1. Gumawa ng isang tula na may:

a. Sukat
b. Tugma
c. Ang bilang ng saknong ay hindi bababa sa DALAWA (2 stanzas).
d. Ginagamitan ng mga tayutay o talinghaga.
e. Maaaring ang iyong tula ay sa wikang Filipino o sa iba pang wika ng Pilipinas tulad ng Waray at Bisaya. Bawal ang Ingles.

Pagkatapos, gawan ito ng sariling pagpapakahulugan. 


2. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa Rebolusyon ng EDSA noong 1986.

Deadline of Submission: March 12, 2011 (Saturday), 11:59PM

16 comments:

Anonymous said...

Gela Faith N.Cortado BSA1

Bukang-Liwayway

Dito sa daigdig ay may katangiang
Dapat na taglayin ng isang nilalang
Nang sa ganoon pagtanda ng magulang
Daramay sa magulang ng may paggalang

Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway
Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay
Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay
Pagkat malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay.

Malugod kong hain yaring abang buhay
Ganap ang aking tuwa na inaalay
Ako ay magiging kulay,bango't awit
Ang kalawakan mo'y aking manlalakbay.


Ang ibig sabihin nito ay lahat tayo ay dapat maging masaya kung anumang bagay mayroon tayo sa buhay natin na puno ng pagdurusa,lungkot at kasawian ngunit sa dulo nito'y kaginhawaan na magsisimbolo ng malaking pag-asa para sa lahat.

Ang Rebolusyon Ng EDSA 1986

Ang mga pagkilos sa lansangan ay isa lamang indikasyon na ang bakas ng EDSA ay buhay pa rin sa isipan ng mga Filipino.
Ngayon ay ika-25 anibersaryo ng makasaysayang rebolusyon ng Filipino.Nanganak na ang EDSA at ginamit ito ng ilang beses sa pagbabago ng ating gobyerno.
Sa pagkakataong ito,mas tumitindi ang mga lumalabas na ebidensya laban sa administrasyon at ang mga pangunahing naglaahad nito ay ang mga taong nakonsensya sa mga katiwaliang kinasasangkutan nila.
Kaya't ang sambayanan sa ngayon ay hati at hindi mawari kung sila ba ay sasang-ayon sa pagpaaptalsik sa kasalukuyang administrasyon.
Sa kasalukuyang pangyayari,naisin man nating palitan ang kasalukuyang liderato ay wala ka namang makitang bagong lider na matagal nang hinahanap ng ating lipunan.
Ang kurapsyon sa ating gobyerno ay matagal nang sakit at nagpapalala sa ating ekonomiya.Pera naman ang kumikitil sa kanilang isipan at pera din sa ngayon ang nagiging mitsa sa isang pagbagsak ng gobyerno.
Samakatuwid,ano na nga ba ang nabago sa ating lipunan mula EDSA1 at hanggang sa kasalukuyan.Ang mga bakas ng EDSA ay nasa likuran lang natin bumubulong sa ating mga isipan at kung anuman ito ay tanging kayo lamang ang nakakaalam nito.

Anonymous said...

Gelardine A. Aldema
BSBA

1. Pag-ibig ba o paghanga kang?

Ako’y dinadaya ng aking pusong mapaglaro
Akala’y totoo subalit ito’y naglalaho
Hindi na mapalagay itong pusong nahihilo
Nalilito nanaman ang puso at isipan ko

Saan ka man mapunta hinahanap ka ng mga mata
Ipikit man ang mata ikaw pa rin ang nakikita
Hindi ko na maintindihan ang aking nadarama
Pag ibig ba o paghanga itong aking nadarama?

Ito ay tungkol sa isang babae na hindi maintindihan ang kanyang damdamin kung siya ba ay humahanga o nagmamahal na. Nalilito sapagkat hindi siya sigurado sa kanyang nararamdaman.Ito ay may sukat at tugma.


