Takdang Aralin Bilang 1 sa Panitikang Filipino


1. Ano ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa? Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng panitikan sa pagkakakilanlan ng isang bansa at sa kaunlaran nito. Maaari kang magbigay ng halimbawa.

2. Sa tingin mo, may ginagawa ba ang gobyerno  ng Pilipinas para mapaunlad ang panitikang Filipino? Kung meron, ano o anu-ano ang mga ito? Sapat ba ang mga hakbang na ito para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng panitikang Filipino? Ano ang maaari mong maibigay na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang responsibilidad nito sa pagpapayaman ng ating panitikan? 

3. Anu-ano ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto? Magbigay ng tatlong (3) pagkakaiba. Ibigay ang mga referens ng iyong sagot.

45 comments:

Micah C. Martinez said...

Mga Sagot:

1.Ang kaugnayan ng Panitikan sa kaunlaran ng isang bansa ay isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.

2.Sa palagay ko po,walang ginagawa ang gobyerno ng pilipinas para sa ikauunlad ng panitikang filipino...ang panukala ko: bawal magsalita ng wikang banyaga sa sariling bansa lalo na kung kapwa pilipino ang kausap...karamihan po kasi sa ating mga pilipino lalo na sa mga liblib na lugar ay hindi nakakaintindi ng wikang banyaga.

3.Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang “diyalekto.”
Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue?o at Ilokano.
Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.
Ibang-iba ito sa kahulugan ng wika
“Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.
Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita.
Tulad na lamang ng paggamit sa salitang “maganda.“ Isinusulat o binibigkas ito bilang “maganda” para sa mga Tagalog, “magayon” sa mga Bikolano, at “matahom” sa mga Cebuano.
Ginagamit naman ang salitang “mabilis” bilang “mabilis” din sa Tagalog, ngunit “makaskas” sa Bikol, at “paspas” sa Cebu.
Hindi dahil ginagamit ang mga lengguwahe sa isang barangay, lalawigan, probinsya, o rehiyon, nangangahulugan na hindi na ito wika.
Dahil nakapagbibigay ng mga sumusunod na sistema ang mga lengguwaheng nabanggit, hindi ito dapat kinikilala bilang diyalekto. Wika ang dapat itawag sa 175 sinasalitang lengguwahe sa bansa.

micah C. martinez said...

Mga Sagot:

1.Ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa ay isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.

2.Sa palagay ko po, walang ginagawa ang gobyern ng pilipinas para sa ikauunlad ng panitikang pilipino..ang panukala ko:bawal mag'salita ng wikang banyaga sa sariling bansa lalo na kung kapwa pilipino ang kausap.karamihan po kasi sa ating mga pilipino lalo na sa mga liblib na lugar ay hini nakakaintindi ng wikang banyaga

3.Dahil sa kakulangan sapaghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang "diyalekto"
-Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pgkakaroon ng iba't-ibang bersyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto.Halimbawa nito ang kapansin'pansing pagkakaiba sa pagsasalitang tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo,mahinhin ng mga Bikolano,at pasigaw naman o pagalit ng mga Batagueno o Ilokano.
-Ito ang depinisyon ng Diyalekto:natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.

Anonymous said...

1.) Mahalaga ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa, partikular na dito ang pilipinas, sapagkat sa panitikan namulat ang kamalayan ng bawat pilipino. Dahil din sa panitikan nag alab ang pagnanais ng mga pilipino na makalaya sa mga dayuhang mananakop at ang panitikan din ang nagsilbing mitsa upang makamit ng mga pilipino ang tinatamasa nating kalayaan.

2.) Sa aking tingin, ang pag pipriserba ng mga panitikang isinulat ng mga pilipino at inilalagay sa moseleyo, ang ginagawang paraan ng ating gobyerno upang mapaunlad ang panitikang pilipino. At ang paglalagay ng asignatura upang mapag aralan ng mga pilipino sa bawat baitang ay isa din sa mga paraan ng gobyerno upang mapaunlad at maipasa ang panitikang pilipino sa susunod pang henerasyon.

3.)Mga pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto.
3.1) Ang lengguwahe ay pangkalahatang salita. Halimbawa nito ay ang english.
3.2) Ang diyalekto ay isang lengguwahe na ginagamit sa isang rehiyon. Halimbawa bisaya.
3.3) Ang lingguwahe natin sa ating bansa ay tagalog at mayroon naman tayong madaming diyalekto katulad ng bisaya, bicol, muslim...

Anonymous said...

Haidelyn A.Mori BEED
1.Ang kaugnayan ng panitikan sa ating bansa ay napakalaki at napaka importante sa atun dahil ang panitikan ang siyang tumutulong sa pag paunlad ng ating bansa.At ang panitikan hanggang ngayon ay nakatatak na sa ating kasaysayan natin at hanggang ngayon ginagamit pa rin naten at pinag aaralan dahil magagamit naten to lalo na sa susunod na henerasyon.Hal.kultura sa ibat ibang lugar.
2.oo.tulad ng kultura na hanggang ngayon sinusunod pa rin kahit saang sulok ng pilipinas at sapat na ito para pahalagahan ang panitikang pilipino
3.hal. ng lenggwahe ay waray,cebuano,ilocano,bisaya
hal.ng diyalekto ay ung (erpat)ama,(ermat)ina,(jokla)bakla

jean121993 said...

Aguelo, Ralyn Jean P.
BSIT- 1st

1. Halimbawa ito ay katutubong panitikan na tumutukoy sa bansang Pilipinas at sumasalamin natutukoy sa ugali at pamumuhay ng mga taong pinagmulan nito.
Tulad nalamang ng maikling kuwento, tula, dula, nobela, drama, bugtong, at iba pa.


2. Para sakin kung meron man, sana hindi nila mabaliwala sa darating mag panahon ang ating wika sa pagkat maraming mga kabataan ngayon ang hindi alam ang malalalim na sa litang tagalog.

Anonymous said...

Collado,Jamaica E.
BSE-2
1.Sinasabing ang panitikan ay paraan ng pagpapahayag ng saloobin,kaisipan,mga di malilimutang karanasan at pati na rin ang minimithi ng sangkatauhan na sinusulat sa masining o malikhaing pamamaraan.Ito ay ma kaugnayan sa kaunlaran ng isang bansa,sapagkat ito ay nagpapamulat sa atin na mgkaroon ng malaskit sa kulturang atin na nagbubunga ng o nagsisilbing inpirasyon upang makagawa tato ng mga kapaki-pakinabang n bagay upang umunlad an gating bansa isang magandang halimbawa ay dahil sa mahalaga at minamahal natin ang ating sariling panitikan mahihikayat tayong mga mamimili na mas tangkilikin ang mga aklat ng panitikang Filipino na makakatulong sa paglago ng ating ekonomiya.dahil sa panitikan mas lalong mgkakaroon ng interes ang mga Pilipino na paghusayin o mas lalo pang linangin an gating sariling kultura .Napaka halaga din ng papel na ganagampanan ng panitikan s pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang Pilipino ano man ang problemang kahaharapin nito s buhay.Ang pagaaral ng panitikan ang ngpapasidhi ng damdamin ng mga Pilipino upang mas lalo pang bigyan ng halaga ang kulura at tradisyong pinoy.
2.Isa sa magandang hakbang ng gobyerno ay ang isama o ibilang ang asignaturang “Panitikang Filipino” sa pagaaral ng mga estudyante s paaralan sa mataas n antas ng paaralan prebado man o pampubliko,na nagdudulot upang mas lalong maunawaan ng mga estudyante ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa panitikan na siyang makakatulong upang maisalin ito s susunod pang henerasyon.
Sa aking palagay hindi pa sapat ang hakbang na ito upang mapaunlad ang panitikang Filipino upang mas higit na maipabatid sa isipan nating mga Pilipino ang kahalagahan nito sa atin,kinakailangan pa ng ibayong kampanya sa pagpapalaganap nito na siyang daan upang mabuksan an gating kamalayan. Mainam kung magkakaroon tayo ng saligang batas na maasusulong upang mas lalong pagaralan ang panitikang Filipino upang sa lahat ng antas ng paaralan ditto sa ating bansa mas mainam kung ang magtuturo nito ay dalubhasa o my malawak na kaalaman sa ganitong aspeto,sapagkat nasa kamay din ng nagtuturo nakasalalay upang matuto ang tinuturuan at mahasa ang interes at makuha ang atensyon nito n mkakinig lalong lalo na sa panahon natin sa ngayon n karamihan s mga estudyante may mentaledad na nakakaantok ang panitikan.
3.may pagkakaiba ang lengguwahe at diyalekto sa isat-isa ,una ang lengguwahe ay ginagamit bilang medium ng pakikipag usap sa kapwa samantalang ang diyalekto ay ginagamit lamang ng mga tong pareho ang tribo,pangalawa ang lengguwahe ay nagbabago o dinamiko samantalang ang diyalekto pag binago iba na ang ibig ipakahulugan,ang huli ay mas marami ang nakakaintindi ng lengguwahe at nakaka bigkas nito kumpara sa diyalekto na kilangan ng masusing pagaaral at insayo ng dila upang mbigkas ng tama at maayos ito halimbawa dito s pilipinas ang lengguwahe ay Filipino,pero marami din na ibat ibang diyalekto,pero upang mgkaintindihan ang mas nkararami ang national language parin ang ginagamit natin.Ang referens nito ay batay s sariling interpretasyon base sa kahulugan at katangian ng lengguwahe.

