Bisitahin ang website ng www.panitikan.com.ph. Pagkatapos, i-click ang subtitle na "POETRY". Pumili ng isa sa mga nakasulat na tula (tulang isinulat sa wikang Filipino lamang) at gawan ito ng kritisismo. Tukuyin kung anong teorya ng kritisismo ang ginamit mo. (200 or mahigit pa na mga salita)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
31 comments:
Rowena Munoz
Beed 1st year
PAGKAMULAT
ROMANTESISMO
Sa pagbabago sa kanyang buhay nakita niya ang kanyang pagkatao na dati hindi maganda ang kanyang buhay na dati nirerespeto siya ng mga tao.Pero ngayon nakita niya na maraming nagbago sa kanyang pagkatao.
Sa kanyang pagbabago makakamit niya ang kanyang pinapangarap na sinasabi niya sa kanyang sarili na kung hindi dahil sa kanyang naranasan hindi niya maaabot ang kanyang pinapangarap sa kanyang buhay sa kanyang pagbabago lalo siyang naging matapang at natuto siyang lumaban pero sa kanyang mga ginawa ay maraming nasaktan kaya ngayon nagsisi sa kanyang ginawa sinasabi niya na kung hindi niya ginawa yun magagawa niya sana magpakasaya ngayon pero sa pagkakamaling yun puwede naman siyang magbago at ipakita sa mga nasaktan niya na sa kabila ng kanyang ginawa puwede siyang magbago at ipakita na siya ay nagbago at hindi lang sa ibang tao kung hindi sa kanyang sarili para lahat ng kanyang minimithe sa kanyang buhay ay maabot nya.Lahat tayo ay nagkakasala pero lahat tayo'y puwedeng magbabago at tayo magsisimula sa panibaong buhay.
MARILYN S.J.BERGADO KLASISMO PAG- IBIG SA MINAMAHAL
A.C.T.
The Widow
by Bryan Mari Argos
PARA SA AKIN UNA SA LAHAT ANG PAG-IBIG NG ISANG TAO AY KAILANGAN TAOS SA PUSO
ANG PAG AALAY NATIN NG PAG IBIG UNA SA PANGINOON YUNG TUNAY NA RELASYON SA KANYA HINDI LAMANG ISANG OBLIGATION PAGKAT WALANG IBANG HIGIT NA MAKAKATUL0NG SA ATING BUHAY SA ATING GINAGALAWAN KUNDI ANG PANGINOON LAMANG.ANG AKING PANANAW KASI SA TULA MASYADO NYANG MINAHAL ANG ASAWA NYA KAYA MATINDING DAGOK ANG DUMATING SA BUHAY HALOS DI NYA ITO MAKAYANAN, ANG RELASYON NYA SA PANGINOON AY ISA LAMANG OBLIGATION KAYA PAGDATING NG PAGSUBOK AGAD SYANG BUMABAGSAK.SA AKING BUHAY ANG RELASYON KO SA DIYOS AY TUNAY AT WAGAS KAYA PAG DUMATING MAN ANG MABIBIGAT NA PAGSUBOK AY AGAD KO ITONG MATATANGGAP SA TULONG NG PANGINOON.ANG PAGMAMAHAL SA ASAWA AY DI DAPAT 100 %KASI TAYO AY TAO LANG MAARING MAGKAMALI O MALIGAW NG LANDAS O MAWALA SA ATING TABI,KAILANGAN TAYO AY MAGTIRA PARA SA ATING SARILI PARA MAKAYANAN NATIN LAHAT NG PAGSUBOK NA DARATING.PARA MAKALIMOT TAYO SA ATING KABIGUAN AY LIBANGIN NATIN ANG ATING SARILI IPOKUS NATIN ANG SARILI SA DIYOS .MAG ATTEND TAYO NG MGA PRAYER MEETING PARA DI NATIN MAALALA AT LIBANGIN NATIN ANG SARILI GAYA NG PAG-GAWA NG MGA PAGKAKAKITAAN OR IBALING NATIN SA ATING MGA ANAK ANG ATING PAGMAMAHAL ,LAGING MAGING POSITIBO ANG ATING PAGIISIP.PAG BUSY KASI TAYO WALA NA TAYO PANAHON PARA MAG-ISIP NG MGA PROBLEMA SAS BUHAY.O KAYA MNOOD NANG SINE LAHAT NG KLASE NG PAGLILIBANG LANG ANG PARAAN PARA MAKASURVIVE.WALANG PAG-SUBOK ANG PANGINOON NA IBINIGAY NA DI NATIN MAKAKAYANAN BASTAT KUMAPIT LANG TAYO SA KANYA O DIBA.
Jona Rose Escopel
BSE-English
CELLFONE ni Lilia Antonio
Romantisismo
Alam nating ang cellfone sa ngayong panahon ang pinaka ginagamit pagdating sa komunikasyon. Ayon sa may akda ng tula ito ay kanyang ginagamit upang makapagpadala ng kahit anong klase ng mensahe para sa taong gusto nya.Isang gamit na kung saan ay pwede rin nating gamitin upang makausap ang mga taong gusto nating kausapin lalong-lalo na mga minamahal natin sa probinsiya at sa ibang bansa.Kahit sa aspeto ng pagliligawan cellfone na din ang ginagamit, send ng mensahe dito, send ng mensahe doon.Isang katutuhanan na ang mga dalaga sa panahon ngayon ay napapasagot dahil lang sa isang mga mensahe na dinadaan lamang sa cellfone. Hindi na dinadaan sa panliligaw na gaya noong mga sinang-una pang paraan ng panliligaw. Makatanggap lamang ng I lOVE YOU o iba pang magagandang salita ay tuwang-tuwa na ito at agad ay sasagutin na ang manliligaw.