2. And EDSA Rebolusyon noong 1986 ay isang pagsasama-sama ng mga mamamayan para mapatalsik ang dating presidenteng Marcos. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos. Lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Ito ay naganap sa mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw mula sa ika-22 ng pebrero hanggang ika-25 ng pebrero.. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Ito ang naging dahlia upang mapabagsak sa pamahalaan ang ditador na si Ferdinand Marcos at dito inihalili ang namayapang dating presidenteng Corazon Aquino. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa kalkhang Maynila.
Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa. Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang "Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon para mamuno.

Anonymous said...

TOLENTINO.., jhoyce BSA-1

1. TULA


*** KAILAN? ***
ni: jhoyce:)


Sadyang wala na bang katapusan,
ang paghihirap ng ating bayan?
Dahil sa mga nanunungkulan,
isip ay sariling kapakanan.



May nangyari na bang pagbabago,
sa lahat ng mga pangako?
Nitong ating mga pulitiko,
Na para bang tupa kung manuyo.



Kailan kaya matatapos?
Kailan ba lalaya ng lubos?
Sa mga taong akala ay Diyos,
Yaman ng bayan ay inuubos.



Kailan kaya masisilayan?
Kailan ba natin makakamtan?
Pagkakaisa't pagtutulungan,
Dito sa ating sariling bayan!


2. SANAYSAY

"Rebolusyong EDSA ng 1986"

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan o People Power Revolution ay tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986. Ito ay ang pagkakalaya ng pamahalaan ng pilipinas sa pamumuno ng dating pangulong Marcos na kung saan nagkaisa,naghawak kamay at hawak bisig ang mga pilipino para makuha ang makabagong pagbabago na inakala ng mga mamamayan na umpisa na ng muling pag-unlad ng bayang Pilipinas. Ito ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25, 1986.Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sa ngayon, ang araw ng Rebolusyong EDSA ay isa sa pinakamakasaysayang araw. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero.

Anonymous said...

Jayar Custodio
BSA-1

Iisang Bituin

Sa buhay ko, isa siyang bituin,
Pwedeng pag-aralan, pagmasdan o panuorin.
Hindi nga lang pwedeng angkinin,
Pagkat di ko siya maaring abutin.

Sa kadiliman ng daigdig, siya ang gabay,
Isang inspirasyon sa aking paglalakbay.
Ang nagbibigay ng liwanag sa aking buhay,
Sa Tuwing ang kadiliman ay umaakbay

Alam kong hindi ko siya maabot,
Tanggap kong meron nang planeta sa kanya umiikot.
Mananatili na lamang ako rito at manonood,
Hanggang sa makakita ako ng talang nahuhulog.

2.EDSA REVOLUTION
1986


Mahigit tatlumpung million pa kami na hindi pa nabubuhay noong naganap itong rebolusyon na ito, ni wala nga akong alam tungkol sa rebulusyong naganap noong 1986, sabi nila, and “Edsa Revolution” daw ang ang pagsasama-sama, pagtutulong-tulong, pagkakaisa nga mga tao para patalsikin o para magkaroon ng pagbabago sa ating bansa.

Mga tatlong araw daw na nagtipon-tipon ang mga tao sa isang kalye na tinawag na Kalye 54, ang kalyeng ito ay tinawag ngayon na Edsa (Epifanio De Los Santos Avenue). Ang kalye nga daw na ito napuno ng mahigit kumulang 3 milliong tao na pumuno simula sa Ortigas Avenue hanggang sa kalye patungo sa Cubao. Ilang mga rettrato ang aking nakita sa internet habang ako’y nag re-research na nagpapakita talaga na kahit ang mga taong simbahan at halos limangpung porsiyento ng mga pilipino ang nakilahaok sa revolusyong ito.


Eh kung wala kayang “Edsa Revolution” na nang yari anu na kaya ngaun ang mangyayari sa pilipinas. Ang rebolusyong daw ito ay maaaring mapigilan kung hindi nagsalita si Ex-President Cory Aquino, ganito kasi ang nagging senaryo kung walang edsa revolusyon.

Kada taon ipinagdiriwang nga milliong milliong pilipino ang rebolusyong ito, dahil sa kanilang paniniwala na hanggang ngaun di pa rin nila nakakamit ang tunay na kalayaan at kaginhawaan na kanilang hinahangad, noong panahong kasing iyon si President Marcos ay may sakit sa kidney kasabay pa noon parang nalulugi na ang Inernational Monery Fund kayat nagpatawag ito ng Snap Election para mapatunayan niya sa IMF na may tiwala pa rin sa kanya ang mga tao.

