THE FISHER VALLEY COLLEGE
C5 Annex Campus
Phase 2, Bgy. Pinagsama, Lungsod ng Taguig
Silabus ng Kurso
PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Pangalawang Semestre, A.Y. 2011-2012
Nobyembre 2011-Marso 2012
KOWD NG KURSO: FIL 102
BILANG NG YUNIT: 3
ISKEDYUL AT SILID-ARALAN: Miyerkules/Huwebes, 4:30-6:00, 105
PROPESOR: Raquel, Marlon B.
ORAS NG KONSULTASYON: Miyerkules/Huwebes, 2:00-4:00
DESKRIPSIYON NG KURSO: Nagbibigay pokus ang kursong ito sa pagbasa at pagsulat bilang instrumento ng pagkatuto. Bilang bahagi ng mga makrong kasanayang pangwika, bibigyang-diin sa kursong ito ang mga estratehiya sa pagbasa ng iba’t ibang genre ng mga tekstong nakasulat. Idedebelop din ang kasanayan sa pag-unawa lalo na ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang sulating akademiko. Magiging batayang paksa ang ukol sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham Teknolohiya.
LAYUNIN NG KURSO: Pagkatapos ng semestre, inaasahan na ang mga estudyante ay:
1. Mauunawaan ang halaga ng pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina;
2. Mapapahalagahan ang mga valyus na matatagpuan sa mga babasahing sanaysay tulad ng nasyonalismo, kamalayan at pananagutang panlipunan, mapanuring pag-iisip at katapatang ispiritwal;
3. Makakasulat ng iba’t ibang komposisyon na may pagpapahalaga sa mga valyus ng isang Pilipino tulad ng pananampalataya, pagkamasigasig at serbisyong pampamayanan; at
4. Makagsusulat at makapagbabasa ng isang papel pananaliksik o riserts sa harap ng madla.
MGA PANGANGAILANGAN NG KURSO:
Dalawang grado ang ibinibigay ng Kolehiyo sa isang semestre: una ay ang grado para sa midterm at ang pangalawa ay ang grado para sa final ayon sa Artikulo X, Seksyon B ng Student Handbook. Ang Final Grade ay 40% mula sa Prelim hanggang sa Midterm Period at 60% naman mula sa Pre-final hanggang sa Final Period.
Pangangailangan sa Midterm Period (40%):
30% Pagbasa ng Isang Uri o Genre ng Teksto – Walang gagawing pagsusulit sa prelim period. Bagkus, magsasalita kayo sa harap ng mga estudyante ng ibang klase sa ika-15 (Huwebes) ng Disyembre 2011. Pipili kayo ng isang teksto na maaaring tula, sanaysay, talumpati, pabula, maikling kuwento, at iba pa. Maaaring kabisado o hindi ang tekstong napili.
Ang batayan ng pagmamarka ay ang mga sumusunod:
Kahalagahan ng Nilalaman ng Teksto 40%
Presentasyon 30%
Kalinawan ng Pagsasalita, Tinig, at Personalidad 30%
30% Midterm na Pagsusulit – Ang midterm na pagsusulit ay gaganapin sa ika-19 (Huwebes) ng Enero 2012. Lahat ng napag-aralan mula sa simula ay isasama sa pagsusulit. Iba’t ibang uri ng pagsusulit ang ibibigay tulad ng multiple choice questions (MCQs), matching type, enumeration, sanaysay, at iba pa.
15% Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15% Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-8 ng Disyembre (Huwebes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-12 ng Enero (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10% Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
Mga Pangangailangan sa Final Period (60%):
30% Portfolio ng Iba’t Ibang Genre ng Teksto – Ang bawat estudyante ay susulat ng orihinal na komposisyon ng iba’t ibang kombinasyon ng iba’t ibang uri o genre ng teksto na nakasulat sa ibaba. May anim na pagpipilian; pumili lamang ng isa.
Unang Pagpipilian:
Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Minits ng Miting = 1 piraso
Tula = 3 piraso (Hindi bababa sa 200 na mga salita bawat isa.)
Pangalawang Pagpipilian:
Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Sanaysay = 2 piraso (Hindi bababa sa 500 na mga salita bawat isa.)
Memorandum = 1 piraso
Programa = 1 piraso
Pangatlong Pagpipilian:
Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Dula = 1 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita.)
Imbitasyon = 1 piraso
Pang-apat na Pagpipilian:
Iba’t Ibang Uri ng Liham (Hindi bababa sa 5 piraso) = Isang piraso bawat uri ng liham
Nobela = 1 piraso (Hindi bababa sa 1,000 na mga salita)
Panglimang Pagpipilian:
Riserts o Papel Pananaliksik (Hindi bababa sa 1,500 na mga salita.)
Pang-anim na Pagpipilian:
Kung may ibibigay kang suhestiyon sa iba’t ibang kombinasyon, mangyaring makipag-usap sa akin tungkol dito.
Ipasa ang hard copy maging ang soft copy ng inyong portfolio sa email ko. Ang itinakdang pasahan ay sa ika-8 ng Marso (Huwebes) 2012, ala-una (1:00) ng hapon.
30% Panghuling Pagsusulit – Ang panghuling pagsusullit ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga katanungan. Ang iskedyul ng eksaminasyon ay sa ika-15 (Huwebes) ng Marso 2012.
15% Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15% Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa ng hindi lalagpas sa ika-16 ng Pebrero (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-15 Marso (Huwebes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10% Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
MGA POLISIYA SA LOOB NG SILID-ARALAN:
1. Kung sakaling hindi kayo makakuha ng mga pagsusulit, hindi ninyo ito maaaring kunin sa anumang kadahilanan maliban na lamang kung may malubhang karamdaman o namatayan ng isang miyembro ng pamilya. Hindi saklaw ang panghuling pagsusulit sa polisiyang ito. Maaari kayong kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa panghuling pagsusulit isang linggo matapos ang opisyal na iskedyul ng pagkuha nito ng libre.
2. Kung wala kayo sa loob ng klase habang kinukuha ko ang atendans niyo, mamarkahan ko kayo ng ‘LUMIBAN.’
3. Siguraduhin ninyo na alam ninyo ang paggamit ng kompyuter at internet sapagkat lahat ng mga asignatura at mga sulatin ay ipapasa sa email at sa website ng klase.
4. Maaari ninyong dalhin ang inyong mga snacks sa loob ng silid-aralan. Maging responsible: huwag itapo ang basura kuing saan-saan.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.
OUTLINE NG KURSO:
Nobyembre 17 PANIMULA
Oryentasyon at Pagpapakilala ng Kurso
Nobyembre 24 ANG WIKA
Kahulugan, Kahalagahan, Kasaysayan at mga Katangian ng Wika
Ang mga Wika sa Pilipinas
Ang Alfabetong Filipino at ang Wikang Filipino
Disyembre 1 PAGBASA
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbasa
Yugto ng Pagbasa
Limang Dimensyon sa Pagbasa
Disyembre 8 PAGSULAT
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat
Mga Kinakailangang Gawain sa Prosesong Pagdulog at Pagsulat
Pananaliksik at Pakikipanayam
Ang Ugnayang Pagbasa at Pagsulat at ng Iba Pang Kasanayang Pangwika
PAGKILALA SA BATAYANG ISTRUKTURA AT HULWARAN NG ORGANISASYON NG IBA’T IBANG GENRE NG TEKSTO
Disyembre 15 IBA’T IBANG GENRE O URI NG NAKASULAT NA TEKSTO I
Ang Maikling Kuwento
Ang Mga Alamat at Kuwentong Bayan
Disyembre 22-Enero 2 CHRISTMAS BREAK
Enero 5 IBA’T IBANG GENRE O URI NG NAKASULAT NA TEKSTO II
Ang Nobela
Ang Sanaysay
Enero 12 IBA’T IBANG GENRE O URI NG NAKASULAT NA TEKSTO III
Ang Tula
Ang Salawikain
Ang Paglalahad
Enero 19 MIDTERM NA PAGSUSULIT
Enero 26 IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO
Pormulasyon ng mga Salita
Paggamit ng mga Panlapi
Panlaping Makangalan
Panlaping Makauri
Panlaping Makadiwa
Paggamit ng Contextual na Clue
Pagsusuri sa Ugnayan ng mga Salita
Panghihiram ng mga Salita
Paggamit ng Diksyunaryo
Pebrero 2 MGA KASANAYAN SA PAG-UNAWA
Ang Mabisang Pagbasa
Mga Kasanayan sa Pag-unawa
Pagkuha ng Pangunahin at Tiyak na Detalye, Skimming At Scanning
Paghihinuha
Paglalahat
Pagwawakas
Pagkilatis sa Katotohanan at Opinyon
Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
Pagsusuri sa mga Pamamaraang Ginagamit ng Awtor sa Paghahatid ng Mensahe
Pagbibigay ng Ebalwasyon sa mga Ebidensya at Pangangatwiran
Pebrero 9 PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA I
Humanidades
Panitikan
Mga Likas na Agham
Pebrero 16 PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA II
Agham Panlipunan
Kasaysayan
Ekonomiks
Pebrero 23 PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA III
Larangang Propesyunal
Korespondensya
Aplikasyon
Iba’t Ibang Uri ng Liham
Memoranda
Imbitasyon at Programa
Minits ng Miting
Marso 1 PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA IV
Riserts o Pananaliksik
Ang Plano sa Pagsulat ng Riserts
Ang Proseso at Metodo ng Riserts
Pagrerepaso ng mga Kaugnay na Pag-aaral
Pagsulat ng Isang Riserts
Pagbasa ng Natapos na Riserts sa Publiko
Marso 8 Paglalagom/Synthesis
Marso 15 PANGHULING PAGSUSULIT
SISTEMA NG PAGBIBIGAY NG GRADO:
Porsiyento Grado Porsiyento Grado
99-100 1.00 84-86 2.25
96-98 1.25 81-83 2.50
93-95 1.50 78-80 2.75
90-92 1.75 75-77 3.00
87-89 2.00 74-60 5.00
BATAYAN SA PAGGRADO NG MGA SULATIN:
Nilalaman = 50% Format = 35% Mekaniks = 15%
SANGGUNIAN:
Lorenzo, Carmelita, et al (1997). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod ng Makati: Gradwaters Publications and Research Corporation
Sauco, Consolacion P, et al (2004). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod ng Quezon: Katha Publishing Corporation
Villavivencio, Victoria, et al (2002). Sining ng Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod ng Quezon: Jollena Publishing
Iba’t ibang websites, magazine, at jornal
1 comments:
Thank You So Much Propesor I learned a lot from this syllabus..God speed..... MATS COLLEGE OF TECHNOLOGY FACULTY, DAVAO CITY>>>MS. DACALDACAL
Post a Comment