Ito man ay makabagong kagamitan ngunit may mga masasamang epekto parin ito para sa atin. Dahil sa cellfone laganap na ang mga panloloko at madami na din ang mga naloloko. Isa pa dito ay ang mga pang-aabuso at karahasan na nangyayari lalo na sa mga kababaihan dahil lang sa textmate na tinatawag. Pagsasamantala sa mga damdamin at murang kaisipan. Hindi masama ang pagyakap sa mga pagbabago lalo na sa mga bagong teknolohiya ngunit ito sana ay gamitin natin sa tama at wastong pamamaraan at hindi sa mga walang kwentang bagay at panlalamang ng ating kapwa.
Takdang Aralin sa Panitikang Filipino
Rebutazo.E
GANITO NGA PALA
ni Abdon M. Balde Jr.
Para sa akin maganda ang tulang ito dahil parang nasasalamin natin ang ating mga sarili sa kasalukuyang panahon ng ating pagtanda, kaya karamihan sa atin ngayon habang bata pa ay ginagawa natin ang mga bagay na gusto natin at nakapagpasaya sa atin kaso kapag matanda na tayo ang lahat ng mga nais nating gawin ay hindi na natin magawa sapagkat ang ating lakas ay limitado na at bawal narin ito n gating kalusugan.Tama nga naman si Ginoong Abdon sa tulang ito na kapag tumatanda na ang isang tao ay nagiging sakitin na ito sapagkat mahina na ang kanilang resistensiya,hindi pa makakain ng maayos dahil hirap na sa pagnguya,madalas din nakakaramdam ng antok ang mga matatand ngunit madali lang din silang magising
Kung baga pahapyaw lamang kung silay natutulog.Ang katawan ng isang tao ay parang makina ng sasakyan may pagkakataon rin na hindi na ito gagana at kailangan na itong palitan,ganyan din ang ating katawan ngunit ang pinagkaiba lang nito ay kapag nasira na ang katawan ng isang tao dahil sa pag-abuso hindi na ito mapapalitan pa,kaya dapat talaga nating alagaan ang ating kalusugan.madalas din sinasabi ng mga matatanda na kung kaya raw ng mga kabataan ang mga bagay-bagay na nais nilang gawin kaya din raw nilang matatanda pero ang totoo niyan,nanatili lamang iyon sa kanilang isipan na kaya pa nila sapagkat sadyang mahina na sila at hindi na nila kakayanin pa ang mga iyon dahilan sa hindi na talaga kaya ng kanilang katawan. Ang teyoryang ito ay realismo sapagkat makatotohanan naman ang nais ipahiwatig ng may akda.
Junior Laggui
Bsit-1
PAGKAMULAT by Ruby Gamboa Alcantara
ROMANTESISMO
Namulat siya sa kanyang naranasan dahil sa kanyang minamahal,
Madami siyang pagsubok na naranasan subalit ang kanyang hinagpis ay hindi matawaran. Ang kanyang buhay na dati ay nasa alapaap ngayoy malungkot
At nilason ang kanyang isip at dahil sa paniniwalang siya ay sakanya at ang akala niya ay ang lahat ng sakanya ay sa minamahal niya rin.
Siya ay naghimagsik dahil sa ginawa niya sa kanyang buhay ngunit ang tamis ng kahopon ay hindi na maibabalik. At itoy maibabalik lang gamit ang panaginip.
Lumamig ang kanyang umagang dati ay mainit subalit itoy nagbago ang kanyang mainit na umaga ay biglang lumamig. Dalawa ang aking nakikitang dahilan kung bakit nasulat na awtor ang tulang ito. Una ay siya ay nabigo sa kanyang minamahal na tao. Pangalawa ay ang pagbabago ng kanyang buhay. Ito ay magandang basahin hindi lang parang drama. Ito rin ay mapang habag damdamin.
JOMAR R. PRECLARO
ACT-2
WALA RAW UMIIBIG
NI RONALDO CARCAMO
KLASISMO
SA ISIP NIYA WALANG NG MAMAHAL SA KANYA KAYA NG PAKALASING SIYA AT HALOS WALA NA SA SARILI KAYA NG PAPUTOK SILA NG SUPER LOLO NANG KANYANG MGA KAIBIGAN,DAHIL SA ISIP NIYA NA WALANG NGMAMAHAL SA KANYA AY SINADYA NA LANG NIYANG HINDI ITAPON SA MALAYO ANG SUPER LOLO AT NG MAPUTOKAN SIYA AT HALOS WALA NANG KAYANG GAWEN DAHIL SA PAGKAPUTOL NG KANYANG DALAWANG KAMAY AT HALOS INAALAGAAN NA LANG SIYA SIYA DUN NIYA NARAMDAMA NA MAY NG MAMAHAL PALA SA KANYA.
