1. Ano ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa? Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkakakilanlan ng isang bansa at sa kaunlaran nito. Maaari kang magbigay ng halimbawa.

2. Sa tingin mo, may ginagawa ba ang gobyerno  ng Pilipinas para mapaunlad ang wikang Filipino? Kung meron, ano o anu-ano ang mga ito? Sapat ba ang mga hakbang na ito para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang pambansa? Ano ang maaari mong maibigay na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang responsibilidad nito sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa?

3. Anu-ano ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto? Magbigay ng tatlong (3) pagkakaiba. Ibigay ang mga referens ng iyong sagot.

17 comments:

Anonymous said...

Tolentino, Jhoyce BSA-1
Pagbasa At Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina
May kaugnayan ang wika sa kaularan ng bansa. Kung lahat ay gagamit ng wikang Filipino lahat ay nagkakaunawaan. Magkakaintindihan ang bawat isa. Magkakaroon din ng pagkakaisa. Hindi ba't ang dahilan ng ating kaalaman sa wikang dayuhan ay simbulo ng pagkakasakop sa atin , ito ba ay dapat ipagmalaki. Hindi ba’t ito ay simbulo ng ating kahinaan na hindi natin kayang mabuhay kung hindi tayo gagamit ng kanilang salita? Sa ngayon, marami ang mga taong walang trabaho. Karamihan ay hindi nakakapasa sa interbyu dahil hindi naman sila sanay gumamit ng salitang ingles. Marami rin ang hindi na nagsusubok magapply ng trabaho dahil iniiwasan nila ang interbyu. Ang iba ay nakokontento na sa mga trabahong side line lang. Kung ang wikang Filipino sana ang gagamitin, lahat sana ay magkakaroon ng lakas ng loob na magtrabaho. Magiging maunlad sana ang bawat isa at ang ating bansa. Ganon pa man, hindi nangangahulugan na hindi na dapat pag-aralan ang wikang ingles. Sinasabi nga na ito ang universal na lengguwahe. Kailangan pa rin nating matutuhan ito upang magkaroon ng kaalam sa nangyayari sa labas ng bansa. Isa sa mga bansang maunlad dahil sa paggamit ng sariling wika ay ang Japan. Sila ay maunlad sapagkat nasa isipan, kakayahan, at disiplina ng kanilang mga mamamayan ang paunlarin ang kanilang bayan. Hindi na sila gumamit ng isang banyagang wika tulad ng Ingles sapagkat sapat na ang kanilang sariling wika upang sila'y magkaisa at kumilos sa ikauunlad ng bayan nila.
Sa aking palagay, may ginawa naman ang gobyerno natin sa pagpapaunlad ng ating wika sa pamamagitan ng pagsulong ng batas na Wikang Filipino ang ating pambansang wika ngunit hindi ito sapat upang makintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang pambansa. Sila na dapat magsimula ng paggamit ng sariling wika ay nagpapakita na mas minamahal nila ang pagsasalita ng wikang banyaga. Kaya naman para hindi na nila makalimutan ang kanilang tungkulin na dapat pagyamanin ang sariling wika ay umpisahan nila sa kanilang sarili. Maging mabuti silang halimbawa upang lahat ay tumulad sa kanila.
Ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto ay ang lengguwahe ay salita ng isang bansa samantalang ang diyalekto ay salita ng isang grupo ng tao sa isang rehiyon. “Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao. Ang diyalekto naman ay tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita. Ang salita ay tinatawag na lengguwahe kung ang gumagamit nito ay 30,000 pataas at diyalekto naman kung ang gumagamit nito ay wala pa sa 30,000 na tao.
Referens (http://www.varsitarian.net/features/wika_o_diyalekto)

Anonymous said...

