Takdang Aralin Bilang 1 sa Gamiting Filipino


1. Ano ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa? Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkakakilanlan ng isang bansa at sa kaunlaran nito. Maaari kang magbigay ng halimbawa.

2. Sa tingin mo, may ginagawa ba ang gobyerno  ng Pilipinas para mapaunlad ang wikang Filipino? Kung meron, ano o anu-ano ang mga ito? Sapat ba ang mga hakbang na ito para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang pambansa? Ano ang maaari mong maibigay na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang responsibilidad nito sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa?

3. Anu-ano ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto? Magbigay ng tatlong (3) pagkakaiba. Ibigay ang mga referens ng iyong sagot.

7 comments:

Anonymous said...

Collado,Jamaica E.
BSE-2
1.Sinasabing ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng saloobin,kaisipan,at mensahe ng isang tao s pamamagita ng verbal at hindi verbal na pakikipagusap.Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkakakilanlan ng ating bansa,sana sa mga international forum mgkaroon ng lakas ng loob ang mga lider ng ating bansa na gamitin an gating wika sa halip na wikang banyaga upang makilala tayo bilang may pagmamahal sa ating wika at masasabi ng ibang bansa na pinagmamalaki ntin ito.Halimbawa, bakit ang mga lider ng ibang bansa proud na gamitin ang sarili nilang wika,kaya kilala ang kanilang wika sa buong mundo at nasasalamin na mahal nila ito,samantlang hindi naman sila magiging lider kung hindi nila alam ang wikang englis,dahil nakapagaral din naman sila.Ang wika ay may kaugnayan sa kaunlaran ng isang bansa,sapagkat kung ang lahat ng Pilipino ay may pagpapahalaga sa wika at minamahal mgkakaroon tayo ng malasakit sa mga produktong sariling atin na makakatulong ng malaki sa paglago ng ekonomiya.Ang kailangan lang nating mga Pilipino ay magkaroon ng original na konsepto at mahalin natin ang gawang atin.
2.Isa sa magandang hakbang ng gobyerno ay ang pagsasalin ng mga pangalan ng mga departamento dito sa pilipinas sa wikang Filipino mayroon na ring mga institusyon na nagsusulong sa madalas na paggamit ng ating wika.S Unibersidad ng Pilipinas nagsisimula na ang kampanya sa paggamit ng ating wika.Sana magtulungan tayong lahat na isulong ang paggamit ng ating wika na siyang makakatulong upang maisalin ito sa susunod pang henerasyon. Sa aking palagay hindi pa sapat ang hakbang na ito upang mapaunlad higit na maipabatid sa isipan nating mga Pilipino ang kahalagahan nito sa atin,kinakailangan pa ng ibayong kampanya sa pagpapalaganap nito na siyang daan upang mabuksan an ating kamalayan. Mainam kung bigyan ng pansin ang batas na ngsasaad ng paggamit ng ating wika.At bigyan ng pansin ang tamang paraan ng pagtuturo nito sa mga estudyante sa lahat ng antas ng paaralan dito sa ating bansa mas mainam kung ang magtuturo nito ay dalubhasa o my malawak na kaalaman sa ganitong aspeto,sapagkat nasa kamay din ng nagtuturo nakasalalay upang matuto ang tinuturuan at mahasa ang interes at makuha ang atensyon.
3.may pagkakaiba ang lengguwahe at diyalekto sa isat-isa ,una ang lengguwahe ay ginagamit bilang medium ng pakikipag usap sa kapwa samantalang ang diyalekto ay ginagamit lamang ng mga tong pareho ang tribo,pangalawa ang lengguwahe ay nagbabago o dinamiko samantalang ang diyalekto pag binago iba na ang ibig ipakahulugan,ang huli ay mas marami ang nakakaintindi ng lengguwahe at nakaka bigkas nito kumpara sa diyalekto na kilangan ng masusing pagaaral at insayo ng dila upang mbigkas ng tama at maayos ito halimbawa dito s pilipinas ang lengguwahe ay Filipino,pero marami din na ibat ibang diyalekto,pero upang mgkaintindihan ang mas nkararami ang national language parin ang ginagamit natin.Ang referens nito ay batay s sariling interpretasyon base sa kahulugan at katangian ng lengguwahe.