Haidelyn A Mori Beed
PAGKAMULAT ni Ruby Gamboa Alcantara
ROMANTISISMO
Hindi lahat ng bagay sa mundo ay tama na,minsan masasabi natin na tama ang lahat dito sa mundo na ating ginagalawan.lahat ng tao dito sa mundo ay nagbabago,,may kasabihan nasa huli ang pagsisisi.,,,magbabago ka dahil sa iyong nakaraan noon na ayaw mo nang balikan makikita mo na iba ka at mali na parang manhid na walang pakiramdam sa mundo,,maibabalik mo nga ang lahat pero hindi mo na maibabalik ang lahat sa dating paglagyan ng lahat.hanggat hindi pa huli ang lahat magbago ka na ng dahil sa iyong pagbabago makakamit mo ang iyong minimithi sa buhay at makikita mo ang lahat ng iyong pagbabago sa buhay.lahat tayo ay hindi perpekto dito sa mundo,tayo ay nagkakasala at lahat nagkakamali ng dahil sa lahat ng yan dami tayong natutunan sa pagharap ng mga problema sa buhay at magsimula sa pagbuo sa ating tagumpay dito sa muno.
BAGONG TAON
HUMANISMO
Bagong taon, ayon kay alejandro.......ito ay bagong buhay,bagong pagasa,bagong ngiti at bagong simula.ang bagong taon ay isang bagong simulain ng ating buhay.dapat ay baguhin natin ang mga dapat bagohin sa ating buhay,magsimulang muli,ng maganda at maluwalhating bagong buhay.ayon kay alejandro,ito ay bagong ngiti sapagkat bagong taon ay bagong simulain natin.bagong ngiti dahil ito ay simula ng magagandang bagay at mangyayari sa ating buhay,bagong ngiti dahil itoy bagong inspirasyon natin.dapat ay pagbutihin natin ang simula ng ating bagong taon para maganda,maayos at marangya ito, na magbibigay ng bagong ngiti sa ating bagong buhay.ito ay bagong pagasa dahil para sakin bagong taon ay isa na namang kabanata ng ating buhay,bagong ikaw at bagong kulay ng iyong buhay.sa tulang isinulat ni alejandro, ang bagong taon ay isang magandang simulain ng bagong kabanata ng ating buhay. sangayon ako sa sinulat niya,totoo ang sinulat niya tunkol sa bagong toan.dapat lang nating pagbutihin ang simula ng bagong kabanata ng aying buhay,para maging isang bagong ngiti ito sa ating mga labi.kalimutan natin ang dating ikaw at magsimula sa bagong ikaw sa bagong mundo ngayong hinaharap.bagong taon ay nagbibigay sa atin ng pagbabagong buhay,kung ikaw ay dating kulong ay may pag asa ka pang magbago at kalimutan ang nakaraan,ang tunay na kahulugan ng bagong taon ay bagong buhay,pag asa,ngiti at pagibig sa sarili at sa iyong kapwa.
Mark Louie Mendoza
BSHRM-I (Sat_1-4)
"INA AT ANAK" ni Merlinda Bopis ay isang teoryang humanismo na tumotukoy sa maagang kamulatan ng isang kabataan sa prostitusyon ng kanilang magulang upang makaahon sa kahirapan at pangtawid gutom nila sa araw araw.
"neneng" ni merlinda bopis teoryang femismo dahil ito ay tumatalakay o binibigyang pansin ang kababaihan ang masasabi ko sa tulang ito ay makahabag damdamin dahil ang tulang ito ay sumasalamin sa pangaabuso ng isang kababaihan masasabi ko na isinulat ito upang mamulat sa kamalayan ang mga mambabASA na hindi dapat abusuhin ang mga kababaihan sinabi sa tulang ito na si neneng ay pitong taong gulang lamang ngunit sa murang edad nya ay sinapit nya na ang pang aabuso ng mga masasamang loob sa ganitong pag kakataon tumatalima sa aming mambabasa ang pagiging emosyonal dahil sa labis na pighati sa tulang binasa kung kayat na gigising ang aming kamalayan na hindi dapat abusuhin ang mga kababaihan
May Ann Campos
BSED-English
Cellfone ni Lilia Antonio
Romantisismo
Kritisismo:
Sa larangan ng teknolohiya, hindi masasabing nahuhuli tayo sa pagkakaroon ng mga ito.Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya naisasagawa natin ang ating mga gawain ng mas madali at mas magaan.
Isa sa mga pinaka kilalang produkto ng makabagong teknolohiya ay ang cellphone. Halos lahat ng mamamayan saan man sa mundo ay mayroong ganito.Sa pamamagitan ng cellphone nakakapagpadala tayo ng mensahe o kaya nakakausap natin ang ating mga minamahal sa buhay saan man sa mundo,nasa probinsiya man o sa ibang bansa. Sa araw araw na pamumuhay nga isang tao, nariyan at hindi nawawala ang cellphone.Nagagawa at naipapabatid natin sa ating mga mahal sa buhay ang ating pag-ibig, pagmamahal at pag-aalala sa kanila,panliligaw at panunuyo sa minamahal na "textmate" kung tawagin.Maraming bagay na naitutulong ang cellphone sa ating pamumuhay. Ginagamit ito sa trabaho o sa importanteng bagay lalo na kapag emergency o kaya nais nating kumustahin ang ating mga mahal sa buhay.Ngunit sabi nga nila, may mabuti mang naidulot ang mga ito ay mayroon ding masamang dulot ito sa atin.Katulad na lamang ng nakapagsisinungaling tayo sa ibang bagay.