Tolentino, Jhoyce BSA-1
Pagbasa At Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina
May kaugnayan ang wika sa kaularan ng bansa. Kung lahat ay gagamit ng wikang Filipino lahat ay nagkakaunawaan. Magkakaintindihan ang bawat isa. Magkakaroon din ng pagkakaisa. Hindi ba't ang dahilan ng ating kaalaman sa wikang dayuhan ay simbulo ng pagkakasakop sa atin , ito ba ay dapat ipagmalaki. Hindi ba’t ito ay simbulo ng ating kahinaan na hindi natin kayang mabuhay kung hindi tayo gagamit ng kanilang salita? Sa ngayon, marami ang mga taong walang trabaho. Karamihan ay hindi nakakapasa sa interbyu dahil hindi naman sila sanay gumamit ng salitang ingles. Marami rin ang hindi na nagsusubok magapply ng trabaho dahil iniiwasan nila ang interbyu. Ang iba ay nakokontento na sa mga trabahong side line lang. Kung ang wikang Filipino sana ang gagamitin, lahat sana ay magkakaroon ng lakas ng loob na magtrabaho. Magiging maunlad sana ang bawat isa at ang ating bansa. Ganon pa man, hindi nangangahulugan na hindi na dapat pag-aralan ang wikang ingles. Sinasabi nga na ito ang universal na lengguwahe. Kailangan pa rin nating matutuhan ito upang magkaroon ng kaalam sa nangyayari sa labas ng bansa. Isa sa mga bansang maunlad dahil sa paggamit ng sariling wika ay ang Japan. Sila ay maunlad sapagkat nasa isipan, kakayahan, at disiplina ng kanilang mga mamamayan ang paunlarin ang kanilang bayan. Hindi na sila gumamit ng isang banyagang wika tulad ng Ingles sapagkat sapat na ang kanilang sariling wika upang sila'y magkaisa at kumilos sa ikauunlad ng bayan nila.
Sa aking palagay, may ginawa naman ang gobyerno natin sa pagpapaunlad ng ating wika sa pamamagitan ng pagsulong ng batas na Wikang Filipino ang ating pambansang wika ngunit hindi ito sapat upang makintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang pambansa. Sila na dapat magsimula ng paggamit ng sariling wika ay nagpapakita na mas minamahal nila ang pagsasalita ng wikang banyaga. Kaya naman para hindi na nila makalimutan ang kanilang tungkulin na dapat pagyamanin ang sariling wika ay umpisahan nila sa kanilang sarili. Maging mabuti silang halimbawa upang lahat ay tumulad sa kanila.
Ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto ay ang lengguwahe ay salita ng isang bansa samantalang ang diyalekto ay salita ng isang grupo ng tao sa isang rehiyon. “Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao. Ang diyalekto naman ay tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita. Ang salita ay tinatawag na lengguwahe kung ang gumagamit nito ay 30,000 pataas at diyalekto naman kung ang gumagamit nito ay wala pa sa 30,000 na tao.
Referens (http://www.varsitarian.net/features/wika_o_diyalekto)

Anonymous said...

Rosella S. Mabalot
BSA
1. Dahil ang wika ang isa sa pangunahing daan upang makilala ang isang bansa. Sa pamamagitan ng wika madaling natutukoy kung ano ang ating lahi.
2. Meron. Isang halimbawa ang paggamit ng sarili ng ating wika sa isang public speech. At ang pag-aaral na ilagay sa batas ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo. Ngunit hindi natin masabing sapat ang mga binabalak nila dahil madami din ang hindi sumasang-ayon. Kung ako ang tatanungin mas mabuting gamitin ang ating sariling wika sa isang public speech mula sa may mataas na posisyon, upang mas maintindihan ng bawat Filipino ang kanilang sinasabi.
3. WIKA - isa itong bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
DIALEKTO - ang tawag sa mga uri ng "language" na ginagamit ng iba-ibang uri ng grupo na ayon sa kanilang rehiyon at kasanayan.

Anonymous said...

Jay-ar T. Custodio
BSA-1
SA 7:00-8:00/4:00-6:00

1)Wika ay isang midyum ng pakipagkomunikasyon sa kapwa upang mabuhay ng maayos at magkaunawaan.
Malaking parte ang wika sa pagunlad ng isang bansa sapagkat bawat tao sa isang bansa ay nagkakaintindihan at dahil dito ay napapabilis ang mga transaksyon at ang wika ay nakakatulong dahil nagkakaroon ng pagkakaisa at may pagkakaintindihan kaya ang bansa ay umuunlad, dahil din dito ang mga tao ay nagkakaroon ng pagmamahalan dahil sa wika.
Ang papel ng wika ng pagkakilanlan sa isang bansa ay yung lenggwahe na Halimbawa:
Tagalog- pilipinas
Ingles- International country
Chinese-China
at kung sa kaunlaran ay ang wika ay sandigan upang makamit ang pambansang kultura ng isang bansa at lahat ng tao sa isang bansa ay nagkakaintindihan sa negosyo at kung paano mapaunlad ang kanilang bansa.

