lamang,
ikaw at ang mga magulang,
tinuring konang mga kamaganak,
at akoy nag papsalamt sa iyo,
kase sa mga isinulat mo na gusto mung,
ipahyag saating mga pilipino ay upang,
ipaghiganti natin ang mga nasawi mga,
katipunero na pinahirapan ng mga espanya
ang iyong iniwang bayan ay tia nawalan
na ng pagasa pero sa mga iniwan,mung
lengguwahe itoy pinalahagahan ng mga
pilipino akoy muling nag papasalamt,
sayo dahil marame akong na tutunan,
sayo ng mga ginawa mung libro itoy,
isang alala na iniwan mo doktor,
jose rizal akoy nag papaalm sa inyo,
Arabel May Razal
BSHRM-2
Ako'y nag papasalamat sa iyong nagawa
para sa ating minamahal na bansa.
Ako'y lubos na humahanga sa iyong
kagitingan, katapangan na iyong
ipag laban ang ating bayan.
Ika'y lubos na pinag pala ng Diyos
na binigyan ng likas na katalinuhan.
salamat sa iyong mga nobela na nagiging
inspirasyon namin sa araw araw naming
pamumuhay.
Laha ng iyong ginawa para sa ating
bayang sinilangan ay hinding hindi
namin ibabaon sa limot. iyong mga
ay dapat tularan ng bawat isa.
Salamat! ika'y hindi namin malilimutan.
MARIO Z. RECEDES JR
BSHRM 2
DR.JOSE RIZAL ikaw ang aking idolo,
Sapagkat ikaw ang ngbigay ng kapayapaan
Sa ating bansa ikaw din ang aking natatanging bayani.
Salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa ating bansa.
Salamat sa tapang at lakas ng loob na ipinamalas mo
Di ko sasayangin ang mga nasimulan at inalay mo
Upang maging isang malaya ang ating
Bansa ikaw din ang ngbigay ng kapayapaan maraming salamat.
Salamat din dahil ikaw ang inspirasyon ng mga makabagong
kabataan ng ating henerasyon hindi
Matatawaran ang iyong kagitingan
Marming salamat din sa mga nobela na tumatak sa aming isipan.
Hinding hindi namin eto malilimutan
kahit pa sa aking huling hantungan
kami ay taas noong nagpapasalamat sayo
hindi sapat ang magpasalamat lang sa mga na iambag mo sa ating bansa.
Itinguyod mu din ang wikang pilipino sa ating mga kababayan
kahit alam natin na ang ingles ang pinaka tanyag na lingwahe
salamat sayo mabuhay ang mga filipino at si DR.JOSE RIZAL
Mahal ka ng smbayanang filipino.
Hernia, Riza N. BSIT
Iniidolo kita
Oh! Rizal ako'y iyong tagahanga
Sa galing mong sumulat
Ako'y napahanga
Nobela mong kay haba
Tila ba ako'y natulala
At sa ganda ng iyong mukha
ako'y lalong namangha
Dahil lahat ng mga babae
iyong napariwala
Sa mga kwento at tula
na napakatalimhaga
Ang masasabi ko ay
iniidolo kita Ginoong Jose Rizal
Perez, Allan T.
BSCS - I
Dr Jose Rizal,
Sya ang matapang kilalang henyo sya'y sikat sya ay mananatiling bantog sa buong mundo.kung ikaw ay isang Filipino, Sya ay nagig malaking bahagi ng Philippine history.
Ang Pambansang Hero Ng Pilipinas, Bilang isang bayani, ang kanyang buhay ay kailanman mananatiling mapagtatalunan kahit na pagkatapos ng kanyang kamatayan. Siya ay namatay para sa kanyang bansa sa Pilipinas at gusto kong naniniwala na siya ay nanatiling isang Katoliko Romano hanggang sa kanyang huling hininga.
Kung siya ay buhay ngayon, Ito ay tiyak na may gagawing siya ay magsulat tungkol sa katiwalian sa kawalan Ng kaalaman sa pamahalaan. Gusto niya magsulat tungkol sa pang-aapi ng kahirapan. Mahusay sya magsulat tungkol sa matinding kirot at pag aapi at kahirapan. Siya komento sa pangingibabaw ng Iglesia at ang kanyang impluwensiya sa kung paano ang mga Pilipino ay nakatira ang kanilang mga pang-araw-araw na buhay.