Huwag sana nating abusuhin ang mga bagay na nakakatulong sa atin sa pang-araw araw nating pamumuhay.Bagkus gamitin natin ito sa mabuting paraan ng sa huli hindi tayo magsisi.
Epe lepasana 111
Bse-eng 1
Monumento
Ni jay Fernando
humanismo
Sa tulang ito inilalahad ang tunay na nangyayayri sa ating lipunan, sapagkat nakasaad ditto ang tutuong nangyayari. Masakit lang isipin na kung bakit hindi ito nasusugpo nang ating pamahalaan ang ganitong kalagayan ng bansa. Kalagayan na kung saan masyadong nagpapahirap sa ating lipunan. Upang umunlad.
Maraming inhustisya ang nagaganap, dahilan bas a PERA? O sadyang nagbubulagbulagan lamang ang pamahalaan, dahil sa sila narin mismo ang may kagagawan ng hindi pantay pantay na pagbigay ng katarungan. O di kaya dahilan din ang kapangyarihan. Kapangyarihan na kung saan nagagamit nila upang umabuso at mang api ng kapwa.
Siguro hindi na talaga mabibigyan ng sulosyun ang ganitong uri ng problema sa ating bansa. Diba dapat sa batas ay pantay pantay ang lahat? Pero bakit ang nangyayari ay; kung sino ang maykapangyarihan ay siyang nananalo at hinahayaan na lamang na ang kawawang dukha ang syang nag hihirap at nagdurosa sa kasalanang di naman niya nagawa. Habang nag durusa ay untiunti nha lamang na nawawalan ng pag asa upang makalaya. Hanggang sa sila ay pumanaw na lamang di parin nakakamtan ang katarungan, at babaunin na lamang ang pait hanggang kamatayan.
Siguro ito na nag tamang panahun upang gisingin na natin ang mga diwang tulog at mga manhid na damdamin upang makaramdam sa mga pangyayaring tanging ang panahun lamang ang may alam kung hanggang san at kailan mawawakasan ang kahirapan na dulot nang mga taong maykapangyariahan..
Vanessa Javier BSIT
9:00-12:00
Ganito nga pala
ni Abdon M. Balde, Jr.
Romantisismno
Isinasaad satulang ito na isinulat ni Abdon Balde ang buhay na nararanasan ng isang tao sa kanyang pagtanda ng magisa.Marahil siya ay isang biyudo o kayay isang matandang dalaga o binata.Sinasalamin nito ang mga katotohanang nagaganap sa ating pagtanda.Ang mga bagay na may limitasyon dahil hindi na kinakaya ng kanilang mga katawan.Isinasaad dito na ang tumanda ng magisa ay napakahirap at malungkot.Mahirap ang kumilos at kailangan na ng kaagapay sa pagkilos at paggalaw.Mahirap narin ang pagkain dahil sa ang iba ay wala ng mga ipin na pangnguya sa mga matitigas na pagkain kaya malalambot na lang ang kanilang kinakain.Mas madali na rin silang magkasakit, kaunting ambon lang ay magkakasipon na sila .Maselan ang katawan ng mga matatanda.Ganito pala ang tumatanda,maraming bagay ang magaganap sa ating mga sarili. Iginalang ng lahat ngunit sa gabi ay magisa na lang.Marahil ang tinutukoy dito ay wala ng aswa dahil satakipsilim daw ay magisa na lang daw sya at yakap yakap ang sarili.
Aguelo,Ralyn Jean P.
BSIT- 1st yr.
Ang teoryang Romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapaligiran, bayan at iba pa.
Tulad na lamang ng ni isulat ni Diana R. Agbayani ang Umaga na ang kanyang isinulat ay tumotukoy sa kalikasan. Sa aking na basa ay nais niyang iparamdam ang kagandahan ng ating kapaligiran , lang habin ang kagandahan ng bini kay sa atin ng maykapal . Ang kalikasan ay nagbibigay, sa atin ng buhay. Buhay na maaari nating ipamana sa susunod na mga henerasyon. ang pag aalaga sa kapaligiran ay dapat natin panatilihin sa tulad na lamang ng pag tanim ng buno sa paligid. sa pag lubong ng ng araw ay atin pagmasdan ang kagandahan ng kalikasan at sa pag litaw na man ng araw ay ating ipag pasalamat sa pagkat ito ay nag sasabi sa atin ng muli na atin masilayan ang kagandahan ng mundo.