2)Meron
Agosto 4, 1998 nagpunta si pangulong Estrada sa mataas ng paaralan ng PUP at sinabi ang kanyang matibay na hangarin na ng wikang filipino ay pamukadkarin bilang wika ng kanyang pamahalaan,
Ayon sa nabasa ko hindi sapat un sapagkat karamihan ng pilipino ay hindi sumangsangayon sa ganitong pamamalakad sapagkat ang wikang ingles daw ang pandaigdigang wika /globalisasyon
Ang pagpapalimbag sa sourcebook sa wika ay magandang kasangkapan upang maisulong ang wikang Filipino. Ito ay maaaring ituring na isang pagkilos upang manatiling buhay ang ating kultura. Ngunit mga ideyal na pananaw lamang ang nakikita ko rito. Mahirap isulong ang wikang Filipino, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, upang magkaroon tayo ng pambansang kultura.

3)Ang lenguwahe ay katawagan sa mga ibat-ibang wika at diyalekto naman ay tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng ibat-ibang bersyon at paraan ng pagsasalita
ILONGGO, Bikolano, Cebuano, Batangue?o, Ilokano, Waray—ilan lamang ang mga ito sa 175 sinasalitang lengguwahe sa 16 na rehiyon sa bansa.
Ngunit, diyalekto ba ang mga ito o wika?
Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang “diyalekto.”
Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue?o at Ilokano.
Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.

Anonymous said...

Michael M. San Jose
BS Accountancy SA 7:30-9:00am/4:00-6:00pm

1. Dahil sa pamamagitan ng wika, nagkakaugnayan, nagkakaugnayan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Ang wika rin ang nagbibigay ng kaugnayan pagpapalakas sa isang bansa. Sa pamamagitan ng komunikasyonang bawat galaw at kilos ng isang tao ay nakasalalay sa wika ng isang bansa. Ang isang bansang walang sariling wika ay masalimuot ang pag-unlad dahilan sa hindi pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ng bawat isa. Ang wika ang nagbibigay ng pundasyon sa bawat bansa sapagkat sa bawat salita ang pakikihalubilo at pakikipag-ugnayan ang nagiging daan upang ang produkto ng isang bansa ay maiuugnay sa pangangailangan ng bawat tao at lipunan.kapag walang wika na di maintindihan ay mahihirapan ang bawat isa ng pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa bawat isa. Mayroon ngang kasabihan na ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda. Kaya napakahalaga na mahalin natin ang ating wika sapagkat ang wika ay nagbibigay gabay sa pundasyon at pag-unlad ng isang bansa.

2. Oo, naman kasama ang aralin pilipino sa mga leksyon sa ating kolehiyo. Kinakailangan bigyan ng pamahalaan ng sapat na pagpapahalaga sa ating pambansang wika. Dapat magpatupad ng batas ang ating pamahalaan ng isang panukala na gamitin ang ating wika sa loob at labas ng bansa sapagkat ang kaunlaran ng isang bansa ay makakamit lamang kapag ang isang bansa ay nagkakaisa at nagsasama –sama hindi nagkakawatak-watak sa layunin at adhikain na mapahalagahan ang ating sariling wika at hindi ang wika ng mga dayuhan.

3. Ang lengguwahe ay wika ng buong bansa sa mantala ang diyalekto ay wika lamang ng rehiyon . halimbawa nito iba ang lengguwahe ng bicolano sa bisaya. Iba din ang lengguwahe ng pangsiyenyo sa taga baguio. Iba ang mga lenguwahe ng mga muslim sa ating mga tagalog. Pero ang wika nating pambansa ay ginagamit nang pangkalahatan ay tagalog.

Anonymous said...

