1. Ano ang kaugnayan ng pagbasa at pagsulat sa iba pang makrong kasanayang pangwika?
2. Ano ang wika at bakit ito mahalaga?
3. Magsaliksik ng iba pang pinaniniwalaang pinagmulan ng wiak maliban sa Teoryang Dingdong, Yum-yum, Pooh-pooh, at Bow-wow at ayon sa banal na Aklat.
TAKDANG PETSA NG PAGSUSUMITE: IKA-8 NG DISYEMBRE 2011 (HUWEBES) HANGGANG SA IKA-11:59 NG GABI
2. Ano ang wika at bakit ito mahalaga?
3. Magsaliksik ng iba pang pinaniniwalaang pinagmulan ng wiak maliban sa Teoryang Dingdong, Yum-yum, Pooh-pooh, at Bow-wow at ayon sa banal na Aklat.
TAKDANG PETSA NG PAGSUSUMITE: IKA-8 NG DISYEMBRE 2011 (HUWEBES) HANGGANG SA IKA-11:59 NG GABI
7 comments:
Mary Lare Alexine M. Rivera
BSA - 1
Mga Sagot:
1. Ang pagbasa ay nakaukit at kakambal na ng pamumuhay ng bawat tao. Mga uri ng pagbasa ay tahimik at malakas na pagbasa. Masasabi rin na ang pagbasa ay paraan ng pagtukoy sa ideya at kahulugan ng isang nalilimbag ng mga salita, babasahin o sulatin. Ang pagsulat ay pagbuo o paggawa ng mga simbolo, titik at mga salita. Ang pagsulat ay paraan nagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
2. Ang wika ay daan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao ng isang bansa at ng kapwa bansa. Ayon naman sa mga dalubwika, ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pagsulat na titik na iniuugnay sa mga kahulugang gustong ihatid sa kapwa tao.
3. Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
Ronnel A. Mindanao
(BSBA)
1. Kaugnay ng sining ng pakikinig ang pagbibigay ng karampatang pansin sa pinakikinggan, sa pagbibigay ng angkop na atensyon sa kawastuhan ng mga naririnig, at sa tamang pagkakaunawa rin ng narinig.
kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
2. Mahalaga ang wika dahil ito ang paraan upang magkaintindihan tayo at maipahiwatig natin ang nais nating sabihin o nararamdaman.
3. Teoryang Yo-he-ho - Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.
Teorya sa Tore ng Babel - Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa'y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
Ronnel A. Mindanao
(BSBA)
1. Kaugnay ng sining ng pakikinig ang pagbibigay ng karampatang pansin sa pinakikinggan, sa pagbibigay ng angkop na atensyon sa kawastuhan ng mga naririnig, at sa tamang pagkakaunawa rin ng narinig.
kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
2. Mahalaga ang wika dahil ito ang paraan upang magkaintindihan tayo at maipahiwatig natin ang nais nating sabihin o nararamdaman.
3. Teoryang Yo-he-ho - Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.
Teorya sa Tore ng Babel - Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa'y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
SAGOT:
1. May apat na makrong kasanayan:
-pakikinig
-pagsasalita
-pagbasa
-pagsulat
Sa pamamagitan ng pagbasa at pagsulat, malaya nating maipapahayag ang ating saloobin upang lubos na maunawaan ng ating kausap ang nais nating iparating. Upang maging epektibo ang pagsasalita, nararapat lamang na lubos maunawaan at malinang ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat.
2. Ang wika ay salamin ng ating kultura. Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.
3. Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
-Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.
-Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
-Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
-TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.
-TEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon.
-TEORYA NG PAKIKISALAMUHA. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.
-TEORYANG MUESTRA. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.
IPINASA NI: Jehdama Teja
Potencio Glenda S.