At siguro kaya’t nagsalita si Ex-President Cory Aquino ay dahil narin sa pag ka assassinate ng kanyang asawa na si Benigno Aquino. At siguro kung wala ito mas marami pa ang kinakailangan mag buwis ng buhay sa pagiging mahigpit ng pamumuno ng mga Marcos. Ang mga pilipino kasi lagi na lng gusto ng pagbabago pero pag hindi nila nagustuhan ang ginawa ng pangulo na binoto nila gusto kaagad nila mag palit, tapos ganun ulit gagawin nila.

Noong 1972 si President Marcos ay nag declare ng Martial Law ditto sa pilipinas. Lahat ng gusto na pumalit sa kanilang republika pinapatay, dinadaya o simpleng mawala lang ng parang bula. Lahat pati media naka censored tapos pati mga pahayagan dapat ang laman lahat lamang ng magagandang tunkol sa kanilang pamahalaan.

Lahat ng gusting sumubok na ipahayag ang mga kamaliang kanilang nagawa na pipipe. Sa kabila lng pag angat ng bansa sa pagkakaroon ng katahimikan sa loob nila sinisigaw nila ang kanilang daing.

Pero sa kabila noon natapos at nagwakas ang kanilang mga daing noong 1986.
Mga pari, madre, at mga tao ang nagtulong trulong para makamit ang pagbabago.

Anonymous said...

Janine M. Gonzales
BSA1

Kulang ang Kahapon at Bukas

Magmula pa sa aking kahapon
Isang kahapong wari ay tulad ngayon
Ikaw na nga sinta ang noon ay kaylayo
Ang ninais kong makasuyo

Hindi man noon tanaw ng iyong puso
Ang dati kong pagsuyo,
Umasa na dumating ang isang tulad ng ngayon
Sa piling mo aking sinta ay naging tunay ang isang kahapon

Ngunit kulang ang ating kahapon, Kulang pa rin ang bukas
Maipadama lamang sa iyo aking sinta
Ang saya at ligaya na aking nadama
Sa bawat kahapon, ngayon at bukas
Sa piling mo aking sinta...

Anonymous said...

Rosella S. Mabalot
BS-Accountancy

Ang Tapat Na Lingkod
Walong taong singkad na iningatan ko
ang aking pagsintang nalihim sa iyo;
pangsiyam na taon nang kita'y ligawang
tinanggap mo namang walang agam-agam!

Inibig nga kita't umibig ka naman
na sa pandamdam ko'y walang pagkukulang;
subalit nahan ka, ba't mo hinayaang
mapag-isa ako sa ating tagpuan.

Ligaya mo, di ba, kapag nakikita
na masigla ako at laging masaya;
kalungkutan naman kung iyong makita
na may lumbay ako o kaya'y balisa?

-Isang lalaking tapat na umiibig sa kanyang kasintahan ng matagal ng panahon. –

Sanaysay- Ang Rebolusyon Ng EDSA 1986

Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng Washington kay Marcos ang pagsasagawa ng biglaang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging pangalawang presidente ni Aquino.
Naganap ang halalan noong Pebrero 7, 1986. Ang eleksyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang dayaaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections (Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.


Ang Edsa Rebolusyon noong 1986 ay isang makasaysayan para sa mga Pilipino dahil ito ang unang pagkakataon na nagkaisa ang mga Pilipino para sa isang hangarin. Ang mapatalsik ang dating presidenteng Marcos. Ang edsa rebolusyon ay hinangaan ng milyon milyong tao sa ibat-ibang panig ng mundo sapagkat makikita ang pagkakaisa ng mga tao. At ito ay ginaya ng mga tao sa ibang bansa.

Anonymous said...

Renato A. Punzalan
BSA-1
Pagbasa at Pagsulat sa ibat’ibang Disiplina
SA-7-8/4-6


1.Tula

MAY HIHIGIT PA NGA BA?

