Takdang Aralin Bilang 1 sa Gamiting Filipino (2nd Sem, Ay 2011-2012)

1. Sa sariling pananaw, ano ang iyong pagkakaintindi sa pariralang 'gamiting Filipino?'


2. Ano ang kaugnayan ng wikang Filipino sa pagkakakilanlan natin bilang isang bansa?


3. Sa paanong paraan magiging epektibo ang pakikisalamuha natin sa tao? 




TAKDANG ARAW NG PAGSUSUMITE: IKA-6 NG DISYEMBRE 2011 (MARTES) HANGGANG SA IKA-11:59 NG GABI











8 comments:

Anonymous said...

Jenelyn Barja

1.gamiting filipino ay isang wika na ginagamit nating mga pilipino upang makipag-usap ,makipagtalakayan,o makipag-ugnayan sa ating kapwa ,upang makakuha ng impormasyon , mas madali nating maintindihan ang ating kausap sapagkat ang ginagamit nating wika ay filipino.
2.ang kaugnayan ng wikang filipino sa pagkakalinlan natin bilang isang bansa sapagkat ang wikang filipino ang ating tulay upang ang bawat mamayang pilipino ay magkaunawaan may magkaisa,nagkakaintindihan ,o nagkakaunawaan ang bawat pilipino dahil ang ginagamit na salita ay ang wikang filipino .
3.magiging mas epektibo ang pakikipagsalamuha nain sa tao kung tayo bilang tao ay marunong rumespeto o may respeto tayo hindi lamang sa ating sarili lalong higit sa lahat sa ating kapwa.
ang paggalang ay tanda ng ang isang tao ay may mabuting kalooban ,marunong tumanggap ng kamalian ,at alam natin ang tama at mali ang kabutihang loob ay isang tanda upang magkaroon tayo ng mas epektibong pakikisalamuha sa ating kapwa.

Anonymous said...

Angelie Gayagaya BEED-11
1.Sa sarili kung pananaw ang pagkakaintindi ko sa pariralang Gamiting Filipino ang ibig sabihin niti ay kung paano natin gamitin ang mga tamang wika sa ating kausap o kaharap,kung paano tayo makakabuo nang mga salita sa mga pangungusap.
2.Ang kaugnayan ng Wikang Filipino sa pagkakakilanlan natin bliang isang bansa ay nagkakaisa tayong mga Pilipino at sa ating mga kultura.At iba ang kultura nating mga Pilipino sa ibang bansa.
3.Mga pararaan sa magiging epektibo ang pakikisalamuha natin sa tao ay tulad ng;
*May maayos na pagsasalita
*Tamang pagsagot
*Wastong pakinggan
*Magalang
*at aliwin ang kausap

Anonymous said...

Rebutazo.E
1.Ang pagkakaintindi ko po sa pariaralang Gamiting Filipino ito ay ang paggamit ng wika sa pakikipga-uagnayan ng tao sa kapwa wika ang ginagamit para maipahayag ang kanyang saloobin o minimithi.
2. Ang kaugnayan ng wikang Filipino sa pagkakakilanlan natin bilang isang ito ay nagsisilbing daan upang magkaisa ang mga Filipino at nakaugalian narin natin na ipagdiriwang ang Buwan ng Wika at mahalaga din ito sa bansa,sapagkat kung walang wika wala ring pagkakaisa ang mga tao.
3. Magiging epektibo ang pakikisalamuha natin sa tao sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng ating sariling wika,at sa ganitong paraan maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa, at mas madali ring makaunawa ang mga mag aaral kong ang ginagamit na pagtuturo sa mga eskwelahan ay ang wikang Filipino.

Anonymous said...

GAMITING PILIPINO
MAY ANN CAMPOS
BSE-ENGLISH 2


1) Sa aking pananaw, ang “GAMITING PILIPINO” ay ang kakayahan at kaalaman sa pagbigkas sa ating midyum ng pakikitungo o ang wikang Filipino
2) Ang wikang Filipino ang siyang nag uugnay sa mga Pilipino saan man sila naroon. Ang wikang Filipino ang siyang ginagamit na pagkakakilanlan sa bawat mamayang Pilipino
3) Magiging epektibo ang ating pakikisalamuha natin sa tao kapag naipapahayag natin ang ating mga kaisipan at kalooban sa tamang paraan ng pananalita. Dapat may sapat tayong kakayahang Lingwistika upang makabuo tayo ng mga ideya at maipahayag natin ito namay tamang barilala upang katanggap-tanggap ito sa ating kapwa. Dapat rin nating taglayin ang kakayahang Komunikatibo, ito ay ang pakikipag usap na ginagamitan ng pangungusap na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Anonymous said...

