1. Sumulat ng isang panaginip mo at bigyan ito ng sariling pagpapakahulugan.
2. Sumulat ng tig-lilimang pangungusap na payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Gamitin sa pangungusap ang mga isyu o napapanahong paksa na nagyayari sa ating bansa sa kasalukuyan.
Deadline of Submission: February 18, 2012 (Saturday) until 11:59PM
Deadline of Submission: February 18, 2012 (Saturday) until 11:59PM
6 comments:
Jenelyn Barja
BSE-ENG
GAMITING FILIPINO
1.Madalas ang panaginp ko ay sa aming lugar,na pumupunta kami ng mga kapatid ko sa tabing dagat at nakikita ko ang mga bahay doon ng aming mga kamag-anak,at nagkikita kami ng mga pinsan ko at ang aking lola na buhay na buhay,subalit ito ay sumakabilang buhay na,pagkatapos naming maghiwa hiwalay naglakad lakad muli ako sa tabing dagat at malayo layo na rin ako sa mga kabahayan,sa aking paglalakad napapansin ko na lumalaki ng lumalaki ang tubig tubig dagat hanggang sa maabot na ako ng tubig, sa may di kalayuan natatanaw ko ang aking mga kapatid at iba pang mga tao na halos tangayin na kami ng tubig pinipilit namin makaalis sa gitna ng dagat subalit wala na kaming makitang dadaanan dahil nasa gitna na kami ng garagatan,habang umaalon natanaw ko ang isang bahay na malapit sa akin na tinatangay at sa pang tangay sa akin ng alon may natanaw akong mga puno at napansin kong mababaw lang ang tubig at nag pasya akong maglakad sa may puno humawak ako upang makaahon sa tubig pag apak ko ay napanin kong napakalinaw ng tubig na tila ba isang swimming pool,pag tingin ko naman sa hangganan ng tubig ay bundok.nilakad ko ito hanggang sa narating ko ang lugar na maraming bahay,habang sa aking paglalakad ay nagkita kita muli kami ng aking mga kapatid atkaibigan at iba pang mga kamag anak.
Sa aking pakakahulugan sa aking panaginip tuwing napapanaginipan ko ang tubig nakakaranas ako ng problima sa aking pamilya,away kapatid,kamag anak, at sa iba pa. sa tuwing napapanaginipan ko ang tubig katumbay nito ang pag luha.dala ng mga problima,at ang iba pa na nauuwi sa aking depression.
subalit pinipilit kong ayusin,na maayus ko ang problima,o kong hindi naman ay hinahayaan ko nalang ang panahon na ang maghihilom sa mga naiwang sugat na nilikha ng mga problima.
2.PAYAK
1.Si Gng Arroyo ay sumailalim sa mahabang operasyon.may mga doktor na nagaalaga sa kanya.
2.Si Pangulong Aquino ay nababalitang nakikipag kita sa isang dalaga.siya ay may pribadong buhay.
3.ang RH Bill ay isang usaping matagal ng pinagdidibatihan,ito ay tungkol sa family planning.
4.ang mindanao massacre ay isang kalunos lunos na pangyayari sa ating bansa.marami sa ating mga kababayan ang nag luluksa.
5.ang mga kalamidad ay nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan.tao rin ang dahilan ng pagkasira nito.
TAMBALAN
1.Si Arroyo ay sumailalim sa mahabang operasyon dahil dito siya ay nahospial arrest.
2.Si Pangulong Aquino ay nababalitang nakikipag kita ito sa isang dalaga.dahil may magandang hangarin ito sa kanya.
3.Ang RH Bill ay isang matagal ng isyu kaya ito ay nais isabatas upang makontrol ang pagdami ng tao.
4.Ang mindanao masscre ay kalunos lunos na pangyayari,samantalang ang mga salarin ay hindi pa napaparosahan ng batas.
5.Ang mga kalamidad ay nagdudulot ng pag kasirang kalikasan kaya ito ay dapat nating pangalagaan.
HUGNAYAN
1.Maraming taong nagagalit kay gng arroyo dahil sa nasasangkutang anomalya.
2.Si Pangulong Aquino ay binatang pangulo na nababalitaan na nanliligaw sa isang dalaga.
