Magbasa ng isang balita sa isang pahayagan. Ito ay maaaring tungkol sa mga artista, pulitika, ekonomiya, o ordinaryong pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ilagay ang mga mahahalagang detalye nito at pagkatapos, gumawa ng buod (summary). Magbigay ng limang bagay na iyong natutunan mula sa pagbabasa ng balitang ito.
Halimbawa:
Pangalan ng Pahayagan: Remate
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-12 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita: Isang Lalaki, Patay dahil sa Tinidor!
Buod:
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1.
2.
3.
4.
5.
Halimbawa:
Pangalan ng Pahayagan: Remate
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-12 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita: Isang Lalaki, Patay dahil sa Tinidor!
Buod:
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1.
2.
3.
4.
5.
15 comments:
Mary Lare Alexine M. Rivera
BSA - 1
Mga Sagot:
Pangalan ng Pahayagan: Pilipino Star, Ngayon
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-11 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita: Mister, Pinasabog ang Sarili
Buod:
Isinugod naman sa Zamboanga City Hospital ang mga sugatang anak ng mag-asawang Badjao upang malapatan ng lunas. Ito ay dahil sa gitna ng mainitang pagtatalo ng mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan na nais makipaghiwalay sa kanyang mister bunga ng hindi sila nagkakaunawaan kaya pinasabog ang sarili sa pamamagitan ng dinamita na gamit ang illegal na pangingisda.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. Magkaroon ng sariling pagkakaunawaan sa kanilang pamilya.
2. Maging masusi ang imbestigasyon sa kasong ito.
3. Maging matalino sa mga nangyayaring insidente.
4. Bawasan ang maging mainitang pagtatalo para hindi madamay ng iba.
5. Maging ligtas ang pamilya para malapatan ng lunas.
SAGOT:
Pangalan ng Pahayagan: Pilipino Star Ngayon
Petsa ng Pagpapalimbag: Enero 12, 2012
Pamagat ng Balita: 33 katao sugatan sa demolisyon sa San Juan
Buod:
MANILA, Philippines – May 33 katao ang nasugatan matapos umulan ng mga tipak ng bato at mga bote na sinabayan pa nang pagpapasabog ng pillbox, ang isinagawang demolisyon sa squatters sa Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City kahapon ng umaga.
Kabilang umano sa mga nasugatan ay mga miyembro ng demolition team, apat na miyembro ng Eastern Police District (EPD), dalawang kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga residente.
Dakong alas-9:00 ng umaga nang tangkaing pasukin ng demolition team ang lugar gayunman, hindi kaagad nakaporma ang demolition team dahil napaghandaan umano sila ng mga informal settlers.
Matapos ang halos isang oras, marami na sa miyembro ng demolition team ang nasugatan, at saka pa lamang nakakilos ang mga ito laban sa mga lumalabang residente at binomba sila ng tubig, kaya lamang napasok ng mga ito ang lugar, kasunod na ang mga anti-riot police.
Nabatid na ito na ang ikatlong beses na nai-demolish ang nasabing lugar at marami na sa mga residente ang nai-relocate sa Rodriguez, Rizal, habang ang ilan ay patuloy na tumatangging umalis doon.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. Kailangang sumunod sa batas upang maiwasan ang kaguluhan.
2. Idaan sa maayos na paraan ang pakikipagnegosasyon upang hindi na lumaki pa ang alitan.
3. Iwasan ang init ng ulo upang hindi makapaminsala ng kapwa.
4. Makipag ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na maaring makapag bigay linaw sa mga katanugan patungkol sa komunidad.
5. Isaalang alang ang kaligtasan ng nakararami at iwasan ang pagiging makasarili.
IPINASA NI: JEHDAMA TEJA-BSBA
Ronnel A. Mindanao
(BSBA)
Pangalan ng Pahayagan: REMATE
Petsa ng Paglilimbag: Enero 12, 2012
Pamagat ng Balita: Driver Tigok sa Pasahero
Buod:
Pinaniniwalang binalikan ng kanyang nakaalitang pasahero ang jeepney driver na binaril sa harap ng tindahan kamakalawa ng madaling araw sa Navotas City.
Batay sa report ng mga pulisya , dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa biktima.
Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay sakay sa kanyang Suzuki motorcycle na kulay pula at may plakang 4312 at nakaparada sa isang sari-sari store nang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang salarin ng nakasakay sa kulay itim na motorsiklo na walang plaka.
