Masining na Pakikipagtalastasan

COURSE CODEGEFI 111

COURSE TITLEMasining na Pakikipagtalastasan

COURSE UNITS: 3 units

CLASS SCHEDULE: MW, 7:30am-9:00am/MW, 9:00am-10:30am/TTh, 7:30am-9:00am (all in Room 106)

COURSE DESCRIPTION:

Sumasaklaw ang kursong ito sa paglinang ng mga kasanayan sa komunikasyong pasalita at pasulat.  Lilinangin ang apat na makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng iba’t ibang texto and kontexto.

COURSE OUTLINE

I. Pagkilala sa isa’t isa

1.1  Oryentasyon  sa  Pambansang  kalagayan  ng  bansa  na  nakaangkla  sa  usapin ng wika at edukasyon
1.2  Wikang Filipino – Kahulugan at kaugnayan sa pambansang kamalayan
1.3  Panimulang gabay sa ispeling at angkop na gamit ng salita

II. Komunikasyon
2.1  Proseso
2.2  Depinisyon
2.3  Kahalagahan
2.4  Apat na perspektiba
2.5  Berbal at di Berbal
2.6  Speaking ayon kay Del Hymes
2.7  Elemento ng masining na pagpapahayag

III. Pakikinig
3.1  Kahulugan at kahalagahan
3.2  Karaniwang sangkap
3.3  Mga uri
3.4  Mga bagay na maaaring maging hadlang
3.5  Mga paraan upang mapabuti

IV. Pagsasalita
4.1 Oral
4.2 Salawikain, kawikaan, sawikain at kasabihan
4.3 Pagtatalumpati

V. Pagbasa
5.1  Uri
5.2  Mga dapat bigyang-pansin
5.3  Mga suliraning nabubuo
5.4  Mga palatandaan
5.5  Mga dapat isaalang-alang
5.6  Pagbabasa ng tula

VI. Pasulat
6.1   Panunuring pampelikula/pantelebisyon
6.2   Pagsulat ng suring-basa
6.3  Komposisyon
6.4  Pagsulat ng liham pangkaibigan at liham pangkalakal

16 comments:

jr said...

Junior laggui
BSIT-1
Mw-9:00-10:30

Sir pra skin tama si ginoong arao sa kanyang sinabi dahil lahat ng kanyang tinala ay totoo
Dahil marami nga nmn ang ndi masyadong gumagamit ng wikang pilipino tulad ng ”ANC BROADCAST” ng ABS-CBN Dahil napansin ko na ang salitang ginagamit nila ay ingles
Paano naman sir iyong mga taong hindi nakaka intindi ng engles?? Paano nila malalaman ang mga nang yayari sa mundo kung ganon ??
Pero sang ayon ako sa duon sa mga BROADCASTING COMPANY NG ABS-CBN at GMA-7
Dahil ang ginagamit nilang wika ay tagalog at marami ang nkaka-intindi at bukod pa doon madali nilang mauunawaan
Opo sir kelangan din natin mag engles pero para sa mga trabaho at foreigners lang dibah ??
At tama rin si sir arao na kahit sa tabloid may mga babasahing engles ang nilalaman tulad ng MANILA BULLETIN
At tama rin sir na minsan malalaswa ang nilalaman ng ibang dyaryo na gawa ng mga taong bastos na hindi naman kelangan upang umunlad ang bayan
Kung araw-araw namn natin gagamitin ang engles mag nonose bleed tayo sir hehe echos

Hindi sir para sakin oo pwede natin gamitin ang engles pero sana atin pang pagyamanin ang sarili nating wika dahil ito ang naging dahilan kung bakit tayo naging pilipino

At tama din si ginoong arao sir dahil bakit nga namang tinawag na araw nang wika kung madami parin ang hindi sumusunod sa buwan ng wika sir diba ??
Para saakin kung sa united states ako gagamitin at gagamitin ko rin ang wikang engles dahil paano ako makikipag ugnayan sa mga amerikano kung hindi ako mag sasalita nang engles ??

Pero ang pinag tataka ko sir bakit pag mga foreigners na ang nandito sa pinas todo engles din ang mga pinoy ?? para ba ito sa kanilang sarili o para maturing sila nang mga amerikano na kaibigan ??

Dahil sir minsan nasubukan narin naming mag-anak ang mag karoon ng foreigners na mag asawa
At ito ay kakilala ng aking kuya ang sabi ng amerikano “ I HATE FILIPINOS WHO’s NOT UNDERSTAND ENGLISH”
Kaya para saakin sir dedma nalang sakin yan basta ako mahal ko ang wikang Pilipino at ipinag mamalaki ko ito at kahit papano nkakapag salita at nkaka intindi rin ako ng engles

Anonymous said...

sir c gela phow e2.hindi pho aq makapagsign pho sa inyo.....

dars said...

