1. Ano ang pagsulat at bakit ito mahalaga?

2. Iugnay ang pagsulat sa kasaysayan ng ating bansa.

3. Makipanayam sa sino man sa mga sumusunod. Alamin ang kanyang talambuhay. Isulat ito at basahin sa klase.

                a. tanyag na manunulat
                b. taong may mataas na katungkulan sa pamahalaan
                c. taong tanyag sa media
                d. gurong may maraming ‘’achievements’’
                e. taong tanyag sa kanyang propesyon

26 comments:

Anonymous said...

1. ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit sa na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
Mahalaga ang pagsulat sapagkat Nagiging daan ang ito upang ipahayag ang saloobin at damdamin.

2. - Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
- Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
- Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
-Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
-Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

GOMEZ ,ESTELITA G. BSBA

Jehdama Teja said...

SAGOT:

1. Mahalaga ang pagsulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba't ibang lugar at sa iba't ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa.
Ang pagsulat ay isang sistema para sa iang komunikasyonng interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat/inuukit sa isang patag na bagay tulad ng papel, tela o di kaya'y sa isang malapad at makapal na tipak ng bato.

2. Ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pamamagitan ng pagsulat. Sa pamamagitan ng mga nasulat na talata ay natutuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno at ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bayan.

3. Aking nakapanayam ang aking tiyuhin na si Roosevelt Mapagdalita na kasalukuyang HRD Director ng Heritage Hotel sa Pasay City. Siya ang sumusuri sa mga aplikante na nais mamasukan sa nasabing hotel. Siya ay 40 anyos, may asawa at isang anak at kasalukuyang naninirahan sa lungsod ng Makati. Isinilang sya noong Marso 27, 1971 sa lungsod ng Makati. Mula pagkabata, nangarap siya na magkaroon ng magandang kinabukasan. Nagsikap siya sa pag aaral at sinunod ang bilin ng kanyang mga magulang na iwasan ang barkda dahil wala itong maidudulot na maganda sa kanya. Pagkatapos nya mag aral ng kolehiyo, namasukan siya bilang waiter sa Heritage Hotel. Lumipas ang ilang taon at mula sa mababang posisyon naiangat siya ng naingat patungo sa kanyang posisyon ngayon. Tunay nga na malaking bagay ang naibubunga ng pagiging masipag at matiyaga sa mga gawaing naiatang sa kanya. Pinagkatiwalaan siya ng kumpanyang kanyang kinabibilangan dahil na din sa angkin nyang kakayahan na mangasiwa ng mga tao at maiambag ang kanyang nalalaman upang mas lalo pang umangat ang kredibilidad ng kumpanya.

Ipinasa ni:
Jehdama Teja
BSBA

Anonymous said...

Potencio Glenda S.
BSBA-1
5110100

1. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Isang bahagi din ng pagbasa ang pakikipagtalastasan sa kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat.
ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasakapang maaaring magamit na mapagsalinan ng buong salita. dhil kung di mo iintindihin ang isang teksto o isang babasahin na iyong binabasa di ka mkakagawa ng isang komento hingil sa iyong binasa,
2. Ang pag-aaral sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay isang pagbabaliktanaw din ..... Ngunit ito ay nasa balangkas pa rin ng imperyalistang kontrol sa ating bansa.
3.

Anonymous said...

1. ang pagsulat ay isang proseso o paraan ng pagsasalin ng mga ideya, kaalaman, mensahe, kaisipan sa mga simbulong inililimbag.
2.napakalaking halaga ang dulot ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay masasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo.

richell i. dela cruz
5110096
bsa

Anonymous said...

ROVILYN A. DALAPAG
BSA-1

1.) PAGSULAT- ito ay isang pagsasalin a papel o sa ano mang kasangkapan na maaring magamit na mapagsasalinan ng mga buong salita, simbolo at illustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanilang isipan.

2.) -Ang pagsusulat ay isa sa pinaka mahalagang paraan upang malaman natin ang kaaysayan ng ating bansa. Dahil paano natin malalaman ang kasaysayan ng ating banmsa kung wala man isa na sumulat nito sa aklat ng kasaysayan . halimbawa nalang ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose p. Rizal na sumulat ng El Filibusterismo t Noli Me Tangere na ang pinapaloob nito ay ang pagmamalupit ng mga kastila sa nga pilipino noon. kung hindi nya ito isinulat ay malamang hindi natin malalaman ang mga ganitong bagay sa modernong panahong ito ngayon, kaya mahalaga talaga ang pagsulat mula noon hanggang sa ngayon.

con't..

Anonymous said...

PAGKALIWAGAN ZAIDAN O,
BSA 1
5110067
SAGOT:

1)Ang pagsulat ay pagsasalin nsa papel o sa ano mang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao na layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.
Ito ay mahalaga sapagkat napapanatili nitong buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng ating bansa.Ang mga nalayong mahal sa buhay ay nagiging malapit sa isang tao sa pamamagitan ng pagsusulatan. Lalawak din ang kaalaman sa tulong ng mga nakasulat na impormasyon at kaalamang makukuha natin sa mga aklat at ibang uri ng mga babasahin.
2)Sa pagsulat, matatalos natin ang kasaysayan ng ating bansa sapagkat mababatid natin ang kagitingan ng ating mga bayaning nagbuwis ng buhay ng dahil sa pagtatanggol sa ating inang bayan.Kung walang nasulat na tala ay paano natin malalaman ang ginanap na pagwawagayway ng ating bandila bilang tanda ng kalayaan ng ating Republika ng Pilipinas. Ito'y naganap noong Hunyo 12, 1898 at ipinagdiwang noong Hunyo 12, 1998 bilang Sentenaryo ng Kalayaan ng ating bansa.
3)Ang aking nakapanayam at isusulat na talambuhay ay ang aming butihing Pastor na si Pastor Roderick Cachola.
Si Pastor Roderick Cachola o mas kilala bilang Pastor Erik ng The Potters House Christian Church ay naging Pastor noong 1998. Siya ay batang laki sa churh pati na rin ang tatlo pa niyang mga kapatid dahil ang kanyang mga magulang na sina Ginoong Rodolfo Cachola na dati ding Pastor at Ginang Aurora Cachola ay mataga ng naglilingkod dito at sa ama niya namana ang pagiging isang Pastor. Sila ay tubong Quezon,City, ngunit kasalukuyang nakatira sa Pinagsama Tagiug, City si Pastor Erik sa piling ng kanyang asawa at anak.
Si Pastor Erik ay nakapag-aral at nakapagtapos ng kursong Bachelor of Theology sa paaralan ng Four Square Bible College, taong 1992. Ng makapagtapos ay nagtrabaho siya sa ABS-CBN bilang assistant ng mga direktor. Naging script writter din siya dito at lumalabas paminsan-minsan sa T.V. Dito niya nakaenkwentro ang pagkakaroon ng bisyo dahil na rin siguro sa malaki ang kinikita niya mula pagtatrabaho. Siya ay nalulong sa masamang bisyo at umalis upang maghanap ng ibang trabaho. Napapunta siya sa Lucena,City at nagtrabaho naman bilang Jr. Marketing sa New World Power. Dito niya nakilala ang kanyang napangasawa na si Ginang Annielyn Jubida. Ngunit hindi rin siya nagtagal sa trabaho kaya't siya pumasok bilang Guro, dun din sa bayan ng Lucena. At dahil nga sa siya ay nagkaroon ng bisyo, dito nila nakaharap ang ibat- abang pagsubok na humamon sa kanilang pagsasama. Si Pastor Erik ay 7 taon na nalulong sa droga at sa panahon na iyon ay walang ginawa ang kanyang may bahay kundi ang ipagdasal siya. Hanggang sa dumating ang araw na sila ay nagkaanak at dito na nagising si Pastor na magbagong buhay.
Sa edad na 26 ay pumasok siya sa Ministry at dito niya naisip ang mga bagay at oras na sinayang niya noong siya ay nasa espirito pa ng droga. Sa kanyang pagmiministry ay nakita niya ang kahalagahan niya sa buhay at naramdaman niya na meron pa siyang magagawa hindi lamang sa kanyang buhay, sa kanyang pamilya at higit sa lahat, sa mga taong naniniwala sa kanya sa kabila ng kanyang mga kapintasan. Ngayon sa loob ng 14 na taon ay patuloy siyang naglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapastor at nagtuturo ng tamang landas upang sagipin ang mga taong naging katulad niya noong panahong wala pa siyang Diyos na kinikilala. Nagsisikap siyang baguhin at tulungan ang mga taong karapatan ding magbago at mahango sa pamamagitan ng pagtawag sa ating Panginoon. Ngayon ay naniniwala si Pastor Erik, na walang problema ang hindi malulutas kung tatawag tayo sa Panginoon.
Sa tulong at pagmamahal ng kanyang pamilya, si Pastor Erik ay masaya at kuntento sa anumang meron at sa buhay niya ngayon. Kasama ng kanyang may bahay at isang anak na lalake, siya ay patuloy na magpipreach sa mga tao at magbabahagi ng salita ng Diyos.
At doon nagtatapos ang aking pakikipanayam sa taong para sa akin ay tanyag sa kanyang Propesyon.

Friday, February 17, 2012 12:47:03 PM

Anonymous said...

