Sumulat ng isang sanaysay (250 salita) nakasentro sa temang ito:
"Ang Wikang Filipino: Kalagayan, Mga Isyu at Hamon sa Ika-21 Siglo"
Deadline of Submission: March 12, 2011 (Saturday), 11:59PM
The Fisher Valley College is a private Christian college in Taguig City with two campuses: the Main Campus is located at Bgy. Hagonoy and the Annex Campus is located at Phase 2, Bgy. Pinagsama. This website is created primarily for my students as an alternative experience of academic learning and as an avenue for communication utilizing the power of Internet technology.
Copyright © 2012 The Fisher Valley College
Design by Design Disease for Smashing Magazine | Blogger Templates by Blog and Web
4 comments:
Diozon, Madelene C. (BEED 2) Ang wikang Filipino ay isang napakahalagang parte sa isang bansa kahit maraming pagkakaiba at pagkakatulad sa iba’t-ibang lugar ditto sa Pilipinas ay nag-iisa ang ating wika at ito ay Filipinoo, Ito ay nasasad sa Artikulo IV, sekston 4 na ang wika ay gamitin sa pagsasalita, pakikipagtalastasan sa mga gawaing tumutukoy sa pag-aaral katulad ng paggawa ng sanaysay, tula at iba pa na may kinalaman sa pagpapalawak n gating wikang Filipino. Ang pagkakaiba lang sa bansa ay ang dialekto at lengguahengunit ang isyu ditto sa bansa, katulad ng mga opisyal sa pamahalaan na dapat ay sila ang nangunguna sa pagpapalawak at paglago ng wika nito ngunit sa ngayon ay hindi ito ang kanilang ginagawa kundi ang pagsasalita ng Ingles, halimbawa sa pagpupulong na ginagawa sa ibang bansa at sa ibang ligar ditto sa bansa. Hindi lamang kung sila ay may pagpupulong, pati na rin pakikipagusap sa ibang tao na mga nakaharap nila. Maraming ding mga mayayaman at matataas na tao na ang pinagyayaman ang Ingles na salita kaya ang wika ay nawawala na at napapalitan. Hindi nila naisip na pano ang mga kulang sa pag-aaral ng ibang salita? Pano nila maiintindihan?, Kung mismong ang mga tao na dapat ay nagiging ihemplo nsa paggamit mg wikang Filipino ay hindi nila ginagawa. Kaya dapat ay umpisahan sa matataas na tao lalo sa namumuno upang gayahin ito ng pinamumunuan nilang bansa. At kahit na saan mang bansasila magtungo ay dala pa rin nila ang pagiging Pilipino sa ginagamit nila ang wikang sa galing sa isang lugar na pinapahalagahan nila na hindi lamang ito isang bansa kundi sa mga taong gusting matutunan at gawin sa pinakamahalagang wika sa bansa. At ang isyu ditto ay ang mga taong ang alam ay ang tagalong at ibang dialekto at lennguahe, lalo na ang salat sa pag-aaral na ang naiintindihan lang ay ang tagalog.
Ang dapat maging hamon sa mga Pilipinong nakatira sa bansa na kung sila ay nabibilang at kailangan na maging isa ito sa dapat pahalagahan at sundin ng mga Pilipino sa bansa. At sa panahong ito ay maging pokus ng pamahalaan ang paggamit at pagyamanin ang tamang salita para sa bawat Pilipino sa bansa. At pati na rin sa mga nakakataas na tao ay maging hamon ito upang ibalik ang salitang pinagmulan ng pagkakaisa sa bansa. Hindi lamang ditto kundi sa iba’t- ibang bansa kung tayo’y magtutungo doon ay gamitin natin sa taong alam nating nakakaintindi nito. At huwag baliwalain at samakatuwid ay ipagmalaki ito na tayo ay isang Pilipino may wikang Filipino.
Collado, Jamaica E. BSE-2
"Ang Wikang Filipino: Kalagayan, Mga Isyu at Hamon sa Ika-21 Siglo"
Maraming tribo ang naninirahan dito sa bansa bawat isa ay may kani kanyang diyalekto at lengguwahe ang pilipinas ay may pitong lengguwahe sa kabila nito iisa lamang ang wikang ginagamit ito ay ang wikang Filipino ang pambansang wika ng pilipinas nakasaad ito sa 1987 pambansang konstitusyon ng pilipinas matatagpuan ito sa Artikulo14,seksyon 16 na tanging ang wikang Filipino ang gagamitin dito sa pilipinas.ngunit kung mapapansin bakit sa mga sesyon ng senado at kongreso katakatakang wikang ingles ang ginagamit? pati na rin sa iba pang ahensya ng pamahalaan.?gayong para naman sa mga Pilipino ang mga batas at proyekto na kanilang nagawa, at gagawin pa lang kaya ang resulta mas marami sa mga kababayan natin lalo na iyung mga hirap umintindi at hindi nakaka intindi ng wikang ingles ang hindi maunawaan ang mga nangyayari sa kanilang paligid.