Ingles para sa matalino, Filipino para sa bobo.

Iyan ang baluktot na pagtingin ng ilan sa mga tao na nabubuhay sa kaibabawan ng kasosyalan sa panahon ngayon.
Bagamat hindi natin masisi ang bilang na mga tao na iyon, isang masidhing pagtingin ang maihahandog ko sa kanila.
May ilang parte sa mga ibinahaging opinion ng nagsulat ang nag- paumay ng aking pagsisiyasat sa babasahin. Maaring tama. Sa totoo lang, napakaling tama. Masakit isipin pero totoo. Hindi dahil sa ito ang dapat mangyari kundi dahilan ito ng maling adhikain na namuo na sa bawat isipan ng mga tao.

Nakakalungkot isipin na sariling wika ay hindi maisayasat ng maigi gayong ang wika ng iba ang syang sinasamba. Paano natin mapapaunlad ang ating mga sarili gayong pana’y tangkilik ng gawa ng iba an gating inaani.

Ang hindi ko maintindihan sa ating mga Pilipino ngayon, mataas na ang pagtingin sa taong magalig sa Ingles. Hindi ba natin naisip na hindi sila ganun kagaling mag-tagalog?
Kung lubos nating iisipin, mas matalino taung purong mga pilipno kesa sa mga pala-Ingles na Amerikano o pilipnong lumaki sa ibang bansa. TAYO, magaling magsalita ng wikang Filipino gayun din sa wikang Ingles. Kayang kaya natin ibigkas ang mga salita nila sa paraan ng kanilang pagkakabigkas. Eh sila? Napakagaling nga sa sarili nilang wika, sa wika natin, kaya ba nila?

Simpleng kakayahan lang natin ang ipinupunto ko dito. Sana mabigyan din ito ng pansin at papuri gaya ng ibinibigay sa wika ng iba.

Docallos,Leah said...

Docallos,Leah
BSIT

Ayon sa artikulo na isinulat ni Ginoong Danilo A. Arao.Sinabi niya na mas prayoridad ang salitang Inglis kaysa sa Wikang Filipino at ako'y sang ayon dito. Ating mapapansin sa halip na gamitin natin ang Wikang Filipino bilang medyum ng pagtuturo sa mga paaralan mas pinagtutuunan ng pansin ang pagpapayaman ang wikang Ingles.Kaya ako bilang mag-aaral mas madali sakin intindihin ang "Part's of Speech"kaysa pag-aralan ang unlapi, gitlapi,panlapi at hinlapi.Gayon din sa opisina ng pamahalaan mas pinagtutuunan ng pansin ang Wikang Ingles.
Tama si Ginoong Arao.Totoo ginagamit parin natin ang wikang Flipino sa araw-araw na pakikipagusap.Subalit akin ding napansin na minsan ito ay ginagamit sa kalaswaan at kabastusan lalo na sa mga FM para makakuha ng kiliti sa maraming masa.Patok din ang salitang"badoy"o jologs" sa FM ito'y akin ding napansin sapagkat libangan ko din ang makinig sa FM minsan at wala ding pinagkaiba ang ibenebenta sa kalye tulad ng tabloid kaya sang-ayon ako kay ginoong Arao.
Kung ating bibigyang pansin may mga Filipino na ngang mapagkakamalang Amerikano dahil sa paraan ng pananalita tulad ng mga DJ at ito'y nakaka-impluwensya sa mga tagapakinig.Lalo na sa mga telebiyon halimbawa dito ay ang mga artista na siyang may mas malakas manghikayat sa masa.Isa na dito ang programa sa telebisyon patungkol sa salitang jolog's itoy nakakaimpluwensya sa mga kabataan.
Pano nga ba natin mapapaunlad ang wikang Filipino kung ito'y hindi binibigyang prayoridad.Paano natin mapapaunlad ang ating sariling Wika?Sana ito'y bigyan natin ng pansin at halaga.
Nakakatuwang isipin na ang ilang programa sa telebisyon nagtalakay ng mahahalagang isyu gamit ang sariling wika at akin ding napansin na sa ibang progrma ay may salitang hinalo tulad ng cebuano.
Isang linqua franca ang nagbibigay sating bansa ng identidad na mas nakikita sa Wikang Filipino kaysa Wikang Ingles.
Buwan ng Wika ito ay ipinagdiriwang tuwing sumasapit nag buwan ng Agusto.Ito'y isang paraan ipagbunyagi at ipagmalaki ang Wikang ating pinagkikilanlan.Hindi pa huli ang lahat may panahon pa upang i tama ang mali.May panahon pa para ipamulat sa kapwa natin Filipino ang estado ng ating Wika para ito'y mapagtuunan ng pansin.Sana atin itong pangalagaan at bigyang halaga.Nagsisimula ito sa loob ng pamamahay,pangalawa sa silid aralan na kung saan ay tinuturo ang tama at mali sana nga lang pagtuunan ng pansin ang Wikang Filipino.
Agosto,panahon na upang paunlarin ang Wikang Filipino dapat ituwid ang mga mali para din ito sa mga susunod pang henirasyon sana mapaunlad natin ang Wikang Filipino kung hindi baka pagdating ng panahon wala na tayong pagkakakilanlan.

epe said...

