Takdang Aralin Bilang 3 sa Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina



Gumawa ng sariling tula. Ito ay maaaring may sukat at tugma o wala. Pagkatapos, bigyan ito ng pagpapaliwanag.

22 comments:

Anonymous said...

Gela Faith N.Cortado BSA1

Pangarap na Paraiso

Sa ating mundo'y walang pag-agam-agam na masasabi natin
Sa sting mga sarili na tayo'y sadyang napapagod.

Napapagod sa mga bagay na sadyang hindi natin alam kung
saan hahantong ang buhay.
Napapagod sa ating mga sarili sa paggawa ng walang kabuluhang
mga bagay.
Napapagod sa bawat sandaling nagdaraan.
Napapagod sa halos lahat ng bagay.

Minsan,sa sobrang kapaguran,
Sarili'y ating napapabayaan,
Minamahal natin'y nasasaktan,
Kapaligiran'y walang kaayusan,
Diyos,ating nakakalimutan,
Kaibigan'y nagkakasiraan.

O,Buhay...Ano ba ako sa mundo upang mabuhay?
Isang pangarap na paraiso,aking minimithi.
Isang buhay na mapayapa at masaya.
Aking inaasam-asam.

Sadya kong hinahanap-hanap ang tunay na kahulugan ng buhay.
Ngunit hindi ko matarok ang kahulugan nitong buhay.
Hindi ako nagtagumpay.

Ako'y walang lakas upang gawin ang lahat.
Ako'y bigo at walang sapat na kakayahan.
Ako'y tila hinahampas ng malakas na hangin na tumatangay
sa akin mula sa aking pagkakakapit.

Aking pagtitiwala sa Diyos,ay unti-unti nang nawawala.
Kagandahang-asal,tila naglalaho na.
Kasamaan at tukso,sa akin ay umuusig pa.

Pamilya't kaibigan,unti-unting nawawala at naglalaho sa aking
buhay.

O,Paraiso...Kailan kita makakamtan?

Pangarap na Paraiso-Ito po ang napili ko pong pamagat ng aking tula.Ito ay walang saknong at tugma.Ito po ang napili ko pong pamagat dahil lahat naman tayo'y nangangarap na magkaroon ng masayang buhay,mapayapa at makabuluhang buhay dahil sa Paraiso matatagpuan ang tunay na kagandahan ng buhay.

Anonymous said...

Jayar Custodio
BSA 1
SA 7:00-8:00/4:00-6:00

Mahirap Magtiwala
-Jayar Custodio

Masaya ang madaming kaibigan
Naglalaro,kumakanta at nagsasayawan
Hindi iniisip ang mga problema
At ayun ang pananaw ko nung ako ay bata pa

"Traydor" ayan ang nagpabago sa lahat
Ang tiwala ko sa lahat ay nasira
Mahirap palang sobrang magtiwala kahit kakilala mo na
At tiwala ang pinakamahirap ibalik sa oras na ito'y nawala na.

Ngayon ako'y nasa tamang edad na
Nalaman ko na rin na pumili ng kaibigan
kaibigan na handang samahan ako sa lahat ng problema
At higit sa lahat hindi yung sa huli iiwanan ako at traydorin.


- ito ay nagpapaliwanag na kahit sobrang kilala mo na yung isang tao darating din ung point na minsan kelangan pagsinungalingan ka at traydorin pero wala naman kc perpekto dbah??
ito ay katulad ng "YOU CAN TRUST BUT DONT EXPECT TOO MUCH" na sinulat ni kingsrebel ito ay isang katotohanan at parati sana nating isaisip at tatandaan..

Anonymous said...