LAILA R. REMOT
5110073
1.)Napakalaking halaga ang dulot ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay masasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo. At ito rin ay isang pagsalin sa papel o anumang pwedeng mapagsalinan ng mga nalimbag na mga salita, simbolo at iba pa. Ito rin ay mahalaga, dahil dito makakakuha tayo ng mga impormasyon sa ating binabasa.
2.)Bawat isang pangkat ng tao/kultura ay may kanya-kanyang pagkilala sa nakaraan. Mababakas ito sa ginagamit na salitang tumutukoy sa kani-kanilang nakaraan. Sa Pilipinas, partikular sa Katagalugan, tinatawag ang salaysay ng nakaraan bilang kasaysayan. Nakahayag dito, bukod sa nakaraang salaysay ng mga bayani, ang mga pagpapahalaga, kakanyahan at mga tunguhin ng isang lahi. Matatagpuan ito sa ating mga sinaunang epiko, awit at korido. May mga matatagpuan nito sa mga etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas. Mahalaga ring tingnan na ang bawat isa nito’y nahahati sa tatlong bahagi: ang panahon ng liwanag, ang panahon ng karimlan at ang panahon ng bagong liwanag. Pumasok sa ating kamalayan ang konsepto ng “Historia” nang ipataw ng mga Espanyol ang kanilang kaayusang kolonyal sa Pilipinas. Sa konsepto ng “historia” makikita ang kahalagahan ng paggamit sa kronika at kronolohiya bilang mga pantulong na pamamaraan sa pagsasalaysay. Naka-ugnay ito sa konseptong Griyego na ίστορια, salaysay ng mga pangyayaring nakaraan. Sa pag-uulat nito, mahalaga ang paggamit ng mga batis na naka-sulat. Sa panahon ng Kilusang Propaganda, kakasangkapanin ng tulad nina Rizal, M. H. del Pilar at Lopez-Jaena ang konsepto ng Historia sa paglaban sa kaayusang Espanyol. Nagsaliksik ang mga ito tungkol sa mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol upang patunayang mali ang sapantahang Espanyol na walang kabihasnan ang mga Pilipino. Espanyol din ang wika nito yamang kinakausap nila ang mga ito. Sa pagdating ng kaayusang Amerikano, magpapatuloy ang tradisyong propaganda sa kasaysayan. Magiging pagbibigay katuwiran sa kanilang pananakop ang pagsasakasaysayan at pagtugon naman sa mga sinasabi nito ang magmumula sa bahagi ng mga Pilipino. Magpapatuloy ang tradisyong Propaganda hanggang sa kasalukuyan at yamang karaniwang Amerikano na ang kausap, nasa Ingles ang mga akdang sumusunod sa tradisyong ito sa kasalukuyan.
3.)A.) CIVIL ENGINEERING
B.) UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP LAGUNA Sto. Niño, Biñan
Laguna
“Ako ay nakipanayam sa isang taong nakapagtapos ng kursong Civil Eng’r.”
Sir sa klase ko nalang po babasahin ung talambuhay nya..

B.) UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP LAGUNA Sto. Niño, Biñan Laguna
“Ako ay nakipanayam sa isang taong nakapagtapos ng kursong Civil Eng’r.”
Sir sa klase ko nalang po babasahin ung talambuhay.

Mary Lare Alexine M. Rivera said...

Mary Lare Alexine M. Rivera
BSA - 1

Sagot:
1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapan maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang/kanilang kaisipan.

2. Matatalos natin ang kasaysayan ng ating bansa, ang pananakop ng mga dayuhang umalipin sa atin at sumupil sa ating mga karapatan. Mababatid natin ang kagitingan ng ating mga bayaning nagbuwis ng buhay nang dahil sa pagtatanggol sa ating inang bayan. Kung walang nasulat na tula ay paano natin malalaman ang ginanap na pagwawagayway ng ating bandila bilang tanda ng kalayaan ng kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

3. DR. FAITH MASANGKAY REYES

Si Dr. Faith Masangkay Reyes ay isang lisensyadong doktor na ipinanganak noong Agosto 23, 1969 sa lungsod ng Makati. Pangalawa sa tatlong magkakapatid at nagiisang babae ng kanyang mga magulang na sina Cesar at Elizabeth Masangkay. May dalawang anak na sina CJ at Kali kay Dr. Marc Lamberto Reyes na isa ring doktor sa Asian Hospital, Muntinlupa City. Nakapagtapos si Doc Faith, ang karaniwang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan at pasyente, sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila noong taong 1990 sa kursong B.S. Biology at sa Dela Salle University sa Cavite noong taong 1994 sa kursong College Doctor of Medicine. Nagtamo sya ng Most Oustanding Pediatric Clerk sa DLSU taong 1994.
Sa kasalukuyan mula taong 1997, si Doc Faith ay isang kawani ng gobyerno bilang doctor sa Bases Conversion and Development Authority. Isa rin syang school doctor sa Manresa School sa Lungsod ng Paranaque mula taong 2002 hanggang sa ngayon. Isa syang myembro ng Philippine College of Occupational Medicine. Paminsan minsan ay naglilingkod sya bilang isang volunteer sa mga Medical Missions.
Si Doc Faith ay isang masayahing doktor at madaling makasalamuha. Isa rin syang butihing ina at ang hilig sa pagtuturo ng mga aralin sa kanyang mga anak. Mahilig din syang lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan at manood ng sine. Madalas nagbabasa sya ng ibat ibang klaseng romantic stories kung hindi abala. Isa rin syang matulungin anak ng kanyang inang Brgy. Captain sa kanilang komunidad. Noong ito ay tumakbong Mayor ng Muntinlupa, kasa-kasama sya ng kanyang ina sa pangangampanya.

Anonymous said...

Ronnel A. Mindanao
(BSBA)

1. Ang pagsulat ay pagsalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita.

Mahalaga ang Pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay masasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo.

2. mahalaga sa ating kasaysayan ang pagsulat at kung hindi dahil dito ay hindi natin malalaman ang ating kasaysayan. At kung hindi rin dahil dito hindi natin malalaman ang ginawang pananakop sa atin ng mga malalaking bansa at kung paano nila inapi ang mga Pilipino noong unang panahon.

Anonymous said...

lorielyn salaysay
BsBa1
1.ang pagsulat ay isang proseso o paraan ng pagsasalin ng mga ideya, kaalaman, mensahe, kaisipan sa mga simbulong inililimbag.
2.ang pagsulat ay mahalaga sa bawat isa sa atin sapagkat sa pamamagitan nito ay nailalabas natin ang nais natin iparating sa kapwa. kung wala ito , marahil marami pa din tayong mga bagay bagay na di nalalaman.