Gela Faith N.Cortado BSA1
Malaki ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa.Ang wika ay nagpapakilala sa isang bansa na ang ibig sabihin ay"Personal Identification".Ito ay nagpapakilala sa isang bansa kung anong uri ng personalidad mayroon ito.Ang gobyerno ay nagsisikap na maging mataas ang antas nito,at karapar-dapat na bigyang-galang,kaibiganin,at dayuhin ng mga turista.Kaya kailangan natin ito ng pangalagaan at panatilihin.Ang magandang pangalan ng wika ng isang bansa at nagsasalita.Halimbawa,kapag ang Pilipino ay nasa isang bansa at nagsasalitasiya ng ating wikang "Tagalog",siya ay nakilala na taga-bansang Pilipinas.Ang Pilipinas ay kilala sa 8th Worldwide Champion for Boxing at naipromote ang ating bansa bilang Christian Nation,dahil sa mapanalanginin na ina ng ating World Champion.Ang dahilan ng hindi pag-unlad ay ang negatibong pag-uugali.
Sa aking palagay,ang isa sa magandang ginagawa ng ating gobyerno upang mapaunlad ang Wika ng ating bansa ay ang pagpapanatili ng "Filipino subject" mula sa kinder hanggang sa kolehiyo.Pangalawa,ay ang paggamit ng pambansang wika sa iba't ibang bahagi ng ating bansa sa pamamagitan ng balita at iba pang media,gaya ng telebisyon at radyo.Malaking bagay ito upang mapanatili at mapahalagahan ang sariling wika.Isa sa maaari kong maibigay na panukala ay ang pagkakaroon ng isang "Filipino subject" sa tuwing may Masteral Examination.ang mga propesyunal upang mas lumalim pa ang kanilang kaalaman sa ating wika dahil karamihan ang Board Exam ay Ingles.
Ang pagkakaiba ng lenggwahe sa diyalekto: Ang lenggwahe-ay ang pambansang wika,ito ay "Personal Identification" o pagkakialala sa isang bansa para sa pangkalahatan o Worldwide.Halimbawa,ang pambansang wika ng Pilipinas ay ang Wikang Tagalog.Itong lenggwahe ay nagpapakilala rin ng bawat mamamayan sa buong mundo.Ang diyalekto naman ay ginagamit sa bawat probinsya o lugar ng bansang Pilipinas.Halimbawa,ang taga-Samar ay nagsasalita ng kanyang diyalekto ay Waray.Ang diyalekto rin ay nagpapakilala kung saang lugar ka nakatira.At ang diyalekto rin ay nakabase o nagpapakilala sa iyong gawi o pamumuhay.

Unknown said...

Joan Ericka Suan B.
BSBA-1


1.) Malaki ang kugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa, mahalaga ito sapagkat ito ang nagsisilbing instrumento ng komunikassion sa isang bansa at ito ay nakakatulong dahil nagkakaroon ng pagkakaisa at may pagkakaintindihan kaya ang bansa ay umuunlad, dahil din dito ang mga tao ay nagkakaroon ng pagmamahalan dahil sa wika.

2.) WALA,,Dahil Sa pamumuno ni dating ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay iniutos niya na ibalik ang Ingles bilang pangunahing wikang panturo. At naglabas ito ng kautusang may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of English as a Second Language in the Educational System” (Executive Order 210). Nilalayon nitong palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo.
Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na:Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.


3.) Kaibahan ng wika at diyalekto.

Ang Wika ay sistematiko, ito ay sinasalitang tunog, Ito ay ginamitan ng paraang arbitaryo.

Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa itong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Anonymous said...