3. ang mindanao masscre ay ilang taon na ang nakalipas.
4.ang rh bill ay matagal ng usapin sa ating bansa.
5.Ang kalamamidad ay panahon na kinatatakutan ng mga mamayan.
LANGKAPAN
1.Si gng Arroyo ay pinatawan ng pagkakabilanggo at pinagbabawalng gumamit ng mga kagamitang pang kumunikasyon upang mapangalagaan ang kanyang siguridad.
2.Si Pangulong Aquino ay nakikipagkita upang makilala niya ng lubusan ang kanynga niligawan.
3.ang mindanao masscre at ang kalunos lunos na pangyayari ang naging dahilan upang mawalan ng mga mahal sa buhay ang ating mga bababayan.
4. Ang RH Bill ay pinatututpad upang pangalagaan ang pamilya at ang kalusugan ng isang ina.
5.Dumating ang panahon ng kalamidad at maraming tao ang nasalanta.
Ruwena Munos
1.PANAGINIP
Nanaginip ako na may dalawang ahas na kumagat sa sakin sa aking binte habang naglalakad ako sa tabing kalsada.
INTERPRETASYON
Hindi ko alam kong anong ibing sabihin ng aking panaginip tungkol sa ahas.pero nagtanong-tanong ako sabi nila ay maytatraydor sa akin o kaya may roon akong makakaaway.
PAYAK
1.Si Pangulong Arroyo ay pinag-uusapan sa sinado
2.Si Ginoong noynoy Aquino ay laging laman ng balita.
3.ang ating pangulo ay gumagawa ng mabuti sa ating bayan.
4.matiyaga ang mga tao sa kanilang trabaho.
5.matiyaga magtrabaho ang mga tao sa sa bansa.
TAMBALAN
1.maraming tao ang pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho.
2.matiyaga ang tatay ni ana.kaya pinagbubutihan nya ang kanyang pag-aaral.
3.ang mga tao ay hindi sumusonod sa patakaran.kong kaya laging may trahidyang nangyayari.
4.mahal ni ginoong corona ang kanyang trabaho.kong kaya mahal din siya ng kanyang katrabaho.
5.nagsisikap si rose na magtrabaho.para makapag tapos siya ng pag aaral.
HUGNAYAN
1.Sa ating bansa ay magulo.kaya natatakot ang mga toresta.
2.nagisip ng masama ang kanyang kapatid. ng sya ay dumating sa kanila.
3.ang mga tao ay nagwiwilga.sa dahilang hindi pag taas ng sweldo.
4.nang mga guro ay matiyagang nagtu
-turo subalit kulang siya sa budget
5.ang mga bata ay masisipag magaral.subalit kulang sila sa libro.
LANGKAPAN
1.Masaya si lanie at ang kanyang mga kapatid.na sama-sama sila ng kanilang pamilya.
2.Si nanay ay naghahanda sa parating na tag ulan.kaya tulong tulong ang kanilang pamilya sa paghahanda.
3.Pinatawad ni ama ang mga kapatid.kaya ay sama samang umuwi upang makasama ang kanilang pamilya.
4.Si noel kahit anim na taong gulang palamang ina alagaan na niya ang kanyang mga kapatid.dahil naghahanap buhay ang kanyang magulang.
5.Si ben ay gumagamit ng bawal na gamot.kaya problema ng kanyang magulang kong paano siya magbabago.
May ann C. Campos
BSED-English 2
GAMITING FILIPINO
1. PANAGINIP
Isang gabi, dinalaw ako ng aking ina sa panaginip. Masayang-masaya ako na kahit sa panaginip man lang ay nagkita at nag kausap kami.
Nakadamit ng puti ang nanay ko, ang liwanag niyang tignan, niyakap niya ako at tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya saakin “ Anak, magpakabait ka, lagi mung iisipin ang mga kapatid mo, wag kang makakalimot sa panginoong diyos na gagabayan ka sa lahat ng iyong Gawain,”
Nagising nalang ako na tumutulo na ang aking luha. Bigla kong nasariwa ang mga ala-ala naming magpapamilya na Masaya. Nagdasal ako sa panginoon na sana kung nasaan man ang aking nanay ay Masaya sana siya at tahimik.
2.