Walang ngiti na hihigit pa
Sa ngiti na dulot kapag ika’y kasama
Walang mata na mas makulay
Sa iyong mga matang nagbibigay buhay
Walang pangungusap na kahalihalina
Na sa iyong mga labi lamang nagmumula
Walang ninanais sa bawat araw
Kundi makapiling ka’t makaulayaw

Wala na ngang lakad na mas tutuwid
Kaysa sa iyo na kapayapaan ang hatid
Walang pagtuturo na mas nanaisin
Kaysa ang sa iyo tunay na magaling
Walang pag-ibig na mas dadakila
Kaysa ng sa iyo,may lakip na biyaya
Wala na ngang kaibigang hihigit pa
Sa iyo Hesus walang pangamba

ibig ipabatid ng tulang ito na ang pinakamagandang gawin natin sa ating buhay ay ang maging kaibigan ang diyos.wala na ngang hihigit pa sa kanya. ilapit lang natin ang ating sarili sa kanya at hindi niya tayo pababayaan. sa bawat bagyo na dumarating sa ating buhay wag tayong mawawalan ng pananalig at paniniwala kay Hesus na kasama natin siya sa araw-araw na buhay natin.hindi natutulog ang diyos alam niya lahat nang nangyayari satin,ang kailangan lang ay panalangin at pagtitiwala sa kanya. Amen! Kaya kaibigan kung mabigat man ang problema mo sa oras na ito,isipin mo na kasama mo ang Panginoon kalakip ang kanyang mga biyaya.

2.Edsa revolution 1986
Edsa revolution,ano nga ba ang diwa nito? Noong nakaraang edsa revolution 1986,dito ipinakita ng mga tao ang pagmamahal sa ating bayan. Maraming tao ang pumunta don upang makiisa upang mapatalsik ang rehimeng Marcos.Dito din ipinapakikita ang pagkakaisa nating mga Filipino sa iisang hangarin,ito ay ang pababain si Marcos sa kapangyarihan. Ang tanong lahat b ng mga taong naroroon ay ang hangarin ay para sa pagbabago. Napakaraming tao sa edsa noon,may mahirap,mayaman,pulitiko,relihiyoso. subalit ang ilan sa kanila ay nakikiusyoso lamang at ang ilan sa mga pulitiko at mayayaman ay naroroon upang magpalakas lamang sa tao upang nakawin ang kapangyarihan.Ngunit ang nagpatingkad at nagpairal sa people power ay ang mga milyong Filipino na inilaan ang kanilang sarili at handing ibuwis ang kanilang buhay upang ibalik ang kapangyarihan sa tao. Hindi sapat ang tapang at pag aalay ng buhay. Ang mga taong tumugon sa Edsa ay kinalimutan ang pagkanyakanya. Dito ipinamalas nila ang pagmamahalan ang pagtutulungan.Bagama’t napakadelikado ng kalagayan noon, may mga sandatahang nag aklas,may nanawagan na suportahan sila, may humarap sa tangke, may nag alay ng bulaklak, may naghanda at nag alay ng pagkain, may nag alay ng entertainment, may nag rosaryo at naghayag ng salita ng Diyos at may nagdasal at iba pa. Ang bawat isa ay mahalaga, ang bawat isa ay may papel at ang lahat ay nagkasundo. Maraming mga pangyayari bago at noong Pebrero 1986 ang naging sangkap upang mabuo ang people power. Walang sino mang iisang tao o grupo ng mga tao ang nakapagdulot nito. Mayroong inang Maria na nagbigay ng inspirasyon at may isang maykapal na nagtagni-tagni sa lahat ng mga pangyayari upang maisilang ang isang mapayapang rebolusyon. Huwag sana nating kalimutan ang leksyon ng kababalaghang ito na nangyari sa ating bayan. Ito ang himalang ipinagkaloob ng diyos sa ating bayan subalit ibinabaon natin sa limot at hindi isinasabuhay. Bakit kaya mas marami ang kahirapan ngaun pagkatapos ng 25 taon. Bakit kaya dumami ang bilang ng natutulog na kumakalam ang sikmura sa gutom. Sa kabila naman ay nagpapasasa ang ibang nasa poder. Bakit kaya ang mga katiwalian ay mas laganap sa ating lipunan. Bakit kaya ang mga political leaders at opisyal ng military ay sangkot sa katiwalian,ganon din ang mga religious leaders. Bakit kaya patuloy pa din sa atin ang extrajudicial killing at abuso sa mga karapatang pantao. At ang matindi dito ay marami sa ating mga kababayan ay walang malasakit at pakialam sa pag asenso ng bayan. Hindi kaya sapagka’t nakalimutan na natin ang himala ng Edsa?