Janine Gonzales
BSA1
1.Ano nga ba ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng bansa? Alam nating,kung walang wika magiging miserable ang lahat.Marami ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng wika sa kaunlaran ng bansa.Una,kung walang wika hindi magkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa,at maaaring hindi nila masabi sa ibang bansa ang gusto nilang sabihin.Halimbawa,kung ang isang pinuno ay walang alam na wika,hindi kaagad sila makakapagpalit ng prudokto na maaaring makatulong sa taong bayan o di naman kaya ay trabaho.Kung walang wika,ano nalang ang mangyayari sa lahat?Marahil ay sobrang tahimik at mas lalong naghihirap.At siguro walang magiging ugnayan ang bansa natin sa iba pang bansa.Hindi ba't napakalungkot kung gayon ang nangyari.kaya dapat pa rin tayong magpasalamat at nagkaroon tayo ng wika.Dahil kung wala nito,hindi kaagad uunlad ang ating bansa.
2.Sa tingin ko po,meron pa rin.Pinauunlad nila ang wikang fiipino sa pamamagitan ng paggamit nito,paminsan minsan.Kasi po sa nakikia ko ngaun at naririnig,ang kadalasan ng ginagamit ay ang wikang ingles.Halimbawa po ay yong mga interview nanapapanood natin sa mga telebisyon,mga napapakinggan sa radyo,mga nababasa at iba pa.Sa ngayon minsan nalang nagagamit ang wikang filipino.At sa tingin ko po kung ang ating wika ang syang palaging ginagamit ng mga nakakataas sa atin,marahil ay masa lalo pa itong uunlad at pahahalagahan ng lahat ng tao.Ang panukala ko po sa pamahalaan,sana kahit na ang wikang ingles ang kadalasang ginagamit,sana wag nilang kalimutan o talikuran yong mga resposibilidad na paunlarin o pagyamanin ang ating wikang pambansa.Kaylangan nating paulit ulit na ipaalala sa pamahalaan na sa kanila nakasalalay ang atig wika,at tungkulin nilang pagyamanin ito.
3.Para sa akin pareho lang po,kasi ang diyalekto ay ibat-ibang lenggwahe ng bawat rehiyon at may ibat-iba ding kahulugan at pagbigkas.Mapapansin natin na kahit iba iba ang lugar,meron pa ring pagkakaunawaan na namamagitan.Halimbawa po,mapapansin nating magkakaiba ang pagsasalita ng tagalog,sa ilonggo malambing sila kung magsalita,sa bikolano mahinhin,at sa batangeno naman ay pasigaw o pagalit.

Anonymous said...

QUINCESS SIASICO
B.S.B.A 1
SAT.7:9 4:5:30

1.Ang wika kasi ay isa sa mga ginagamit natin upang makipag usap mag kaintindihan ang bawat isa tulad na-lang ng kasosyo sa isang malaking negosyo yung mga taxes nila napupunta sa gobyerno halimbawa pinoy at american sabi nga nila yung salitang ingles ang isang universal so kung hindi dahil sa wika hindi uunlad ang pilipinas. dahil sa pakikipagtalastasan.
2. Para sa akin hindi pa napaunlad ang ating bansa ng dahil sa wika siguro napaunlad ng nila ang ang kani-kanilang pamilya dahil sa pangungurakot hindi dahil sa wika.
Wala pa silang nagawang nasabi o napadama sa mga mamayan ng pilipino kundi puro gulo ni tulungan ang ibang mahihirap hindi magawa pano pa kaya ang wika, pero umaasa pa rin akong uunlad ang pilipinas ngayon sa ating bagong pangulo.
3. Ang dayalekto ay iba't ibang lenggwahe ng bawat rehiyon na may iba't ibang kahulugan, gramar at pagbigkas ng bawat salita.


pagkakaiba - iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
wikang sinasalita ng isang neyographical
Hal: pakiurong ng po ang plato Bulacan - hugasan
Pakiurong nga po ang plato Maynila - iusog

Anonymous said...