maricel s.deguia said...

Mga Sagot:

1.Pra sa akin malaki ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa dahil sa pamamagitan ng pantikan naipapahayag natin ang ang ating mga kaisipan damdamin at saloobin na pumupukaw sa natutulog na kamalayan ng sangkataon.Magandang halimbawa dito ay yung naisulat ni Rizal na Elfilibusterismo at nnoli me tanghere na nagbigay daan sa ating mga pilipino para ipaglaban ang ating karapatan laban sa mga kastila.

2.Sa ngayon walang ginagwang aksyon ang ating gobyerno para sa ikauunlad ng ating panitikang pilipino.Dapat ay pagyamanin natin ito ang masasabi ko lanh mahalin natin dahil sabi pa nga ang di marunong magmahal sa saling bansa ay higit pa sa malansang isda.

3.Ang pagkakaiba ng lenggwahe sa diyalekto ay ginagamit ng pangkalahatantulad ng english isang lengguwahe na ginagamit ng nakakarami ang dayalekto naman ay isang pananalita ng ginagamit ng iisang pananalita ng ginagamit ng iisang lugar lamang at hindi pangkalahatan.Halimbawa dito sa maynila magkakaintindihan lang kayo kung magsasalita ka ng tagalog pero kung gagamit ka ng waray o bisaya di kayo mag'kakaintindihan baka magaway lang kayo ng kausap mo.
-tatlong pagkakaiba
1.ang lengguwahe ay ginagamit sa pangkalahatan.Samantalang ang dayalek ay hindi
2.Ang lengguwahe ay madaling maintindihan.Samantalng ang dayalek ay mahirap maintindihan.
3.Ang lengguwahe ay madaling pagaralan.Samantalng ang dayalek ay mahirap pag'aralan.

jett michael m. buban said...

1.ang kaugnaya ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa. masasabi kong ang panitikan ay sumasalamin sa ating kasalukuyan ng pang araw araw na buhay.ang kaugnayan nito ay ginagamit natin ang ating sariling wika sapamamagitan ng panitikan. kung kayat na papaunlad natin ang ating sariling wika.
2.oo masasabi kong may ginagawa ang gobyerno dahil meron tayong araw ng kalayaan at meron ding buwan ng wika dito madalas na ginagawa ang mga palatuntunan na may kinalaman sa panitikan,
masasabi kung kulan pa ang mga ginagawa ng gobyerno para mapagyaman ang ating panitikan.
maaari tayong magkaron ng pangkalahatang palisahan sa buong pilipinas kung saan ang mga kalahokkapwa mag papa kita ng kanilang talento sa panitikan maaarin tula dula maikling kwento at iba pa.
3.ang lenguwahe ito ang tamang paraan ng pag gamit ng salitang pilipino at ito ay naka tala ang diyalekto naman ang ating kinamulatan at kinagisnan na wika kung saan may pag kka mali dahilan din nito ang pasalin salin lahi.

harold peter q. medina said...

1. ang panitikan ay upang mapag aralan ng mga filipino kanilang sariling wika.
2.meron halimbawa yung pag aawit sa ibat ibang bansa dahil dun dun tayo makikila.
3.ang lenguwahe ay gingamisa sa pang kalahatan samantang ang dayalek ay gingamet sa iisang lugar lamang

Anonymous said...

EPE LEPASANA 111
BSE ENG
MARTES. 9-12


Sagot 1.Ang panitikang Pilipino ang syang nagbibigay buhay sa isang bansa. Dahil ditonaipapakita natin sa ibang bansa na kaya nating sumikat sa at makipagsabayan sa iba pang mga bansa. At dito rin tayo nakikilala.
Halimbawa nalamang nito ay ang mga tlang naisulat na ng maraming mga tanyag na manunulat at mga kwento na naisulat ni Dr. Jose Rizal. Dahil sa mga aklat na nagawa nya nakikilala tayong mga Pilipino. Umuunlad tayo dahil sa panitikan sapagkat maraming mga Pilipino ang sumasali sa mga patimpalak na kung saan tampok ang mga arts.
Sagot 2. sa tingin ko meron. Sa simpling pagkakaroon ng mga programa na kung saan ang programang ito ang syang magsisilbibg gabay upang magkaroon pa ng kaalaman ang mga tao tungkol sa panitikan at ang kahalagahan nito. Hindi man ito sapat subalit ito ay nakapagbigay din ng mga importansya kung saan ang mga tao ay magkaroon ng dahilan o rason upang mapahalagahan ang panitikang Pilipino.
Para sa akin dapat magkaruon mg mga programa tungkol sa kahalagahan ng panitikan sa buhay ng isang tao.
Sagot 3. ang lenguwahe ay syang ng isang bansa upang makipag ugnayan sa mga tao maging ito man ay taga ibayung daku..
Ito rin ay ginagamit ng karamihan.
halimbawa nito ay ang wikang englis, tagalong, cebuano.
Ang diyalekto naman ay ginagamit din ng maraming tao kaya lang hindi lahat ng nakatira sa isang bansa ay nakakaintindi.
Ito rin ay ginagamit lamang sa ng mga tao sa kanilang mga lalawigan.
Halimbawa: bicolano, masbatenio. Ilonggo.

Anonymous said...

Ale, Risa M. Panitikang Pilipino
BSED English (1st Year) 7am-9am, Tuesday

Sagot sa tanong Blg. 1
Ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa ay ito ang nagpapukaw sa mga tao, nagpapayaman ang panitikan sa lahat ng mga naisasalimbag at pagsasaaklat ng mga tao. Hal. Nito ay nung maimbento ng tao ang imprenta lalong yumaman ang panitikan.