EPE LEPASANA 111
BSE-ENG

Sir para sa akin sang ayun po aku doon sa pinahayag ni sa ginoong Arao, dahil kadalasan naman po talaga na mga tao lalo na yung mga (DJ) ganagamit po nilang wika ay ang wikang engles, kasi para silang magmukhang susyal. Parang pinapakita nila sa mga tao na ito na ibang level na kami. Tulad nalang halimbawa ng (max Fm) ang mga dj po nila don ay mga Inglisiro at Ingisira. Kaya yung mga hindi marurunong mag engles ay hindi nakaka intindi.
Gustong gusto ku rin po kasi ang makinig ng mga musiko sa FM, kasi nakaka relaks. Pero minsan kasi gumagamit sila ng mga salitang mahirap intindihin lalo na minsan sa tuno ng pagsasalita ng mga DJ. Kaya parang nahahamon ka, gugostohin mo na ring makinig sa kanila upang malaman mo kung anu nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang iyun.
Pero bakit pag dating sa mga malalaswang pahina ng pahayagan ang ginagamit ay wikang Pilipino? Sa pag papatawa diba wikang Pilipino din ang ginagamit? Eh pwede namang englis ang gamitain nila. Kasi nga ang wikang Pilipino ay medaling maintidihan, nakakalungkot nga lang isipin na parang hindi na ito masyadong pinapahalagahan sa ngaun. Ang napagtotounan nag pansin ngaun ay ang wikang englis. Siguro dahil narin sa ibat ibang mga dayyuhan na pumupnta sa bansa.Dahil na nga rin siguro sa dahilan na ang Filipino ay mahilig gumaya, mapa style man ng pag sasalita ya ginagaya natin.
May mga magulang din po kasi na maliit palang yung bata itinuro na ang wikang englis, iwan ku kung bakit ganun parang di narin nila pinapahalagahan ang wikang filipino, ayun po kasi sa pinsan ku, malaking bagay daw po kasi para sa isang bata ang maliit palang nakakapag salita na ng wikang englis, bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan. Sabi nya panga moderno na daw yung mundo, kaya kailangan mung makisabay para di ka mapag iwanan..
Pero hindi naman sigoro masamang matuto kang mag salita ng wikang englis, kasi nakakatulong din naman ito, lalo na sa pag mag aaplay ng trabahu, kadalasan kasing ginagamit sa pag tatanung ng mga taga kumpanya ay ang wikang englis, lalunglalo na sa mga call center company. Kasi dun kung di ka marunong mag salita ng englis di ka pwedi.
Tungkul naman dun sa sinabi ni ginoong arao, tulgkol sa mga istasyon ng television, dapat din naman talaga na wikang pilipino ang gamitin nila sa paghahatid na mga impormasyon sa mga filipino upang lalo silang maunawaan ng mga manunuod.
Tama lang talaga na may buwan ng wika, pra naman mabigyan naman ng pansin ang pagpapahala sa wikang Filipino, upang sa ganitong paraan maalala man lang ng mga tao na mayroon pa silang obligasyon na dapat ganpanan sa bayan, yan ay kung pano makakatolung ang tao sa pag papahalaga ng wikang atin.
Sir matanung kulang po, bakit po kaya may mga taong para bang ayaw nilang malaman na sila ay pinoy, at nagsasalita ng tagalong? Ikinakahiya ba nila ang pagiging isang mamamayang Filipino?
Mabuti nalang may mga tao paring hindi nawawala ang pagiging makabayan, kahit na maraming panahon na ang nakalipas, at marami naring mga dayuhan ang pumunta na pilipinas.
Sa buwan ng wika rin nahahasa ang mga kaisipan na mga teenager, sa pag Sali sa mga ibat ibang mga patimpalak. Dahil dito nagagamit ng mga kabataan ang kanilang talinto sa pikikipagtalastasan at upang mabigyan ito ng kaukolang pansin.

riza mateo said...