Gelardine Aldema
BSBA



1.Ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng ating bansa ay ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Ang papel na ginagampanan nito ay napakahalaga dahil ito ay nakakatulong upang mapaunlad ang ating bansa sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakaintindihan ng bawat mamamayan.Ang wika ay katangi-tanging gamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Dahil sa wika, naipababatid ang saloobin at iniisip ng tao sa kanyang kapwa. Ibig sabihin, kayang-kayang matinag ng wika ang damdamin at isipan ng tao o pangkat ng mga tao alinsunod sa kaisipan at pangyayari. Gayon din, pinagagalaw at binibigyang-buhay ng wika ang mga bagay sa ating kapaligiran. Sa madaling sabi, ang paggamit ng wika ay may malaking impluwensya sa pag-iisip, kalooban, at pagkilos ng bawat tao.
2.Sa isang banda, isang linggwistikong katotohanan ang pagkakaroon natin ng maraming wika kahit na tayo ay may pambansang wika. Ito ang tinatawag na multilinggwalismo ng wika. Sa isang talumpati ni Senador Pimentel tungkol sa multilinggwalismo, tinalakay niya ang kahalagahan ng rehiyonal o iba pang wika para sa isang matatag na bansa. Ayon sa kanya, mahalagang mapanatili ang mga wika sa iba’t ibang panig ng bansa upang mapasigla at mapalaganap ang ating sariling kultura. Ipinaliwanag din niyang kailangang pinangangalagaan natin ang mga katutubong wika sa bansa upang hindi ito mawala sa ating kamalayan, pasalita man o pasulat.Binigyang-daan ni Pimentel ang kahalagahan ng isang wikang pambansa. Gayunpaman, hindi niya iminumungkahi ang pag-alis ng wikang Ingles dahil naniniwala siyang napakahalaga ng wikang ito sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan o globalisasyon.
Maganda ang tinurang ito ni Senador Pimentel para sa ating sariling wika. Subalit hindi ko nakikita ang pag-asang uunlad ang sarili nating kultura. Kung magpapatuloy ang paggamit ng Ingles dahil sa globalisasyon o pakikipag-ugnayang panlabas para sa kaunlaran ng bansa, lalamunin lamang nito ang ating sariling wika. Hindi ito ang mga tamang paraan para paunlarin ang wika at kultura ng bansa. Ang mga opisyal mismo sa ating pamahalaan ang gumagawa ng paraan para humina ang ating wika. Mas pinatatatag ang trabahong call centers, sa halip na lumikha ng mga trabaho na makatutulong nang malaki sa pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan. Parami nang parami rin ang mga Pilipinong lumalabas ng bansa upang doon maghanapbuhay. Tuwang tuwa naman ang pamahalaan dahil sa malalaking buwis na nakukuha sa mga overseas Filipino workers (OFWs).Ang dapat nating gawin ay ang tangkilikin ang sariling atin.
3.Ang dayalekto ay iba't ibang lenggwahe ng bawat rehiyon na may iba't ibang kahulugan, gramar at pagbigkas ng bawat salita. Ang wika o lengguwahe ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.Tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue?o at Ilokano.
Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.“Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.
Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita. Tulad na lamang ng paggamit sa salitang “maganda.“ Isinusulat o binibigkas ito bilang “maganda” para sa mga Tagalog, “magayon” sa mga Bikolano, at “matahom” sa mga Cebuano.(pinoyhenyo)

Anonymous said...

Sanchez, Ma. Nathalee Queen D.
BSBA 1
1. Kaugnay nito ang pagpapaunlad ng mga salita ng mga Pilipino. Maari matutunan ang mga ibat-ibang lengguwahe sa ating bansa at maaari narin natin gamitin ito pang komunikasyon sa pamamagitan nito maaari nating malaman ang nais nila iparating sa atin.
2. Oo, pinangangalagaan ng ating gobyerno ang kapakanan at seg uridad sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat at pagpapatupad ng ilang panukala gaya ng pagdaraos sa buwan ng wika, paglilimbag ng mga libro at babasahin na nakakatulong sa aming mag-aaral na mapagyaman ng ating wika.
3. Ang pagkakaiba nito ang lengguwahe ay maaari gamiting pang komunikasyon at ang diyalekto naman ay sa isang lugar na sila-sila lamang ang nakakaalam.

Anonymous said...

SAPILAN, JOHN LLOYD O.
SAT 7:30-9:00
PAGBASA AT PAGSULAT

1.Malaki ang kaunlaran ng wika sa kaunlaran ng isang bansa dahil ito ay isang kayamanan ng isang bansa at dapat talaga itong pag-iingatan. Halimbawa nalang nito ang wikang tagalog ay ang wikang pinakamamahal ng bayan. Kung wala ang wikang tagalog hindi magkakaroon ng kaunlaran ang bansa natin. Dahil ang WIKA ay ang nag-uugnay sa bawat isa oh sa ating lahat. Kaya ang wika ay malaking kaugnayan talaga sa kaunlaran ng bansa.