Sagot sa Tanong Blg. 2
Oo, nagsimula na tayo ng elementary,hayskul at kolehiyo kung kaya dinagdag ito sa kurikulum para malaman natin kung ano ang panitikan at para mas mataas ang antas ng pag-aaral ng panitikan.Simula lamang nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang pagkatao nagsimula maging isa itong disiplina sa pag-aaral. Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo, ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang aspeto: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Ang panitikan ng mga mag-aaral. Ito ang kasangkapan , partikular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa pagpatibay ng ating sariling kabansaan at pakakakilanlan.
Oo, Huwag alisin ang asignatura ng panitikan para malaman at mapag- aralan ng mga estudyante. Isang pangangailangang pang edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral.
Sagot sa tanong Blg.3
Ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto ay ang;
• Ang diyalekto ay nagbibigay ng tunog, samantala ang lengguwahe naman ang siyang tawag sa mga grupo katulad ng Tagalog, English, French at British
• Ang diyalekto ay wika na nag-uugnay ng diwa sa bansa at yung lengguwahe ito ay ang disiplina ng pag- aaral.
• Ang diyalekto ay isang akda yung lengguwahe yun ang body of words.
Reference sa Panitikang Pilipino
1. Patricio V.Villafuete
2. Rolando A. Bernales
3. Romualdo M. Protacio
4. Merlinda C. Cantre
5. Erwen S. Sustento
6. Honorato I. Cabrera
7. Jr. Joel S. Salvado

Anonymous said...

LAGGUI JR E
PANITIKANG PILIPINO
BSIT 1
Answer.
1.Ang panitikan ay salamin ng lahi. Sa pamamagitan ng panitikan ay masasalamin o tahasang natutukoy ang mga ugali at pamumuhay ng mga taong pinagmulan o lumikha nito. Sa panitikan ng isang bansa o lahi ay nakatitik ang mga kasaysayan nito. Likas sa taong isulat kung alin lamang ang namumukod o natatangi sa pang araw-araw na takbo ng buhay. Dahil dito'y lagi nang nakabuhol ang panitikan at kasaysayan ng isang pangkat ng mga tao. Karanasan ng buong lahi ang panitikan.
2.oo may gingagawa naman ang ating gobyerno para ma pa unlad pa ang panitikang Pilipino.
Tulad nito ang mga pag preserba ng mga ibat ibang Tao at lahi sa kanilang mga ninuno.At Ang Pag-galang sa mga ibat-ibang Pamahiin.
Ang aking gagawing panukala para sa gobyerno ay mas pagandahin pa nila ang kanilang panukala upang mapanatili ang panitikang Pilipino sa ating bansa
3. DIALEKTO - ang tawag sa mga uri ng "language" na ginagamit ng iba-ibang uri ng grupo na ayon sa kanilang rehiyon at kasanayan.
Lengguahe- Ito Ay ginagamit sa Ibat-ibang paraan At Madami Ang Ibig sabihin ng Lengguahe para sakin,
Para sakin ang lengguahe ay diyalekto rin . dahil ang lengguahe ay isang paraan ng pag sasalita gamit ang diyalekto.
Tulad ng mga taga probinsya may mga ibat-iba silang diyalekto sa pag sasalita tulad ng ilokano . bisaya. Bicolano

Anonymous said...

1. una pag kilala sa mga lahi ng pinoy na nag tatrabaho sa ibang bansa pagiging proud nito sa kanyang wika at nga kultura.
pag papakita ng mga kakayanan katulad ng tinikling pag na dinig mo itong klase ng sayaw na ito alam mo ng pilipino ang nag sasayaw nito.
banahaw, bigas nung una tayo ang pinaka malaking bansa na nag bebenta nito sa ibang bansa

2.una palagay ko meron naman.
.katulad nung sa agrikultura sinusuportahan nila ang ating mga agrikultura sa national artist of the year.
.sa palagay ko kulang pa ito dahil hindi masyadong tinatalakay ito ng ating gobyerno

3.wika ang tawag sa isang lengguwahe sa tunog spelling at sintaks by:Rieze Rose T. Calbay

Anonymous said...

1.Napakahalaga nito dahil ito ang pinakapangunahin sa lahat upang mamulat ang ating mata sa kaibahan natin sa ibang lahi..

HALIMBAWA:
Mapangalagaan ang natin ang ating yamang pampanitikan na isa din sa mahahalagang liping pambansa..

Mapahalagahan pa lalo ang pagka-pilipino
at higit sa lahat makilala pa ng lubos ang ating pagka-pilipino..

2. Mayroong ginagawa , tulad na lamang ng pagpapatayo ng mga museum upang maipakita sa mga tao ang kahalagahan ng panitikan at pinaparangalan ang mga mahuhusay sa pagsusulat , sapat naman po siguro sapagkat maraming ng nakakabasa at nakakakita nito , magtayo ng isang departamento upang mapahalagahan at mapaunlad pa ang ating panitikan at paglaanan sana ito na pondo...

3. “Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.. by:Rieze Rose T. Calbay

WIKA - isa itong bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

DIALEKTO - ang tawag sa mga uri ng "language" na ginagamit ng iba-ibang uri ng grupo na ayon sa kanilang rehiyon at kasanayan.
by: wiki answers

Jazzen C. Alas
BSIT-1

Anonymous said...

Queen Rose Solis
BSIT- I
Panitikang Pilipino


1.Halimbawa,ang pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas.

Anonymous said...

Queen Rose Solis
BSIT- I
Panitikang Pilipino

3.Para sa akin, ang kaibahan ng wika sa dayalekto e para ring kaibahan ng relihiyon sa sekta. Nagkakaiba lamang sila sa dami. Kung maraming miyembro ang isang paniniwala, tinatawag itong relihiyon, samantalang kung kokonti e sekta lamang ito.

Ganun din ang wika. Kung marami ang nagkakaintindihan sa maraming lugar, wika ang ginagamit nila. Kung sumakay ka ng barko o bus at napalayo ka na at hindi na maintindihan ng kausap, dayalekto ang gamit mo.

Sa ibang halimbawa, ang wika e magulang at ang dayalekto e anak. Ang Tagalog, halimbawa, e isang wika at maraming nakakaintindi nito,kaya nga dito ibinase ang Filipino. Pero may mga lugar na may punto at may iba na ring katawagan sa ilang bagay, gaya ng Tagalog sa Quezon, Nueva Ecija, Batangas at Metro Manila. Ang mga ito e dayalekto o “anak” ng Tagalog. Ganun din, may mga Cebuano sa Cebu na iba na nang kaunti sa Cebuano sa Mindanao pero nagkakaintindihan pa rin sila, kaya nga ang Cebuano ay wika at ang pagkakaiba nito sa ilang mga lugar e dayalekto ng Cebuano.

philippinehistory.ph/tag/wika/

Anonymous said...

Ramon Aguelo JR.
BSCS-I
TUE 9:00-12:00
1. pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula, kung saan ikinabit ang unlaping pang at hulaping an sa ugat na titik, halimbawa
tula.
2.



3. ang lenguwahe ay isang bansa ang gumagamit, kung ang lenguwahe mo ay tagalog at nka tira ka sa leyte hindi mo sila ma e-intindihan dahil ang salita nila bisaya, ang diyalekto nmn ay sa isang pangkat na sila ang nag kakaintindihan.

Anonymous said...

ANGELYN F. MERANO TU 9:00-12:00
BSIT-I

1 may naitatalang na papaunlad ng panitikan ang atin bansa dahil sa angkin husay at talino ng mga pilipino sa larangan ng panitikan.halimbawa ni severino reyes kilala siya sa kanyang makakabalaghang kwento " mga kwento ni lola basyang "
2. Mayroon tulad ng pagpapalabas ng kapwa natin pilipino sa mga teatro sa pamamagitn nito naipapakita nating ang kahusayan natin sa larangan ng panitikan.
3. Ilonggo, Bikolano, Waray, Batangueno, Cebuano ilan sa mga ito sa 175 sinasalitang lengguwahe sa 16 rehiyon ng bansa. Iba’t Ibang bersiyon at paraan ng pananalita ang isang diyalekto halimbawa ng malambing ang pagsasalita ng ilonggo, at sa bicolano ay mahihin naman at sa batangueno at ilokano ay pagalit o pasigaw.
* tinutnukoy lamang nito ang pagkakaiba ng punto, diin at bigkas.
* ang lengguwahe mayroon ito sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks).
* tulad na lang ng paggamit ng tagalong sa salita mabilis, makaskas naman sa bikol at paspas naman sa cebu.

