THE FISHER VALLEY COLLEGE
C5 Annex Campus
Phase 2, Bgy. Pinagsama, Lungsod ng Taguig
Silabus ng Kurso
GAMITING FILIPINO
Pangalawang Semestre, A.Y. 2011-2012
Nobyembre 2011-Marso 2012
KOWD NG KURSO: FIL 103
BILANG NG YUNIT: 3
ISKEDYUL AT SILID-ARALAN: Martes, 7:00-10:00, 105
PROPESOR: Raquel, Marlon B.
ORAS NG KONSULTASYON: Miyerkules/Huwebes, 2:00-4:00
DESKRIPSIYON NG KURSO: Ang kursong ito ay nagbibigay pokus sa gamiting Filipino na may masusing pag-aaral sa pagbasa at komposisyon. Pag-aaralan ditto ang mga pangunahing kaisipan sa pagpapahayag ng saloobing moral, pagsasalaysay, pakikisalamuha sa kapwa, mga pagsasanay sa pagbabasa, at pagsusulat ng iba’t ibang uri ng komposisyon.
LAYUNIN NG KURSO: Pagkatapos ng semestre, inaasahan na ang mga estudyante ay:
1. Mauunawaan ang halaga ng Gamiting Filipino na may tuon sa pagbasa at komposisyon;
2. Matutunan ang kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila;
3. Matutunan ang kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangugnusap na may wastong pambalarilang kayarian sa alinmang gawi ng pakikipag-usap na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon;
4. Mahasa ang talino at isipan sa pamamagitan ng masidhi at malawakang pagbabasa na siyang makapagbubukas ng daan sa lahat ng karunungan at disiplina;
5. Makakasulat ng iba’t ibang komposisyon na may pagpapahalaga sa mga valyus ng isang Pilipino tulad ng pananampalataya, pagkamasigasig at serbisyong pampamayanan at maipapahayag at matapat na maisasabuhay ang mga valyus na ito sa akademiko, nasyunal, at global na pamayanan.
MGA PANGANGAILANGAN NG KURSO:
Dalawang grado ang ibinibigay ng Kolehiyo sa isang semestre: una ay ang grado para sa midterm at ang pangalawa ay ang grado para sa final ayon sa Artikulo X, Seksyon B ng Student Handbook. Ang Final Grade ay 40% mula sa Prelim hanggang sa Midterm Period at 60% naman mula sa Pre-final hanggang sa Final Period.
Pangangailangan sa Midterm Period (40%):
30% Dula-dulaan – Walang pagsusulit na ibibigay sa prelim period. Bagkus, susulat kayo ng isang dula-dulaan kung saan nakapaloob dito ang mga kakayahang linggwistika at kakayahang komunikatibo. Ang tema ay nakasentro sa diwa ng Pasko. Kinakailangang orihinal ang isasadulang dula-dulaan. Ang teksto ng dulang isusulat ay hindi bababa sa limang (5) pahina ng 8.5’’ x 11’’ na bond paper, single-spaced, 12-point font size pag Times New Roman ang gagamitin o 11-point font size pag Arial ang gagamitin. Ipasa sa aking email ang soft copy at ipasa din ang hard copy nito. Ipasa ninyo ito sa ika-13 (Martes) ng Disyembre 2011, alas-dyes (10:00am) ng umaga. Ang presentasyon ng dula-dulaan ay sa ika-20 ng Disyembre 2011 (Martes).
30% Midterm na Pagsusulit – Ang midterm na pagsusulit ay gaganapin sa ika-17 (Martes) ng Enero 2012. Lahat ng napag-aralan mula sa simula ay isasama sa pagsusulit. Iba’t ibang uri ng pagsusulit ang ibibigay tulad ng multiple choice questions (MCQs), matching type, enumeration, sanaysay, at iba pa.
15% Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15% Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-6 ng Disyembre (Martes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-10 ng Enero (Martes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10% Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
Mga Pangangailangan sa Final Period (60%):
30% Portfolio – Lahat ng mga naisulat ninyo ng iba’t ibang uri o genre ng teksto sa kursong ito mula sa umpisa hanggang sa matapos ang mga aralin ay iko-compile ninyo at gagawing portfolio. Ipapasa ninyo ang hard copy maging ang soft copy sa email ko. Ang itinakdang pasahan ay sa ika-13 ng Marso (Lunes) 2012, alas-dyes (10:00) ng umaga.
30% Panghuling Pagsusulit – Ang panghuling pagsusullit ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga katanungan. Ang iskedyul ng eksaminasyon ay sa ika-20 (Martes) ng Marso 2012.
15% Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15% Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-14 ng Pebrero (Martes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-13 ng Marso (Martes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10% Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
MGA POLISIYA SA LOOB NG SILID-ARALAN:
1. Kung sakaling hindi kayo makakuha ng mga pagsusulit, hindi ninyo ito maaaring kunin sa anumang kadahilanan maliban na lamang kung may malubhang karamdaman o namatayan ng isang miyembro ng pamilya. Hindi saklaw ang panghuling pagsusulit sa polisiyang ito. Maaari kayong kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa panghuling pagsusulit isang linggo matapos ang opisyal na iskedyul ng pagkuha nito ng libre.
2. Kung wala kayo sa loob ng klase habang kinukuha ko ang atendans niyo, mamarkahan ko kayo ng ‘LUMIBAN.’
3. Siguraduhin ninyo na alam ninyo ang paggamit ng kompyuter at internet sapagkat lahat ng mga asignatura at mga sulatin ay ipapasa sa email at sa website ng klase.
4. Maaari ninyong dalhin ang inyong mga snacks sa loob ng silid-aralan. Maging responsible: huwag itapo ang basura kuing saan-saan.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.