ADELITA AYING
BSIT-1
WALA RAW UMIIBIG
(ISTRUKTURALISMO)
Disperas iyon ng Pasko may isang lalaki ang pangalan niya ay lito mayroon siyang papotok at hindi niya ito hinagis sa kalsada. dahil iniisip niya na walang umiibig sa kanya kaya sinadya niyang siya ang maputokan.naputokan siya at dinala kaagad si lito sa ospital.nang nalumpo na si lito saka pa niya nalaman na may umiibig sa kanya.
inaalagaan siya ng kanyang pamilya lalong narealize niya na may umiibig talaga sa kanya at nagkamali siya sa kanyang iniisip.ang teoryang ito ay istrukturalismo sapagkat iisip niya na walang umiibig sa kanya at iniisip niya rin na parang wala ng halaga ang kanyang buhay.
0
Deborah V. Bayangan Panitikang Filipino
Kritisismo: Cellphone ni Lilia F. Antonio
Sa bawat panahon,maraming mga pagbabago sa ating lipunan…mga naiimbentong mga ibat ibang bagay na ginagamit ng mga tao gaya ng ma gamit sa pakikipag-ugnayan sa kaibigan, katrabaho,kamag-anak, o minamahal sa buhay.
Cellphone- pinakapopular at napakahalaga ngayon para sa bawat tao sapagkat ginagamit ito na pantawag at pantext sa ating mga kakilala kung mayroon tayong gusting sabihin o ibalita sa kanila o kaya makipagchikahan lamang nang hindi na kinkailangang mag-usap sa personal. Nakakapagbigay din ito ng ng aliw dahil sa musika mula sa FM, at nakakapagpasa din tayo ng mga jokes, quotes, at sa mga bidyo. Saan man tayo magpunta, kahit nasa ibang bansa ay nakakapag-usap at nakikita natin sila dahil ang mga cellphone ngayon ay may mga camera, tv, at facebook.
Dati, ang cellphone ay gingamit lamang sa pantawag, pantext sa kakilala lamang, at pakikinig ng musika ngunit ngayon ay uso na ang textmate at hindi lang basta taextmate dahil sa ditto ay nagkakaroon ng boyfriend at girlfriend ang isang tao kahit hindi kakilala. Naging madali na ang ligawan ngayon, hindik na kailangang manligaw sa bahay ng isang babae ang lalaki dahil dinadaan nalang ng isang text message na:” mahal kita, mahal mo rin ba ako?”. Saka nalang sila magkita kapag sila na o kapag magsasama na sila bilang mag-asawa na nagdudulot din ito ng mabilis na hiwalayan at pagkatpos nito ay makikipagtextmate ulit sila sa iba hanggang magkaroon nanaman ng ibang karelasyon. Maraming nabibiktima dahil ditto sapagkat mayroon ditong nagahasa; nagpakamatay dahil nabuntis ng textmate na dina makontak; piƱata ng textmate; nanakawan; at iba pa. Dahil din ditto, tumtaas ang bilang ng mga nagkakasakit ng Kung anu-ano dahil sa pakikipagkita sa iba ibang katextmate at pakikipagtalik sa mga ito. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa cellphone. Napakapangt isipin na nangyayari ang mga ito dahil sa cellphone ngunit ito ang katotohanan ayon sa naririnig natin sa radio, napapanood sa telebisyon, at nakikita natin mismo sa ating paligid.
Napakaraming mga bagay ang naiimbento at patuloy na tinatangkilik ng mga tao lalo na ang mga kabataan. Maraming naitutulong ito sa atin ngunit dapat nating isaalang-alang na marami din itong hindi magandang maidudulot sa atin.Hindi ito masamang gamitin, dapat lang nating gamitin ito sa wastong paraan
Teoryang ginamit:
Teoryang Romantisismo at Realismo sapagkat tumatalakay sa patuloy na pag-unlad; relasyon sa ibang tao; at mga pangyayaring nakikta ng tao sa ating paligid o lipunan.
JULIE MACASA
BSCS 1st-year
PANITIKAN
TUBUHAN
ni Donato Mejia Alvarez
Ang tulang ito ay nasa teoryang NATURALISMO, kung saan ito ay nagpapaliwanag nang isang pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao. Kasuklam-suklam ang mga pangyayaring naganap sa buhay.Natural din sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan. mayaman o mahirap,babae man o lalaki,at mabait o masama.
Ipinapahiwatig sa tulang ito ang pangyayari ng buhay ng tao kung saan wala itong kalaban-labang sinasalbeyds ng mga militar.Pinagsuspitsahan sila. Nagulo ang buhay nila na dating matiwasay,masaya,tahimik at puno ng pagmamahal sa sa kanilang lugar o lipunan.
Ang tulang ito ay nagpapahiwatig sa totoong mga naganap sa ating lipunan. Gaya sa pangyayaring naganap na Masaker sa Mindanao, na kung saan walang awa silang pinatay at pinag saksak. Walang kalaban-labang silang pinatay.
Junior Laggui
Bsit-1
PAGKAMULAT by Ruby Gamboa Alcantara
ROMANTESISMO
SIR RAQUEL ITO UNG TUNAY NA ASS Q, tnx
Namulat siya sa kanyang naranasan dahil sa kanyang minamahal,
Madami siyang pagsubok na naranasan subalit ang kanyang hinagpis ay hindi matawaran. Ang kanyang buhay na dati ay nasa alapaap ngayoy malungkot
At nilason ang kanyang isip at dahil sa paniniwalang siya ay sakanya at ang akala niya ay ang lahat ng sakanya ay sa minamahal niya rin.