Anonymous said...

Mary Grace Sapungay
BSE-Eng

1.Ano ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa? Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkakakilanlan ng isang bansa at sa kaunlaran nito. Maaari kang magbigay ng halimbawa.
Sagot: Malaki ang kaugnayan ng wika sa ikauunlad ng isang bansa. Sapagkat kung walang wika, hindi magkakaunawaan ang mga tao. Kung walang wika, magkakagulo ang isang bansa. Isang magandang halimbawa ay ang Tore ni Babel. Noong nawala yung partikular na wika nila, nabuwag yung tore.
2.Sa tingin mo, may ginagawa ba ang gobyerno ng Pilipinas para mapaunlad ang wikang Filipino? Kung meron, ano o anu-ano ang mga ito? Sapat ba ang mga hakbang na ito para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang pambansa? Ano ang maaari mong maibigay na panukala sa pamahalaan para hindi nito makalimutan ang responsibilidad nito sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa?

Sagot: Sa aking palagay, ang gobyerno ay walaang ginagawang paraan upang umunlad ang wikang pambansa ng Pilipinas. Sapagkat wala pang mga partt\ikular na programa ukol dito.

3. Anu-ano ang pagkakaiba ng lengguwahe sa diyalekto? Magbigay ng tatlong (3) pagkakaiba. Ibigay ang mga referens ng iyong sagot.

Sagot: Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Referes:Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]"

Anonymous said...

OMBAO,Kethlyn R.
BSE(Eng.)

1. Dahil sa watak watak ang isla sa Pilipinas na may aabot sa 7,100 isla o pulo naging sanhi ito ng pagusbong ng iba't ibang grupo o tribo na may iba't ibang kulturang taglay at iba sa nakararami. Bunga ng pagkakawatak ng marami sa tin nagkaroon ng pagkalito at hindi malusog na pagkakaunawaan ang bawat Pilipino, hindi maayos na pakikipagtalastasan ang dulot nito. Ito mismo ay pinagdaanan narin ng dating Pang. Manuel Luis Quezon kanyang isinalaysay ang kanyang karanasang tuwing pumumunta o tutungo siya sa iba't ibang olalawigan ay kailangan pa niyang magdala ng interpriter o tagasalin.Kaya naman naisip niya na lubos na matibay para sa bansa ang magkaroon ng wikang pambansa, minsan kanyang winika na "Tayo;y hindi magiging isantg bans hanggat hindi tayo nagkakaroon ng sarili nating wikang pambansa.
2. Wala. Wala pa silang ginagawa para paunlarin man lang ang wikang Filipino. Silang edukado, silang may mga katungkulan , silang nasa itaas, gumagawa at nagpapatupad ng batas ay siya ring lumalabag sa kanilang mga batas kuno. Ika- 30 ng Disyembre 1937 inilabas ang kautusang Tagapagpaganap Blg.134 na nagsasabing ang batayan ng wikang pambansa ay tagalog. Ngunit ano ang nakikita at naririnig natin sa Kongreso at sa senado? Ano ang nilalaman ng mga talumpati ng mga may kapangyarihan? Ano ang wikang ginagamit nila sa debate at pakikipagtalastasan?Hindi ba't Ingles? Pasikat at papansin lamang ang iba sa loob ng sesyon kaya naman hindi sala pahuhuli sa pagamit ng mga tinatawag na legal words na di man natin aminin ay hindi natin maintindihan ng kanilang mga tinatalakay sa problema. Ika-25 ng Pabrero 1970 lumabas ang resulosyon Blg.70 na nagtatadhana na wikang Filipino ang gamitin sa pagtuturo ng mga guro elementarya at kolehiyo pribado man o publiko, upang ipanturo sa mga asignaturang Rizal,Kasaysayan at pamahalaan, ngunit parang nawalang bula ang batas na ito. Kung mapapasin natin patok na patok din sa mga pilikulang Pilipino ang pagamit ng Ingles na pamagat,kahit nga mga kainan,o simpleng kapetiria, lugawan at iba't ibang mga simbolong makikita sa daan aba naman kung hindi bisaya ang pagkabaybay nito e, Ingles talaga ang ginagamit ng Pinoy! Kailan paba tayo mangagaya, kailan pa tayo gagawa ng bagay para paangatin ang sariling atin? Itigil na ang jejemon,harharmon,bekimon kung gagamitin lamang ito sa di tamang oras at panahon ginagamit lamang ito sa naaayong usapan. Sa aking palagay kailangan muna nating magpakadalubhasa sa salita natin bago tayo magpakadalubhasa sa ibang linguahe. Ang aking suhesyon bakit di tayo magpauso batay sa mga nauuso naman ngayon bakit hindi nalang TAGAMON o TAGalog MO at Natin. Oh; di ba kunglahat ng kabataan ay magpapauso nito uunlad ang wika at ito ay ma pepreserba. Hindi ba't mas masarap mapakinggan at mabasa ang text na "Magandang umaga aking kaibigan, kumusta ka?" kaysa naman sa Eoo00wwzx poWhzzz toL' UZxtah nauH U'???"
3. Noon ang pagkakaalam kong pagkakaiba ng wika sa lenggwahe ay ang wika ay sinasalita ng mga taong naninirahan sa isang malawak o isang bansa na mismo samantalang ang dialekto ay sinasalita ng mga taoong naninirahan sa isang maliit na pook o lugar lamang. Ngunit mali pala ang pagakala ko, masasabing wika ito kung ito ay sinasalita o winiwika ng mahigitkumulang tatlong milyong tao sa isang geograpikong lugar na naiintindihan ng lahat ng naninirahan dito kinakailangang sila ay hindi watak-watak o magkakalayo dahi kung hindi antg salita ay matatawag lamang na dayalekto.