Anonymous said...

Ann Mel Rose D. Espartero
BSA-1

1. ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ito ay napakahalaga lalo na sa mga nalayong mahal sa buhay ay nagiging malapit sa isang tao sa pamamagitan ng pagsusulatan ito ang nagsisilbing daan upang magkaroon ng komunikasyon ang bawat isa.

2. ang pagsulat ay isa sa kasaysayan ng ating bansa gaya ng isang tanyag n manunulat na sumulat ng Nolei me tangere at El Filibusterismo na isinalin sa ibat ibang wika. ito ay isinulat sa wikang espanyol sapagkat kung itoy isusulat sa ating wika, tayo lamang ang makakintindi nita, nais ni Dr. Jose Rizal na iparating sa ibat ibang bansa. ang Alpabetong filipno ay isa din sa halimbawa nito.

3. ang aking kinapanayam ay ang aking pinsan na si Annavette Zaldivar Torres , isang supervisor sa pldt company na may edad na dalapu't anim (26) at may isang anak , ipinanganak noong febrero 19,1986. siya ay nakapagtapos ng elementarya at secondarya sa paaralang St. Andre Academy at nakapagtapos ng kolohiyo sa far eastern university ( feu )sa kursong bs phychology.

Anonymous said...

Sarah Mae Bruzuela
BSBA-1
5110034

1. Ang pagsulat ay ang pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isa o higit pang tao upang maipahayag ang kanilang kaisipan.
Ang pagsulat ay mahalaga upang mapanatiling buhay ang kultura at hindi mabaon sa
limot ang kasaysayan ng isang bansa. Isang halimbawa nito ay ang mga akdang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo". Bukod dito, mahalaga din ang pagsulat higit lalo na sa mga malayong mahal sa buhay ng isang tao. Napapanatili ang komunikasyon dahil sa pagpapalitan ng mga sulat. Nakakapagpalawak ng kaisipan ang pagsulat sa pamamagitan ng mga impormasyon at kaalamang nakapaloob sa iba't-ibang uri ng babasahin.

2. May malaking kaugnayan ang pagsulat sa kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga nakaraang pangyayari sa ating bansa, napapanatiling buhay ang kultura nito at magagamit pa ng susunod na henerasyon. Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong sumulat at magsusulat ng mga kasaysayan ng ating bansa dahil kung wala ang mga akdang ito, hindi natin mababatid ang ginawang kabayanihan, sakripisyo, at pagpapakahirap ng ating mga bayani at mga ninuno.
Maging noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, malaking bagay na ang naibibigay ng pagsusulat dahil dito nagising ang katapangang natutulog sa bawat puso ng ating mga bayani, nagkaroon sila ng kaalaman na ipaglaban ang tama at ang kanilang karapatan.

3. Talambuhay ni Gng. Liwayway Tolentino

Hindi man nagmula sa isang mayaman at kilalang pamilya, naging mahusay namang tagapagluto at naitatag ang isang simpleng restawran noong 1994 hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa kabila ng mga nagsusulputang kalaban sa negosyo, napanatiling matatag ang kanyang kabuhayan.
Iang ina sa tatlong magkakapatid at isang maaasahang kapatid. Hindi man nakapagtapos sa kolehiyo, maraming nakuhang parangal noong siya ay nasa elementarya at mataas na paaralan pa lamang.
Bilang mag-isang nagtataguyod sa tatlong anak, buhat ng mamatay ang kabiyak, ay dinoble ang kanyang sipag. Bukod sa matagal n g kilala sa pagiging mahusay na tagapagluto sa kanilang bayan, kilala din siya bilang isang aktibong kasapi ng isang samahan na ipangalat ang salita ng Diyos.
Sa kabilang banda, marami na rin siyang napagdaang pagsubok sa buhay kung saan mas naging matatag siya sa pagharap sa mga ito. Isa na dito ay ang pansamantalang pagsara ng kanilang kabuhayan dahil na rin sa mababang ekonomiya at kahirapan ng bansa na labis na nakaapekto sa kanila. Pumasok na kasambahay sa isang kakilala at unti-unti
ay nakabawi din sa kahirapan at muling binuhay ang negosyo. Hindi naman nabigo sa muling pagbubukas ng kabuhayan sapagkat nanatili pa din ang suporta ng kaniyang mga parokyano.
Hanggang ngayon, tinatangkilik pa din ang kanyang mga luto. Tumatak na sa isipan ng bawat pamilyang kumakain ng kanyang tinda ang pangalan at kalidad nito.
Bilang pangwakas na mensahe ni Gng.Tolentino higit sa mga nagbabakasakaling magtayo at lumago pa ang negosyo, huwag matakot at panghinaan ng loob sa mga pagsubok na dumaratal. Sa halip, gamitin itong kasangkapan upang mas magsikap tayong mapaunlad hindi lamang maging ang ating sarili kundi maging ang mga taong nakapaligid sa atin.

Anonymous said...

ANNA LUZ DAYNE CONDE
BSBA-1

1) Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring nagamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,at ilustrasyon ng isang tao o ng mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang o kanilang isipan.Mahalaga ito sapagkat lalawak ang ating kaalaman sa tulong ng mga nakasulat na impormasyon at kaalamang makukuha natin sa mga aklat at iba't ibang uri ng babasahin. Walang pagsulong sa daigdig kung hindi natutong sumulat ang tao.

