Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina


Basahin ang tula na nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Paksiw na Ayungin
ni Jose F. Lacaba


Ganito ang pagkain ng paksiw na ayungin:
Bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan at ang natirang tinik),
At ilapat sa labi ang ulo at sipsipin
Ang mga matang dilat;
Pagkatapos ay mismong
Ang ulo ang sipsip
Hanggang sa maubos ang katas nito.
Saka mo
Umpisahan ang laman.
Unti-unti lang, dahan-dahan at
Simutin ng husto-kakaunti iyang ulam natin,
Mahirap humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
Paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Pyat man ang ayungin,
Pabigat din sa tiyan.


  1. Anu-ano ang mga sangkap ng tula? Anu-ano ang mga katangiang makikita sa tula?
  2. Ang tulang ito ay halimbawa ng kasalukuyang panahon. Paano naiiba ang tulang ito sa mga tulang naisulat na nauna dito?
  3. Suriin ang pagpili ng paksa at ang paggamit ng mga salita ng awtor. Ano ang personal na reaksyon mo higgil dito?


9 comments:

Anonymous said...

Gela Faith N.Cortado BSA1

1.Ang mga sangkap ng tula ay ang mga sumusunod:Tema,Tugma,sukat,simbolo at kariktan.Ang mga katangiang makikita sa tula ay ang mga sumusunod:tinig at aliw-iw o indayog.
2.Ang tulang ito ay naiiba sa mga tulang nauna sapagkat ito ay maaari mong bigkasin ng mabilis,hindi mo siguro masasabi na magiging makata ka kung isip at mata lang ang gagamitin mo,ito ay nakadepende kung paano mo ito binasa.
3.Ang personal na reaksyon ko higgil/hinggil dito sa tula na aking nabasa ay madali syang intindihin ngunit mahirap maintindihan ang salitang ayungin,kelangan mo pa kasing magresearch at pagtanungan ito,kung ano ang ibig sabihin,at saka madali mong mapag-isipan ang mga sinasabinng tula,magandang ulit-ulitin at masayang bigyang-pansin o atensyon ang tulang ito kasama ang iyong mga kaibigan.

Anonymous said...

JAyar T. Custodio
BSA 1
SA 7-8/4-6

1. * Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
KATANGIAN NG TULA
Persona - maaaring ang awtor o isang boses na katawan upang magsilbing lagusan ng damdamin, emosyon o opinyong nais ipahayag.
Tono - kalipunan ng dalawa o higit pang linya sa tula.
Linya - kalipunan ng mga salitang nakapaloob sa teksto.
Ritmo - may kaukulang ihayag.
Malayang Taludturan - hindi nagtataglay ng sukat at tugma.
at may mga salitang Matatalinghaga.

2. mas madaling maiintindhan ng mambabasa ang nais iparating ng awtor sa atin sa pamamagitan ng mga simpleng pagpapaliwanag subalit may mga matatalinghgang salita pa rin katulad ng ayungin ngunit ang mga ibang salita ay madali na lang maintindhan kaya't naiproproseso agad ng ating utak at ating naiintindhan.

3. kung mapapansin natin ang tulang ito ay Naayon at naibatay sa kasalukuyang panahon wag na tayo lumayo pa ihalimbawa natin ang pilipinas Ang kahirapan ang naghahari sa ating bansa at ang tulang ito ang siyang nagpapalarawan sa mga kakababayaan ntin ng pagtitipid upang makaraos sa buhay.

Anonymous said...

Janine Gonzales
1,Ang sangkap sa tula ay ang mga ayungin,palikpik,tinik, ulo, mata, at laman.
2.Naiiba ang tulang ito dahil ang nauna ay madaling maintindihan.At sa ngayon ay meron ng ibig sabihin,meron silanggustong iparating sa mambabasa lalo na sa mga taong may gusto pang malaman.
3.Nang mabasa ko ang paksiw na ayungin,ito siguro iyong naisip nilang paaan para maiparating ngawtor ang gusto nilang sabihin.Ang pagkakaintindi ko,sinasabi nila na kailangan na nating magtipid,hindi dahil meron tayo ngayon ay hindi na natin iisipin ang bukas.dapat kung ano meron tayo ngayon ay sige lang ng sige,at kung ano man ang na sa atin wag na tayong mamimili.wag tayong mag aksaya,sulitin natin kung kinakailangan.

Anonymous said...

Rosella S. Mabalot
BSA
1. Malayang Taludturan - hindi nagtataglay ng sukat at tugma.
2. Dahil sa tulang ito ipinapakita kung gaano kahirap ang buhay. Naiiba ang tulang ito spagkat inilarawan ang teksto sa isang lutong ulam.
3. Bawat kataga ng mga pangungusap ay may nilalaman. Kung gaano kahuwad ang mahihirap na halos pati tinik ng payat na isda ay makain.