Anonymous said...

Diozon, Madelene C. (BEED-2)

1.Ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran ng isang bansa ay upang pahalagahan at gamitin ito sa sarili nating bansa at gunagampanan nito ay malaking halaga sa isang bansa dahil sa sarili nating wika maari nating ipagmalaki at gawin ang tama dahil ng kakaintinduhan at nagkakaunawaan tayo kahit saan man lupalop ng bansa tayo napupunta at dahil sa wika malalaman natin ang uri kung saan man nabibilang ang isang tao. Ito ay mahalaga asa komunikasyon sa ibang tao at sa mga minamahal natin sa ibat-ibang lugar.


2.Sa tingin ko kung meron man hindi uto ginagamit at hindi nila pinapayaman ang wika ng bansa at maramu ngayon ang mas gustong salitain ang linguahe na Ingles kaya Filipino dahil marami silang opisina at mga departamento ay ang gamit ay Ingles inbis na tagalong. Hindi sapat ang mga hakbang na ginagawa nila dahil karamihan sa kanila ay kinakalimutan na ang wika na dapat ay sila ang manguna sa pagsasalita nito.
Dahil pano ang mga taong hindi sapat ang pangpaaral at hindi natututo ng salitang Ingles, hindi nila alam kung anu-ano ang mga pinahiwatig at sinasabi ng namumuno sa ating bansa. Marami satin ang kinakalimutan na at pinapahalagahan ang wikang Filipino.

3. Ang pagkakaiba ng lingguwahe sa dialekto ay ang lingguwahe ay sa malaking lugar ginagamit at kahit saan ay alam ang lingguwahe nito ngunit marami ring dialekto ang nagiging lingguwahe.Natatawag ang lingguwahe kung sa isang lugar ay ito ang ginagamit at karamihan ng tao ay ito ang ginagamit. Samantalang ang dialekto ay ang salita ng isang polo sa sila-sila lamang ang nakakapagsalita,nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang dialekto ay mga salita ng halos kaunti lamang, Ang mga halimbawa ay tagalong at Itawis ang tagalong ay sa bawat parte ng bansa ay halos karamihan ay alam itong salitain.Ilokano at Mangyan ang Ilocano ay marami ang nakakaalam sa parting norte.Ngunit ang Mangyan ay mga trubo ang nakakaalam.Bisaya at Ibanag-ang pagkakauba ay ang bisaya ay kalat ang nakakaalam at kahit bisaya ay kayang salitaan ito.Samantala ang Ibanag ay isa ring polo ay nga Cagayan at hindi karamihan sa kanila ang hindi kayang magsalita at umintindi nito.

Anonymous said...

