Masining na Pakikipagtalastasan, TTh, 7:30am-9:00am

STUDENT NUMBER
MIDTERM GRADE
REMARKS
5101075
87.90
PASSED
5101054
84.80
PASSED
5101025
91.30
PASSED
5101140
55.50
DROPPED
5092015
93.00
PASSED
5101012
92.00
PASSED
4100074
78.20
PASSED
5101089
54.60
DROPPED
5101061
80.00
PASSED
5101147
86.40
PASSED
506054
77.10
PASSED
5101084
87.40
PASSED
5101094
92.40
PASSED
5101062
67.00
FAILED
506117
85.30
PASSED
5101131
77.50
PASSED
5101060
79.10
PASSED
5101006
78.80
PASSED
5101009
78.40
PASSED
5101104
75.00
PASSED
5101081
86.40
PASSED
5092008
75.20
PASSED
5101021
75.90
PASSED
5101135
77.70
PASSED
5101118
76.20
PASSED
5101116
81.20
PASSED
5101077
77.50
PASSED
5101088
85.30
PASSED
5101098
77.40
PASSED
5101042
84.50
PASSED
5072015
68.80
FAILED
5101145
62.20
FAILED
5081214
79.54
PASSED
5101086
77.80
PASSED

8 comments:

Anonymous said...

JOSE ARJAY A. ACUYADO
BSA-1
MASINING NA PAKIKIPAGTALASTASAN

Sariling wika ano ba ang ibig sabihin ng sariling wika?

Para sa akin kung ang pagbabasehan ang sinabi ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal na “ang sinuman ang hindi magmahal sa sariling wika ay naihhalintulad sa isang malansang isda” . Oo lahat tayo ay nabuhay sa Pilipinas kung kaya’t alam na alam natin ang wika natin. Dahil sa lumalaganap ang wikang Ingles upang makasunod o makapantay sa ibang bansa. Dahil tayo ay nasa modernong mundo kung saan maituturing kang mababa kung ang gagamitin mo ay wikang Tagalog. Kung ang gagamitin mong pananalita ay wika tagalog ito ay impormal lalo na ngayon na ang wikang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan. Sa teksto na aking binasa nawawalang saysay ang wikang Filipinotulad ng mga nabanggit. At nabibigyang prayoridad ay ang Ingles na kung saan sikat ka at hindi ka mapapabilang sa mga walang alam kung ito ang iyong gagamitin.
Sinasabi na bakit kailangang ipagdiriwang ang buwan ng wika kung hindi naman pinaprayoridad ang pagpapaunlad nito bagkus mas pinapahalagahan pang gamitin ang wikang Ingles sa lahat ng antas ng lipunan.

Sinasabi dito na mas gusto nyang bigyan natin ng halaga at importansya ang wikang Filipino dahil ito ang ating pambansang wika at huwag gamitin sa kung anumang bagay na nakakasira sa wikang Filipino. Gamitin nating ang wika sa wasto at tama at hindi sa iskandalo, tsismis at iba pang walang kabuluhan, tula ng kalaswaan.Gamitin ang wika ayon sa tamang gamit nito at ating pagyamanin.

Ipagdiriwang natin ang Buwan ng Wika kung ito talaga ay nabigyan ng halaga at importansya at ginagamit natin sa pang araw araw at sa tamang paraan.

Nais lamang ipaalala sa atin na ang wika ay sobrang napakahalag sa ating pagkatao dahil ito ay parte ng araw araw nating pamumuhay, bigyan natin ng atensyon ang pagpapayaman ng wika dahil ito ay malaki ang maitutulong sa ating pagpapaunlad ng kultura at paghubog sa ating pagkatao.Ito ay nagmumulat sa atin upang ipahayag ng lubos ang ating damdamin at saloobin. At tumutulong sa atin upang tayo ay magkaunawaan. Pinapaalala sa atin na ang pagpapayaman at pagpapaunlad ng ating wika ay upang maging isa at magkakabuklod tayong mga Pilipino.

Anonymous said...

Marvin C. Moron
BSHRMI
TTH 7:30 - 9:00

Ang buwan ng Agosto ay buwan na nakalaaan para sa selebrasyon ng wika o tinatawag na Buwan ng Wika . Bilang isang mag-aaral mahalaga sa akin ang pagiging isang Pilipino at naiipapakita ko ito sa wastong pagpapahalaga sa ating sariling wika. Sinabi nga ng ating pambansang bayaning si Gat Dr. Jose Rizal "ang sinumang hindi magmahal sa sariling wika ay naiihahantulad sa isang malansang isda." Kung ang ating pambansang bayani ay napakataas ang kanyang tingin sa ating wika, sino pa kaya ako, hindi isang bayani kundi isang ordinaryong mag-aaral lamang na hindi naman nagbuwis ng buhay para sa sariling bayan?