Siya ay naghimagsik dahil sa ginawa niya sa kanyang buhay ngunit ang tamis ng kahopon ay hindi na maibabalik. At itoy maibabalik lang gamit ang panaginip.
Lumamig ang kanyang umagang dati ay mainit subalit itoy nagbago ang kanyang mainit na umaga ay biglang lumamig. Dalawa ang aking nakikitang dahilan kung bakit nasulat na awtor ang tulang ito. Una ay siya ay nabigo sa kanyang minamahal na tao. Pangalawa ay ang pagbabago ng kanyang buhay. Ito ay magandang basahin hindi lang parang drama. Ito rin ay mapang habag damdamin.sadyang nakakahabag ang tulang ito na minsan saakin din ay nangyari Tulad ng kabiguan sa pag-ibig na labis na nakakasakit. Dahil nailalathala ng tayo ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat at dahil din kanyang nararamdan madaming uri ng kabiguan ngunit ang awtor nitong tula ay malalim ang kanyang pinag daanan
Ma. Catherine Go
B.S.I.t.-1
Bagong Taon
ni Alejandro G. Abadilla
ayon sa tula ang nakaraang nagdaang taon ay marami ng naganap. Mga priblema, pighati o kung ano pang mga karanasan. Ngayong bagong taon dapat bagong simula din. Maraming mga bagong simulain na dapat umpisahan. Maraming magbabago, lalaki ang mga pinagsamahan ng bawat tao.
. May bagong mamahalin. Pero dapat hindi gawing laro kung papasok ka sa isang relasyon, kundi dapat pahalagahan ito. May mga bagong balak pangarap na madadagdan sa atin kaya dapat tayong magsumikap para makamit natin ito.
Dapat mag-aral ng mabuti at pahalagahan ang lahat ng bagay na ating napaghirapan.
Teoryang Realismo
Junior Laggui
Bsit-1
PAGKAMULAT by Ruby Gamboa Alcantara
ROMANTESISMO
SIR RAQUEL ITO UNG TUNAY NA ASS Q, tnx
Namulat siya sa kanyang naranasan dahil sa kanyang minamahal,
Madami siyang pagsubok na naranasan subalit ang kanyang hinagpis ay hindi matawaran. Ang kanyang buhay na dati ay nasa alapaap ngayoy malungkot
At nilason ang kanyang isip at dahil sa paniniwalang siya ay sakanya at ang akala niya ay ang lahat ng sakanya ay sa minamahal niya rin.
Siya ay naghimagsik dahil sa ginawa niya sa kanyang buhay ngunit ang tamis ng kahopon ay hindi na maibabalik. At itoy maibabalik lang gamit ang panaginip.
Lumamig ang kanyang umagang dati ay mainit subalit itoy nagbago ang kanyang mainit na umaga ay biglang lumamig. Dalawa ang aking nakikitang dahilan kung bakit nasulat na awtor ang tulang ito. Una ay siya ay nabigo sa kanyang minamahal na tao. Pangalawa ay ang pagbabago ng kanyang buhay. Ito ay magandang basahin hindi lang parang drama. Ito rin ay mapang habag damdamin.sadyang nakakahabag ang tulang ito na minsan saakin din ay nangyari Tulad ng kabiguan sa pag-ibig na labis na nakakasakit. Dahil nailalathala ng tayo ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat at dahil din kanyang nararamdan madaming uri ng kabiguan ngunit ang awtor nitong tula ay malalim ang kanyang pinag daanan
ANGELYN MERANO
BSIT-1
PANITIKANG PILIPINO
UMAGA NA
Ni Diana R. Agbayani
(REALISMO)
Ang tulang ito’y hango sa pang Araw-araw na buhay ng tao at ito ay totoo.
Kay sarap talagang Pakinggan ang huni ng mga ibon sa tuwing umaga, at ang pag bukang Liway-way ng Darating na Umaga.
Kasabay nito ang mga talahib. At ang tunog ng daloy ng batis na kay sarap pakinggan.
Ang sumulat ng tulang itoy humahanga sa Binigay ng diyos satin, at itoy kailanman ay hindi mapapantayan nino man.
Kaya dapat tayong magpasalamat sa diyos dahil siya ang may gawa nito at dapat natin itong paka-ingatan , dahil kung hindi tayo ay mawawalan ng isang umagang kay ganda.
At pinapakita din ng awtor ang kanyang pagmamahal sa kapaligiran at kalikasan, dahil napupuna niya ang mga ito.
Kahit ako mahal ko ang Umaga, dahil ang init ng umaga ay ang nag-bibigay init sa tao upang mabuhay. At dahil sa init ng umaga natutuyo ang mga sampay ng maraming tao. At madami pang nagagawa ang init umaga. Tulad ng Mga puno na binibigyan niya ng init upang mabuhay.
At kung walang umaga paano ang mga magsasaka, na nag-aani n gating mga palay para maging bigas na ating kinakain sa araw-araw?
Kaya dapat nating alagaan ang kalikasan upang hindi bawiin ng diyos ang binigay niang umaga.
KAYA GISING NA UMAGA NA!!