Sa panahon natin sa ngayon anon a nga ba ang kalagayan n gating wika? Kumusta nab a ito? Iyan ang mga tanong na bibihirang itanong ng tao.Sa modernong panahon natin sa ngayon napakarami nang pagbabago sa kilos ng mga Pilipino at kasabay ng pagbabagong ito ang pagkawalan ng pagpapahalaga sa ating wika kasi ang gusto ay makasunod sa uso upang hindi mawala sa serkulasyon o sa sociology “hindi out group” hindi na rin ito nabibigyan ng sapat na atensyon. Kahit sa mismong tahanan mas pinag uukulan ng pansin ng mga magulang na ituro ang wikang banyaga katulad ng ingles sa kanilang mga anak upang masanay ito ng husto bilang paghahanda sa kanilang kinabuksan salang masama pero bias ito sasariling wika dahil nakakaligtaan na ituro din ito sa nga paslit kaya hindi malayong sa ika-21 siglo ang kalagayan ng wikang Filipino ay nasa panganib na ng unti-unting paglimot na sa kalaunay hindi na maalala at maituturing na ito bilang isa sa mga patay na wika ng mundo,napaka saklap nun.
Ang isyu naman na maaaring kaharapin ng wika sa ika-21 siglo ay ang patuloy na tanong ng may mga malasakit sa wika kung hindi pa rin ito masasagot, bakit ang mga pinuno natin sa international forum bakit hindi kayang gamitin o bakit hindi ginagamit ang ating wika samantalang ang ibang lider ng ibang bansa kumportableng gamitin ang kanilang wika at gumagamit lang sila ng tagapagsalin sa ingles? Isa pa yung mga kababayan natin sa ibang bansa ang ilan sa kanila pilit iniiwasan ang paggamit ng sariling wika at ang masakit pa ikinakatwa ang kulturang Pilipino, ito ay may katotohanan. Kahit na magbalat kayo pa sila halata pa rin sa kanilang kilos at hitsura na sila ay nanggaling sa bansang pilipinas. Isang kasalanan ang pagtalikod sa sariling wika ayon nga kay Dr. Jose Rizal “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda”
Kung magpapatuloy ang ganito, sitwasyon malaking hamon ang kakaharapin ng wikang Filipino sa ika-21 siglo. Maganda ang aksyon na ginagawa ng Unibersidad ng Pilipinas na isinalin ang mga pangalan ng departamento sa loob nito sa wikang Filipino.Ang isa sa mga hamon ng wikang Filipino sa ika-21 siglo ay ang muling pagpapabatid sa kamalayan ng lahing Pilipino na ang wikang Filipino an gating wika at parte ito ng kulturang Pilipino. Kaya naway magkaisa tayo upang sagipin ang ating wika isipin natin ang pagsasakripisyo at pag alay ng buhay ng ating mga bayani upang magkaroon tayo ng kalayaan at kasarinlan.
Jude Marck S. Bagsao
BSE-Eng
Gamiting Filipino
Friday – 9pm - 12nn
"Ang Wikang Filipino: Kalagayan, Mga Isyu at Hamon sa Ika-21 Siglo"
“Sa Puso, sa Salita, at sa Gawa” ito ay linya na nagmula sa “Panatang Makabayan” Tila nga yata ay unti unti na itong nakakalimutan ng mga mamamayang Pilipino. Salamat na lamang at patuloy pa rin itong itinuturo sa mga mabababang paaralan/elementarya. Ano nga ba ang Wika nating mga Pilipino? Hindi ba’t wikang Filipino at hindi ang mga salitang banyaga tulad ng Ingles. Sabi nga,sa libro na aking nabasa na tungkol sa wika, ang wika ay buhay, dinamiko wika nga, kaya’t di maiiwasan ang panghihiram ng mga salita. Ibigin man natin o hindi, sa aminin natin o hindi, di mapasusubaling yumayaman ang alin mang wika sa daigdig sa pamamagitan ng paghihiraman. Walang wika sa daigdig na makapagmamalaking di ito nanghihiram sa iba. Mabalik tayo sa linyang “Sa Puso, sa Salita, at sa Gawa” Ikaw ba ay Pilipinong ginagawa ang linyang ito? Sa Pang-araw-araw na pamumuhay, sa trabaho, sa pakikipag komunikasyon at sa iba pang bagay na gawain? Sa aking palagay, iilan na lamang ang mga taong talagang sinasanay ang paggamit ng sarili nating Wika sa kanya kanyang propesyon o trabaho. Lalo na ang mga taong sibilisado.