Anonymous said...

Takdang Aralin sa Panitikang Filipino
Rebutazo.E
1.Ang kaugnayan ng panitikan sa isang bansa ay ang paglikha, pagpapatatag at pagpapalaganap ng kamalayang panlipunang progresibo, at ang panitikan ay may napakahalagang papel na dapat gampanan sa pagbabagong – diwa ng sambayanag Pilipino. Sa bansang pilpinas at ang mga bagay na nagpakilala sa mga pilpino sa paraang ginawa ng mga tanyag na pilpino noon at ngayon sa pagpapaunlad ng knilang sariling kakayahan.
2.Sa tingin ko po may ginawa din naman ang gobyerno ng pilpinas para mapaunlad ang panitikang Pilipino tulad na lamang halimbawa ng makabayan, mga kwentong pambata at pagdiriwang ng linggo ng wika dahil ang mga pilipino ay kilala sa larangan ng musika,sining at panitikan at ito ay ipinatupad parin ng pamahalaan para mapaunlad ang agham at tekonlohiya sa bansa.Ang maari kong maibigay na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang kanilang rasponsibilidad sa pagpapayamayan n gating panitikan ay bigyan nila ng pansin ang mga kabataan na hikayatin at magpakita ng kanila-kanilang talinto.
3.Ang diyalekto ay iba’t ibang lengguwahe ng bawat rehiyon na may iba’t ibang kahulugan,grammar at pagbigkas ng bawat salita,pagkakaiba-iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika, wikangsinasalita ng isang neyographical.halimbawa pakiurong nga po ng plato (Bulacan-hugasan)pakiurong nga po ang plato(Maynila pakiusog), samantala ang lengguwahe naman ay isang uri ng salita na ginagamit ng iba’t-ibang tao sa pakikipag-ugnayan nito sa kanilang kapwa.

Anonymous said...

Assignment in Philippines Government Contitution
Rebutazo.E
1.The Doctrine of Separation of Church and State this doctrine has been interpreted to mean that the republic affairs of the people of the United States shall not be imposed upon by the particular beliefs of any religion. Even if the doctrine were not supported by the constitution, we would no possibility of peaceful coexistence separate religions.
2. During the Spanish colonization in the Philippines, the government was composed of two branches, the executive and the judicial, there was no legislative at that time since the laws of the islands were coming from spain. The only laws created in the Philippines are those who where ordered by the Government General.
3.If ever I have given a chance to become the next president of the Philippine republic.I don’t want to dare that challenge I would not accept that opportunities because for me politics is such a mess and it is like a showbiz more on issues, and I think my life could not be in peaceful, then aside from that if we are in the politics no matter how we are doing the good things to become into a better person, but in the eyes of the other people were the same for the past candidates who being elected.

Anonymous said...

JOMAR PRECLARO
ACT

1.ang pilipino ay tanyag sa larangan ng tula, dula, nobela, kwentong bayan, maikling kwento , sanaysay at iba pa. malaki ang naitutulong nito sa ating at sa ating kultura dito naipapakita natin ang tunay na kagalingan ng mga pilipino pagdating sa larangan ng panitikan.
2.palagay ko meron naman dahil nakikita natin na hanggang sa ibang bansa ay ipinapakita ang kultura nating mga pilipino.upang mapagmalaki at sapalagay ko ulit sapat na ito para maikintal ng mga pilipino ang kahalagahan ng kultura natin dahil walang dahilan para ikahiya ito dahil tayo'y dugong pilipino.at ang panukalang pwede ko lng ibigay sa pamahalaan ay bigyan kahalagahan ang ating panitikan dahil ito ang simbo ng ating kagalingan sa kultura.

Anonymous said...

ANDRIANO,BONELITA A.
BSHRM-1
SATURDAY 1:00-4:00





1.Ang panitikan ay salamin ng lahi.Sa pamamagitan ng panitikan ay masasalamin o tahasang natutukoy ang mga ugali at pamumuhay ng mga taong pinagmulan o lumikha nito. Sa panitikan ng isang bansa o lahi ay nakakatitik ang mga kasaysayan nito.Likas sa taong isulat kung alin lamang ang namumukod o natatangi sa pang araw-araw na takbo ng buhay.Dahil dito lagi ng nakabuhol ang panitikan at kasaysayan ng isang pangkat ng mga tao.karanasan ng buong lahi ang panitikan.
2.Wala
3.Ang pagkakaiba ng diyalekto sa lengguwahe; Diyalekto ay natatangig paraan ng pananalita ng iisang wika.Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba sa punto,diin,at pagbigkas.Wika ang tawag sa lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pabulum ng tunog, ispeling,at opangungusap.binubuo ito ng ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.Maipapakita ng mga language sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng ibat-ibang nilang paggamit sa mga salita.Tulad na lamang ng pagamit sa salitang maganda.isinusulat o binibigkas ito bilang maganda para sa mga tagalog,magayon sa mga bikolano,at matahom sa mga cebuano.Ginagamit naman ang salitang mabilis bilang mabilis din sa tagalog,ngunit makaskas sa bikol,at paspas sa cebu. Ang kapansin-pansin pagkakaiba ng pagsasalita ng tagalog,malambing itong sasambitin ng mga ilonggo,mahinhin naman ng mga bikolano at pasigaw naman o pagalit ng mga batangueno at Ilokano.

precious L. Llaneta said...

Precious L. Llaneta
BSHRM-1
saturday 1-4

(1) para sa'kin ang kaugnayan nito sa pagunlad sa ating bansa ang pagsalin ng mga salita sa susunod na henerasyon nag kakaroon ng pagunlad dahil nalalaman ng sumunod na henerasyon ang salita na maari nilang matutunan at maari rin nila mabigyan ng panibagong salita

(2)binibigyan ito ng kahalagahan at respeto ng ating gobyerno hinahayaan ng ating gobyerno na ipakalat ang mga libro katulad ng mga bugtong,tula,saliwikain at ang awit ng bayan , na inaawit ng ating mga paaralan upang bigyan ng tuon at hindi makalimutan ng ating bayan ang mga panitikan na nagbibigay ng kagandahan sa ating bansa. upang ito'y makilala na sa ating nagmula at nakilala ang ating bansa katulad ng paglaban ni pacquiao sa pamamagitan nyan nakilala ang ating pambansang awit.

(3)lenggwahe ito yung pang internasyonal na ginagamit na lengwahe ng mga banyaga ,
dayalekto ito ung pang karaniwan na salita na nakasanayan nating mga pilipino ,
ito rin yong kadalasan natin bigkasin nating pilipino.

MAY ANN CAMPOS BSED-ENGLISH 1 said...

MAY ANN CAMPOS BSED-ENGLISH 1
NOVEMBER 3O 2010

1. Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Saan mang bahagi ng daigdig, ang panikan ay may malaking impluwensya na nakakatulong sa pagunlad nito. Ang papel na ginagampanan ng panitikan sa ating lipunan ay ang karangalan ng ating mga sariling tradisyon at kultura maging impluwensiya sa atin ng ibang kultura o bansa na siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.

2. Sa tingin ko po ay walang ginagawa ang gobyerno para mapaunlad ang panitikang Filipino, sapagkat kung ating ibabase ang panitikang Filipino noon at ang panitikang Filipino sa kasalukuyan ay napakalaki ng pagbabago. Tulad na lamang na mas marami o mas tinatangkilik na ang panitikang banyaga.

Para sa akin po,dapat bgyan ng pagkakataon yung mga iba na itampok ang kanilang mga gaa upang ito ay makilala ng mga tao at para maging pamilyar ito at upang tangkilikin ng mamamayang pilipino ang Panitikang Filipino.