2)Napananatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang bansa. Ang mgas nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kaya't malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.

3)Elementarya pa lamang siya noon nang magsimulang magbanat ng buto. Wala siyang ibang magawa kundi tanggapin ang kakarampot na baryang pambaon sa eskwela.Walang sapat na trabaho noon ang kanyang mga magulang, ang kanyang ama na hindi natapos ang kursong medisina at ang kanyang ina na kinakailangan pang tumakbo sa mga kapatid upang humingi ng pera maigigay lamang sa mga anak.Pero ayon sa kanya, hindi iyon naging dahilan para siya'y sumuko,nakapagtapos siya ng elementarya at hayskul na may mga awards.
Kapansin-pansin ang katalinuhang ibiniyaya sa kanya, sa pagtuntong niya sa kolehiyo, kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Divine College sa Legazpi,city. Sa kanyang pagiging aktibo sa pagiging kolehiyala, tanyag siya sa kanilang paaralan dahil sa mga karangalang pang-akademiko na natanggap niya, tulad na lamang ng pagiging "outstanding student". Bunga ng kanyang pagiging matiyaga, nakapagtapos siya sa kolehiyo bilang Cum Laude noong taong 1996.
Sa ngayon,nagtatrabaho siya sa isang kompanya sa Mandaluyong,City bilang isang manager. Sinusuportahan niya ang kanyang nag-iisang anak na ngayon ay nasa elementarya at ako, na pamangkin niya na pinag-aaral.
Ang taong ito na kinapanayam ko ay ang aking tiyahin,Aida Divinia Conde Dy ang kanyang pangalan na ipinanganak noong ika-19 ng Abril taong 1976.

Anonymous said...

RICHELLE F. CAMMAGAY
BSBA-1

1.Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang/kanilang kaisipan.Napakalaking halaga ang dulot ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay masasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo.

2.tumutukoy ito sa mga orihinal na dukumento o salaysay ng mga tunay na naka saksi. kasama rin d2 ang mga labi ng sinaunang mga bagay,kagamitan ,bato,halaman,kasangkapan,sandata,talambuhayat mga kwentong bayano, kwentong minana sa mga ninuno.

3.Ang aking nakapanayam ay isang guro na si Ginang MARITES FURIGAY-MAMAWAG.
Ayon sa kanya, pinalaki silang magkakapatid na may takot sa Diyos. Noong siya'y tumunting sa elementarya siya'y laging pumapasok sa paaralan dahil ayw niyang makakuha ng mababang grado at gusto niyang makapagtapos sa pag-aaral hanggang sa nakapagtapos ng sekondarya at laking pasasalamat niya sa Diyos dahil siya ang VALEDICTORIAN.Makalipas ang isang buwan kina-usap siya ng kanyang mga magulang na hindi muna siya mag-aral ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay,pero pinatunayan niya sa kanyang sarili na hindi ang kahirapan ang sagabal para sa kanyang pangarap kaya namasukan siya bilang katulong habang nag-aaral.Tiniis daw niya lahat iyon hanggang sa nakapagtapos ng kolehiyo at isa siya sa mga CUM LAUDE.

Anonymous said...

LAILA R. REMOT
5110073

Sir ito po yung talambuhay ng nakapanayan ko.

3.) A.) CIVIL ENGINEERING
B.) UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP LAGUNA Sto. Niño, Biñan Laguna
“Ako ay nakipanayam sa isang taong nakapagtapos ng kursong Civil Eng’r.”
Ayon sa kanya, noong nasa kolehiyo palang daw siya ay maraming kalokohan ang kanyang nagawa, siya ay napasama sa isang grupo na kilalang siga sa kanilang lugar at ito rin ay nag bebenta ng bawal na gamot, Ngunit sa di inaasahan isang araw may lugar silang pinuntahan para ihatid ang bawal na gamot na order ng kanilang buyer, ng bigla siyang napatingin sa mga batang nasa kalsada na sobrang dudungis at mukhang puro gutom, Bigla nya daw naisip na kung sakaling hindi daw siya makapag tapos ng kanyang pag- aaral baka daw ganun din ang magiging buhay ng magiging anak nya, kaya hindi siya nag dalawang isip n balikan yung lugar na iyon at yung parte nya sa kanilang kinita sa pagbebenta ng bawal na gamot imbes daw isugal nya ay ibibigay nalang nya sa mga batang iyon para makabili ng pagkain, hindi nya na daw iniisip na sa masamang paraan nanggaling yung perang yun basta matulungan nya lang daw yung mga bata.
Umabot sya ng anim (6) na taon sa kolehiyo gawa ng lagi syang umaabsent sa klase, ngunit isang araw nagkita sila ng isa nyang kaklase, ang kaklase nyang ito ay may sarili ng kompanya na pinamumunuan, samantalang siya ay hindi pa tapos sa kanyang pag-aaral . Doon nya daw naisip na kung hindi sya nag loko sa kanyang pag-aaral marahil may sarili narin siyang negosyo na siya mismo ang nagpapatakbo, at nung araw na yun daw ay talagang pinangako nya sa sarili nya na pag iigihan na nya ang kanyang pag-aaral, at iyon ay natupad.
Ngunit nung sya ay nakapag tapos na sa pag-aaral agad siyang ipinasok ng kuya nya sa kanilang kumpanya hindi bilang” Eng’r” kundi isang “Utility” dahil gusto ng kuya nya na subukan sya kung sya ba ay tatagal sa trabahong iyon. Hindi nya inisip na sya ay graduate ng Civil Eng’r tapos ang magiging trabaho nya ay utility. Kundi pinatunayan nya sa kuya nya na sya ay nagbago na. At siya nga ay nagsumikap.
At ngayon siya ay isang Gen. Manager na sa kumpanyang pinag tatrabahuan nya, at meron narin syang sariling pamilya.
Gusto nyang ipabatid sa mga istudyante ngayon na hindi masamang makiipag barkada ngunit dapat alam natin ang TAMA sa MALI.. Magsumikap tayo at huwag papaapekto sa kung ano mang problema na darating sa ating buhay, kundi ito ang gawin nating inspirasyon upang tayo’y maging matagumpay…