GAMITING PILIPINO
MAY ANN CAMPOS
BSE-ENGLISH 2


1) Sa aking pananaw, ang “GAMITING PILIPINO” ay ang kakayahan at kaalaman sa pagbigkas sa ating midyum ng pakikitungo o ang wikang Filipino
2) Ang wikang Filipino ang siyang nag uugnay sa mga Pilipino saan man sila naroon. Ang wikang Filipino ang siyang ginagamit na pagkakakilanlan sa bawat mamayang Pilipino
3) Magiging epektibo ang ating pakikisalamuha natin sa tao kapag naipapahayag natin ang ating mga kaisipan at kalooban sa tamang paraan ng pananalita. Dapat may sapat tayong kakayahang Lingwistika upang makabuo tayo ng mga ideya at maipahayag natin ito namay tamang barilala upang katanggap-tanggap ito sa ating kapwa. Dapat rin nating taglayin ang kakayahang Komunikatibo, ito ay ang pakikipag usap na ginagamitan ng pangungusap na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Anonymous said...

Jona Rose Escopel
BSEDII

1) And Gamiting Filipino sa aking pananaw ay ang paggamit ng wikang Filipino na kung saan ito ay nagagamit sa maayos at mabisang paraan na ang dalawa o higit pang nagsasalita o gumagamit nito ay nagkakaintindihan o nagkakunawaan sa kahit ano mang aspeto.

2) Ang kaugnayan ng wikang Filipino sa pagkakakilanlan natin bilang isang bansa ay dito nalalaman o nasusukat kung paano natin pinapahalagahan ang kulturang meron tayong mga Pilipino. Dito din natin makikita kung paano tayo kumilala ng sariling kultura at kung paano natin ito pinagmamalaki.

3) Magiging epektibo ang pakikisalamuha natin sa tao kung ang bawat isa ay nagkakaintindihan kahit ano pa mang lahi o tribo ang pinanggalingan nito.

Anonymous said...

Rowena Munoz
BAN 2nd year

1. Ang pariralang gamitin Filipino ito ay ginagamit ng dalawang tao upang sila ay magkaintindihan. Tulad ng pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila. Ang kakayahan o kakayahang lingguistika ay naaayon sa kaalaman sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam ng taong nagsasalita ng wikang ito.

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika o sa pagsasalita.

3. Ang pagiging epiktbeo ng pakikisalamuha natin.
Sa pamamagitan ng kagandahang asal at makibagay sa kung anuman ang dapat natin gawin upang tayo ay maging maganda ang pakikisalamuha natin sa mga tao.
*isa pa dito ang pag-gamit ng wika o sa pagsasalita o reaction.

Anonymous said...

May ann C. Campos
BSE-ENGLISH II
Gamiting Filipino

 1). Pangungusap na nasa baligtad na ayos

1. Siya ay aalis bukas papuntang amerika.
2. Ang mga bata ay nagiging masaya sa pagtitipon.
3. Ako ay nasisiyahan sa resulta ng pagsusulit.
4. Ngayon ay abala ang mga estudyante.
5. Ako ay may karamdaman ngayon.

 Pangungusap na nasa karaniwang ayos.

1. Kumain siya ng sopas kagabi.
2. Magkakaroon ng kasiyahan bukas.
3. Mataas ang marka niya sa pagsusulit.
4. Kakain ako ng sorbets.
5. Pupunta kami sa kabilang bayan bukas.


 2).
a). Sang-ayon po ako sa sinasabi niya tungkol sa kapabayaan ng gobyerno.
b.) Sana naman ay hindi na maulit ang trahedyang ito.
c). Ididimanda ko rin ang may kagagawan nito.
d). Lumayas ka nga sa pamamahay ko.
e). Saan ka ba galing kagabi?

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top