Geneth Jhoy Ballesteros (BSHRM-1) said...

"Panambitan"
Tulang Bicol ni Myrna Prado
Salin ni Lilia F. Realubit

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw

Marami sa tao'y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.



Mga mahihirap lalong nasasadlak

Mga mayayaman lalong umuunlad

May kapangyarihan, hindi sumusulyap

Mga utang-na-loob mula sa mahirap.



Kung may mga taong sadyang nadarapa

Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;

Buong lakas silang dinudusta-dusta

Upang itong hapdi'y lalong managana.



Nasaan Diyos ko, ang sinasabi Mo

Tao'y pantay-pantay sa bala ng mundo?

Kaming mga api ngayo'y naririto

Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.


Pagkakahulugan :

Ang Kahirapan ay isang suliraning maaaring matugunan kung ang bawat sektor ng lipunan ay magkakaisa at magtutulungan.

Geneth Jhoy Ballesteros (BSHRM-1) said...

I.


Pagkakaiba at pagkakatulad ng mga panitikang Filipino sa mga panahong :

1.Pre-Kolonyal - mayroon nang sariling panitikan ang ang ninuno simula pa noong una, ang tawag dito ay alibata.Gumagamit sila ng mga bagay na galing sa kalikasan na ginagamit nila sa kanilang pagsusulat.
2.Espanol - Sa panahon ng na ito nahaluan na ang alibata ng Alpabetong Romano at sa panahong ring ito naituro rin ang Doctrina Chirstiana na naging dahilan ng malaking impluwensya ng wikang Kastila sa wikang Filipino.
3.Amerikano - Naging mas maalab ang pagiging makabayan ng mga Filipino.Katulad sa panahon ng Espanol pinahinto rin ang pagkakaroon ng mga dulang may tema na makabayan ng mga Filipino ngunit hindi ito naging hadlang pa ituloy ng mga Filipino ang kanilang layunin.
4.Hapones - Sa panahong ito ipinagbawal ang paggamit ng salitang Ingles.Sa panahong ring ito nagkaroon ng krisis sa papel kayat't ito ang naging dahilan ng walang gaanong naisulat na akda.


II.

"Panambitan"
Tulang Bicol ni Myrna Prado
Salin ni Lilia F. Realubit

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw

Marami sa tao'y sa salapi silaw?

Kaya kung isa kang kapus-kapalaran

Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.



Mga mahihirap lalong nasasadlak

Mga mayayaman lalong umuunlad

May kapangyarihan, hindi sumusulyap

Mga utang-na-loob mula sa mahirap.



Kung may mga taong sadyang nadarapa

Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;

Buong lakas silang dinudusta-dusta

Upang itong hapdi'y lalong managana.



Nasaan Diyos ko, ang sinasabi Mo

Tao'y pantay-pantay sa bala ng mundo?

Kaming mga api ngayo'y naririto

Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.


Pagkakahulugan :

Ang Kahirapan ay isang suliraning maaaring matugunan kung ang bawat sektor ng lipunan ay magkakaisa at magtutulungan.

Anonymous said...

Garganera, Katherine C. BSA-I Pagbasa


“Ang Wakas”


Ang paalam ay lumalapit, parating na ba ang katapusan?

Luha sa'king mga mata'y parang tubig na nag-agusan.

Mga salitang iyo lamang narinig mula sa akin
Mga salitang nawalan na ng halaga sa atin.

Iyo mang alam na ay aking uulitin “Mahal kita”
kahit sambitin ulit, wala nang halaga “Mahal kita”

Isigaw ko man ito ng napakalakas “Mahal kita”

sana ay iyong marinig ang damdamin na “Mahal kita”:

Ang paalam ay lumalapit, parating na ba ang katapusan?