Ricca jane C. Lagare
BSBA1


BIGONG PAG-IBIG

bakit ang pag-ibig hindi mo matantsa ?
sa panahon at oras ako'y nangangamba
dahil kung sakiling ako'y magmahal muli
pagod nang maghintay kung sakali

kadilima'y nagsimulang lamunin ang liwanag
puso'y nagtangkang lumayo
pag - ibig ba itong aking tinagpo
sinunod ko lahat ng iyong luho

ikaw , ang huling nagpaluha
sa mga matang nangingintab sa sakit
mga hinanakit dahil sayo'ng pagmamalabis
pagmamahal lamang ang tanging ninais

huminto ang mga tala sa pagkinang
ang buwan ay unting naglaho
nag - iisa kong hinarap
hanggang sa nagkulay abo ang alapaap

pagtangis , wala nang paraan
takot ang nangibabaw
wala ka upang ako'y patahanin
di alam ang nararapat gawin

kimi nang tayo'y magkita
alaala ng bangungot na iyong dinala
sa buhay ko'y pinangarap ka
ngunit sa sakit , ayoko nang umasa .

-- damdaming pagod nang umasa


--PINAPAKITA NG TULANG ITO NA HINDI LAHAT NG PAG-IBIG NA IYONG IBINIGAY,PAG-IBIG DIN ANG KAPALIT. MINSAN PAGDURUSA AT PIGHATI ANG DALA SA ATIN NITO, KAYA MARAMI NG TAKOT UMIBIG.TANDAAN LANG NATIN NA KUNG TAYO'Y MAGMAMAHAL HUWAG NATIN IBIGAY ANG LAHAT.

Anonymous said...

ROSELLA S. MABALOT
BSA

KABATAAN

Naniniwala k ba?
Na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Sa makabagong henerasyon ngayon
Ito ay kaya pa bang paniwalaan?

Karamihan sa kabataan ngayon
Wala ng alm kundi ang sariling kaligayahan.
Binabalewala ang pag-aaral
Puro gimik ang alam.

Tumingin ka sa paligid mo
At ito ay mapapatunayan mo.
yosi dito, yosi doon.
Inom d2, inom doon.

Ganyan ang kabataan ngayon.
Sariling interes ang pinagtutuunan
Walang sinasa-alang alang
Kundi sariling kaligayan.

Ngunit may ilan din naman
Na responsable sa kanyang buhay.
Iniisip ang hinaharap
Para sa magandang bukas.

_pinapakita sa tulang ito kung anong klase ang mga kabataan ngayon.

Anonymous said...

Renato A. Punzalan
BSA-1
Pagbasa at Pagsulat sa ibat’ibang Disiplina
SA-7-8/4-6


MAY HIHIGIT PA NGA BA?

Walang ngiti na hihigit pa
Sa ngiti na dulot kapag ika’y kasama
Walang mata na mas makulay
Sa iyong mga matang nagbibigay buhay
Walang pangungusap na kahalihalina
Na sa iyong mga labi lamang nagmumula
Walang ninanais sa bawat araw
Kundi makapiling ka’t makaulayaw

Wala na ngang lakad na mas tutuwid
Kaysa sa iyo na kapayapaan ang hatid
Walang pagtuturo na mas nanaisin
Kaysa ang sa iyo tunay na magaling
Walang pag-ibig na mas dadakila
Kaysa ng sa iyo,may lakip na biyaya
Wala na ngang kaibigang hihigit pa
Sa iyo Hesus walang pangamba

ibig ipabatid ng tulang ito na ang pinakamagandang gawin natin sa ating buhay ay ang maging kaibigan ang diyos.wala na ngang hihigit pa sa kanya. ilapit lang natin ang ating sarili sa kanya at hindi nila tayo pababayaan. sa bawat bagyo na dumarating sa ating buhay wag tayong mawawalan ng pananalig at paniniwala kay Hesus na kasama natin siya sa araw-araw na buhay natin.hindi natutulog ang diyos alam niya lahat nang nangyayari satin,ang kailangan lang ay panalangin at pagtitiwala sa kanya. Amen! Kaya kaibigan kung mabigat man ang problema mo sa oras na ito,isipin mo na kasama mo ang Panginoon kalakip ang kanyang mga biyaya.