Gelardine Aldema
BSBA


Ang dayalekto ay iba't ibang lenggwahe ng bawat rehiyon na may iba't ibang kahulugan, gramar at pagbigkas ng bawat salita. Ang lengguwahe ay uri ng isang salita na ginagamit ng ibat-ibang tao para sila a mgakakaintindihan tulad ng english ito ay ang pangkalahatang lengguwahe ng buong mundo.Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang “diyalekto.”Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto.Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue o Ilokano.and diyalekto ay natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.

Ang diyalekto ay mga lenggwahe (wika), walang pagkakaiba sa kanila maliban sa ang diyalekto ay ginagamit ng isa o ilang spesipikong katutubong grupo. Ang sa akin lamang ay ang Filipino ay ang opisyal na wika, ang Tagalog ay isang diyalekto na iba sa Filipino. Ang mga malalalim na pagsasalin ng mga salitang pangkaraniwan mula sa Inggles o iba pang wika ay pagsasa-Tagalog. Ang pagsalin ng mga salitang ito sa mga salitang pangkaraniwang ginagamit ay pagsasa-Filipino.

Hey Jude said...

Jude Marck S. Bagsao
BSE-Eng
Gamiting Filipino
Friday – 9pm - 12nn

1. Ang wika ay isang masistemang pakikipagtalakayan na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos upang magamit sa kommunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Komunikasyon ang nikikita kong papel ng “Wika” sa ating bansa. Sa eskwelahan “wika” ay pinag aaralan, tinuturuan kung paano ang tamang pakikipag komunikasyon. Mabuting pakikipagKomunikasyon dulot ay Maayos na pakikipagKooperasyon. Magiging maunlad siguro ang Bansa natin kung ang bawat Pilipino ay makikipag Kooperasyon ng maayos. Ang Saya siguro nun.

2. Meron, ang pagsugpo sa nauuso ngayon at nag aadyang balakid sa Edukasyon ng mga Kabataang Pinoy ang “Jejemon”. Ang mga ganitong uri ng pakikipagkomunikasyon ay hindi na dapat pang tinatangkilik, dahil makakasira ito at maaari pang magdulot ng hindi tamang Komunikasyon. Ang mga magulang ay tutukan mabuti ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Sa gobyerno naman ay bigyang importansya ang Edukasyon ng ating Bansa, lalo na sa wika na unti unting nababago sa maling paggamit.

3. Ang lengguwahe ay uri ng isang salita na ibat-ibang tao. Ang Diyalekto naman ay tumutukoy sa salita na ginagamit ng mga tao sa isang baryo o sa isang grupo o tribu.


Read more: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_salitang_lenggwahe#ixzz14HUZ3Vs5

Hey Jude said...

Jude Marck S. Bagsao
BSE-Eng
Gamiting Filipino
Friday – 9pm - 12nn

1. Ang wika ay isang masistemang pakikipagtalakayan na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos upang magamit sa kommunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Komunikasyon ang nikikita kong papel ng “Wika” sa ating bansa. Sa eskwelahan “wika” ay pinag aaralan, tinuturuan kung paano ang tamang pakikipag komunikasyon. Mabuting pakikipagKomunikasyon dulot ay Maayos na pakikipagKooperasyon. Magiging maunlad siguro ang Bansa natin kung ang bawat Pilipino ay makikipag Kooperasyon ng maayos. Ang Saya siguro nun.

2. Meron, ang pagsugpo sa nauuso ngayon at nag aadyang balakid sa Edukasyon ng mga Kabataang Pinoy ang “Jejemon”. Ang mga ganitong uri ng pakikipagkomunikasyon ay hindi na dapat pang tinatangkilik, dahil makakasira ito at maaari pang magdulot ng hindi tamang Komunikasyon. Ang mga magulang ay tutukan mabuti ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Sa gobyerno naman ay bigyang importansya ang Edukasyon ng ating Bansa, lalo na sa wika na unti unting nababago sa maling paggamit.

3. Ang lengguwahe ay uri ng isang salita na ibat-ibang tao. Ang Diyalekto naman ay tumutukoy sa salita na ginagamit ng mga tao sa isang baryo o sa isang grupo o tribu.


Read more: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_salitang_lenggwahe#ixzz14HUZ3Vs5

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

Infolinks In Text Ads

top