Wala 'kong magagawa, aking binibigay iyong kalayaan,

ang hiling ko lamang makahanap ng nararapat sa'yo

ngunit 'wag sanang makalimutan ikaw pa rin ang mahal ko.


ito ay tungkol sa estado ng relasyon ng dalawang magkasintahan na malapit ng maghiwalay ngunit ang persona sa tula ay mahal pa rin ang kanyang iniibig at sa nalalapit nilang paghihiwalay ay sinasabi niya pa rin ana mahal niya pa rin ito. At dahil sa kanyang pagmamahal handa niya itong palayain.


EDSA Rebolusyon ng 1986

ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquinonoong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni dating pamgulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

ang edsa revolution ay nanyari noong kapanahunan ni marcos noong siya pa ang presidente naging pahirap ito sa ibang mga pilipino dahil sa diktatoryal nitong pamamahala, nakamit lamang nating muli ang ating kalayaan at demokrasya ng si Corazon Aquino ay naging ating pangulo.

Anonymous said...

joseph romero


ganid at alipin bayan ko

akoy isang alipin ng aking bayan
isang kahig minsa'y walng tuka
akoy nasa bansang lubog sa buwaya
na pumepeste sa aming assyenda

ang mga buwya'y may gintong kutsara
habang ang aking pamilya'y namomoblema
ang aking mga alagang nag'y wawala
sapagkat wala ng mga sikmura


oh diyos ko bakit kami'y mahirap
ito ba'y pag subok o isang unos
na umuubos ng mga sikmura
mga taong nais ay kumain

ito ay tung kol sa ating bansa na puno ng mga dayuhan na umaalipin sa mga pilipino sa
atiing sariling bayan .at tungkol dn sa mga kurakot na mga pinuno na habang maraming nag hhirap sla ay nag papakasasa sa kaban ng bayaan

ah sinullat ko to dahil gusto ko maging pangulo ng buong mundo
ah para sa ba pang detalye txt oh tawagan nyo kko oh add may email add josephdeterminado@yahoo.com
sori kung medyo pangit ung gawa ko oh pangit talaga dami kc storbo ung mga classmate ko sila aldama chat chat kami ci custodio bading




2.ang edsa ito ung pagkakaisa ng lahat ng pilipino
dahil dito ang lahing pilipino ay naging kilala sa
buong mundo sa larangan ng pag kaka isa dahil dito
maraming tao sa ibat ibang sulok ng mundo ang namulat
sa katotohanan na kaya ng taong bayan paalisin ang pinunong
kurakot at walang kwenta dahil din dito nag kaka gulo na sa
ibat ibang sulok ng daig dig .

Anonymous said...

Michael M. San Jose
BS in Accountancy
Pagbasa at Pagsulat sa ibat’ibang Disiplina
SA-7-8/4-6

1.tula

Ang Tunay na Pag-ibig

Di ko inaasahang makapagmamahal ng ganito
Halos buong buhay ko ay handa kong ibigay sayo
Sa bawat oras ay hanap ka ng mga mata ko…
Sa bawat minuto’y sinisinta ka ng puso ko…
Sa bawat segundo ikaw ang laman ng isip at damdamin ko…
Hindi kumpleto ang buhay ko kapag wala ka sa tabi ko…
Sadya nga sigurong ganito ang tunay na pag-ibig
Napakahiwaga at napakalalim
Kahit ako ay di minsan maturok ang lalim…
Ganito ang naramdaman ko sa iyo…
Kasing lalim nito na hindi kayang maturok ng kahit sino…

2.EDSA Rebolusyon ng 1986

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas , mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

Anonymous said...

QUINCESS SIASICO
BSBA

*Disiplina ng Lola sa Apo*

Ang matatag na lola
na may mga apo na kasama
ay iyong
nagtatakip ng mata
nagpapasak ng bulak sa tainga
nagsisiper ng labi niya.

Kung baga, di nakikialam
sa Ina o Ama sa pagdidisiplina
ng mga mahal na apo niya.