Anonymous said...

joseh y romero
bsba-1


huwad

oh aking mahal bat ako'y nilinlang
anung akala mo saakin mang mang
akala mo siguro di ko matatanto
na ang isang katulad mo ay manananso

nagbabalat kayo daig mo pa'y kamelyo
animo'y tupa pero mas mabangis pa sa leon
nag babalak balak ako ay sakmalin
masisisi mo ba ako kung ikaw ay sapakin


at sa pag ibig niyang huwad aking anilahad
ang nararamdaman pagkat ako'y kanyang sinagadsagad
pinipilit ko nalang siya'y aking intindihin
ngunit walang kasing sakit ang ginawa niya sakin

oo nga aking mahal nagtiwala ako sayo ng lubos
iniwanan mo nanaman pati pera ko'y ubos na ubos
bakit di mo nalang sinabi agad
bakit di mo nalang ipinag tapat

pinaibig lang ako't sinayang ang lahat lahat
ngayo'y kahit ikay mahal pilit kalilimutan
pagka't ayoko ng maging hangal
ang pag ibig kong ito bakit sinayang mo.

huwag mag pabulag sa huwad na pag ibig at huwag agad mag tiwala
di lahat ng maganda ay mabait huwag mo ibigay ang lahat huwag manakit

Anonymous said...

Michael San Jose BSA 1
SA 7:00-8:00/4:00-6:00
Mahal Kita
Maraming bagay na hindi maipaliwanag maski ng sinumang tao o sinumang nilalang
Alam ko sa akin mismo’y hindi mawari kung anu itong nararamdaman…
Hanap hanap ka sa tuwina, pusoy di mapakali kapag hindi ka nakikita…
Alam kong ito’y isang kahibangan o kahibangan nga bang matatawag at matuturingan.
Lubos na umaasang isang araw malaman kung anu talaga itong nararamdaman.
Kahit anong sabihin ng iba, di pakikinggan
Isipin mang kung bakit, isip at puso’y di parin maunawaan
Talagang di na napigilan ang puso dahil ang tanging itinitibok nito ay ikaw lamang, ngayon.
Alam ko na kung bakit dahil puso’t isip nagsasabing MAHAL KITA ikaw lamang…
-Sa paggawa ng tulang ito naging inspirasyon ko ang taong mahal ko. Kahit hindi man maituturing na kami dahil ang totoo kapag kaharap siya hindi ko masabi ang tunay na nararamdaman ko.

Anonymous said...

" TALA "
ni: Jhoyce Tolentino
BSA-1



Noong ako'y bata pa lamang
Madalas kong pinagmamasdan,
Ang mga talang may kariktan
Sa malawak na kalangitan.


Sa tuwing magtatakip-silim,
Di ko mapigilang malasin,
Sa paglubog ni haring araw,
Mga tala ay natatanaw.


Ang mga tala'y nagniningning,
Parang hiyas na kumikinang.
Bawat gabing may kadiliman,
Nagbibigay kaliwanagan.


Hanggang sa aking panaginip,
Larawan niya ay sumisilip.
Bawat oras na ako'y sawi,
Kalungkutan ko'y pinapawi.


Ngayon nga't ako'y matanda na.
Mga alaala ay bitbit pa.
Nagdudulot sakin ng saya,
At nagbibigay ng pag-asa.






*** Ang ginawa kong tula ay may sukat at tugma. Sinulat ko ito kasi ito yung nararamdaman ko talaga. Kahit matanda na ako, mahilig pa rin ako mag-abang sa paglabas ng stars:p corny pero ano ngayon:p Mula kasi ng bata ako, lagi ako nilalabas ng tatay ko at pinapakita sakin yung mga tala. Nakasanayan ko na ito. Dito ako nagsimulang mangarap. Hanggang ngayon pag nangangarap ako gusto ko nakikita ko yung mga tala kasi ito yung nagbibigay sakin ng pag-asa tsaka para ramdam na ramdam ko yung pinapangarap ko. At isa pa, romantic ito para sakin lalo na pag kasama mo ang taong special sayo. Paano ko nasabi? naexperience ko na:p

Anonymous said...