2.1 Limang pangungusap na PAYAK
a. Si Miriam Defensor ay matapang at matalino.
b. Hinahangaan siya ng mga mamamayan.
k. Si Miriam ay animnapung taong gulang.
d. Marami at nakatago ang mga yaman ni G.Corona.
e. Siya ay sinungaling at mandarambong.
3.
2.2 Limang pangungusap na TAMBALAN
a. Kaduda-duda ang mga yaman ni G.Corona kaya siya nililitis sa hukuman.
b. malakas at magaling si pacquiao kaya siya ang kampeon sa larangan ng boksing.
k. Tapat ang hangarin ni pangulong Aquino sa mamamayang Pilipino ngunit may mga masasama ang loob sa kaniya.
d. Iniibig ni Janelle ang kanyang kasintahan na si Ramgen at mahal din siya nito.
e. Mabait si Ramgen, mapagmahal sa pamilya, pero siya ay pinaslang.
4.
2.3 Limang pangungusap na HUGNAYAN
a. Si G.Corona ay maraming yaman na nakatago.
b. Si Ninoy Aquino ay may mga kalaban sa pulitika at maraming naiinggit sa kanya.
k. Si Witney Houston ay magaling kaya iniidulo siya ng marami.
d. Si Ramgen ay may mga kapatid na galit sa kanya.
e. Nag-iisip ng masama ang mga kapatid niya kaya pinaslang siya.
5.
2.4 Tatlong pangungusap na LANGKAPAN
a. Dumating ang panahon ng unos sa pilipinas, at marami ang nabahala kung saan sila kukuha ng pagkain.
b. Pinaslang si Ramgen ng kanyang mga kapatid at sila ay nagtatago upang hindi mabilanggo at masolo ang mana sa kanilang ama.
k. Parating ang bagyo at ang tatamaan ay sa bandang Mindanao, kaya ang mga tao ay abala at naghahanda ng mga gamit.
d. Nalalapit na ang pag gunaw ng mundo at walang makakaligtas kaya gumawa na tayo ng mabuti.
e. Nagpapanggap si gloria na siya ay may sakit upang maiwasan niya ang kaniyang mga kaso at para hindi siya makulong.
Gayagaya,Angelie BEED-II
1.Ang aking paniginip ay tungkol sa pagpasok ko sa paaralan.Isang araw ako ay pupunta ng paaralan para pumasok ngunit hindi ako naka uniporme.Hinarang ako ng gwardiya sabi nya bawal pumasok hindi ka naka uniporme.Pasensya na pom kuya guard talagang basa pa po ang mga uniporme ko ko.Pwede nyo po ba akong papasukin para kiausapin si maam Mojar.Segi pumasok ka para makita ka ni maam,maraming salamat po.Nang ako na ay nakapasok sa opsina ako ay napagalitan,bat hindi ka uniporme sabi ni maam.Sabi ko naman maam sorry po hind pa po kasi tuyo ang mga uniporme ko.Hindi ko na po talaga ito uulitin pasensya na po kau,segi basta sa susunod hindi na kita papasukin,opo maam ang sabi ko naman.
Sa araw na iyon oras na pala para pumasok ng skwelahan.
Sa panaginip na ito ay humihinge ka ng paumanhin sa isang tao sa paglabag mo sa isang batas.
2.A.PAYAK
a.Tatlong accounts ni Corona ay isinara na.
b.Riot sa bilibid isa patay at apat ang sugatan.
c. Si Corona ay isan kurakot na tao.
d.Labing walo patay sa lindol sa Negros.
e.Marami ang nawawala at patay sa lindol sa Negros.
B.TAMBALAn
a.Biktima ng lindol sa Negros wala pa daw silang natanggap na relief goods.
b.Ang mga tao sa visayas ay nakaramdam ng malakas na lindol kaya sila nataranta.
c.Lampas sa 10milyong peso ang nagasta nang Senado at House of Representative sa paglilitis kay Corona.
d.Dalawa ang patay dahil sa paguho ng lupa sa Ilocos Sur.