Collado,Jamaica E. BSE ll
Awtor:Abdon M. Balde Jr.
Kritisismo:226 na mga salita
Teorya:Bayograpikal
Maganda at makatutuhanan ang tulang ito.Sa tulang ito pinapahayag ng may akda ang kanyang mga bagong nararanasan habang siya ay nagkaka edad o tumatanda na na tunay ngang nararanasan ng sinuman mayaman man o mahirap kapag ang isang nilalang ay nagkakaedad na pare- pareho ang nararamdaman sa kanilang mga katawan.Ang pagsasalaysay ng awtor sa mga pagbabagong nararanasan ng isang tao sa kanyang pagtanda ay makatutuhanan sapagkat nangyayari ito at ito ay isang realidad ng buhay na ayaw man sapitin ng karamihan o iilan ay dadating.Iniisa isa niya ang mga pagbabagong iyon,sinasalaaysay nya kung papaanong nahihirapang kumilos ang taong tumatanda.Nakakatawa ang binanggit nya na “Nakakainom pa rin sa totoo pinakuluang pito-pito.”hindi maikakailang nagbabago ang kilos ng isang tao habang tumatanda,ang nakakalungkot pa hindi na nagagawa ng tumatanda ang mga bagay na kinahihiligan nya noong siya ay bata pa halimbawa ang madalas na panonood ng sine ayon sa tula” Inaantok sa sinehan
kahit ang palabas ay bakbakan” kung susuriing mabuti totoong nagaganap ito.
Ang isa pang malungkot na mukha ng katandaan ay ang pagyao ng katuwang sa buhay o ng asawa.Ang lahat ng bagay sa mundo ay naglalaho,kumukupas,nageexpire sa tao nman tumatanda at namamatay kaya mas mainan kung magiging handa tayo sa lahat ng panahon sapagkat gusto man natin o hindi na tumanda dadating ito.
Beryl Matiga (thu-tue 7;00-9;00)BSCS
MARIA JOVITA ZARATE
•Sakali Mang ako’y Lilisan
Basi sa nabasa ko sa tula na ito ay toeryang klasismo. Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay nagmula sa Gresya, sinasabi rito na kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipian kays sa damdamin. Ito ay kasalungat ng teoryang romantisismo. Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na umiiral dito.
Sa tulang ito ay nakakalungkot din kasi pilit nyang iniisip na kung sakali siya ay pumanaw marami ang malulungkot sa pagkawala niya. Kahit sa kabilang buhay dadalhin nya ang mga alala na nagbigay kulay sa kanyang buhay.
Kung ako ang mamatay kung may itutula mn sa akin, ito ang ipapatula ko....
Saplan, Jhonel R.
BSIT
PANITIKAN
PAGKAMULAT
Ruby Gamboa Alcantara
romantisismo
sa aking pag basa sa tulang ito aking natutunan na ang buhay ng tao ay nag babago din talaga.. alam naman natin na ang ating buhay ay parang isang gulong na may panahon na masaya at malungkot din naman
sa tulang ito makikita mo na pag kalipas ng panahon ay may pighati na kanyang sasalubungin at kailang din naman harapin.. sa ating buhay alam natin na pag tapos ng ating kasiyahan ay merun din tayung kalungkutan na mararanasan may mga pag kakataon naman na may mga kumukuha ng ating kasulukuyang pinang hahawkan
kung sa bagay dapat lang na may pananalig tayo sa diyos kahit anung mangyari sa kanya lang tayo dapat sumandal
REX BELLI D, BARING
BSIT-2
Pagkamulat
ni Ruby Gamboa Alcantara
Nirahuyo mo ako
Sa idinating mong kabaguhan
Sa buhay ko
Subalit nang masuong ang buo
Kong pagkatao
Naging malamig ang init
Na dati’y kapiling
Ng katauhan mo.
Nilason mo
Ang kaisipan ko
Sa paniwalang ang sa akin
Ay sa iyo at ang sa iyo
ay sa akin.
Ang totoo
Walang para sa akin
Ang lahat ay para sa iyo
Ibinuyo mo
Na maghimagsik ako
Sapagkat tinakdaan mo
Ang hantungan ng aking buhay
Na dapat sana’y nasa alapaap
Ng isang libo’t isang ligaya.
Ibalik mo man
Ang karangyaan ng lumipas
Na kahapo’y malayo nang manaig
Pang muli ang magagandang
Pangarap; malabo na ang mga pangitaing
Sa guni-guni na lamang makasisinag
Ng katuparan.
kritistsmo:
ang teoryang ginamit sa tulang ito ay teoryang humanismo sapagkat inihanbing ng may akda ang kanyang tula sa kanyang sarili..o sa kanyang karanasan.
Jaenin R. Infiesto
Panitikang Filipino
Sat 1:00 – 4:00
Ganito nga pala ni Abdon M. Balde Jr.