Anonymous said...

LAILA R. REMOT
5110073

Sir ito po yung talambuhay ng nakapanayam ko.

5110143
TAMAGOS, SARAH A.
BSBA1

1. Ano ang pagsulat at bakit ito mahalaga?
*Ang pagsulat ay isang proseso o paraan ng pagsasalin ng mga ideya, kaalaman, mensahe, kaisipan sa mga simbulong inililimbag.
*ang kahalagahan ng pagsulat ay nagagamit natin ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng pagsusulat ay nasasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo.
2. Iugnay ang pagsulat sa kasaysayan ng ating bansa.
*sa pagsulat ng mga nangyayari sa ating kapaligiran at sa paglagda ng mga salaysay, alamat, tula, kwento at iba’t ibang mga babasahin na maaring nangyari sa mga may akda ay ating nasasariwa ang mga nakalipas na maaring nating pagkunan ng mga kaalamanan na makakatulong sa ating pagunlad.

3. Makipanayam sa sino man sa mga sumusunod. Alamin ang kanyang talambuhay. Isulat ito at basahin sa klase.

Cheryn Mariz Natividad said...

1. KASAGUTAN:
Ang pagsulat ay isang proseso o paraan ng pagsasalin ng mga ideya, kaalaman, mensahe, kaisipan sa papel at sa sa mga simbulong inililimbag.. napakalaking halaga ang dulot ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay masasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa pagunlad at pagusbong ng bago at modernong mundo.

2. KASAGUTAN:
Sa mga lumang kurikuluym laging iniuugnay ang pagsulat bilang isang sining ng paglikha o isang napakahalagang karaasan sa buhay ng tao.Napapanitiling buhay ang kultura at ndi nababaon sa limot ang kasaysayan n isang bansa ..Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kayat malalaman nila ang pinagdaanan n kanilang bansa.

Cheryn Mariz Natividad said...

3. TALAMBUHAY NG TAONG TANYAG SA KANYANG PROPESYON
Si MELVIN FERNANDEZ BULATAO ay ipinanganak noong ika – labing limang araw ng Oktobre taong 1989 sa Lungsod ng Makati. Siya ay ikaapat na anak nina Ginoong Romeo Frivaldo Bulatao, na isang alagad ng batas at si Ginang Maryline Fernandez Bulatao. Ang kanyang mga kapatid ay sina Rommel, Marvin, Rommar at Rho John Mark. Namumuhay sila nang simple, tahimik at napakasaya sa kanilang tahanan na matatagpuan din sa nasabing lungsod.
Nagsimula nang pag aaral si Melvin ng preparatory sa isang paaralan sa Comembo. Pinagpatuloy niya nang Kinder I at II sa Pangkatolikong Paaralan ng Pateros kung saan naparangalan sya ng ‘First Honorable Mention’ taong 1996. Sa bawat baitang ng kanyang pag aaral sa elementary, nkatatanggap siya ng mga parangal pang akademiya. Sa larangan ng pampalakasan, noong nasa ikalimang baiting, nagsimula ang kanyang pagkahilig sa pagtakbo o ‘Track and Field’ at Taekwondo, sa maagang pag uumpisa ng pagkahilig niya sa ganitong klase ng pmapalakasan, nakipagtunggali siya sa mga kompetisyon ng iba’t – ibang paaralan, rehiyon at maging sa buong pilipinas, kasabay nito ang pag uuwe ng mga medalya ng tagumpay. Naging maayos ang pagpapatuloy niya mataas ng pag aaral sa nasabing eskwelahan. Sa pagmulat nang kanyang isipan sa mundo nang pagsusundalo at pagmamarino, sinimulan niyang sanayin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsali sa ‘Citizen Advancement Training’ at naging opisyal siya sa organisasyon. Sa kanyang pagtatapos, nabigyanulit siya ng karangalan dahil sa ipinamalas na abilidad bilang batang namumuno.
Nang matapos ang mataas na paaralan nang taong 2006, kumuha Siya ng pagsusulit upang makapasok sa pinaka prestihiyosong akademiya sa Pilipinas, ang pinakmatanda at unang paaralan pang marino sa buong asya – Philippine Merchant Marine Academy. Pasado ang resulta ng pagsusulit ngunit masyado siyang bata dahilan para hindi makapasok ng taong iyon. Nag – aral muna siya sa paaralan sa Pasay ng pagmamarino upang masimulan ang mga gusto niyang makamit. Pagkatapos ng isang taon, natanggap na siya sa PMMA at sinimulan ang Bachelor of Science in Marine Transportaion, puno nang pagsasakripisyo ang pagsisismula niya dito, kung saan nagiging mahirap ang mga pag eensayo na pangmilitar ang ginagawa at nangangailangan ng matataas na marka sa bawat asignatura na pag aaralan. Dagdagan pa ng pagkalayo sa kanilang mga mahal sa buhay dahil nakabase ang akademiyang ito sa San Narciso, Zambales, kumpara dati na matatagpuan lamang ito sa Fort Bonifacio, Lungsod ng Makati. Nakakalabas lamang sila nang akademiya kada ikatlong buwan upang makabisita at makauwe paminsan minsan sa kanilang bahay sa kung saan saang parte ng kapuluan. Sa kanyang pagpupursige, nairaos niya ang dalawang taon ng pag aaral bilang kolehiyo, dumating na ang ikatlong taon na kanyang pinakahihintay, ang pagsakay sa pangkomersyal na barkong naglalayag ng internasyonal. Kasama sa curriculum ng prestihiyosong akademiya ang paglalayag sa buong mundo sa ikatlong taon nang pag – aaral sa kolehiyo, sa panahong ito nadadagdagan