C.HUGNAYAN
a.Si President Aquino ay nakialam na sa panghaharas sa nangyari ky Grace Lee.
b.Bubusiin ng DSWD ang kanilang tauhan sa Negros Oriental para sa mga ginagawa nila.
c.Si Chief Superintendent Mario Dela Vega ang bagong QCPD director ay umupo na nang matapos ang pormal na turn over ceremony sa Camp Karingal.
d.Kawalan na disiplina at pagsuway sa utos ng mga opisyal kaya magkakasamang pinarusahan ang apat na po't limang pulis sa Mecauyan,Bulacan.
D.LANGKAPAN
a.Ayon sa PAGASA ang naturang pag ulan ay bunsod lamang ng makapal na kaulapan na bumabalot sa ilang bahagi ng Luzon na nagdudulot din nang kalat-kalat na pa-ulan at pagkulog.
b.Naniniwala si lipa Archibishop Ramon Arguellas na dapat nang itigil ang isinisagawang impeahment trial ng Senado laban kay Chief Justice Renato Corona dahl dahil marami pas importanting bagay na dapat na bigyan na pansin ng pamahalaan.
Rebutazo. E
Ang aking panaginip ay tungkol sa isang tao na hindi ko naman kilala,may dala siyang bulaklak para sa patay at may dala din siyang kandila, inutusan niya akong magbantay sa d ala niyang bulaklak at may nakasindi itong kandila sa harap at para daw ito sa nanay niyang may kaarawan, sabi niya kailangan ko raw itong bantayin buong magdamag at huwag raw akong kukurap/pipikit man lang kung ano man raw ang Makita ko, tinanong ko siya kung bakit? Pero ang sabi niya huwag na raw akong magtanong pa basta sundin ko nalang daw kong ano ang sinasabi niya, hanggang sa tuluyan na akong nagising.
Ayon sa pagkakaintindi ko sa panaginip kong ito, siguro nagpapaalala lang sa akin ang Nanay ko dahil sa mahigit isa’t kalahating taon na akong hindi nakakadalaw sa puntod niya mula ng siya ay mamatay sapagkat hindi na kasi ako nakakauwi sa amin, at tungkol naman dun sa sinasabi nung tao na wag raw akong pipikit kahit na anong mangyari dahil baka mabangungot pa ako at tuluyan na akong hindi na magising.
Payak na pangungusap
1.Si Miriam ay isang matapang at matalinong kongresista.
2. Nabunyag na ang lihim ni Corona.
3. Labis na nalungkot ang mga kaanak ng nawawalang biktima sa bagyong sending.
4. Ang mga magulang at kamag anak ng mga nasawi sa bayong sending ay umaasa pa rin na matagpuan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.
5.Marami ang nasugatan at nasawi sa trahedya sa Mindanao.
Tambalan na pangungusap.
1.Patuloy pa rin na tumataas ang presyo ng mga bilihin at labis itong nakaapekto sa mga mamayan.
2.Maraming tsuper ang nagreklamo sa patuloy na pagtaas ng petrolyo at dapat daw magdagdag din ng singil sa pamasahe.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan na huwag putulin ang mga punong kahoy upang maiwasan ang tuluyang pagj=ksira ng kalikasan.
4.Gusto ni Gloria na magpagamot sa ibang bansa ngunit hindi siya pinayagan ng pamahalaan na lumabas ng bansa.
Hugnayan na pangungusap
1. Dumating na ang takdang panahon upang mabunyag ang anomalyang nangyari sa pamumuno ng dating pangulo.
2. Kasalukuyan pa ring iniimbistigahan si Gloria habang siya ay nagpapagamot.
3. Marami ang naghirap at nawalan ng tirahan dahil sa trahedyang nangyari.
4. Patuloy paring tumataas ang bilang ng mga nasawi bagyong sending.
5. Maraming lugar ang apektado sa lindol at kabilang dito ay ang Negros.
Langkapan na pangungusap
1.Samot- saring tanong ang hindi pa mabigyan ng kasagutan tungkol sa nangyaring pagbaha sa Northern Mindanao.
2.Ang ating pamahalaan ay nagpapadala ga tulong para sa nabiktima ng baha.
3.May mga taos puso ring nbigay ng kaunting tulong para sa naapektuhan ng kalamidad.
4. Ayon sa pag asa higit raw na mag ingat ang mga residenting malapit sa ilog o sa baybaying dagat.
5.May mga namatay at nasugatan sa malakas na lindol at may natabunan din ng lupa.