Sa kabila nito , tinitignan parin ng mga awtoridad ang ibang posibleng motibo sa pamamaslang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. Maging maingat sa mga papasakaying pasahero.
2. Maging mabait sa mga pasahero.
3. Huwag tumambay ng madaling araw.
4. Huwag makipag diskusyon sa mga pasahero.
5. Huwag maging kampante sa mga pasahero.
LAILA R. REMOT
5110073
Pangalan ng Pahayagan: BULGAR
Petsa ng Pagpapalimbag:ika-12 ng Enero,2012
Pamagat ng Balita:
"77 Anyos na Lola kinatay ng Apo"
Buod:
Isang lalaking may problema sa pag iisip ang kumatay sa isang 77 anyos na Lola na kinilalang si Lolita Ledonio, ang nasabing lalaki ay apo ng biktima na kinilala ring si Rene Plema 26 taong gulang na, kapwa naninirahan sa Pangpang Norte, Mambusao, Capiz.
Ayon sa pagsisiyasat pagkatapos umanong mang hingi ng pagkain at kape, ay hindi napigilan ng biktima ang pagsabihan at sermonan ang kanyang apo, na kung saan di umano nagalit ang nasabing suspek at kumuha ng kutsilyo at pinagsasak-sak ang nasabing Lola. At iyon ang sanhi ng kanyang kamatayan.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1.) Huwag laging pairalin ang init ng ulo.
2.) Iwasang magsalita ng hindi kanais-nais at hindi maganda sa pandinig ng iba.
3.) Iwasang maging BUNGANGERA.
4.) Matutong magpahalaga sa nararamdaman ng iba.
5.) Laging mapagpasensiya lalo na sa taong may mga kapansanan.
POTENCIO GLENDA S.
BSBA-1
5110100
Mga Sagot:
Pangalan ng Pahayagan: Philippine Entertainment Portal
Petsa ng Pagpapalimbag: Thursday, January 12, 2012
Pamagat ng Balita: Dingdong Dantes gaganap na Ferdinand Magellan sa final episode ng Amaya
Buod:
sang sorpresa, lalo na sa mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang cameo role ng aktor sa final episode ng pinagbibidahang epic-serye ng aktres, ang Amaya.
Gaganap si Dingdong bilang Portuguese explorer Ferdinand Magellan, na ayon sa kasaysayan ay napatay ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan noong 1521.
Mapapanood ang paglabas ni Dingdong sa huling episode ng Amaya bukas ng gabi, January 13.
Pero bago ito, naging malaking sorpresa rin ang muling pagtatambal nina Dingdong at Marian sa upcoming GMA-7 primetime series na My Beloved.
Ito ay matapos palitan ni Marian ang orihinal na leading lady ni Dingdong sa serye na si Rhian Ramos—na nagdesisyong magpahinga muna sa showbiz sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito bunsod ng breakup nila ni Mo Twister.
Kung hindi ito nangyari, wala pa sanang kasiguruhan kung kailan magkakaroon ng katuparan ang hiling ng fans nina Dingdong at Marian na muli silang magtambal.
Pero sa pagtatapos ng Amaya, tila may patikim na ang DongYan—kilalang tawag sa loveteam nina Dingdong at Marian—sa kanilang mga tagahanga at manonood.
Noon pa man, kapag tinatanong si Dingdong kung okey sa kanyang mag-guest sa Amaya, positibong tuwina ang sagot niya.
At ngayon nga, sa pagtatapos ng Amaya, ay natuloy ang inaasam noon ng marami na magkaroon siya ng guest role dito.
Sa pamamagitan ng text message ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kahapon, January 11.
Tinanong namin ang aktor kung paano nabuo ang guest role niya sa Amaya.
Ayon kay Dingdong, na may dugong EspaƱol, hindi talaga planado ang pagge-guest niya bilang Ferdinand Magellan sa show.
Nabanggit lang daw ni Marian sa kanya ang magiging pagtatapos ng Amaya.
Ani Dingdong, "Marian mentioned to me the final scenes. As a gesture to show support, I offered to do the cameo for Ferdinand Magellan."
Bukod sa pagpapakita ng suporta sa girlfriend, ipinagmamalaki rin ni Dingdong na kahit paano ay naging bahagi siya ng Amaya.