Garganera, Katherine C.
BSA-II
“Bayani ng perlas ng silangan”
Ang bayaning nagtanggol sa ating bayan,
Na nagbigay ng kalayaan at di malilimutan.
Ang gumising sa kamalyan ng bawat Pilipino,
Upang ipagtanggol ang bansa sa kahit na sino
Pluma ang kanyang ginamit na sandata,
Laban sa mga espanyol na walang awa.
Sinuway ang utos ng alagad ng simbahan,
Ngunit utos ng panginoon ay di nalimutan.
Rizal, bayani ng prelas ng silangan,
Inialay ang buhay sa mahal niyang bayan.
Nagsisilbing inspirasyon sa ating kabataan,
Na mahalin, ingatan, at ipagtanggol ang Pilipinas na ating bayan.
Garganera, Katherine C.
BSA-II
“Bayani ng perlas ng silangan”
Ang bayaning nagtanggol sa ating bayan,
Na nagbigay ng kalayaan at di malilimutan.
Ang gumising sa kamalyan ng bawat Pilipino,
Upang ipagtanggol ang bansa sa kahit na sino
Pluma ang kanyang ginamit na sandata,
Laban sa mga espanyol na walang awa.
Sinuway ang utos ng alagad ng simbahan,
Ngunit utos ng panginoon ay di nalimutan.
Rizal, bayani ng prelas ng silangan,
Inialay ang buhay sa mahal niyang bayan.
Nagsisilbing inspirasyon sa ating kabataan,
Na mahalin, ingatan, at ipagtanggol ang Pilipinas na ating bayan.
Elvyra Garma
BSHRM
Akoy humahanga sa iyong
kagitingan at katapangan
Akoy namamangha sa iyong katalinuhan
at kahusayan sa larangan
ng pagsusulat ng mga nobela
Sadyang biniyayaan ka ng panginoong dyos
ng isang napakahalagang talento
na naipamahagi mo sa ating bansa
Isa ka talaga sa napakahalagang tao
sa ating bansa
ang iyong kagitingan ay hindi namen malilimutan
Sadyang napakatapang mo at napakasipag
Iniidolo kita Ginoong Jose Rizal
sa iyong nabahagi sa ating bansa
Renato A. Punzalan
Rizal lifes and Work
BSA-ll Tues.7-10
Jose Rizal
Wala akong masabi sa iyong angking galing
Dunong at kaalaman ay sobrang galing
Dapat kang tularan at idolohin
Ng mga kabataan dapat na tanghalin
Mga sinulat mong gumising sa damdamin ng bayan
Salamat Rizal kalayaan ng bayan ay nakamtan
Dahil sa angkin mong talino at malasakit sa bayan
Mga Filipino ay nagkaroon din ng paninindigan
Sa aking sarili lagi kang naaalala
Mga maling gawa na aking nakikita
Lalo na sa lansangan , mga tao’y walang disiplina
Kung nabubuhay ka pa tiyak na may puna
Kaya ikaw Rizal ay aking iniidolo
Sa iyong prinsipyo at sa’yong pagkatao
Sayang nga lang at may ibang tao
Na hindi naaalala ang iyong sakripisyo.
JENELYN BARJA BSE
ANG AKING BAYANI
Doctor Jose Risal ang aking bayaning hinahangaan,
Hindi ko man nasilayan ang iyong kapanahunan,
Nandito ka naman sa aking puso't isipan,
Talino,tapang,mga kamay,panulat ang iyong panlaban,
Sa mga mapangapi,mga kastila na walang puso,
Hindi man lang nanlulumo sa pagdanak ng dugo,
Sa mga kawawang nilalang na atin pang ninuno,
Hindi man lang nangimi,mga ganid,pananakop ang panibugho,
Salamat na lang sayo Gat Jose Rizal,
kami'y isinalba,sa mga kaaway,
kapalit nga ng iyong buhay,
maalamat nating buhay,ikaw ang umagapay,
Sadya bang ang kalayaan ay magbuwis pa ng buhay,
madaya nga bang mabuhay sa panahon mo Rizal?
Taghoy mo sana ang pumuno ng aral,
Pinoy nawa'y di lumimot ikaw laging isabuhay,.