Jona Rose Escopel
BSED-II
1. Isa sa aking mga panaginip ay nang managinip ako na umuwi daw po ako sa aming probinsiya sa Sultan Kudarat. Nang dumating daw po ako ay nagbago ang baryon a dati ay kinalakhan ko. Ito ay napapaligiran na ng mga fishpond na nababalot ng water lily. Isang araw daw po ay magkasama kami ng papa ko sa isang lugar na hindi ko alam kung saang parti ng baryo naming iyon. Habang naglalakad ako sa pilapil ay nararamdaman kung gumagalaw ang water lily. Kinakabahan ako habang naglalakad. Nasa unahan ako ng papa ko ng biglang may parang isang isdang sumunggab sa kanya. Isa iyong serena na nakatira sa fishpond…hehehe!!!…nakakatawa pero yun ang nasa panaginip. Kinain niya ang tatay ko kaya iyak ako ng iyak habang pabalik sa aming bahay sa panaginip ko, hindi ko namalayan na sumusigaw at umiiyak narin pala ako kaya ginising ako ni Mark kaya nagising ako na takot na takot at umiiiyak.
Ang aking pakahulugan sa aking panaginip ay ang sobrang pagkasabik ko na makita ang mga magulang ko na nasa probinsiya kaya kung anu-ano na ang mga naiisip ko. Halos tatlong taon na din kasi nang huling umuwi ako at makapiling sila.
2. Limang (5) Payak na Pangungusap
1.Si Renato Corona ay Chief Justice ng Korte Suprema.
2.Siya ay iniluklok ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bago natapos ang termino nito.
3.Matatapang at matatalino ang mga senador at iba pang mga mambabatas.
4.Isang lindol ang naranasan ng mga taga Negros Oriental kamakailan lang.
5.Ang Aids ay laganap na sa bansang Pilipinas na nakapagpapaalarma sa mga tao.
Limang (5) Tambalang Pangungusap
1.Si Manny Pacquiao ang ating pambansang kamao kaya siya ay nakatakdang lumaban kay Timothy Bradley.
2.Ipapatupad na ang programang K-12 ng gobyerno kaya ang mga magulang ay lubos na ang paghahanda.
3.Nagbabala ang Department of Health tungkol sa sakit na Aids dahil maraming tao ang apektado ng sakit.
4.Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng gasoline kaya tamaas rin ang presyo ng ibang bilihin.
5.Nanalo si Nonito Donaire sa laban niya kay Antonio Vasquez ngunit siya ay nasaktan sa sobrang suntok sa kalaban.
Limang (5) Hugnayang Pangungusap
1.Si John Rei Casimero ay taga Ormoc na isang magaling na boksingero.
2.Namatay na si Whitney Houston isang sikat at magaling na mang-aawit.
3.Isang Pilipinong pari si Jose Soperiaso na nangmolestiya ng isang minor de edad.
4.Dinarayo ang Palawan ng mga turista dahil sa mga magagandang tanawin nito.
5.Naglabas ang prosikusyon ng matibay na ibidensiya na magdidiin kay Corona.
Limang (5) Langkapang Pangungusap
1.Maraming Pilipino ang naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho ngunit sila ay umaasang ito ay malalampasan at makakaahon din.
2.Naalarma ang mga Pilipino dahil sa dumadaming bilang ng mga may Aids sa bansa at ang Department of Health ay nagbabala para ito ay maiwasan at hindi pa dumami ang biktima.
3.Laganap na ang iba’t ibang krimen sa bansa tulad ng mga pagapatay at pagnanakaw na kung saan ang mga Pilipino at ibang lahi at natatakot sa mga nangyayari.
4.Ang Pilipinas ay tinaguriang perlas ng silanganan ngunit maraming tao ang sumisira sa yaman nito kaya nagkakaroon ng mga pagguho at mga pagbaha na dahilan ng pagkamatay ng maraming tao.
5.Isang krises ang nagaganap sa pagitan ng ehikutibo at hudikatura na naging dahilan ng hindi pagkakaisa ng mga Pilipino dahil iba-iba ang hinaing at opinion ng bawat isa.
Post a Comment