Sa Luzon, Visayas man o Mindanao, sinasabing iba't iba man ang ating wika nagkakaisa pa rin tayong itaguyod natin ang nagkakaisang wikang Pilipino. Hindi sa magkakaiba man tayo ng dugong dumadaloy sa ating katawan, subalit iisang lahi naman ang nalalanantay sa ating puso at isipan, maging isang responsableng Pilipino nagkakaintindihan sa pamamagitan ng iisang wikang alam nating lahat.

Napakahalaga ng ating wika. Ginagamit ito sa pagkakaintindihan, sa pakikiponagnegosasyon, paghahatid ng impormasyon, nagagamit din ito sa pagpapahayag ng ating damdamin. Kailangan lang natin itong mahalin, proteksyonan, respituhin, huwag ibahin at bababuyin, ipahayag ng tama,huwag ikahiya,huwag limutin,at maging isang responsableng tagapagsalita.

Sana isipin natin ang mga bayaning nagtanggol sa ating bayan, nagbuwis ng sariling buhay para lamang magkaroon tayo ng kasarinlan, magkaroon ng sariling wika, tulungan nating payabungin pa ito para sa susunod na henerasyon. Huwag nating payagang maghari sa atin ang wikang banyaga at maisantabi na lang ating wikang pambansa.

Marami nang henerasyong nagdaan napanatili nilang nagkakaisa tayo sa papamagitan ng isang sariling wika. Sana ganoon din ang gawin natin para sa susunod pang henerasyon, payabungin at ipagbunyi pa na tayo isang Pilipino na may iisang hangaring nagkakaisa hindi lang para sa ating sarili kundi sa ating bansa. Hayaang paunlarin ng ating wika ang ating bansang nagkakaisa.

PAUL RINGO P. RODILLA said...

RODILLA,PAUL RINGO P.
BSHRM TTH 7:30-9:00

ayon po sa aking nabasa ay napuna ko na ang may akda ay mahal niya ang ating wikang filipino , ngunit dahil sa ating maling paggamit ng ating sariling wika ay parang ayaw na niyang ipagdiwang ang buwan ng wika o ipagwalang bahala ang kaganapan na iyon. At dahil sa paggamit ng mga taga gobyerno ay tumatak sa aking isipan na kung patuloy na gagamitin ang ibang linggwahe sa paraan ng komunikasyon hindi ito masyadong mapapalawig at hindi maiintindihan ng mga mamamayan at tagasubaybay ang nais na maiparating na mensahe at ang ibig sabihin ng kanilang ipinapahayag. Kunwari,
may problema ang ating bansa tapos nagkaroon ng malaking pagpupulong sa pamahalaan, tapos ang gamit nilang wika ay ingles kawawa naman yung ibang tao na hindi masyadong makaunawa o makaintindi ng wikang ingles, ayos lang sana kung dalawang tao lang yung naguusap ng pa wikang ingles sa paraan ng mas komportable at mas sanay nilang gamitin, parehas nilang nauunawaan at naiintindihan ang kanilang pinaguusapan at ang nais nilang maipahayag sa bawat isa. Ukol din sa sking nabasa na ang pagtuturo daw sa mga paaralan ay kapansin-pansing karamihan na rin ang paggamit ng wikang ingles bukod sa "ENGLISH SUBJECT" mas tinututukan ng pansin ng mga nagtuturo o ng mga guro ang pagturo ng wikang ingles sa bawat estudyante at maging sa mga opisina ay wikang ingles ang ginagamit at pati na rin ang mga binebentang produkto na binibili natin sa pang araw-araw na gagamitin, halimbawa na lang ng mga produktong sabon, shampoo, toothpaste at iba pa ay hindi ba't ang nakalagay sa bawat direksyon o paraan ng paggamit nito ay ginamit sa wikang ingles. Kung mapapansin din natin ang mga pampublikong tanggapan, ang karaniwang klase ng panayam nila sa mga kanilang mga aplekante ay galing sa wikang ingles at dahil sa ingles ang tanong siyempre wikang ingles na rin ang isasagot aplekante sa pumapanayam sa kanya. At nakaw pansin din ang mga istasyon sa radyo na kung saan saan lang natin napapakinggan at dahil doon kung ano yung mga napapakinggan na jokes sa mga radyo ay minsan na nating nagagaya sa pangaraw-araw na sinasabi, at ang karamihan sa mga istasyon ng radyo ay gumagawa ng mga sariling wika, parang nais na maiparating ng may akda ay binabasura na natin ang ating sariling wika. Ang midya ay isa sana sa malaking paraan para maisulong ang wikang tagalog dahil ang karamihan sa bawat pamilyang Pilipino ay may mga sariling radyo at tv. Telebisyon ito rin ay isang malaking impluwensya sa komunikasyon o paguusap, halimbawa kung iniidlo mo ang isang artista marahil ay gagayahin mo halos lahat ng kinikilos nito, paraan ng pananamit ganoon din kung paano ito magsalita.
Tulad din ng salita ng mga bakla ay nagagaya na rin natin at iyon ay isang halimbawa ng maling paggamit ng ating wika dahil hindi ito makikita sa tagalog na diksiyonaryo ng tagalog at dahil sa maraming gustong gumaya sa mga salita ng mga bakla ay dahil halos lahat ng mga salita nito ay puro kabastusan sa panahon natin ngayon merong nauusong komunikasyon sa CELLPHONE na pumapatok sa mga kabataan ay ang mga jejemon kung tawagin. Kapuri-puri rin ang ating kasalukuyang pangulo dahil ginamit niya ang ating sariling wika upang maihayag ang tunay na kalagayan ng ating bayan. Ito ay isang mabuting halimbawa pagsusulong ng paggamit ng ating sariling wika.