Gelardine A. Aldema
BSBA

Oh minamahal ko

Sa tuwing ikaw ay aking nakikita
Puso ko’y lumulundag sa tuwa
Kapag ikaw ay nasa malapit na
Di mapakali at di makapag isip ng tama

Kapag naisip ka sa tuwina
Ako ay napapangiti
Araw ko ay gumaganda
Maligaya kapag ika’y nakikita

Sa titig mo, ako ay nahahalina
Masilayan lang ang iyong mukha
Ako ay masaya na
Ikaw ang nagbibigay kulay sa aking mundo

Oh mahal ko,
Bakit ikaw pa?
Ang syang minahal ng ganito
Marami nmang iba

Oh mahal ko,
Sana ay mahalin mo rin ako.
Oh pag ibig kapag nand’yan na
Kay hirap iwasan at pakitunguhan sa tuwina.

Ginawa ko ang tula na ito upang ipakita o ipadama ang aking damdamin sa isang taong hindi ko dapat mahalin o minahal. Ito ay nagpapakita nang mga damdamin tulad ng kaligayahan, kaguluhan ng isip, may bahid ng kalungkutan at paninibugho. Ito ay hindi magkakatugma dahil ito ay malayang tula.

Anonymous said...

John LloydO. Sapilan
BSA-I

BAGONG TAON

Hindi ko matalos kung ang aking puso'y
Magbabagong taón sa pagkasiphayo,
Ako'y naririto't ikaw ay malayo
Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.

Inaasahan ko ng̃ buong pag-asa
Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo'y iyong makikita
Ang maputlang bangkay sa gitna ng̃ dusa.

Ako, sakali mang iniwan sa hirap
Ay nagsasaya rin kahit sa pang̃arap,
Sapagka't nais ko na iyong mamalas
Na ako'y marunong magdalá ng̃ palad.

At sa pagpasok ng̃a ng̃ bagong taon mo
Ay pawang ligaya ang hinahang̃ad ko
Na iyong tamuhin sa buhay na ito
Kahit pang̃arap daw ang lahat sa mundo.

Anonymous said...

John Lloyd O. Sapilan
Bsa-I

BAGONG TAON

Hindi ko matalos kung ang aking puso'y
Magbabagong taón sa pagkasiphayo,
Ako'y naririto't ikaw ay malayo
Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.

Inaasahan ko ng̃ buong pag-asa
Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo'y iyong makikita
Ang maputlang bangkay sa gitna ng̃ dusa.

Ako, sakali mang iniwan sa hirap
Ay nagsasaya rin kahit sa pang̃arap,
Sapagka't nais ko na iyong mamalas
Na ako'y marunong magdalá ng̃ palad.

At sa pagpasok ng̃a ng̃ bagong taon mo
Ay pawang ligaya ang hinahang̃ad ko
Na iyong tamuhin sa buhay na ito
Kahit pang̃arap daw ang lahat sa mundo.

--SAbi dito sa tula na to ay kung anu man yung nakaraan mo kaya mo yun baguhin.
pag sapit ng bagong taon ay nagpapahatid ng sa atin na bagong pag asa at bagong buhay--

Anonymous said...

Garganera, Katherine C. BSA-I

“Ina”

Ina, syang ilaw ng tahanan
nang ako'y isinilang
sa mundong ibabaw
pag-aruga at pagmamahal
ay akin ng nakamtan

Sa bawat araw ng pagsibol
munting tanawin ay akin ng natanaw
simula ng unang hakbang
kaakibat sa bawat yapak

O. ina ako'y iyong tinuruan
ng mga karunungan
at dapat ding ipaglaban
sa hamon mg buhay na aking tinatahak

pinasasalamatan kita sa mga kabutihan
sa iyong angking katangian
na iyong pinanghahawakan
ng dahil sa iyo'y
ako ngayo'y ngaing huwaran.