2.OO dahiL para sa akin ang pagsalita ng wikang tagalog ay malaking bagay na yun. Kaso nga lang hindi pa ito sapat dahil kung wala ang tulong ng mga sambayanang pilipo o bawat isa sa atin hindi tayo magkakaroon ng pag-iisa para sa wikang pambansa. Dahil minsan gumagamit tayo ng ibang wika tulad ng ENGLISH kahit di ito dapat ito gamitin sa ating bansa para hindi malilimutan ng mga mamamayanang pilipino pero ito ang ka una-unahang ginagamit nating mayor para sa ating bansa.Kung ako lang masusunod gagawin kung maynor yung wikang banyaga at gagawin kung mayor ang wikang pambansa at papaunlakin at papalawakin ko pa po ang wikang pambansa sa paggagamit ng wikang tagalog sa pagcommunikasyon at sa pag-uusap sa bawat isa. Kung sa ganung paraan siguro naman hinding hindi na natin malilimotan ang wikang pambansa.


3.Ang lengguwahe ay yung ginagamit ng pangkahatan tulad ng wikang tagalog at ang diyalekto ay yung ginagamit lang sa iisang lugar tulad ng bisaya.

Anonymous said...

Claudine Lopez BSBA -1


1.Ang wika ay nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa.Ito ay instrumento ng komunikasyon,ito ay nagsisilbing daan tungo sa pagkakakilanlan ng tao at ng isang bansa.Halimbawa nalang nito ay sa negosyo,ito ang nagsisilbing daan upang magkaunawaan at maisagawa ng maayos ang transaksyon sa pagitan ng dalawang tao.

2.Sa aking palagay ay walang nagawa ang gobyerno ng pilipinas upang mapaunlad ang ating wikang pambansa sapagkat karamihan sa atin ay mas binibigyang pansin ang wikang ingles at ito ang kadalasang ginagamit at pinagyayaman nila.Kaylangang magpatupad ang ating pamahalaan ng batas na dapat ay wikang tagalog lang ang gagamitin sa loob ng ating bansa.

3.Ang pagkakaiba nila ay ang lingguwahe mas marami ang gumagamit nito at ito ang wikang ginagamit ng punong lungsod.Kumpara sa diyalekto,ito ay ginagamit lamang ng bawat rehiyon na mayroong ibat ibang kahulugan.

Anonymous said...

Renato A.Punzalan
BSA-1
sat.7/8 4-6 Pagbasa at Pagsulat

1. Ano ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa? Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkakakilanlan ng isang bansa at sa kaunlaran nito. Maaari kang magbigay ng halimbawa.
• Malaki ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa.pag pareparehas ang wikang ginagamit sa isang bansa madaling magkakaintindihan ang mga tao,madaling matatapos ang mga gawain at magagawa ng tama.Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa ating bansa,dahil sa wika makikilala kng anong bansa nabibilang tayo at kng anong ugali meron tayo.kng sa paggamit lng ng wika ay hindi tayo ngakakaisa eh lalo na sa mga bagay na magpapaunlad sa ating bansa.napakagandang tingnan kng lahat tayo ay may pagmamahal at pagpapahalaga sa wika natin.

2. Sa tingin mo, may ginagawa ba ang gobyerno ng Pilipinas para mapaunlad ang wikang Filipino? Kung meron, ano o anu-ano ang mga ito? Sapat ba ang mga hakbang na ito para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang pambansa? Ano ang maaari mong maibigay na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang responsibilidad nito sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa?
• Sa ngaun sa palagay ko wala.nakatuon ang gobyerno sa mga dayuhang mamumuhunan upang mapaunlad ang ating bansa.Syempre ingles ang ginagamit natin para makipag kumunikasyon sa kanila.Para sa akin dapat siguro gamitin ang ating wika sa pagtuturo sa mga paaralan upang lubos na maintindihan ng mga estudyante ang tinuturo sa paaralan.Ganon din sa mga hearing sa pagawa ng batas at sa mga hukuman upang lubos na maintindihan ng sinuman.
3. Anu-ano ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto? Magbigay ng tatlong (3) pagkakaiba. Ibigay ang mga referens ng iyong sagot.
• ILONGGO, Bikolano, Cebuano, Batangue?o, Ilokano, Waray—ilan lamang ang mga ito sa 175 sinasalitang lengguwahe sa 16 na rehiyon sa bansa. Ngunit, diyalekto ba ang mga ito o wika?
Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang “diyalekto.”
Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue?o at Ilokano.
Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.
Ibang-iba ito sa kahulugan ng wika.
“Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.
Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita.
Tulad na lamang ng paggamit sa salitang “maganda.“ Isinusulat o binibigkas ito bilang “maganda” para sa mga Tagalog, “magayon” sa mga Bikolano, at “matahom” sa mga Cebuano.
Ginagamit naman ang salitang “mabilis” bilang “mabilis” din sa Tagalog, ngunit “makaskas” sa Bikol, at “paspas” sa Cebu.
Hindi dahil ginagamit ang mga lengguwahe sa isang barangay, lalawigan, probinsya, o rehiyon, nangangahulugan na hindi na ito wika.
Dahil nakapagbibigay ng mga sumusunod na sistema ang mga lengguwaheng nabanggit, hindi ito dapat kinikilala bilang diyalekto. Wika ang dapat itawag sa 175 sinasalitang lengguwahe sa bansa.Referens-www.varsetarian.com.net