Anonymous said...

Llaneta,Precious L.
BSHRM 1
TTH / 7:30-9:00

"BANSANG PILIPINAS" Para sa akin sa Unang video ang sinasabi dito may pag-asa ang pilipinas magkakaroon lang tayo ng tiwala sa sarili natin at Gini-gising tayo ng kantang ito para magkaroon tayo na tiwala sa ating sarili at sa gobyerno na gagawa ng paraan para mai-ahon ang ating bansa.may karapatan ang bawat Pilipino na mamili ng maging pinuno ng ating bansa na alam natin na kaya niya patakbuhin ng maayos ang ating bansa na mayroon paninindigan at may takot sa diyos at sa batas.Alam natin na maraming naniniwala parin na mamamayan na maaaring umunlad pa ang ating bansa . Pagkakaroon lang ng pagkakaisa ang bawat tao magiging mapayapa ang ating bansa at sa kantang ito madadama natin mga Pilipino ang gustong mangyari ng ating mga kababayan magkaroon lang tayo ng lakas ng loob at pagkakaisa sa Hamon na dumarating sa ating buhay at bansa.

"Prophecy of the Philippines" Isang Talumpati na sinasabi dito na magkaroon tayo ng takot sa Diyos at Pinababatid dito na kahirapan ang mangyayari sa ating bansa lalo na si Mindanao.Ngunit alam natin darating ang araw na magiging mapayapa rin ang Mindanao basta lagi lang Manalig sa Diyos at Magtiwala dahil isa lang naman pagsubok ang darating Upang masubukan lamang tayo kung hanggan saan ang kaya natin. kung mayroon tayong tiwala sa diyos hindi ito dahilan para sabihan natin na hindi tayo mahal ng diyos dahil sa pighati na nararamdaman natin , kung ganun yung nangyayari sayo. ibig lang ng diyos na masubukan ka at maging matatag sa pagsubok na bini-bigay satin.

GLOC-9 Pinaramdam sa kantang ito ang paghinging ng tulong ng mamamayan dahil may mga pinuno sa ating bansa na may mataas na posisyon sa ating bansa na ayaw lumingon sa kanilang pinanggalingan, dahil may mga taong mahihirap na hindi nila magawang tulungan, may mga taong nakakain ng maayos at magandang tulugan at nagpapakasasa sa kanilang mataas na posisyon ngunit marami naman na mamamayan ang hindi nila magawang tulungan sa sapat na kaylangan ng mga taong mahihirap. Sa kantang Upuan by:Gloc-9 na “ bato-bato sa Langit tamaan huwag magalit” .. may taong mataas na posisyon na hindi nila kayang magkomento sa kantang ito dahil pag nag-komento sila ibig sabihin guilty sila sa kantang ito.