Paliwanag:

Ang tulang ay tumitukoy sa isang ina, ang pa-aruga nito sa kanyang anak ng ito'y musmos pa lamang at tinuruan ng mga tamang asal, tinuruang bumangon sa mga bawat pagkakamali at laging nariyan upang bantayan at itama ang mga bawat pagkakamali, tungkol din ito sa pasasalamat ng isang anak sa kanyang ina dahil siya'y lumaki ng mabuti at marangal na tao.

Anonymous said...

Joan Ericka Suan B.
BSBA-1

" Mahal Ka Nang Diyos "

Buhay niya’y sa iyo hindi ipinagkait
Upang kaligtasan iyong makamit
Nagtiis sa hirap at pasakit
Walang hanggang kaligayahan ang kapalit.
Masdan mo ang kapaligiran
Tingnan mo ang mga tao sa kapaligiran
Ang lahat ay parang walang pakialam
Sa ibinigay sa atin na kaligtasan.
Huwag sanang mangyari na ikaw ay tumulad sa kanila
Sa masasamang gawa nila’y gumaya ka
At kahit saan sila magpunta
BaKa ikaw rin ay sumama.
Huwag mong kalimutan
Iyo laging pakatandaan
Na si Hesus lagi sa iyo naghihintay
Na iyong pansinin ang kanyang pananawagan.
Buong araw Siya’y nag-aabang
Sa iyo na Kanyang mahal
Lagi mo sanang pakatandaan
Na mahal ka ng Diyos, maging sino ka man.

Ang tulang ito ay nagpapahayag sa kabutihan ng Dios sa atin. Tiniis niya ang sakit at hirap para sa ating kaligtasan.Ngunit hanggang kaylan pa kaya tayo magigising sa katotohanan.

jr said...

Junior Laggui
Bsit-1
PAGKAMULAT by Ruby Gamboa Alcantara
ROMANTESISMO
SIR RAQUEL ITO UNG TUNAY NA ASS Q, tnx
Namulat siya sa kanyang naranasan dahil sa kanyang minamahal,
Madami siyang pagsubok na naranasan subalit ang kanyang hinagpis ay hindi matawaran. Ang kanyang buhay na dati ay nasa alapaap ngayoy malungkot
At nilason ang kanyang isip at dahil sa paniniwalang siya ay sakanya at ang akala niya ay ang lahat ng sakanya ay sa minamahal niya rin.
Siya ay naghimagsik dahil sa ginawa niya sa kanyang buhay ngunit ang tamis ng kahopon ay hindi na maibabalik. At itoy maibabalik lang gamit ang panaginip.
Lumamig ang kanyang umagang dati ay mainit subalit itoy nagbago ang kanyang mainit na umaga ay biglang lumamig. Dalawa ang aking nakikitang dahilan kung bakit nasulat na awtor ang tulang ito. Una ay siya ay nabigo sa kanyang minamahal na tao. Pangalawa ay ang pagbabago ng kanyang buhay. Ito ay magandang basahin hindi lang parang drama. Ito rin ay mapang habag damdamin.sadyang nakakahabag ang tulang ito na minsan saakin din ay nangyari Tulad ng kabiguan sa pag-ibig na labis na nakakasakit. Dahil nailalathala ng tayo ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat at dahil din kanyang nararamdan madaming uri ng kabiguan ngunit ang awtor nitong tula ay malalim ang kanyang pinag daanan

Anonymous said...

