PORMAL NA PAGBUBUKAS NG BUWAN NG WIKA 2011, sa Malacañang gagawin

Pinagkunan: http://kwf.gov.ph/?p=1487



Ang programa sa pagpupugay sa watawat na nakatakda sanang idaos sa araw na ito (Agosto 1) sa Mabini Grounds, Malacañang ay ipinagpaliban dahil sa masamang panahon at itinakdang ganapin sa susunod na Lunes,  ika-8 ng Agosto 2011.

Magsisilbing hudyat ng pormal na pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito ang programa sa pagpupugay sa watawat.
Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangangasiwa ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ang maikling palatuntunan sa darating na Lunes, Agosto 8 na inaasahang dadaluhan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr., panauhing pandangal sa naturang okasyon at ng ilang opisyal ng Malacañang.

Ang sabayang pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ ay pangungunahan ni Dr. Miriam P. Cabila ng Sangay ng Leksikograpiya at susundan ito ng panalangin na gagampanan ni Bb. Maria Theresa P. Putungan ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon.

Ang Panunumpa sa Watawat ay pamumunuan ni G. Jomar I. Cañega ng Sangay ng Leksikograpiya na kaagad susundan ng pagpapakilala sa panauhing pandangal at mensahe ni Punong Komisyoner Jose Laderas Santos ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Isang maikli subalit masustansiyang mensahe ang inaasahang ibabahagi ni Executive Secretary Ochoa sa mga dadalo sa naturang pagtitipon.

Ang huling bilang ng palatuntunan ay ang pag-awit ng ‘Pilipinas Kong Mahal’ na pangungunahan ni Gng. Florencia C. dela Cruz ng KWF na inaasahang sasabayan ng mga dadalong panauhin na kinabibilangan ng mga opisyal at kawani ng Tanggapan ng Pangulo, Komisyon sa Wikang Filipino, at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay alinsunod sa Atas ng Pangulo ng Pilipinas, Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.

AgostoMga Programa
1Pagpupugay sa Watawat at Pambukas na Palatuntunan
Panauhing Tagapagsalita: Executive Secretary Paquito N. Ochoa
Malacañang Grounds, Maynila
12-13Pambansang Worksyap sa Filipino: Wikang Filipino sa Ika-150 taon ni Rizal
University of Perpetual Help-Rizal
Angono, Rizal 
13Forum Pangwika
Philippine Information Agency Auditorium
Visayas Ave, Diliman, Lungsod Quezon
14Araw ng Pagkatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino
1610 Gusaling Watson, J. P. Laurel Street
San Miguel, Lungsod Maynila
19Gawad Sagisag Quezon 2011
Panauhing Pandangal, Pangulo Benigno Simeon C. Aquino, III
Heroes Hall, Palasyo ng Malacañang
Lungsod Maynila 
Pag-aalay ng Bulaklak at Paggunita
Araw ng Kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon
Quezon Memorial Shrine,
Lungsod Quezon 
30Kumperensiyang Pangwika
Bayview Park Hotel
Roxas Boulevard
Lungsod Maynila
31Pampinid na Palatuntunan
Gawad Dangal ng Wikang Filipino
Gawad Komisyon sa Sanaysay
Bayview Park Hotel, Roxas Boulevard
Lungsod Maynila

1 comments:

mycca ysabel b.mortel bs hrm.. 1yr said...

1.
*maki sama sa ka grupOh waG ma sydonG masungiT
*waGg sumukOh sa lhat ng pag suboK na dumatIng sa ating bhay
*gawiN moh lhat ng makakaya moh pra makamit mOh ang iyong tagumpay sa buhay
* maging mcpag upang umunlad
* mgaral ng mbuti para umunlad sa buhay

2. para po sken ndi aq sumasang ayon sapagkat mas mhirap iintindihin ang alibata noong panahon kesa ngayon sa ating alpabeto

3.* ang mga bata ay naglalaro
*makukulay ang mga bulaklak
*ang mga kababaihan ay kumakanta
* ang bata ay sumasayaw
* ang aming paaralan ay maganda

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top