PAUL RINGO P. RODILLA
BSHRM II
TTH 7:30-9:00

Ang kantang UPUAN na kinanta ni gloc-9 ay parang sinasabi niya o ang mga nakasulat sa kanta na kanyang ginawa na ang mga namumuno dito ay mga suwapang o ang mga nakaupo sa makapangyarihang trono ay hindi maganda ang pamamalakad sa bansang kanyang pinamumunuan , dahil ang bawat liriko na aking narinig ay tungkol sa mga mamamayan na naghihirap na hindi na natutulungan o hindi napagtutuunan ng pansin dahil ang nakaupo lang sa trono ang siyang umuunlad o umaasenso at nakakaranas ng ginhawa sa buhay , samantalang ang mga mamamayan o ang mga tao na kanyang pinamumunuan ay naghihirap dahil ang bawat pondo na naiipon ay inuunti unti ding inuubos ng gobyerno , sa madaling salita ang namumuno sa ating bansa ay kurap.

BANGON PILIPINAS naisip ko na ang bansang pilipinas ay babangon mula sa kahirapan hanggang sa umunlad ang ating bansa , at dahil sa bago na ngayon ang ating pangulo may posibilidad na umangat ang pilipinas. Kung ang lahat daw ng mga tao o mamamayan sa pilipinas ay magkakaisa may malaking pagbabago sa ating bansa mabilis ang pag-unlad nito. Kung meron tayong pagkakaisa , pagmamahal sa Diyos at sa bayan at kung may nananatiling pag asa na may magagawa ang bagong namumuno busisiin at siyasatin nating mabuti na merong pagbabago sa pamamalakad ng nakaaangat , dahil kung hindi tayo susunod sa patakaran ng pinuno o kahit sa mga kawani ng gobyerno maaaring bumagal ang pag unlad n gating bansa , halimbawa na kung lagi tayong magkakalat ng basura sa ilog o kahit sa daan , kung patuloy ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot , at kung patuloy nating susuwayin an gang mga batas , walang mangyayari sa ating bansa kundi puno na ng kahirapan. Ang lahat ay maaaring magbago dahil kung kaya ng isa kaya ng lahat , hamon sa bawat isa ang pagbangon ng pilipinas , kailan tayo kikilos at tatanggapin ang hamon? Sabay sabay tayong kikilos dahil ngayon na panahon.

Mendoza, Mark Louie P.
BSHRM c5 ANEX

Ayon sa vedeo na aking napanood binabanggit dito nila Gloc9 sa kantang "UPUAN", tlumpati ni Cindy Jacob ng "PROPHECY FOR THE PHILIPPINES" binabanggit dito ang ating gobyernong gahaman sa kayamanan. Ang mga taong nakaupo ngayon sa mataas na posisyon ngayon sila ang nailuklok dahil sila ang pinili ng sambayanang pilipino upang mamuno sa paglutas ng problema ng pilipinas hindi upang manguna sa paggawa ng problema. Sa halip ay ito ang mga ginagawa nila, kabaliktaran ng inaasahan sa kanila ng mga mahihirap na pilipino. Masakit isipin at tanggapin ang katotohanan pero ito lamang ang paraan nang mga tulad ni Gloc 9 upang imulat ang lahat sa kung ano ba talaga ang nangyayari at kung bakit ganito pa rin ang takbo nang ating pamumuhay. Tayo ang susi sa ikauunlad nang ating bansa, sa pamamagitan nang matalinong pagpili nang uupo sa ating gobyerno, may pag-asa pang iahon marahil ang naghihikahos na bansang pilipinas. Ang Kantang Upuan ni Gloc 9 tulad nya nababatid natin ang hirap na dinaranas ng mga mamayang pilipino na kaunti ang kinita sa sweldo, Ang kalagayan ng mga mamayan ay di pinagtutuonan ng pansin. nilalahad din dito ang mga mambabatas na nasa matataas na posisyon na walang ginawa kundi ang magpayaman.Hindi lang tayu dapat umasa sa mga namumuno sa bansa, kundi tayo mismo ang kumilos upang makamit natin ito. dahil ang tunay na katahimikan ay nasa loob ng bawat tao. Ito ay nasa puso ng bawat isa dapat matutu tayung diseplinahin an ating sarili. At dapat marunung din tayung magmahal sa ating kapwa. Kasi mas okey kung ang lahat ay nagkakaunawaan.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top