Takdang Aralin sa Gamiting Filipino

Sumulat ng isang sanaysay na ginagamitan ng iba't ibang uri ng pangungusap, mga pang-uri at iba't ibang anyo nito, mga pang-abay, pangngalan, at iba pa.

4 comments:

Anonymous said...

Angelie Gayagaya BEED-II
Ang ginawa kung salaysay ay tungkol sa pag-aanyaya.
Ang pag-aanyaya ay isang paraan ng komunikasyon. Nag-aanyaya tayo para sa iba't-ibang okasyon. Maari itong isang kaarawan, kasalan, kapistahan, palatuntunan, anibersaryo, o binyagan. Ang pag-aanyaya ay kailangang maging magiliw at magalang upang maganyak na dumalo ang kinukumbida.
Maaring mag-aanyaya sa pamamagitan ng liham paanyaya. Kailangang sagutin ang isang nakasulat na imbitasyon. Magagawa ito sa pamamagitan nang liham pagtanggap kung dadalo ang kinumbida. Sa ganitong paraan, maipapaalam natin ang ating kasagutan.
May mga pagkakataong ang pagpapahayag ng pag-paanyaya ay pagbigkas o pasalita.Maari tayong mag-imbita sa pamamagitan ng telepono kung hindi sinasadya'y nakasalubong natin sa daan ang ating iimbitahan, maari na rin nating sabihin ito. Kaagad din malalaman na nag-aanyaya kung tatanggapin ang imbitasyon o hindi.

Anonymous said...

JENELYN S. BARJA

ANG PAGKASIRA NG HAGDANG -HAGDANG PALAYAN

Isang maipapagmamalaking lugar ang hagdang-hagdang palayan ang matatagpuan sa malayo at matarik na bundok sa Banawe sa Benguet na maipagmamalaki nating mga Pilipino.Ang hagdang-hagdang palayan na ginawa pa ng ating mga ninunong mga katutubo, maraming taon na ang nakalipas,ito ay animo'y isang hagdang patungo sa langit na pinaniniwalaan ng ating mga katutubo na ito'isang daan ng bathala upang magbigay ng pagkain sa ating hapag-kainan at ang dating ganda at kagila-gilalas na anyo ay unti-unti ng nasisira sa ngayon. Pinaniniwalaang ang pagkasira nito asy dahil sa mga kalamidad ,bukod dito ang pagkasira nito dahil sa kalamidad ay lalo pang nadaragdagan ng dahil na rin sa kapabayaan ng mga nagmamay-ari ng mga lupain o sa mga katutubong lumilisan na rin sa lugar at inaabandona upang mag-iba ng propesyon o sa modernong pamumuhay ngayon na nais na ring maranasan ng mga katutubo, nangingibang-bayan sila upang magtrabaho at iwanan na buhay sa sakahan,iwan ang pagsasaka at nais na rin talikuran ang pagsasaka sa kanilang paniniwala na kapag sila ay nangibang-bayan ay magiging maayos na ang kanilang pamumuhay ,magiging maayos at moderno na ang sestima ng kanilang estado ng pamumuhay. Ang isa pang nakakasira ng kabuuan ng hagdan-hagdang palayan ay ang pagtatayo ng mga modernong bahay sa lugar. Naniniwala naman ang ating pamahalaan na maisasalba ang hagdan-hagdang palayan sa pamamagitan ng bayanihan,ito ay ang boluntaryong pagtulung-tulong at ang pagsasaayos muli ng mga palayan,pinagpapatung-patong ang mga bato upang kumpunihin ang mga nasirang parte ng palayan upang maisaayos at muling bumalik ang magandang anyo ng hagdan-hagdang palayan,na pinanggagalingan ng bigas,ang animo'y hagdang patungo sa langit,ang kagila-gilalas na tanawin,ayusin at ipagmalaki natin ito sa buong mundo.karangalan,ipagmalaki natin ito.

Anonymous said...

Jona Rose M. Escopel
BSE-ENGLISH II

Ang Tunay na Kaligayahan

Ang buhay ay puno ng misteryo, surpresa, pasakit, at mga kabiguan, ngunit sa kabila ng mga negatibong nangyayari ay may mga tagumpay at kasiyahang ding natatamo.
Maraming pagsubok at problemang dumarating na sumusubok sa atin hindi lamang sa kung gaano tayo katibay o kalakas kundi pati narin sa ating pananalig sa ating makapangyarihang Maykapal. Lubos na napakahirap makipaglaban sa laro ng buhay kung wala kang kinakapitan, sinasandalan o pinaghuhugutan ng lakas ng loob. Hindi natin maikakaila at maitatanggi na minsa’y nagging mahina at natutukso din tayo na gumawa ng mga di-kanais nais na mga bagay upang matugunan lamang ang ating mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Ngunit isang tanong ang namuo sa aking isipan. Nakakamtan ba natin ang kaligayahan sa tuwing nalulutas natin ang kahit anong pagsubok na dumating kahit nakakagawa tayo ng hindi maganda sa ating kapwa? Kailan? At sa paanong paraan?
Sa aking palagay ang tunay na kaligayahan ay estado ng kalooban na kung saan mararamdaman mo ang kahinahunan ng damdamin at kasiyahan ng puso dahil wala kang kahit na sinong taong naaapakan at nasasaktan sa paglutas at pagkamit ng tagumpay.
Pananalig at takot sa Diyos ang magbibigay sa atin ng walang hanggan at tunay na kaligayahan dahil ang Poong Maykapal lamang ang pinanggagalingan ng lahat, kabiguan o kasiyahan.

Anonymous said...

Jona Rose M. Escopel
BSE-ENGLISH II

Ang Tunay na Kaligay

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top