Rowena Munoz BEED
DAKILANG BAYANI
BAYANING WALANG KAMATAYAN,KADAKILAANG MAALAMAT,
SUMUNGAW KA MULA SA BANGIN NG LIBINGAN,
NA KINAHIHIMBINGAN MO SA
MALUWALHATING PANGARAP,
HALIKA!ANG PAGIBIG NAMING PINAPAGLIYAB NG IYONG ALAALA,
MULA SA MADILIM NA WALANG WAKAS AY TUMAWAG,
SA IYO UPANG PUTUNGAN NG MGA BULAKLAK ANG IYONG GUNITA,
MATULOG KANG PAYAPA SA LILIM NG KABILANG BUHAY,
TAGAPAGLIGTAS NG ISANG BAYANG INALIPIN,
HUWAG ILUHA,SA SA HIWAGA NG LIBINGAN,
ANG SANDALING TAGUMPAY NG MGA KASTILA,
PAGKAT KUNG PINASABOG MAN ANG UTAK MO NG ISANG PUNGLO,
ANG DIWA MO NAMA'Y GUMBA NG ISANG IMPERYO!
LUWALHATI KAY RIZAL!ANG NGALAN NYA'Y KABANALBANALAN,
NA PARANG SUNOG SA TABOR NA INAPOY,
SA TALINO NG PANTAS AY ILAW ANG KAISIPAN,SA MARMOL AY BUHAY,AT SA KUDYAPING KUNDIMAN,
RICHMOND A. CARABLE
BSHRM_II
SALAMAT"
Salamat aming bayani
ikaw ang aming magsisilbing model.
dahil sayo kabutihan ikaw ay aming
pinararangalan.
ANg bayaning si jose rizal
ay isang insperasyon ng bawat kabataan
at ang kanyang pangalang rizal ay isang simbolo ng ng isang malayang bansa para sa isang taong nangangaap na bansa.
Salamat sa iyo para sa iyong kabutihan sa ating bansa,
Hindi kailanman malilimutan ang iyong mga nagawa,
Kayo ay isang bayani na dapat tularan ng bawat mamamayan,
Hinding hindi ka namin makakalimutan
hero ko si rizal.
Andriano, Bonelita A.
Bshrm-III
Thursday 7-10
"Paghanga ko sayo Rizal"
Jose Rizal idolo ka ng sambayanan
Taglay mong kakayahan, pambihira lamang
Isa kang dalubhasa sa lahat ng bagay
Maraming talentong galing sa Diyos,
sa iyo ibinigay.
Mahal ka ng lahat, dahil mabuti kang ganap
Sa dami mong kakayahan, lagi kang hinahanap
Taguring pambansang bayani; sayo nga nararapat
Sambayanang Pilipino sa iyo nagagalak.
Rizal dahil sa katanyagan mo
May relihiton nang Rizalismo
Sinasamba na ang katulad mo
Sa sobrang pagmamahal nila sayo.
Tunay ngang kilala ka sa mundo
Kahit sa ibang bansa, ginawan ka ng monumento
Dalangin ko'y dadami pa ang tulad mo
Upang ang lahi mo'y gawing ehimplo.
Queen Rose Solis
BSIT-II
Patuloy sa pag-ikot ang ating mundo,
patuloy din ang dating ng pagbabago,
Tila ba tayo'y may nakaligtaan,
Sandaling huminto,tinig niya'y pakinggan.
Oh JOse Rizal,
Nais kong iyong malaman,
Na ika'y aking hinahangaan,
Sa ginawang kabutihan para sa ating bayan.
Marami akong natutunan,
Tungkol sa iyong pinagdaanan,
Sana mamulat sa katotohana,
ang sino mang makasalanan.
Claudine Lopez
BSBA -II
Si Rizal na ating bayani
Na dapat nating ipagmalaki
Ipinamalas ang kanyang kagitingan
Upang makamtan natin ang ating kalayaan
Kaypalad ng ating bayan
Sa pagkat sya ang ating bayani
Dapat natin syang pasalamatan
Sa kanyang mga ginawa
Upang tayo'y maging malaya
Sa kamay ng mga banyaga
Oh aking bayani
Bayani ng ating lahi
Salamat sa iyo
at ngaun ay malaya ako
Habang buhay kang mananatili
sa aming mga puso.
Post a Comment