Cheryn Mariz Natividad said...

ang kaalaman at abilidad ng mga kadete upang sa pagtatapos ng pag aaral, masasabing kwalipikiado bilang maging opisyal ang mga magtatapos. Maraming napuntahan bansa si Melvin kabilang ang Australia, Malaysia, China, Brazil, at Europa. Napakalaking pagkakataon at biyaya nang Panginoon ito sa kanya, dahil bukod sa lumalawak ang kanyang kaalaman, kumikita siya nang medyo mataas na halaga at pinapadala niya ito sa kanyang pamilya upang makatulong sa mga gastusin lalo na sa pagpapatuloy ng pag aaral ng kanyang bunsong kapatid na si Rho John Mark. Naglagi ng labing anim na buwan si Melvin sa barko, at bumaba noong Mayo taong 2011 upang tapusin ang ikaapat na taon sa tinatahak na propesyon. Sa kasalukuyan, malapit na siyang magtapos sa pag aaral. Maaaring maging tanong aitng isipan kung paano naging matagumpay ang isang tao, ganung hindi pa siya nakakapagtapos. Para sa kaalaman ng lahat, si Melvin Fernandez Bulatao sa puntong ito, dahil sa angking talino at kakayahan bilang pinuno, ay binigyan siya ng pagkakataon na humawak ng organisasyon sa loob ng akademiya, bukod pa dito, sa kanyang pagtatapos sa Mayo 2012, ang pamahalaan ay ikokomisyon siya bilang tenyente sa Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy) o bilang opisyal sa Philippine Coast Guard, kung alin man ang piliin niya. Sa aking huling pakikipanyam sa kanya, balak niyang kumuha ng pagsusulit sa Philippine Regulation Commission upang maging lisensyadong opisyal sa pangkomersyal na barko, gagamitin niya ang kanyang lisensya upang kumita ng malaki sa barko at makatulong pa sa kanyang pamilya, matapos ang ilang taon, tsaka nia papasukin ang mundo nang pagsusundalo upang makapagsilbi sa bansa at kapwa Pilipino.
Nagisismula ang tagumpay sa sipag at tiyaga, at hindi kailanman ito matatapos hanggang inaalay mo ito sa mga taong nagbigay kulay sa iyong buhay, Unang una sa Panginoon Maykapal, sumunod ang iyong pamilya, ama, ina at mga kapatid. At sa iba pang tao na karapat dapat na pag – alayan ng iyong pagmamahal.

Anonymous said...

ROVILYN A. DALAPAG
BSA-1

con't..

ANG TALAMBUHAY NI GNG.JADIE M. JAVIER

Isang simpleng pamumuhay, yan ang meron si gng.jadie noon hanggang ngayon hindi man sila salat sa salapi noon ay naigagapang naman sila ng kanilang mga magulang sa pag-aaral siya ay panganay sa kanilang mag kakapatid noon ay hindi naman talaga binalak ang magturo pero dito sya napadpad.

Hanggang sa ngayon nga ay nagi syang adviser ng SSGsa paaralang kanyang pinag tratrabahuan isang mabait at masipag na guro , mahal na mahal sya ng kanyang mga estudyante sa mag sasampung taon nya sa pagtuturo ay nakatanggap na din sya ng maraming parangal at nakakatuwang sabihin na isa ko sa mga naging studyante nya.

pahapyaw palamang ng kanyang talambuhay,
sa klase na babasahin ang iba

Anonymous said...

Oliva, Jene
BSA
5112158

1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit sa pagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang isang kaisipan.

Ito ay mahalaga dahil napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang bansa. Mahalaga rin ito dahil malaki ang naitutulong nito sa mga malalayong mahal sa buhay na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.

Higit sa lahat mahalaga ang pagsulat dahil isa itong paraan para mapalawak di lamang ang ating kaisipan kung hindi pati na ring ang kaisipan ng mga taong kumikilos sa ating lipunan.

2. Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa pagtala ng kasaysayan ng ating bansa at lahi. Sa pamamagitan nito nalalaman ng maraming tao ang mga pangyayaring nagdaan sa kasaysayan ng isang bansa, ang kaisipan, panininindigan, pagkilos at pagiging bayani ng mga sinaunang bayani at mga bagong bayani ng isang lahi at bayan. Nababalikan at nasusuri din sa masinop at malalim na pag-aaral ang mga naitalang mga sinabi at ikinilos ng mga kilalang mga tao at karakter sa pagpapatuloy ng kasaysayan ng isang bansa.