"More importantly, it is a great honor to be part of GMA's top show that makes us all proud as Filipinos.
"Kahit papaano, naging bahagi ako ng kasaysayan dahil sa malawak na naibibigay ng Amaya sa larangan ng entertainment at education.
"Higit sa lahat, I am so proud of Marian's portrayal as Amaya.
"Nakakatuwa at nakaka-inspire ang pinagdaanan niya at ng buong cast, kaya ako'y isang fan ng epic-serye.
"Lalo na nga at nag-shoot ako ng eksena ko, mas na-realize ko kung gaano ako kasuwerte na maging bahagi nila kahit papaano,"
mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. makikita mo dito ang tunay na pagmamahalan ng dalawang magkarelasyon.
ROVILYN A. DALAPAG
BSA-1
MAHALAGANG IMPORMASYON:
PAMAGAT: 25,000 NADALE NG DENGUE
PETSA NG PAGLILIMBAG: Nov.10,2011
PANGALAN NG PAHAYAGAN: Tik-Tik
NAG-ULAT: Tony Wyco
BUOD:
Hindi pa man natatapos ang taon ay umabot na sa 25,000 dengue cases ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong Metro Manila.
Ayon sa ulat ng Regional Epidemiology Survilliance Unit (RESU) kinumpirma ni Center for Health Development-Metro Manila (CHD-MM)Regional Director Eduardo Janairo na mula Enero 1 hanggang Nobyembre 10,2011 ay nakapagtala na sila ng kabuuang 24,898 dengue cases sa Metro Manila na 136 ang kumpirmadong patay.
Mas mataas ito ng 11% kumpara sa 22,492 dengue cases na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraag taon , Mas marami ang dinapuang mga lalaki na nasa edad 0-15 taon.
MAHAHALAGANG NATUTUNAN:
1. maging maingat tayo kahit saan man tayo pumunta.
2. Laging maglinis ng kapaligiran ng makaiwas tayo sa anu mang mga sakit.
3. maging responsable tayong tao o mamamayan dahil tayo din ang makikinabang dito balang araw.
4. mahalagang makinig at magbasa tayo ng balita ng malaman ang mga nangyayari sa ating kapaligiran.
5. wag susuot kung saan saang lugar para makaiwas sa dengue.
Ann MEl Rose D. ESpartero
BSA-1
pangalan ng pahayagan: bulgar
petsa ng pagpapalimbag:jan.14,2012
pamagat ng balita: 75 OFWs mula syria balik pinas na
mga mahahalagang detalye :
*75 overseas umuwi na ng bansa
* tatlong ahensiya OWWA, DFA , POEA
*CARMELITA DIMZON- administrator ng OWWA
buod:
nasa bansa na ang 75 overseas filipino workers(ofw) mula syria, ayon kay carmilita dimzon,administrator ng OWWA, sinabi nito na ang pagbabalik sa bansa ng mga ito ay dahil na rin naranasan na pagkatakot hnggil sa kaguluhang nagaganap sa syria dahil sa alert level 4.
inaasahan pa ng mga opisyal ng ahensiyang OWWA, DFA ,AT POEA na maaring madagdagan pa ang mga ofw mula syriakung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa embahada ng pilipinas na nakabase sa damascus sa mga susunod na linggo.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1.dapat natin ipagmalaki ang mga taong nangingibang bansa para makipagsapalaran sa ibang bansa.
2.bigyan kahalagahan ang mga ito.
3.bigyan pansin at pagtuonan.
4.mahalin at intindihin.
5.bigyan ng pagmamahal dahil hindi na punta doon para mag enjoy, sila ay nandoon sapagkat para mabuhay ang mahal nila sa buhay.
SARAH MAE BRUZUELA BSBA 5110034
MGA SAGOT:
Pangalan ng Pahayagan: Pilipino Star Ngayon
Petsa ng Pagkakalimbag: Ika-13 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita :
Hindi Nagpapahinga ang mga Terorista
Buod: Noong Lunes, binantayan ng todo ng PNP at military ang mga grupong nagbalak maghasik ng kaguluhan sa prusisyon ng Black Nazarene. Halos 22 oras na nakadeploy ang mga kapulisan sa prusisyong iyon na tinatayang pinkamahaba at pinakamatagal na prusisyon sa buong taon. Nariyan ang mayat_mayang pagsubay-bay ng mga helicopter upang matiyak na walang grupo ng bombers na hahalo sa mga deboto. Isa sa pinakamabisang ginawa ng Gobyerno ay ang pagpatay sa signal ng mga cellphone sa Metro Manila. Magdamag itong nawala at base sa intelligence report, Cell phone ang gagawing triggering device ng mga terorista gaya ng Abu Sayaff, MILF, at Jemiah Islamiyah. Dumanas na ng lupit noong Dec. 30, 2012 ang bansa kung saan limang lugar sa Metro Manila ang nasalanta.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. Matuto sa mga nakaraang karanasan.