ANGELYN MERANO
BSIT-1
PANITIKANG PILIPINO

UMAGA NA
Ni Diana R. Agbayani
(REALISMO)

Ang tulang ito’y hango sa pang Araw-araw na buhay ng tao at ito ay totoo.
Kay sarap talagang Pakinggan ang huni ng mga ibon sa tuwing umaga, at ang pag bukang Liway-way ng Darating na Umaga.
Kasabay nito ang mga talahib. At ang tunog ng daloy ng batis na kay sarap pakinggan.
Ang sumulat ng tulang itoy humahanga sa Binigay ng diyos satin, at itoy kailanman ay hindi mapapantayan nino man.
Kaya dapat tayong magpasalamat sa diyos dahil siya ang may gawa nito at dapat natin itong paka-ingatan , dahil kung hindi tayo ay mawawalan ng isang umagang kay ganda.
At pinapakita din ng awtor ang kanyang pagmamahal sa kapaligiran at kalikasan, dahil napupuna niya ang mga ito.
Kahit ako mahal ko ang Umaga, dahil ang init ng umaga ay ang nag-bibigay init sa tao upang mabuhay. At dahil sa init ng umaga natutuyo ang mga sampay ng maraming tao. At madami pang nagagawa ang init umaga. Tulad ng Mga puno na binibigyan niya ng init upang mabuhay.
At kung walang umaga paano ang mga magsasaka, na nag-aani n gating mga palay para maging bigas na ating kinakain sa araw-araw?
Kaya dapat nating alagaan ang kalikasan upang hindi bawiin ng diyos ang binigay niang umaga.
KAYA GISING NA UMAGA NA!!

Anonymous said...

ANGELYN MERANO
BSIT-1
PANITIKANG PILIPINO

UMAGA NA
Ni Diana R. Agbayani
(REALISMO)

Ang tulang ito’y hango sa pang Araw-araw na buhay ng tao at ito ay totoo.
Kay sarap talagang Pakinggan ang huni ng mga ibon sa tuwing umaga, at ang pag bukang Liway-way ng Darating na Umaga.
Kasabay nito ang mga talahib. At ang tunog ng daloy ng batis na kay sarap pakinggan.
Ang sumulat ng tulang itoy humahanga sa Binigay ng diyos satin, at itoy kailanman ay hindi mapapantayan nino man.
Kaya dapat tayong magpasalamat sa diyos dahil siya ang may gawa nito at dapat natin itong paka-ingatan , dahil kung hindi tayo ay mawawalan ng isang umagang kay ganda.
At pinapakita din ng awtor ang kanyang pagmamahal sa kapaligiran at kalikasan, dahil napupuna niya ang mga ito.
Kahit ako mahal ko ang Umaga, dahil ang init ng umaga ay ang nag-bibigay init sa tao upang mabuhay. At dahil sa init ng umaga natutuyo ang mga sampay ng maraming tao. At madami pang nagagawa ang init umaga. Tulad ng Mga puno na binibigyan niya ng init upang mabuhay.
At kung walang umaga paano ang mga magsasaka, na nag-aani n gating mga palay para maging bigas na ating kinakain sa araw-araw?
Kaya dapat nating alagaan ang kalikasan upang hindi bawiin ng diyos ang binigay niang umaga.
KAYA GISING NA UMAGA NA!!

Anonymous said...

SANCHEZ,Ma.Nathalee Queen D.
BSBA-1

AKIN MAHAL

Ako'y may kasintahan
sya'y akin minahal
at akoy kanyang inibig
ngunit kami'y nagkalayo
dahil sya'y lilipat ng ibang bayan

maraming taon ang nakalipas
siya'y aking nakalimutan
kasabay ng paglimot ko
ako'y tumigil sa pagaaral
dahil kami ay kapus sa pera

ngunit sa kabila ng lahat
ako'y ng trabaho ng ilan taon
at sya'y tuluyan kong
nakalimutan ilan taon din
ang nakalipas akoy

bumalik sa pagaaral
ako'y naging masaya
sa pagbabalik eskwela
sa pagbalik ko sa paaralan
ang dati kong kasintahan

kami'y muling nag kita
nagkamustahan at nagusap
sya'y humingi ng tawad sa
ginawa nyang paglimot sa akin
at sya'y aking pinatawad

hindi nagtagal kami ay
naging magkaibigan ang
dati kong mahal ngayon
ay kaibigan nalamang


-ito ang paliwanag ko , ibinase ko lang sa nakaraan ko.