3. Ang dayalekto ay ibat ibang lengguwahe ng bawat rehiyon na may ibat ibang kahulugan, gramar at pagbigkas ng bawat salita. May pagkakaiba-iba o baryasyon sa loob ng isang partikular na wika. ang dayalekto ay wikang sinasalita ng neographical.

Ang lengguwahe ay hindi magiging isang lengguwahe kung walang 3 milyon tao ang gumagamit nito.

nakuha ko po ang aking sagot sa pag search sa google at yong napag aralan po natin noong nkaraang semester sa masining na pakikipagtalastasan.

Anonymous said...

Deborah V. Bayangan Panitikang Filipino



1. Ang kaugnayan ng Panitikan sa kaunlaran ng isang bansa ay, ito ay nagpapahayag ng kaisipan, karanasan, damdamin at mga hinahangad ng bawat tao na isulat sa malikhaing pamamaraan at dahil ditto, nagkakaroon ng pag-unlad ang bansa. Ang panitikan ay malaki ang papel na gingampanan sa pagkakakilanlan ng bansa at sa kaunlaran nito sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa sariling bansa o sa sariling atin at nagpapalinang din ng kaisipan na nakakatulong para mapaunladang ating bansa. Ito rin ang nahsisilbing tulay sa bawat mamamayan upang gumawa ng mga bagay-bagay na makakatulong sa pag-unlad o pag-angat ng bansa… halimbawa nalang sa isang president, kapag mayron siyang malawak na kaisipan o pananaw sa buhay, ay isusulong niya ang mga magagandang panitikan na siyang nagpapaunlad at magpapaganda sa imahe ng ating bansa.

2. Sa tingin ko, may ginagawa ang gobyerno ng Pilipinas para mapaunlad ang panitikang Filipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pag-aaral sa mga paaralan, ito man ay pampubliko o pampribado… dahil dito, nakakatulong ito sa pagpapahalaga, pagpapaunlad, at higit na maunawaan ang kahalagahan ng ating bansa ngunit hndi parin ito sapat dahil mas mabuti kapag may seminar ang mga guro na nagtuturo ng panitikan sa bawat paaralan upang mas maiangat ang panitikan sa bansa.

3. Ang lengguwahe ay ginagamit ng nakakarami habang ang diyalekto ay ginagamit ng iilan.

Ang lengguwahe ay nagbabago sa pamamagitan ng kung paano ito bigkasin samantalang ang diyalekto ay hindi nagbabago

Ang lengguwahe ay madali itong maintindihan at bigkasin ng nakakarami samantalang ang diyalekto ay mahirap bigkasin at kailangan nito ang mas masusing pag-aaral Kung paano ito bigkasin.

Pinagmulan: Internet, Panitikang Filipino book

Anonymous said...

beryl matiga
BSCS
1.Ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng atin bansa ay upang makilala natin nang lubus ang ating lahi bilang pilipinosa pamamagitan nito tayu ay mapupukaw na pahalagahan ang ating yamang pampanitikan na isa sa pinakamhalagang myamang panlapi.
2.Sa tingin ko ay pong walang ginagawa ang gobyerno para sa kaunlaran sa ating panitikan Filipino, ang maibibigay ko na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang responsibilidad nito sa pagpapayaman ng ating panitikan,bigyan halaga ang panitikan upng malinang ang pagmamalasakit sa ating kultura at maging ang ating malikhain na pag iisip.
3.Para sa akin ang lenggwahe ay ang mga salita ng ibat ibang lugar at ang deyalekto ito ang mga salita na may kapareho tulad ng askal ito ang asu na plaboy2 tinatawag ri ito sa ibang lenggwahe hindi lng sa tagalog ginagamit din ito ng taga cebuano.

Anonymous said...

julie Macasa
BSCS
1.Ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng ating bansa, ito ang lakas na nag papakilos aling mng uri ng lipunan at nag papahayag ng damdamin , kaisipan at karanasan.
Ang ginagampanan ng panitikan sa atin bansa, ito basiahn para ang bansa ay mapaunlad. Halimbawa ,sa panitikan na ayun kay SALAZAR na ito ang laks na nag papakilos sa alin mang uri ng lipunan.MAging s a ating bansa man nakakatukoy ng pinakamaraming katibayan tulad sa akda ni Rizal, na nagsilbing inspisaryun ng ating katipunanupang makalunsad ng isang himagsilkan laban sa mga kastila.
2.ANg gobyerno ng pilipinas ay may ginawa para mapaunlad ang ating pinitikan.Dpat nating ipaglaban ang ating karapatan sa ating bansa .Sa palagay ko dapat na.
3.Ang lenggwuhe ,ito ang ginagamit nasalita ng isang bansa o lugar kung saan may ibat ibang dialektong ginagamit.

Anonymous said...

Talosig Trishia
BSE-ENGLISH
Sir Raquel

1.Ang pag kakaroon ng maganda at masaganang kultura ay isa sa mga kadahilanan din ng pag kakaroon ng matibay na panitkan, Sa pag kakaroon ng matibay na panitkian nag dudulot naman ito ng ibat-ibang kagandahang resulta para sa isang bansa dahil sa panitikan ang isang bansa ay mas na papa bantog at lalong nagiging mas kaiga-igayang tularan at hangaan karagdagan pa nito ang kaunlaran ng bansa, at pang hihikayat sa mga kabataan na mas maging interesado sa pag dating sa larangan ng Panitikang PILIPINO.


2.meron naman po kahit papaano , dahil nakakasama pa rin naman sa kurikulum sa pag aaral ang patungkol sa pag sulong ng panitikang Pilipino, kung kayat masasabi din na ginagawa din nila ang kanilang abot ng makakaya, gayun pa man hindi iyon sapat para mabigyan ng pansin ng lahat sa atin. Sapagkat karamihan sa atin wala ng pakialam pa patungkol sa ganitong uri ng usapin.


3.3.kapag sinabing lengwahe ito ay tumutukoy lamang sa mga salita na kadalasan iilang tao lamang ang naka aalam at di ginagamit sa pang araw araw, samantalag ang diyalekto naman ay isang wika na kung sann binubuo ng mahigit kumulang sa 30,000 na salita at 7,000 na panlapi , na sya na mang nagagamit sa pang araw araw.

Anonymous said...

Adelita S.Aying
BSIT

1.Ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa ang panitikan ay tumutulong sa pagpapamulat ng mga tao na nagpapabulagbulagan lang sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Ang panitikan ay ginagamit rin sa mga tao na pinapasalinsalin rin nila ito sa pamamagitan ng pagsasalita at iba pa. kaya ang paniniwala ko ay tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng isang bansa.

2.Sa tingin ko po meron kasi hindi naman po nila binabaliwala ang mga sinaunang isinulat ng ating mga manunulat.alam kong kahit papaano ay pinapahalagahan nila ito.dahil pinapabayaan nila ang mga tao na ipasalinsalin ang mga nagagawang,tula mga maiikling kwento,bugtong at iba pa.

3.lengguwahe-ay isang wikang na nagbubuklod sa bansa isa rin itong medium.ito ang ginagamit para magkaintindihan an mga banyaga.
Diyalekto-ito naman ang ginagamit ng pilipino lalong lalo na sa mga matatanda.kadalasan ong maririnig ang paggamit ng diyalikto sa mga probinsiya.

Anonymous said...