Nakikialam lang siya
kung payo 'y hinihingi sa kanya
at dapat ito'y bihira
upang pagsasama'y di masira.


+Rebolusyong EDSA noong 1986+

Ang People Power ay ang apat na araw na protesta noong taong 1986 sa Manila kung saan pwersahang inalis/pinatalsik si Presedente Ferdinand Marcos at ito ang katapusan ng kanyang 14 taong diktatorya sa Pilipinas.

Ang naging mabuting epekto ng edsa revlution ay nagkaroon ng pagkakaisa ang bawat pilipino upang matamasa muli ang demokrasya

Cladine Lopez said...

Claudine Lopez
BSBA-1


Sila ang Pamilya Ko !!

Sa bawat sulok ng aming bahay
Naroon ang pamilya kong kaagapay
Nariyan sila handang dumamay.

Makikita mo ang mahal kong Ina,
Na nagbibigay liwanag sa tuwina
Sa pagmamahal na kanyang ipinadama
Handang magsakripisyo kahit mahina na.

Sa haligi ng aming tahanan,
Makikita si ama na nariyan,
Sa pagtatrabaho ay hindi niya maiwan
maibigay lang ang aming pangangailangan.

Ang mga kapatid ko na nariyan
Sa mga problema, sila ay iyong maasahan
Pagkat kami ay tunay na nagmamahalan
Hanggang wakas walang iwana.

Sila ang mga magulang at kapatid ko
pagmamahalan sa isa't isat ay totoo
Na nakaukit dito sa aking puso
Kahit magunaw man ang mundo mananati ito.

Anonymous said...

Joan Ericka Suan B.
BSBA-1

Salamat Aking Kaibigan

At akoy naka wala sa talikala ng lumbay
Salamat kaibigan sa pag-abot ng tulong mo
At sa kahirapa’y ako ngayon ay nakaahon

Salamat kaibigan sa iyong pag -aaruga
At ngayon ay kaya ko ng mabuhay at tumindig
Sa aking sariling mga paa kahit na mag –isa

At higit sa lahat mahal kong kaibigan
Salamat sa iyong pagmulat sa aking mga mata
Sa aking mga mata at sa ngayo’y wala na ako

Sa landas ng kadiliman at pagkakasala
Kaya kaibigan ko na syang tunay kong katoto
Sa iyo akoy nagpapasalamat ng totoo


*Ang tulang ito ay naglalarawan ng isang kaibigang tunay Marami kang kaibigan,pero hindi lahat tunay. Hindi maiiwasan may mga kaibigan na pang good time lang makakasama mo lang sa mga gimik o masasayang bahagi ng buhay mo. Ang tunay na kaibigan ay yung mga taong kasama mo sa lahat ng dinaranas mong saya at lungkot...nariyansa tabi mo kahit wala kang pera o hindi mo maibigay ang materyal na bagay sa kanila..yung kahit walang maipayo sa mga problema mo bastat handan makinig at dumamay sa bawat pagpatak ng luha mo, hindi ka iiwan kahit alam na niya ang lahat lahat ng tungkol sa'yo..!!! Ang tunay na kaibigan ay handang dumamay sayo sa oras ng iyong pangangailangan. Ang tunay na kaibigan ang siyang nagbibigay liwanag sa tuwing ika’y nasa maling landas.


2. Sanaysay

Rebolusyon ng EDSA 1986

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (People Power Revolution), na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila

Anonymous said...

para po sa kaalaman ng lahat ang isang tula na nandito na may titulong " Kulang ang kahapon At Bukas" ay tula ko po iyon, ako po ang sumulat noon at isinubmit ko yun sa website ng http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/tula-kulang-ang-kahapon-at-bukas.html lampas isang taon ko na ginawa at sinubmit yung tula na yan..nagulat lang po ako at nandito yung tula na iyon na sa pagkakaalam ko ay pinagsusubmit kayo ng tula at nakita kong nilagyan pa ng nagsubmit ng kanyang pangalan-Janine M. Gonzales
BSA1

paki check na lang po sa website na http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/tula-kulang-ang-kahapon-at-bukas.html ang aking tula

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top