2. Maging alerto at mapagmanman sa ating ginagalawan.
3. Umiwas na lamang sa mga okasyon na alam nating mapanganib.
4. Makinig sa mga babala at huwag itong ipagsawalang-bahala.
5. Makuntento na lamang sa loob ng bahay upang matiyak ang kaligtasan.
OLIVA, JENE A.
5112158
BSA-1
Pangalan ng Pahayagan: Pilipino Star NGAYON
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-13 ng Enero,2012
Pamagat ng Balita: Trak 'naghuramentado': 6 dedo, 18 sugatan
Buod:
Nayupi ang unahang bahagi ng dump truck ng buhangin matapos na sumalpok sa traysikel, ilang naglalakad sa kalsada at police outpost sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon kung saan anim-katao ang iniulat na nasawi kabilang na ang drayber ng truck.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan
1. Dapat tingnan muna ang sasakyan na ginagamit kung nasa kondisyon pa ito bago gamitin para iwas aksidente at makaabala sa ibang tao.
2. Dapat ang taong nagmamaneho ng sasakyan ay nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa pagmamaneho, pagobserba sa daanan, at hindi sa ibang bagay.
3. Dapat dahan-dahan itong magptakbo ng minamanihong sasakyan at sumunod sa batas trapiko sa kalsada.
4. Dapat laging gumamit ng seatbelt sa oras ng pagmamaneho ng sasakyan. Dapat nasa lugar lagi ang sasakyan sa ras ng biyahe.
5. Dapat wag tatakasan ang responsibilidad, dapat harapinito para malutas agad,at matulungan ang taong naaksidente.
ANNA LUZ DAYNE CONDE
BSBA 1
1)PANGALAN NG PAHAYAGAN: ABANTE
PETSA NG PAGPAPALIMBAG: IKA-4 NG ENERO,2012
PAMAGAT NG BALITA: PINOY SA SYRIA,TAKOT MAGUTOM KAYA AYAW MAGSIUWI!
BUOD:
Karamihan ng mga Overseas Filipino Workers(OFW's) sa Syria ay ayaw umuwi ng Pilipinas dahil gutom ang aabutin nila sa bansa bunga ng kawalan ng trabahong mapapasukan at kabuhayan na maitataguyod.
Ito ang malungkot na ni Department of Foreign Affairs(DFA) Secretary Albert del Rosario matapos makabalik sa banswa mula sa 2 araw na pagbisita sa Syria, kung saan kinausap niya ang mag opisyal doon para humingi ng tulong sa pinatutupad na mandatory repatriation ng gobyerno.
2) 5 MAHAHALAGANG BAGAY NA NATUTUNAN:
1)Ang mga Pilipino,kahit nahihirapan magtrabaho sa ibang bansa ay nagsusumikap matustusan lamang ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
2) Dapat tularan ang mga OFW's dahil sa kanilang kasipagan.
3) Nagbibigay karangalan sila sa ating bansa dahil sa kanilang katatagan.
4)Maging kasing tatag tulad ng mga OFW's.
5)Mas paigtingin ang pag-isip sa sariling kapakanan at higit sa lahat ang kapakanan ng iba.
RICHELLE F. CAMMAGAY
BSBA-1
5110063
PANGALAN NG PAHAYAGAN:BULGAR
PETSA NG PAGPAPALIMBAG:ENERO 12,2012
PAMAGAT NG BALITA:FAMILY DRIVER NAGLARO NG BARIL,DEDBOL
BUOD:
Patay ang isang 29-anyos na family driver matapos maglaro ng Russian roulette habang nanonood ng pelikula kasama ang mga kaibigan kamakalawa sa Sampaloc,Manila.
Kinilala ang biktima na si Paul Gregorio,residente ng 525 Cristobal St.Sampaloc Manila nagtamo ng tamang bala sa kanang sentido.