Ano na nga ba ang kalagayan ng ating Wikang Filipino sa Ika-21 Siglo? Ito ba ay ating napapagyaman, napapaunlad at napapanatiling buhay? Patuloy sa pag-evolve ang ating wika at habang tumatagal ay may mga bago tayong salitang naiimbento. Katulad na lamang ng mga salitang “Gay Lingo” at “Jejemon”. May pagsubok din na pinagdaraanan ang ating Wikang Pambansa, ito ay ang pagharap sa katotohanang ang mga tao/Pilipino ay natural na mapaglikha at sadyang napaka talino kaya’t nakakabuo at imbento tayo ng mga makabagong salita. Sa una ay hirap tayo sa pagtanggap nito, maraming komento at reaksyon, ngunit sa huli naman ay tatanggapin at matatanggap din natin ito. Iba’t ibang kritiko ang hinaharap ng mga makabagong salita. May mga Isyu ring hinaharap ngayon ang ating Wikang Filipino katulad na lamang sa mga mag-aaral, sa uri at pamamaraan ng pagtuturo sa mga ito. Sa akademiko, halos lahat ng asignatura ang ginagamit na salita ay ang wikang Ingles at iilang oras/minuto lamang ang ibinibigay upang pag-aralan ang Filipino. Ito ang syang dahilan kaya’t unti unting nahihirapan sa pag-unlad ang ating wika.
Para sa akin, ang tangi kong masasabi sa talakayang ito, “Mahalin natin ang Wikang Filipino kasabay ng pagmamahal sa ating Bansang Sinilangan”. Alalahanin at itatak natin sa ating mga isipan ang wika at pangaral ni Gat Jose Rizal para sa bawat Pilipino “Ang hindi raw magmahal sa Sariling Wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong Isda”.
Sapungay, Mary Grace B.
Ang Wikang Filipino: kalagayan, Mga Isyu at Hamon sa Ika-21 na Siglo
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang tribo na gumagamit ng iba’t ibang dayalekto gaya ng Ilokano, waray- waray, tagalong, cebuano, Kapampangan, Panggalatok, at Bicolano.Ngunit taong 1935 sa pangungulo ni Pangulong manuel Quezon, itinakda ang Wikang Filipino upang maging pambansang Wika ng ating bansa. At ito ay isinaad sa 1987 naq pambansang konstitusyon.
Ngunit sa ating panahon, anon a nga ba ang kalagayan ng Wikang Filipino? Kung ating mapapansin, halos karamihan ng nga sesyon sa matataas na departamento ng gobyerno, sa mga pagpupulong at sa halos lahat ng programa na isinasagawa ng mga Pilipino ay kalimitang gamit na wika ay Ingles. Kagaya na lamang ng mga sesyon sa senado, hindi bat kapansin pansin na ang ginagamit ng mga senador at pulitiko ay ang salitang Ingles sa kabila ng katotohanang ang mga kausap naman nila ay kapwa din nila pilioino.Ano nga ba ang dahilan nito? Dahil ba sila ay mga edukado at mga edukada? Malamang gayon nga. Ngunit kung ating titignan sa asang banda, ito ay maling gawi at kasanayan ng mga Pilipino. Isang halimbawa pa nito ay ang hindi paggamit ng mga kanidatang Pilipino sa Ms Universe Kung ating mapapansin, isa ang mga Pilipino sa mga hindi gumagamit ng ng sariling wika.
Ito ay indikasyon lamang na sa panahon ngayon hindi na gaanong nabibigyang halaga an gating wika. Ano nga bang maari nating gawin upang maibalik at muling maipabatid nsa ating kapwa ang kahalagahan n gating bansa?
Sa aking pananaw, isang magandang hudyat ang ginagawa ng Unibersidad ng Pilipinas na pagpapanukala ng muling paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng mga memorandum. Ang panukalang pagsasalin ng mga pangalan ng lahat ng departamento sa saling Filipino.
Para sa akin, malaking hamon ang isyung ito sa ating mga Pilipino. Sapagkat hindi maikakaila na nagiging patok saating mga Pilipino ang pagsasalita ng wikang Ingles at ang abilidad nga naman din nating sumulat at magsalita ng Ingles. Lalo na sa panahon ngayon na ang pinakapatok na trabaho sa ating bansa ay ang industriya ng pag co call center.
Ang wikang Ingles dapat ang pagtuunan ng pansin n gating gobyerno upang maipabatid sa mga Pilipino na ang nararapat nating gamitin ay ang Filipino. Ggayanga ng nasabi n gating pambansang bayani, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa sa malansang isda.
Post a Comment