BSBA-1
Sagot:
1.Ang bilang ng agsinatura sa ateneo de naga ay may tungkulin matulungan ang mga mag-aaral na mahubog ang kanilang ganap na pagkataon sa aspeto ng .moral,ispiritual,intelektuwal at sosyal. Gabayan sila sa kanyang pagsisikap na makamit ang ibayong kahusayan bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan ..
2.Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Jeanette P. Articulo
ACT-1
student no.5110024
1.decribe pusawan in barangay ususan,Taguig city in relation to:
answer: ang barngay na ito ay malawak,maraming naninirahan sa lugar na ito. ay parating binabaha at nahihirapan ang mga tao sa tubig.
* Ano ang pinakamarami:mga babae o lalaki?Matanda o bata?
answer: ang pinakamarami ay ang mga babae.At ang bilang ng matatanda at bata ay mag kapareho.
*Sa tingin ninyo (o ayon sa statistics ng barangay),ilang porsiyento ang mahihirap?
answer:ayon sa statistics ay mayroong 100% ang mahihirap.
*Anu-ano ang mga relihiyon/simbahan sa lugar na ito?
answer:sa na pag alaman namin mas marami ang katoliko.
*Bilang ng mga nakatira(tantiya nyo o ayon sa statistics)
answer:ayon sa aming pasasaliksik mayroong 26,000 ang naninirahan dito.
answer:at sa aking palagay ay mayroong 2,000 mahigit ang naninirahan.
*malayo ba ito sa kabihasnan?
answer:hindi naman po!
*Ilang sakay mula sa kabisera ng katuparan,ano ang mode of trasportastion,at mag kano ang pamasahe?
answer:may isang sakay mula sa kabisera ng katuparan at may 8 pesos ang pamasahe.
*Gaano kalaki ang lugar na ito?
answer:mayroong 26 sq. meter.
*Ilarawan ang hitsura ng mga bahay.
answer:dikit-dikit ang mga bahay dito.
answer:maraming tao.
*sinu-sino ang mga opisyal dito?
Brgy Chairman:hon,Sony C Marcelino
President zone: Mr.Jaime Mangaoag
Kagawad: Rodil C Marcelino
Joselito R. Costes
Marvin C Hernandez
Ronald G.Santos
Reynaldo C Santos
Carlito G. Flores
Nestor G. Ginez
SK Chairman: Chiero S. De leon
Treasurer: Normando B. Guevarra
Secretary: Rosario T. Esteban
Secretary: Lorenzo Naniong
Treasurer: Rosalinda Quillaoe
*Magulo ba ang political dito?
ans. hindi
*Ano ba ang political party ng kapitan dito?
Ans. kay Tinga
*Mga karagdagang impormasyon....
....nahihirapan ang mga tao sa tubig.
Charlina Dawn H. Carbonilla
BSBA-1
Takdang Aralin Bilang 1 sa Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang
Disiplina (2nd Sem, Ay 2011-2012)
1. Ano ang kaugnayan ng pagbasa at pagsulat sa iba pang makrong kasanayang pangwika?
sagot:
2. Ano ang wika at bakit ito mahalaga?
sagot:
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin
sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at
kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
3. Magsaliksik ng iba pang pinaniniwalaang pinagmulan ng wiak maliban sa
Teoryang Dingdong, Yum-yum, Pooh-pooh, at Bow-wow at ayon sa banal na Aklat.
sagot:
Sinu-sino ang mga dayuhang nagdalá ng ibá’t ibáng wikà sa Filipinas?
Iyán ang katanungan ng isáng panauhin dito sa Sarisari etc.
Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas
noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.
Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory,
ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o
waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas
mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age).
Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón
daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî
kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón
ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.
Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics,
lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong
magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng
pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy
at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.
May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng
mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay
mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa
South America.
Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng
sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy
silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá,
untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong
itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at
pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón
tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.
Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at
Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng
mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas
malalayong bansá tulad ng India.
Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg,
ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy
na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at
paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.
Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga
wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó
nápuntahán ng mga dayuhan.
Post a Comment