OUTLINE NG KURSO:
Nobyembre 15 Pagpapakilala ng Kurso at Oryentasyon
Nobyembre 22 PAGBABALIK-TANAW SA WIKANG FILIPINO
Kahulugan, Kahalagahan, Kasaysayan at mga Katangian ng Wika
Ang mga Wika sa Pilipinas
Ang Alfabetong Filipino at ang Wikang Filipino
Nobyembre 29 GAMITING FILIPINO I
Pananaw
Mga Inaasahang Matatamo
Pagpapahayag ng Nosyon Ayon sa Sitwasyon
Pagsasabi ng mga Iniisip at Niloloob
Pagsasabi nang Malinaw at Magalang
Pagpapahayag at Pag-alam sa Saloobing Moral
Disyembre 6 GAMITING FILIPINO II
Pakikisalamuha sa Anumang Sitwasyon
Pagdalo sa Isang Pagtitipon
Paghahatid at Paghahanap ng Impormasyon
Pagpapakilala ng mga kamag-anak sa Bagong Kaibigan
Pagbigkas ng Isahan
Pagsasalaysay sa Tulong ng Balangkas
Disyembre 13 GAMITING FILIPINO III
Pagbibigay sa Isang Panutong Padikta
Pagtukoy sa Pangunahing Paksa
Ang Pang-uri
Kailanan ng Pang-uri
Pakikipag-usap sa Di Kilala
Katawagan sa Isang Pagpupulong
Paggawa ng Isang Patalastas
Disyembre 20 GAMITING FILIPINO IV
Pagtatalumpati na Walang Paghahanda
Paglikha at Pagbigkas ng mga Tugma
Pagsasagawa ng isang Interbyu
Pakikinig at Pakikilahok sa isang Talakayan
Pagbubuod ng Balitang Nabasa at Napakinggan
Enero 3 PAGBASA I
Pananaw
Mga Inaasahang Matatamo
Ang Pagbasa
Ang Apat na Hakbang ng Pagbasa
Ang Kahalagahan ng Pagbabasa
Ang Mabisang Pagbasa
Paano Mapapaunlad ang Pagbasa
Mga Layunin sa Maunlad na Pagbasa
Ang Limang Dimensyon sa Pagbasa
Mga Uri ng Bilis o Tulin sa Pagbabasa
Bakit Kailangang Magbasa ng Panitikan
Enero 10 PAGBASA II
Paglalarawan ng mga Kaisipan
Paghahambing at Pag-uuri-uri ng mga Kaisipan
Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
Pagbibigay ng Pangunahing Diwa
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Tungkol sa Binasa
Pagbibigay ng Kinalabasan ng mga Pangyayari
Enero 17 MIDTERM NA PAGSUSULIT
Enero 24 PAGBASA III
Pagbibigay ng Buod sa Kuwento
Pagbibigay ng Wakas sa Kuwento
Pagtukoy sa Layunin ng May-akda
Pagbasa sa Mapa, Tsart at Grap
Paggamit ng Aklatan
Enero 31 PAGBASA IV
Paggamit ng Atlas, Ensayklopidya at Iba Pang Sanggunian
Paggamit ng Iba’t Ibang Sanggunian
Paggamit ng Pahayagan
Pagbasa Nang Pahapyaw
Pagkuha ng Tala Mula sa Panayam, Aklat, Tapes at Films
Pagsuri sa mga Tala
Paraan ng Pagpapalawak ng Talasalitaan
Pebrero 7 KOMPOSISYON I
Ano ang Komposisyon?
Anu-ano ang mga uri ng Komposisyon?
Anu-ano ang mga Layunin ng Komposisyon?
Pagwawasto ng Komposisyon
Pebrero 14 KOMPOSISYON II
Pagbuo ng Talataan
Iba’t Ibang uri ng Liham
Ang Liham na Pangkaibigan
Ang Liham na Nagbibigay ng Impormasyon
Ang Liham Paanyaya
Pebrero 21 ANG KOMPOSISYON II
Ang Liham Pakikiramay
Ang Liham ng kahilingan sa Pamamasukan
Mga Bahagi ng Liham Pangkalakal
Mga Opisyal na Korespondensya
Pebrero 28 ANG KOMPOSISYON III
Ang Sulating Pananaliksik
Ang Paksa
Ang Sanggunian
Ang Pagsulat ng Sanggunian
Ang Pagbabalangkas
Ang Pangangalap ng mga Tala
Pagsulat ng mga Tala/Talababa
Mga Bahagi ng Sulatin
Marso 6 ANG KOMPOSISYON IV
Ang Plano sa Pagsulat ng Riserts
Ang Proseso at Metodo ng Riserts
Pagrerepaso ng mga Kaugnay na Pag-aaral
Pagsulat ng Isang Riserts
Pagsulat ng Tsapter I-Tsapter V
Pagbasa ng Natapos na Riserts sa Publiko
Marso 13 Paglalagom/Synthesis
Marso 20 PANGHULING PAGSUSULIT
SISTEMA NG PAGBIBIGAY NG GRADO:
Porsiyento Grado Porsiyento Grado
99-100 1.00 84-86 2.25
96-98 1.25 81-83 2.50
93-95 1.50 78-80 2.75
90-92 1.75 75-77 3.00
87-89 2.00 74-60 5.00
BATAYAN SA PAGGRADO NG MGA SULATIN:
Nilalaman = 50% Format = 35% Mekaniks = 15%
SANGGUNIAN:
Belvez, Paz, et al (2005). Gamiting Filipino: Pagbasa at Komposisyon. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store
Villavivencio, Victoria, et al (2002). Gamiting Filipino: Pagbasa at Komposisyon. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store
Websites at iba pang mga aklat sa Gamiting Filipino
0 comments:
Post a Comment