Simon, Reylinda E.
BSBA 1
1. Ang panitikan ay sumisimbolo ng kultura, wika ng isang bansa. Ito ay nagbubuklod ng ibat-ibang ideya,damdamin, kaisipan mg mga tao at dahil ditto nagkakaunawaan at nagpapalitan ng mga idealisasyon sa pagtulong at pag unlad sa kamalayan ng isang bansa.Hal. hindi magiging maunlad ang isang bansa kung wala pagtutulungan sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon . Maaari nating mapag- aralang mabuti ang panitikang Pilipino upang lumawak at lubos natin maunawaan ang sarili natin wika.
2.Oo, ang pamahalaan ay gumagawa ng paraan katulad na lamang ng pagbigay ng atensiyon sa edukasyon. Ang ahensiya ng edukasyon(DepED) ay binigyan ng pondo ng pamahalaan upang matustusan ang pangangailangan ng mga mag-aaral dahil ang edukasyon ang mahalagang pundasyon ng pag-unlad ng tao at ng bansa, sa bawat paaralan ” Ang buwan ng wika” ay idinaraos taun-taon upang mabigyang halaga, mapagyaman at mapahalagahan ang ating sariling wika lalo na ng mga estudyante.
Ang ating pamahalaan, at ang mga nagpapatupad ng batas ay marami na panukala ginawa tungkol sa pagpapaunlad ng kamalayan sa panitikan ngunit hindi lubos nila pinapahalagahan, dapat sa kanila magumpisa ito.
Maari natin hikayatin ang kabataan sa pagbasa ng mga librong tagalong, komiks na meron mapupulot na magandang aral at paggamit ng mga salita na madling maintindihan n gating mga mambabasa.
3. Mga pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto ay:
1. Pagkakaiba sa diin ng pagsasalita,pagbigkas, lambing, intunasyon, spelling,
2. Ang lengguhe ay ang pangunahing ginagamit pang komunikasyon samantala ang diyalekto ay ginagamit ng iilang tao sa isang lugar katulad ng bikolano, Cebuano,ilonggo

vanessajavier said...

Vanessa Javier BS IT 9:00-12:00
1.Ang kaugnayan ng panitikan sa ating bansa ay lubos na nakikilala nating mga Pilipino ang ating mga yaman, talento at talinong ibinigay sa atin lalo sa ating mga lahing pinagmulan.Naiaangat ang ating pagka- Pilipino at nakikilala rin tayo sa daigdig. Ginigising nito ang ating mga kamalayan bilang mga Pilipino upang ipaglaban at kilalanin ang ating mga karapatan .Nakikilala din natin ang mga kadakilaan ng ating mga ninuno na siya naming ginagamit at naging tradisyon na natin hanggang sa kasalukuyan.tulad ni Jose Rizal na di lang bilang pambansang bayani natin kilala ,kilala din sya sa ibang bansa dahil sa mga sinulat nya. Naguumpisa ang kaunlaraan ng isang bansa kung ang bawat isa ay tumatangkilik at ipinagmamalaki ang sariling atin, kinikilala at pinagyayaman ang talinong ibinigay sa atin.

2.Sa tingin ko hindi masyadong napagtutuunan ng gobyerno ang pagpapaunlad ng ating panitikang Filipino dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang ibang mga bagay at hindi nila siguro naiisip o kaya napapansin na kailangan nating pagyamanin ang ating mga tradisyon at kinikilala ang mga talentong may kaugnayan sa ating mga pampanitikang Filipino.Maaring sa mga paaralan ay imungkahing magkaroon ng mga patimpalak na may kaugnayan sa panitkan tulad ng mga pagsulat ng tula.

3.Ayon sa website na http://www.varsitarian.com/detail.asp?ArticleID=7803160004&Sections=Sections=Features&id=2200&source=archive.asp&ArchiveID=7803, nakahanap ako na artikulong nagsasaad ng depinisyon ng wika at diyalekto"ILONGGO, Bikolano, Cebuano, Batangueňo, Ilokano, Waray ilan lamang ang mga ito sa 175 sinasalitang lengguwahe sa 16 na rehiyon sa bansa.Ngunit, diyalekto ba ang mga ito o wika? Dahilsakakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang diyalektoKung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng ibat ibang bersiyon at paraan at diyalekto sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangueňo at Ilokano.Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.Ibang-iba ito sa kahulugan ng wika.Wika ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita.Tulad na lamang ng paggamit sa salitang maganda. Isinusulat o binibigkas ito bilang maganda para sa mga Tagalog, magayon sa mga Bikolano, at matahom sa mga Cebuano.Ginagamit naman ang salitang mabilis bilang mabilis din sa Tagalog, ngunit makaskas sa Bikol, at paspas sa Cebu.ginagamit ang mga lengguwahe sa isang barangay, lalawigan, probinsya, o rehiyon, nangangahulugan na hindi na ito wika.ng mga sumusunod na sistema ang mga lengguwaheng nabanggit, hindi ito dapat kinikilala bilang diyalekto. Wika ang dapat itawag sa 175 sinasalitang lengguwahe sa bansa. Rieze Rose T. Calbay Tomo LXXVIII, Blg. 3 • August 18, 2006"Base sa artikulong ito, ang isand lengguwahe ay matatawag na wika kung ito'y may angking sistema sa pagbubuo ng tunog, may sintaks, morfoloji, at ispeling. Nangangahulugan lamang na nangangailangan ng masidhing paghihinuha upang maintindihan ang wika.

Anonymous said...

MELDRID G. PRUGELIO
BSIT-1

1.Ang kaugnayan ng panitikan sa ating bansa ay napaka importente sa ating mga pilipio...
dahil saan mang bahagi ng daigdig,ang panitikan ay may malaking impluwensya na nakakatulong sa pagunlad nito sa ating bansa.

ang panitikan hanggang ngayon ay nakatatak na sa ating kasaysayan at hanggang ngayon ginagamit pa rin naten ito sa ating bansa.

2.Para sakin talaga namang my ganagawa ang gobyerno upang mapaunlad ang panitikang pilipino dito sa ating bansa.

3.

Anonymous said...

Sanchez, Ma. Nathalee Queen D.
BSBA 1
1. Kaugnay nito ang pagpapaunlad ng mga salita ng mga Pilipino. Maari matutunan ang mga ibat-ibang lengguwahe sa ating bansa at maaari narin natin gamitin ito pang komunikasyon sa pamamagitan nito maaari nating malaman ang nais nila iparating sa atin.
2. Oo, pinangangalagaan ng ating gobyerno ang kapakanan at seg uridad sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat at pagpapatupad ng ilang panukala gaya ng pagdaraos sa buwan ng wika, paglilimbag ng mga libro at babasahin na nakakatulong sa aming mag-aaral na mapagyaman ng ating wika.
3. Ang pagkakaiba nito ang lengguwahe ay maaari gamiting pang komunikasyon at ang diyalekto naman ay sa isang lugar na sila-sila lamang ang nakakaalam.

Anonymous said...

Mark Louie Mendoza
BSHRM-I
Saturday 1:00-4:00


1. Ang "PANITIKAN" ay napakalaki ng naitulong sa pagunlad ng ating bansa. Kung hindi dahil dito marahil hindi nagkaroon ng pagasenso ng ating bansa. dahil dito ay nakilala tayo ng ibang dayuhan sa ating bansa at dahil narin sa paglaganap ng panitikan ay kagawa si Dr. Jose Rizal ng mga libro tulad nlang ng el Felibusterismo at noli metanghere.

2. Sa aking palagay marami din naman nagawa ang gobyerno sa ating panitikan. katulad nalang ng ating mga sinaunang prisedente na nakatulong sa pag-unlad ng panitikan anng ating sariling bansa. ngunit sa ngayon marhil ito ay nababali-wala ng ating gobyerno sa ngayon sapagkat nakikita nating ang pagbagal sa pagulad ng ating bansa. kaya dapat pa natin paunlarin ang panitikan.

3. .Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang “diyalekto.”
Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue?o at Ilokano.
Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.
Ibang-iba ito sa kahulugan ng wika
“Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.
Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita.
Tulad na lamang ng paggamit sa salitang “maganda.“ Isinusulat o binibigkas ito bilang “maganda” para sa mga Tagalog, “magayon” sa mga Bikolano, at “matahom” sa mga Cebuano.
Ginagamit naman ang salitang “mabilis” bilang “mabilis” din sa Tagalog, ngunit “makaskas” sa Bikol, at “paspas” sa Cebu.
Hindi dahil ginagamit ang mga lengguwahe sa isang barangay, lalawigan, probinsya, o rehiyon, nangangahulugan na hindi na ito wika.
Dahil nakapagbibigay ng mga sumusunod na sistema ang mga lengguwaheng nabanggit, hindi ito dapat kinikilala bilang diyalekto. Wika ang dapat itawag sa 175 sinasalitang lengguwahe sa bansa.