Anonymous said...

Oliva, Jene
BSA
5112158

3. Gng. Ruena P. Cloma: Talambuhay ng Isang Ulirang Maybahay, Ina at Ginagalang na Propesyonal

Ang kwentong ito ay isang payak at maikling sulyap sa pribadong buhay ng isang ginang at maybahay na kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang guidance counselor sa antas pangkolehiyo sa pampribadong paaaralan ng St. Joseph's College of Quezon City. Ang ginang na tinutukoy ko ay si Gng. Ruena Palomino Cloma, pinanganak sa siyudad ng Tacloban noong taong 1956 sa probinsyang Leyte sa Kabisayaan. Tubong Waray at laking Waray si Gng. Cloma. Nag-aral at nahubog ang kaisipan sa mga pribadong pangkatolikong paaralan ng Holy Infant College at Divine Word University sa Tacloban ngunit nang tumuntong ng kolehiyo ay nagbakasakali sa isang state university, ang Unibersidad ng Pilipinas sa Tacloban (UP Tacloban), upang makatikim, magkaroon ng karanasan at maintindihan ang kakaibang pananaw sa ganung pamantasan.

Nang makatapos ng ikalawang taon sa kolehiyo sa U.P. nagpasya syang makipagsapalaran sa Kamaynilaan at nagpatuloy ng pag-aaral sa isang pribadong eskwelahan kilala sa pagsusulong ng social justice nang panahon ng Martial Law sa Pilipinas. Ito na nga ang St. Joseph's College of Quezon City kung saan ay nagtapos ng kolehiyo si Gng. Cloma sa larangan ng Sikolohiya. Nang mga panahon ding iyon ay nag-asawa at nagkaroon ng una sa apat na anak si Gng Cloma. Ipinagpasiya niya at ng kanyang asawa na ipagpapaliban muna nya ang paghahanap ng trabaho at magiging full-time housewife s'ya. Pagkatapos nyang isilang ang ikalawang anak ay saka pa lamang sya nagsimulang maghanapbuhay.

Nagsimula syang magtrabaho bilang guidance counselor sa haiskul ng kanyang pinagtapusang paaralan, ang St. Joseph's College. Di naglaon ay naging Officer of Student Affairs s'ya sa departamento ding iyong ng St. Joseph's College. Pagkatapos ng mga higit sampung taon inilipat s'ya sa College of Arts and Sciences ng eskwelahan ding iyon at hanggang sa kasalukuyan si Gng Cloma ay naninilbihan bilang guidance counselor sa naturang antas ng nabanggit na paaralan.

Datapwat may katalinuhan si Gng. Cloma ay isang tahimik na tao at may mapagkumbabang katauhan. Sa kabila nito hindi maiwasan na mapansin at hangaan ang kanyang kakayahan dahil likas na matulungin ang ginang na ito. Nang lumaon maraming mga organisasyon ang nag-anyaya sa kanya upang maging pribadong consultant. Si Gng Cloma ay naging pangulo at matagal na nanilbihan bilang pangulo ng College Guidance Counselors ng kilalang Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) sa Kamaynilaan.

Hindi kaila sa mga nakakakilala sa kanya ang pagiging matapat at mapagmahal na maybahay at magulang ni Gng. Cloma. Lahat ng sakripisyo ay hindi n'ya inalintana para makatulong na itaguyod ang kanyang pamilya na s'ya namang nagbibigay inspirasyon at lakas sa kanya. Ang asawa n'ya ay isa nyang kababata na humawak ng matataas na katungkulan sa malalaking korporasyon. Naging chief operating officer at managing director ng mga kumpanyang napapaloob sa tinaguriang business process outsourcing companies sa Pilipinas. May apat na anak ang simpleng maybahay na ito at ang lahat sa apat na iyon ay tapos na ng pag-aaral at ngayon ay nagsasarili na at nagsisimula na ring umangat sa kani-kanilang mga trabaho at kabuhayan.

Sa kabila ng pagiging mapagmahal na asawa at magulang, ni minsan ay hindi tumalikod sa hiling na tulong ng mga taong nangangailan sa paligid n'ya. Marami s'yang natulungang mga mahirap na mag-aaral upang makatapos ng kanilang pag-aaral sa samut-saring paraan. Sa kasalukuyan nananatili pa rin si Gng. Cloma bilang isang guidance counselor at life coach ng maraming mag-aaral at pati na rin ng ibang mga propesyunal, kasama na rin ang ibang mga matataas ang katungkulan at may-ari ng mga negosyo na sa lingid sa kaalaman natin ay tulad din ng karaniwang tao na nahaharap din at nalulugmok sa mga suliranin at problema sa pang-araw-araw na buhay.

studyabroad said...

Kamusta makakuha ng abot-kayang scholarship lahat ng dako ng mundo para lamang isang mababang gastos at libreng visa at isang lugar upang gumana at accommodation libre para sa 1 taon sa anuman sa mga bansa pumalahaw Canada, Australia, Malaysia, USA, France, atbp din makipag-ugnay sa amin sa aming e-mail studyabroadinternationvisa@gmail.com

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top