Anonymous said...

Janine M. Gonzales
BSA1

PAG-IBIG

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!


"Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig. "

Ito ay nangangahulugan na ang pag-ibig ay walang pinipili,kahit na alam mong mali,pipilitin mo pa ring gawin ang sinasabi ng puso mo.Para sa mga taong nagmamahalan,walang mali at tama.Dahil naniniwala sila na wala ng mas sasaya pa kung silang dalawa ang palaging magkasama at sabay nilang haharapin ang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay.

Anonymous said...

Janine m. Gonzales
BAS1
PUGAD NG PAG-IBIG

Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!

Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!


"Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig. "

Ito ay nangangahulugan na ang pag-ibig ay walang pinipili.Para sa mga taong nagmamahalan.walang pagsubok na di kakayanin kung silang dalawa ang magkasama.

Claudine Lopez said...

Claudine Lopez
BSBA I

SILA ANG PAMILYA KO!!


Sa bawat sulok ng aming bahay
Naroon ang pamilya kong kaagapay
Lalo na't sa mga pagsubok sa buhay
Nariyan sila handang dumamay

Makikita mo ang mahal kong Ina,
na nagbibigay liwanag sa tuwina
Sa pagmamahal na kanyang ipinadama
handang magsakripisyo kahit mahina na

Sa haligi ng aming tahanan
Makikita si ama na nariyan
Sa pagtatrabaho ay hindi niya maiwan
Maibigay lamang ang lahat ng aming pangangailangan

Sa mga kapatid kong naririyan
Sa mga problema, sila ay iyong maaasahan
Pagkat kami ay tunay na nagmamahalan
Hanggang wakas walang iwanan

Sila ang mga magulang at kapatid ko
Pagmamahalan sa isa't isa ay totoo
Na nakaukit dito sa kaibuturan ng aking puso
kahit magunaw man ang mundo mananatili ito.!!

Anonymous said...

Joan Ericka Suan B.
BSBA-1

" Mahal Ka Nang Diyos "

Buhay niya’y sa iyo hindi ipinagkait
Upang kaligtasan iyong makamit
Nagtiis sa hirap at pasakit
Walang hanggang kaligayahan ang kapalit.

Masdan mo ang kapaligiran
Tingnan mo ang mga tao sa kapaligiran
Ang lahat ay parang walang pakialam
Sa ibinigay sa atin na kaligtasan.

Huwag sanang mangyari na ikaw ay tumulad sa kanila
Sa masasamang gawa nila’y gumaya ka
At kahit saan sila magpunta
BaKa ikaw rin ay sumama.

Huwag mong kalimutan
Iyo laging pakatandaan
Na si Hesus lagi sa iyo naghihintay
Na iyong pansinin ang kanyang pananawagan.

Buong araw Siya’y nag-aabang
Sa iyo na Kanyang mahal
Lagi mo sanang pakatandaan
Na mahal ka ng Diyos, maging sino ka man.


Ang tulang ito ay nagpapahayag sa kabutihan ng Dios sa atin. Tiniis niya ang sakit at hirap para sa ating kaligtasan.Ngunit hanggang kaylan pa kaya tayo magigising sa katotohanan.

Claudine Lopez said...

Claudine Lopez
bsba

Ang aking tula ay nagpapatungkol sa aking pamilya kung saan sila ay laging nariyan, karamay ko kahit saan.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top