Anonymous said...

Tolentino, JHOYCE BSA-1 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina

1. Mga sangkap ng tula:
Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.

Ang tula ni Jose F. Lacaba ay may malayang taludturan dahil ito ay hindi nagtataglay ng sukat at tugma

2. Ang tula ni Jose Lacaba ay naiiba sa mga naunang tula dahil ito ay mas medaling unawain. Ang mga nauna ay masyadong matalinghaga. Mahirap unawain at nangangailangan ng malalim na pag-iisip.


3. Ang pinili na paksa ng awtor ay nabigyan ng pokus sa tula. Naihayag ng awtor ang mga hakbang ng pagkain. Ang mga ginamit niyang salita ay angkop naman sa paksa. Madali itong unawain. Nakakaenjoy basahin dahil kakaiba ito sa mga tulang nabasa ko. Hindi ba’t mas nakakaenjoy kung nauunawaan mo ang binabasa mo:p

Anonymous said...

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina

Garganera, Katherine C. BSA-I

1. Ang mga katangian ng tula ay magkakatugma o magkakatunog ang bawat dulo nito at may sukat na sinusundan ang bawat talutod ng tula, hindi masyadong kumplikado ang mga salitang ginamit sa tula.


2. Sa aking opinyon marahil ang kaibahan nito sa mga tulang nauna ay mas madaling intindihin ang mga ginamit na salita hindi masyadong kumplikado ang mga salitang ginamit samantalang ang mga naunang tula na naisulat bago ito ay malalim o kumplikado ang mga ginamit na salita kailangan mo pang intindihin ng mabuti upang iyong malaman ang gustong iparating ng awtor.


3. Ang paksa ay tungkol sa paksiw na ayungin, kung paano ang pagkain nito at ipinaparating ng awtor na kahit maliit o payat ang ayungin ay nakakabusiog rin ito, ang paggamit o pagpili naman ng mga salita ng awtor ay hindi masyadong malalim kaya madali itong maintindihan ng kanyang mambabasa.

Anonymous said...

Simon, Reylinda E.
BSBA-1

1. Ang Sangkap ng Tula ay mayroong:
- Paglalarawan(Dahil ito ay naglalahad ng isang payak na pangyayari)
- Tulang may-aral (Pagigiong kontento kung anu mayroon)
- Pangpagkataon
Ang Katangian nito ay may:
-Persona ( ang Author ay may malinaw na pagpapahayag ng kanyang saloobin at gumamit din siya ng instruction)
-Ritmo
Malayang Tuludturan
2. Madaling maintindihan ang nkanya nais ipahayag/ iparating sa kanya mambabasa, hindi siya gumamit ng malalalim na salita, ito ay napapanahon at ipinapahayag din ditto ang kasalukuyang estado ng ating lipunan.
3. Ang tula ay ginamitan ng mga simpleng salita na madaling maintindihan ng mamababasa, ang isdang Ayungin ay nakain na namin, maliit ngunit malasa naman,gusto din ng mga alaga ko pusa
Sa oras ng kagipitan, ang mga Pilipino ay maparaan upang makatipid ganian ang ating mga Ina. Ang Pilipino ay sadyang matiisin at maparaan.

Anonymous said...

Joan Ericka Suan B.
BSBA - 1

1. Anu-ano ang mga sangkap ng tula? Anu-ano ang mga katangiang makikita sa tula?

Ang tulang ito ay naglalarawan ng mga kasalukuyang panahon, Ito ay nagbibigay aral sa mga mambabasa.

2. Ang tulang ito ay halimbawa ng kasalukuyang panahon. Paano naiiba ang tulang ito sa mga
tulang naisulat na nauna dito?

Ang tulng ito ay naiiba sa mga tulang naisulat na nauna dito. Dahil ang tulang ito ay nagpapahayag sa kasalukuyang panahon, subalit ang mga nauna dito ay nagbibigay pabala sa mga pangyayari sa darating na panaho..

3. Suriin ang pagpili ng paksa at ang paggamit ng mga salita ng awtor. Ano ang personal na reaksyon mo higgil dito?

Sa pagsusulat ay kailangan maging maingat sa pagpili ng mga paksa, upang ito ay lubos mong maipahayag ang maganda ang pagkakasunod sunod ng mga pangungusap. Sa pagsusulat kailangan gumamit ng mga salitang madaling maintindihan ng mga mambabasa upang madaling makuha ng mambabasa ang nais iparating ng awtor.

Claudine Lopez said...

Claudine Lopez
BSBA-1

1.Ang tula ay may katangian na nagtataglay ng malayang taludturan, kung saan ito ay hindi nagtataglay ng sukat at tugma.

2.Ang tulang ito ay naiiba sapagkat ang may akda ay may malayang taludturan sa pagsusulat.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top