Anonymous said...

Jona Rose Escopel

1) Ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa ay, ang panitikan ang nagbibigay ng karangalan at nagbibigay ng pagkakataon sa isang bansa upang ito ay makilala sa buong mundo.
Ang papel na ginagampanan ng panitikan sa pagkakakilanlan ng isang bansa sa kaunlaran nito ay dahil sa panitikan nagagwa nitong pagbuklurin ang magkahiwalay na iba't ibang lahi at ang pagkakaroon ng malasakit sa ating sariling kulturang kinagisnan.

2) Sa aking palagay ang gobyerno ay walang ginagawang hakbang upang paunlarin ang panitikan sa ating bansa sapagkat halos wala ng lumilitaw na mga bagong akda sa ating panahon ngayon at kung ating susuriin mas tinatangkilik ng mga Filipino ang mga akdang panitikan ng mga banyaga kesa sa sarili nating panitikan.Kahit tinuturo man ito sa mga paaralan ito ay kulang parin upang paunlarin ang panitikang Filipino.
Ang maaari kong maibigay na panukala sa pamahalaan upang mapayaman ang ating panitikan ay bigyang parangal at kilalanin ang mga maliliit na taong hindi nakakalimot sa pagpapayaman ng ating unti-unti ng nakaklimutang sariling panitikang Filipino upang sila ay magkaroon pa ng interes na gumawa pa ng maraming panitikan na tatangkilikin ng mga tao.

3) Ang lenggwahe ay ang salitang ginagamit ng nakararami at naiintin ng nakararami.ang diyalekto nman ay salitang ginagamit ng isang tribo lamang.
Matatawag lamang ang ang salita na isang lenggwahe kung ang gumagamit nito ay umaabot ng tatlong milyon.
Kay Sir Raquel ko nakuha ang aking sagot

Gina Tating said...

Mga Kasagutan sa Takdang Aralin
1. Ang panitikan ay isa sa mga kayamanan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng panitikan ay patuloy na makikilala an gating bansa dahil sa mga magagandang nailimbag o naisulat ng ating mga bayani at ng mga pasalin- saling henerasyon. Ito’y nagsisilbing daan par sa kaunlaran at sa patuloy na pagkilala sa ating bansa.
Halimbawa:
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
2. Wala po, sapagkat ang bansa natin ay nahaharap sa mga suliranin at krisis ng bansa kaya’t hindi na gaanong napagtutuunan o nabibigyang pansin ang panitikang Filipino, natutuon na lamang ang kanilang pansin sa pagharap sa mga suliranin ng bansa. Sana’y magbigay ng panukala ang pamahalaan na bigyan ng pansin, tangkilikin at pagyamanin pa rin ito. Makikilala ang ating bansa sa pamamagitan ng panitikan.
3. Pagkakaiba ng Lengguwahe sa Diyalekto:
a. Ang diyalekto ay mga salita na ginagamit ng karamihan o grupo ng mga tao samantalang ang lengguwahe ay salitang pang internasyonal.
b. Nagkakaunawaan at nagkakaintindihan ang bawat tao dahil sa lengguwahe na tinatawag na English International Language datapwat ang diyalekto ay pawing iilan lamang ang nakakaunawa batay sa diyalekto na ginagamit ng grupo ng mga tao.
c. Makikilala rin ang isang tao sa pamamagitan ng diyalekto ngunit magkakaunawaan alinmang nasyonalismo dahil sa lengguwahe.

Gina Tating said...

Mga Kasagutan sa Takdang Aralin
1. Ang panitikan ay isa sa mga kayamanan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng panitikan ay patuloy na makikilala an gating bansa dahil sa mga magagandang nailimbag o naisulat ng ating mga bayani at ng mga pasalin- saling henerasyon. Ito’y nagsisilbing daan par sa kaunlaran at sa patuloy na pagkilala sa ating bansa.
Halimbawa:
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
2. Wala po, sapagkat ang bansa natin ay nahaharap sa mga suliranin at krisis ng bansa kaya’t hindi na gaanong napagtutuunan o nabibigyang pansin ang panitikang Filipino, natutuon na lamang ang kanilang pansin sa pagharap sa mga suliranin ng bansa. Sana’y magbigay ng panukala ang pamahalaan na bigyan ng pansin, tangkilikin at pagyamanin pa rin ito. Makikilala ang ating bansa sa pamamagitan ng panitikan.
3. Pagkakaiba ng Lengguwahe sa Diyalekto:
a. Ang diyalekto ay mga salita na ginagamit ng karamihan o grupo ng mga tao samantalang ang lengguwahe ay salitang pang internasyonal.
b. Nagkakaunawaan at nagkakaintindihan ang bawat tao dahil sa lengguwahe na tinatawag na English International Language datapwat ang diyalekto ay pawing iilan lamang ang nakakaunawa batay sa diyalekto na ginagamit ng grupo ng mga tao.
c. Makikilala rin ang isang tao sa pamamagitan ng diyalekto ngunit magkakaunawaan alinmang nasyonalismo dahil sa lengguwahe.

Anonymous said...

Christine Mel E. Martinez
BSHRM1

1. Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan nito nakikilala ang ating bansa.

2. sa aking palagay hindi ko maramadaman na may gingawang hakbang ang gobyerno upang paunlarin ang panitikan sa ating bansa. ang ipapanukala ko sa ating gobyerno kailangang bigyan pansin ang mga bagong manunulat upang manumbalik ang interest ng pilipino sa panitikan.

3.Ang dayalekto ay iba't ibang lenggwahe ng bawat rehiyon na may iba't ibang kahulugan, gramar at pagbigkas ng bawat salita.

ang lenguwahe ay isang bansa ang gumagamit, lahat nang mamamayanan ang nakakaalam nito, san man sila magtungo.

jessebelle rico said...

1.ang panitikan ay isang malaking impluwensya sa mga tao ito ay napaka makapangyarihan dito rin makikita ang paguugali ng isang tao at pamumuhay nia dahil dito nasasalamin ang buhay nila

2.para sakin ay may ginagawa ang gobyerno sa ating bansa sa pamamagitan na lamang ng pagbbigay ng mga pagkaen sa kapos-palad,pagbibigay ng eskwelahan na may libreng tuition,at mga pabahay.sa ganitong pagkakataon sila ay may naitutulong parin sa mga tao na nangangailangan kahit a an iba sinasabing wala silang mga kwentang gobyerno.

3.ang linggwahe ay madaling bigkasin at unawain samantalang ang diyalekto mahirap unawain at bigkasin at kinakailangan pa ng masusing proseso para lamang maintindihan ang nilalaman nito.

pinagkuhaan:internet,panitikang filipino old book

Anonymous said...

Pereira, Rose Anne
BSCS 1


1. ang panitikan ay kailangang-kailangan ng isang bansa. Bakit? Sapagkat ang panitikan ay isinusulat ng mga nakaraang tao ang kanilang mga buhay, ang kanilang mga pinagdaanan at ang mga paraan kung paano nila nalutas ang mga hinarap nilang suliranin.
nang dahil sa panitikan, nalaman nating mga kasalukuyang tao ang mga nangyari noong panahong sinakop tayo ng mga Amerikano, mga kastila at iba pa. Nalaman din natin kung paano hinarap ng ating lahi ang mga iyon para lang mapaalis sa ating lupain. At dahil sa tapang na ipinakitang ating lahi kung bakit din sila nagtagumpay at kung bakit tayo ay naging malaya. Mula noong paglaban ng mga Pilipino, natuto na rin tayong lumaban para sa ating karapatan at kalayaan.