Anonymous said...

ACUYADO, JOSE ARJAY A.

BSA -I

Wika ang nagsisilbing kaluluwa ng bansa. Ito ang sumaalamin sa pagkaka kilanlan ng bansa. Ang wika ay susi sa kaunlaran ng bansa dahil dito makikita na ang isang bansa ay buo. Kung ang mamamayan nito ay magiging tapat saknilang wika sila ay uunlad. Makikilala ang isang bansa kung ang kanyang mamamayan ay tapat din sa wikang pambansa .tulad ng bansang japan na tapat sa kanilang wika kitang kita sa panahon ngayon na sila ay maunlad dahil mahal nila anhg knilang wika.

Ang departamento ng edukasyon ay nagpapatupad ng elabrasyon ng buwan ng wika upang ipaalala sa mga kabataan ang halaga ng wikang pambansa hindi ito sapat. Tayo dapat matutong mahalin ang sariling wika natin hindi natin dapt sanayin ang sarili sa paggamit ng ibang wika tulad ng china,japan,korea at amerika sa]n man sila magtungo wika nila ang kanilang gamit kung magiging ganito tayo. tayo rin ay uunlad.Ang wika ay nakakatulong dahil nagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakaintindihan kaya ang bansa ay umuunlad, dahil din ditto ang mga tao ay nagkakaroon ng pagmamahalan sa wika

Ang lengwahe ay wikang gingamit ng nakakraming tao o sa iba pang lugar.ang dayalekto ay wika sa isang lugar na may maliit na bilang ng tao.

Anonymous said...

Joan Almojuela
BSHRM sat.1 to 6
1.>ang wika ay mahalaga sa ating bansa sapagkat ito ang daan para mag kaunawaan ang bawat isa.kailangan din ito para mapaunlad natin ang ating bansa.
2.>meron,pinapanatili pa rin ang pag gamit ng wikang tagalog lalo na sa school.kahit saan mapadpad ang ating mga kababayan hindi pa rin nila nakakalimutan ang wikang tagalog.dahil ito ang ating wika na dapat ipag malaki at ingatan wag baliwalain.
3.>ang lenggiwahe,halimbawa ang bawat bansa ay may iba ibang salita tulad ng pilipinas>TAGALOG ang ginagamit.
>diyalekto>katulad ng bisaya,tagalog,bicol at marami pang iba...

Anonymous said...

Nelijan T. Emia
ACT-1
1.The importance of NSTP especially the Civic Welfare Training Program is that it help us to enhance our ability, capability and capacity to help people who need our service that is called upon our nation or to our community. It also aims to encourage youth like us to become civic in our own nation and be prepared for all the responsibility that have given to us especially in our beloved country.

2.The two most common environmental problems that our country faces are pollution and poverty. As we all know there is no problem that we cannot solve if we ourselves or if all people especially here in the Philippines are want to solve this because this problem are done by people that why I want to propose to all people that we all solve it because cannot be solve by only one person.All of us make this problems and we are the one to solve this also.

3.As what I have understand by this phrase “People is the end of the development “It simply means that we are the one who ruined the things that other make to develop. Example, there are a group of people who are planning a program about “throwing Garbage at the right place” but instead other people should follow this program for the development of our environment, they are the one who ruined it.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top