Ayon sa Wikipedia ang teoryang Moralistiko ay ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon. Sa aking opinyon, ang tula ni Abdon Galbe ay maaring maihanay sa teoryang moralistiko sapagkat ito ay nagpapahiwatig ngaral na maaring gumabay sa bawat isa sa atin ,ang tula ay tungkol sa isang matanda na tila nakalimutan ng panahon na tunay naman na nangayayari sa ating panahon ngayon, marahil nais ipahawatig ng may-akda ang aral na pahalagahan natin ang mga matatanda, kung mababasa sa akda sadyang napakapait ng buhay nila, katulad yaon dahil tila wala nagaaruga sa kanila. Maari rin itong mapabilang sa teoryang realismo sapagkat Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Gaya nga ng nasa tula . hindi lamang ang mayakda ang maaring makasaksi sa ganoon pangyayari maaring ang bawat isa sa atin sapagkat tayo ay may mga lolo o lola kung wala maari mo silang makita sa paligid. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Jaenin R. Infiesto
Panitikang Filipino
Sat 1:00 – 4:00
Ganito nga pala ni Abdon M. Balde Jr.
Ayon sa Wikipedia ang teoryang Moralistiko ay ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon. Sa aking opinyon, ang tula ni Abdon Galbe ay maaring maihanay sa teoryang moralistiko sapagkat ito ay nagpapahiwatig ngaral na maaring gumabay sa bawat isa sa atin ,ang tula ay tungkol sa isang matanda na tila nakalimutan ng panahon na tunay naman na nangayayari sa ating panahon ngayon, marahil nais ipahawatig ng may-akda ang aral na pahalagahan natin ang mga matatanda, kung mababasa sa akda sadyang napakapait ng buhay nila, katulad yaon dahil tila wala nagaaruga sa kanila. Maari rin itong mapabilang sa teoryang realismo sapagkat Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Gaya nga ng nasa tula . hindi lamang ang mayakda ang maaring makasaksi sa ganoon pangyayari maaring ang bawat isa sa atin sapagkat tayo ay may mga lolo o lola kung wala maari mo silang makita sa paligid. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Ramon P. Aguelo Jr.
BSCS-I
Tuesday 9:00AM - 12:00
Langaw
ni Romulo P. Baquiran
sa aking nabasang tula, ipinapahatid ng may akda na dapat laging malinis ang ating kapaligiran, laging maayos ang tapunan ng mga basura, pag hiwalayin ang mga basura na hindi na bubulok at ang na bubulok.
ang mga dumi ng mga hayop sa kalsada na madalas pag pistahan ng mga langaw, responsable din ng mga may ari ng mga hayop na linisin ang dumi ng kanilang mga hayop na hindi na pag pistahan ang dumi ng hayop.
dapat panatalihing malinis ang ating kapaligiran at itapon ng maayos ang basura sa tamang tapunan ng basurahan.
teoryang formalismo
ANDRIANO,BONELITA A.
BSHRM-1
CELLFONE NI LILIA ANTONIO
ROMANTISISMO
Sa panahon ngayon ang cellfone ang pinaka ginagamit pagdating sa komunikasyon.Ito ang ginagamit natin para madali natin makausap ang mga mahal natin sa buhay lalong-lalo na sa probinsya o sa mahal natin sa abroad.Ayon sa may akda ng tula ito ay kanyang ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon para sa mga taong gusto niya o sa mga mahal niya.Ang cellfone ngayon ay isa sa mga importanteng bagay na ginagamit natin.karamihan sa atin ay hindi na completo ang araw pag hindi dala yong cellfone parang boring na din ang buhay pag walang katext o walang cellfone.kahit sa aspeto din ng pag-liligawan ay cellfone na din ang ginagamit,kahit pa mapudpod na yong keypad,kahit mapuyat sa gabi,kahit kumakain at may ginagawa man text parin ng text kahit san lugar.At dahil din cellfone laganap na din ngayon ang mga panloloko at marami din amg naloloko.marami din ang naloloko dahil sa textmate pang-aabuso at karahasan ang nangyayari lalo na sa kababaihan.Hindi masama ang pangkilik sa mga bagong teknolohiya ngunit ito gamitin sa tama at wastong pamamaraan.
BALLESTEROS,JEANETH JOY
BSHRM-1
BAGONG TAON
HUMANISMO
Bagong taon, ayon kay alejandro...Ito ay bagong buhay,bagong pag-asa,bagong ngiti at bagong simula.Bagong taon ay bagong simulain sa ating buhay dapat baguhin ang mga bagay na dapat natin baguhin sa ating buhay.Bagong taon ay bagong simula sa ating buhay bagong kabanata,bagong ngiti sa ating labi.ang tunay na kahulugan ng bagong taon ay bagong buhay,pag-asa,ngiti at pag-ibig sa sarili at sa kapwa.
RISA M. ALE PANITIKANG FILIPINO
BSED-ENGLISH
Ang uri ng tula ay hango sa Pag-ibig na maghihintay, handa siya magtiiis hanggang sa kabilang buhay, siya ay hindi mamatay o magpapakamatay siya ay may busilak na Puso at may malinis na hangarin sa kanyang minamahal. Ang Pag-ibig ay patitiyaga at pagtitiis upang makamtan ang tunay na kaligayahan sa piling ng minamahal. Ang simbolo ng pagtitiis para sa minamahal ay isang wagas at busilak na hangarin at upang makamtan ang kaligayahan sa piling ng tunay na minamahal. Kaya gagawin niya ang lahat ng makakaya para makamit ito at para maging masaya ang kanilang pagmamahalan.
Post a Comment