2.Para sa akin, mayroong ginawa ang gobyerno ng ating bansa upang mapaumlad ang panitikang Pilipino. Ito ay kanilang binasa, inaral at sinabi ang pamitikamg nakasulat kaya ang mga estudyante o mga mag aaral ngayon ay may mga nalalaman na rin tungkol sa nakaraang buhay ng ating lahi at pati na rin ang tungkol sa pananakop ng mga Kastila at iba pang lahi sa ating bansa.
Para sa akin ay sapat na ang pagpapayaman ng panitikang pilipino upang makintal sa isipan nila ang kahalagahan nito. ang masasabi ko lamang sa pamahalaan tungkol sa ating panitikan, ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa ninyo at sana ay tularan ninyo ang mga ginawa ng mga nakaraang taong Pilipino upang mas lalo pa nating mapaunlad ang panitikang Pilipino at nawa'y matutunan niyo'ng ipaglaban ang ating bansa upang hindi tayo maliitin ng ibang lahi.

3. Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tationg dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.
Ang lengguwahe ay mas maraming tao ang gumagamit kesa sa dayalekto.

nakuha ko po sa google at sa mga napag-aralan po namen.

Anonymous said...

aldrin lina
tuesday nov./30/2010 10:00pm

1. ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa. sa tingin ko ito ay kailangan para sa isang bansa o lugar kasi kung wala nito ay parang baliwala na lang ang isang bansa. at ang pgkaka alam ko din ay ang pilipino ay kilala sa larangan ng tula dula nobela maiikling kwento at marami pang iba at dahil dito ay malaki ang naitutulong nito sa ating bansa at sa ating kultura dito rin natin naipapa kita kung gaano kahusay ang pilipino sa larangan ng panitikan...

2. sa tingin ko meron ginagawa ang gobyerno ng pilipinas para mapa unlad ang panitikang pilipinoito ay ang mga nagiging programa nila sa paaralan ang kompitisyon sa pag tula dula at ang pag gawa ng nobela sa teyatro at ang iba naman kabataan o kababayan ay dumadayo pa sa ibang bansa para maipakita nila kung gaano kagaling ang pilipino sa larangan ng panitikang filipino. ito ay sapat na para maikintal sa isipan ng mga pilipino kung gaano kahalaga o ano ang kahalagahan nito. ang maipapanukala ko lamang ay ipag patuloy pa ang pagpapa unlad sa panitikan...

3. ang pagkakaiba ng linggwahe sa diyalekto ang linggwahe ay ang salita na ginagamit para sa isang bansa upang magkaintindihan halimbawa ang pilipinas. ang linggwahe ng pilipinas ay tagalog at ang mga diyalekto naman ay tulad ng mga visaya ilocano waray yaan ang mga halimbawa ng diyalekto...

kers said...

Crisanto Ada
May kaugnayan ito sa pag papaunlad ng ating bansa, dahil ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.at hanggang ngayon ay pinag aaralan parin ito, Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
Sa tingin ko meron, Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. . Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
Ang lengguwahe ay ito ay ginagamit sa ibat ibang rehiyon ng bansa ang dialect naman ay ginagamit bilang isang uri ng salita na ginagamit ng iba’t-ibang tao sa pakikipag-ugnayan nito sa kanilang kapwa.

Anonymous said...

Infiesto Jaenin R.

1. Ang panitikan ang malikhaing pagpapahayag ng kaisipan, mayroon aestitikong anyo , sankatauhang pangkaisipan at kawalang-maliw Maiuugnay ang panitikan sa kaunlaran, sapagkat kapag maraming tao ang nakakaintindi sa salitang panitikan at may kakayahan na bumuo , malaki din ang posibilidad na ang bansang kinabibilangan ay may kakayahan magproduce ng taong may katamtamang antas ng intelektwal na pagiisip sapagkay hindi madaling makabuo ng isang panitikan na maaring magkaroon ng malaking impluwensya sa lipunan


2. Mayroon namang mga hakbangin na ginagawa ang gobyerno upang mapaunlad and panitikan sa bansa, halimbawa nito ay ang pagsasama nito sa kurikulum ng Kolehiyo. Subalit hindi nga lamang ito sapat sapagkat hindi na nakatuon ang pansin ng mga estudyante sa kahalagahan ng panitikan. Maari rin ito isama sa mga subject na itinuturo sa elementarya at sekondarya, maglunsad ng mga proyekto na kung saan nagbibigay diin sa importansya ng panitikan filipino

3.Ayon sa wikipedia
lenggwahe -binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.

ayon sa webster
ito ay ang salitang ginagamit sa isang rehiyon na may sariling pagkakakilanlan sa iba pang salitang maaring gamitin

ayon sa webster
ito ay ang paggamit ng salitang alam ng nakakarami, magkakahalitulad sa pagpronounce at kung ano pa na may kinalaman dito

Anonymous said...

arnold peralta BSIT
1.)Ano ang kaugnayan ng panitikan sa kaunlaran ng isang bansa?
pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa.
Ang papel na ginagampanan ng panitikan sa pagkakakilanlan ng isang bansa at sa kaunlaran nito.ito ay ang mga kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pangtelebisyon at pampelikula
Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. ..pangalawa ay ang pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa. Ay sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo yan ang mga taong halimbawa na nagtagumpay sa pandayuhang Pilipino.
2.) Sa tingin mo, may ginagawa ba ang gobyerno ng Pilipinas para mapaunlad ang panitikang Filipino? Ang sagot ko po ay YES .At bakit po ba? Ito ay ang ating pang araw- araw hanapbuhay at higit sa lahat kailangan natin ang edukasyun.
Sapat ba ang mga hakbang na ito para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng panitikang Filipino?hindi
Hindi po ito sapat dahil karamihan satin mga kapwa Pilipino ay ang ginamit ang dayuhang mga salita dapat po sana hindi kailangan na kalimutan dahil ito ang ating bayan ng ating sinilangan gaya nalang po ni many paquiao isang tanyag na boksingerong bayani na siya ngaun at lagi nyang sinasabi na dapat ipag malaki natin ang ating pilipinas at mahalin ang bayan natin.At isa lang ang kanyang tinatawag ito ay an gating panginoon diyos.
3.)Anu-ano ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto? Magbigay ng tatlong pagkakaiba. Ibigay ang mga referens ng iyong sagot? Ang lenguwahe ay syang ng isang bansa upang makipag ugnayan sa mga tao maging ito man ay taga ibayung daku..
Ito rin ay ginagamit ng karamihan.
halimbawa nito ay ang wikang englis, tagalong, cebuano.
Ang diyalekto naman ay ginagamit din ng maraming tao kaya lang hindi lahat ng nakatira sa isang bansa ay nakakaintindi.
Ito rin ay ginagamit lamang sa ng mga tao sa kanilang mga lalawigan.
Halimbawa: bicolano, masbatenio. Ilonggo.
Reference sa Panitikang Pilipino
1. Patricio V.Villafuete
2. Rolando A. Bernales
3. Romualdo M. Protacio
4. Merlinda C. Cantre

Anonymous said...

Jordan inocencio
BSIT
1.tagala naman na mahalaga ang panitikan sa isang bansa tulad ng pilipinas ,dahil dito ang mga tao ay nagkakaroon ng pagmamahalan dahil sa wika.at sa paglipas ng panahon maraming henerasyon ang maiintindahan kong ano talaga ang panitikan.....

2.sa tingin ko nga un meron magagawa ang ating pangulo dahil dahil nung nanumpa sya sa mga pilipino halos lahat ay wikang filipino ang kanyang sinambit..

3.ang pinag ka iba ng lenggwahe sa dyalekto .?ang linggwahe ay tagalog kea nag kaka intindahan ang mga pilipino sa panig ng pilipinas at ang dyalekto naman ay ang local na lenggwahe tuad ng mga visayas ...

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top