Batay kay SPO1 Ramir Dimagiba,bandang 5:00 ng hapon sa inupahang kwarto sa isang Sonny Pateo sa 835 Geronimo St. Sampaloc Manila naganap ang insidente.Ayon sa ulat magkasamang nanonood ng pelikula sa DVD ang biktima at mga kaibigan nitong sina Sarah Delena,Rocky Corbin at Joanna Marie Retanal,nang makita nila ang biktima na may hawak na kalibre.38 at saka nilagyan ng isang bala.
Nalaman na nakuha umano ng biktima sa ilalim ng unan ang baril saka nagsimulang kalabitin ang gatilyo habang nakatutok sa kanyang sentido.Sa kabila ng pag-awat ng kanyang mga kaibigan,nagpatuloy parin na kinalabit ang gatilyo ang biktima at sa unang kalabit ay hindi ito pumutok subalit sa pangalawang pagkakataon ay pumutok ito at tinamaan ang kanyang sentido kung saan tumagos ang bala sa kanyang ulo.At ayon sa ulat may problema ang biktima dahilan ng pagpaslang sa kanyang sariling buhay.
MGA MAHAHALAGANG BAGAY NA NATUTUNAN:
1.Dapat mahalin natin ang ating sarili.
2.Dapat huwag nating tularan ang ginawa ng lalaki na pinatay ang sarili.
3.Kung may problema ka,dapat huwag idaan sa pagpapakamatay.
4.Kung may problema ka,dapat huwag maging makasarili,kailangan din ang payo ng ating mga magulang at kaibigan.
5.Dapat maging matatag sa anumang problema na dumating sa ating buhay.
PAGKALIWAGAN ZAIDAN O,
BSA 1
5110067
SAGOT:
1)Pangalan ng Pahayagan:Bulgar
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-12 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita: Mister, Nagsaing Muna Bago Nag-suicide
Buod:
Calamba City- Isang lalaki na walang trabaho at dumaraan sa sobrang depresyon ang nagpakamatay matapos na ito ay makapagsaing. Nakilala ang biktima na si Fernando Elliorante, Jr., 29,at residente ng Blk.15 Lot 17, Villa De Calamba, Bgy.Lamesa, Calamba City. Ayon sa ulat, nasa bahay ang biktima kasama ang live-in partner nito na si Michiko Soriano, 21, bandang 1:30 ng hapon. Nakarinig umano ng putok ang babae sa itaas ng kanilang bahay ng makaakyat ang biktima. Pero hindi niya ito pinansin, hanggang sa pumanhik na din ito at laking gulat nang makitang duguan at at wala ng buhay ang kinakasamang lalake.
Mga Mahahalagang Bagay na natutunan:
1)Maging matatag sa kabila ng mga problema sa buhay
2)Hindi solusyon ang pagpapatiwakal para makaalis sa kahirapan
3)Mas maging masipag at matiyaga para magroon ng trabaho
4)Bigyang pansin ang mga bagay na nakikita o naririnig
5)Magtiwala lang sa panginoon at manalangin upang mas maging malakas sa hamon ng buhay
Pangalan ng Pahayagan: Remate
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-13 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita: Binatilyo ‘di binalikan ng dating dyowa, nagbigti
Buod:
NAGBITI ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na hindi makipagbalikan sa kanya ng dating kasintahan, sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktima na si John Mark Tugadi, out of school youth, baggage boy at residente ng 2708 Molave St., Tondo.
Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernardo Cayabyab kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section dakong 4:30 ng madaling araw, nang matagpuang nakabitin ang biktima, gamit ang isang puting sinturon na ipinaikot sa kanyang leeg at itinali sa sampayan, malapit sa palikuran ng bahay.
Isang Rene Roque, tiyuhin ng biktima, ang nakadiskubre sa nakabiting si Tugadi, at agad nitong ipinagbigay-alam sa iba pa nilang kamag-anak.
Ayon sa report ng pulisya, nabatid na dinamdam ng binatilyo ang text message ng kanyang dating kasintahan na nagsasaad ng tuluyang pakikipaghiwalay.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. Pag nagmahal tayo hindi dapat na ibigay natin ung 100% naten na pagmamahal; kailangan natin magtira para sa sarili naten.
2. Hindi porke iniwan tayo ng taong mahal natin kailangan natin kitilin ang buhay natin tanging ang panginoon lang ang may karapatan bawiin ang buhay na binigay nila saten
3. Kapag may nangyaring di maganda sa buhay natin di dapat tayo panhinaan ng loob bagkus itake natin ito as positive upan di tayo maliko sa maling daan.
4. Wag na wag tayong mawawalan ng pag asa sa buhay pagkat lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan matuto tayong maging matapang para harapin ang hamon ng buhay.
5. Sa paghihiwalay dapat daanin ito sa maayos at matiwasay na pag uusap upang di humantong sa di magandang pangyayari .
CHERYN MARIZ S. NATIVIDAD
Pangalan ng Pahayagan: Remate
Petsa ng Pagpapalimbag: Ika-13 ng Enero, 2012
Pamagat ng Balita: Binatilyo ‘di binalikan ng dating dyowa, nagbigti
Buod:
NAGBITI ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na hindi makipagbalikan sa kanya ng dating kasintahan, sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktima na si John Mark Tugadi, out of school youth, baggage boy at residente ng 2708 Molave St., Tondo.
Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernardo Cayabyab kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section dakong 4:30 ng madaling araw, nang matagpuang nakabitin ang biktima, gamit ang isang puting sinturon na ipinaikot sa kanyang leeg at itinali sa sampayan, malapit sa palikuran ng bahay.
Isang Rene Roque, tiyuhin ng biktima, ang nakadiskubre sa nakabiting si Tugadi, at agad nitong ipinagbigay-alam sa iba pa nilang kamag-anak.
Ayon sa report ng pulisya, nabatid na dinamdam ng binatilyo ang text message ng kanyang dating kasintahan na nagsasaad ng tuluyang pakikipaghiwalay.
Mga Mahahalagang Bagay na Natutunan:
1. Pag nagmahal tayo hindi dapat na ibigay natin ung 100% naten na pagmamahal; kailangan natin magtira para sa sarili naten.
2. Hindi porke iniwan tayo ng taong mahal natin kailangan natin kitilin ang buhay natin tanging ang panginoon lang ang may karapatan bawiin ang buhay na binigay nila saten
3. Kapag may nangyaring di maganda sa buhay natin di dapat tayo panhinaan ng loob bagkus itake natin ito as positive upan di tayo maliko sa maling daan.
4. Wag na wag tayong mawawalan ng pag asa sa buhay pagkat lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan matuto tayong maging matapang para harapin ang hamon ng buhay.
5. Sa paghihiwalay dapat daanin ito sa maayos at matiwasay na pag uusap upang di humantong sa di magandang pangyayari .
MORTEL, MYCCA YSABEL
-BSHRM-
1. Tukuyin ang mga tauhan sa kuwento at ilarawan ang kanilang mga katangian.
Angela Miguel
Isang baliw
Sampung toan na nakulong sa mental.
Iloilo
Onofre Miguel
Asawa ni Angela
Sa Palawan isinilang at lumaki na naloko ng isang kinatawan daw ng employment agency. Ipinasok na katulong sa Maynila, ginahasa, ipinagbili, pinagpasa-pasaan ng mga parukyanong Intsik.
Maria Aliw Miguel
Anak ni Angela
Dr. Isidro
Doktor sa National Mental Hospital.
Chabeng
Matalik na kaibigan ni Angela.
Mrs. Buenaventura
Superintendent ng ampunan.
Lito L.
Inabot ng pitong taon sa ampunan
Jennifer
Inabandona din mula sa isang ospital na inabot ng apat na taon.
Imo
Kainuman ni Onofre
2. Ibigay ang buod
Si Onofre asawa ni Angela sa labis na pagkalito at pagaalala sa nangyayari sa kanyang asawa, at sa maaaring kahihinatnan ng kanyang anak ay nakagawa ng isang malaking disisyon, na nabunga ng malaking epekto sa kanyang pamilya, isang umaga na nagpabago ng kanilang buhay. Napilitang ipinasok ni Onofre ang kanyang asawa sa isang mental hospital sa pagnanais na maagapan ang paglala ng kalagayan at ito ay gumaling at si botik-kotik na kanyang naiisang anak ay kanyang dinala sa settlement house isang bahay ampunan. Ngunit ang disisyon iyon pala mas nagbigayhatid sa kayang pamilya sa masmasalimuot na kalagayan.
Post a Comment