JOURNAL OF MY DREAMS:
Day 1: I Dreamt of rendering duty for work when suddenly all people are complaining of palabok fiesta having a strand of hair, as mam Roxanne checked it ,theres some hair indeed not one but a wig full… I defend myself to the accusation that it wasn’t mine but as I touch my hair there is none as if the hair in the palabok was mine… I cried…as my co workers laugh at me. I run at the back area and found out I was in my house, my mother sees me and laugh at me..
Day 2: I Dreamt of having a class w/ no blouse at all, as if it usual to all of the students there wearing no dress… also sees our prof wearing brief, only brief… it funny actually.. the hardest part we have an exam on that day about sex education. That we must kiss each other mates intimately.. I dreamt of my boyfriend as my classmates, but as I was about to kiss him. He suddenly changed to kuya noel’s appearance . I’ve just noticed as we finished the kissing part that were on the same situation already butt naked.. without any clothes at all. And him having an erection infront of me. Ewwww….
Day 3: Seeing my self as a jollibee manager, and the situation is at our store. Mam Roxanne as the crew and mam bea also... the fun part is I have the priveledge of scolding them while on duty… as my dream, goes, I had to terminate them but as I was to terminate them I see my self as a crew again and them back to their original position as a manager… as if I terminated myself…. The termination is irreversible,that is see my self crying in the corner about nothing, coz I didn’t know the reason why I was terminated.
Day 4: My wedding day … I was so happy and excited… going through our honeymoon, it was so intimate that as if was really true.. ….. that I wake up in the morning having a baby beside me, it was so cute and cuddly. But as I my husband enter the room he gave me a breakfast in bed as if it was never ending of hapiness… as I woke up of that dream I found myself , missing so much of my boyfriend.
Day 5: dreaming myself at the mall with my friend, we had a huge amount of money… as if we own a endless cash of wallet.. dreaming myself buying all of my desired items, an i-phone, a laptop, etc. it was a tiring day of shopping. But all of a sudden I see myself at work…

riza mateo said...

QUESTION AND CHALLENGES IN THE PHILIPPINE PREHISTORY

American anthropologist H. Otley Beyer was the first to propose that Malays who came from Malaysia populated the Philippines in a handful of waves of migration. Timeline of Philippine history The History of The Philippines is believed to have begun with the arrival of the first humans via Land bridges at least.There have been several models of early human migration to the Philippines. Since H. Otley Beyer first proposed his wave migration theory, numerous scholars have approached the question of how, when and why humans first came to the Philippines. The question of whether the first humans arrived from the south or from the north has been a subject of heated debate for decades. Beyer's theory, while still popular among lay Filipinos, has been generally been disputed by anthropologists and historians. Reasons for doubting it are founded on Beyer's use of 19th century scientific methods of progressive evolution and migratory diffusion as the basis for his hypothesis. These methods have since been proven to be too simple and unreliable to explain the prehistoric peopling of the Philippines.

Felipe Landa Jocano disputes Beyer’s belief that Filipinos descended from Negritoes and Malays who migrated to the Philippines thousands of years ago. According to Jocano, it is difficult to prove that Negritoes were the first inhabitants of this country. The only thing that can positively concluded from fossil evidence, he says is that the first men who came to the Philippines also went to New Guinea, Java, Borneo, and Australia. Instead of the Migration Theory, Jocano advances the Evolution Theory, as a better explanation of how our country was first inhabited by human beings, Jocano believes that the first people of Southeast Asia were products of a long process of evolution and migration. His research indicates that they shared more or less the same culture, beliefs, practices an even similar tools and implements. Proof, Jocano says, can be found in the fossils discovered in different parts of Southeast Asia, as well as the recorded migrations of other peoples from the Asian mainland when history began to unfold. In reference to Beyer's wave model, he points out that there is no definitive way to determine what the race to which the fossils belonged, and that all that is sure is that the discovery of Tabon Man proves that the Philippines was inhabited as early as 21,000 or 22,000 years ago. If this is true, the first inhabitants of the Philippines would not have come from the Malay Peninsula. Instead, Jocano postulates that the present Filipinos are products of the long process of evolution and movement of people. He also adds that this is also true of Indonesians and Malaysians, with none among the three peoples being the dominant carrier of culture. In fact, he suggests that the ancient men who populated Southeast Asia cannot be categorized under any of these three groups. He thus further suggests that it is not correct to attribute the Filipino culture as being Malayan in orientation.

Anonymous said...

Mapapaunlad parin ang wikang Filipino kahit na ginagamit ang wikang Igles bilang medium ng pagtuturo sa paaralan,dahil hindi naman lahat ng tinuturo sa paaralan ay puro Ingles ang ginamit.Mayroon paring mga guro na gumagamit ng wikang Filipino lalo na sa mga elementaryang mag-aaral,hindi naman kasi halos lahat na mga estudyante ay naiintindihan ang wikang Ingles,kaya para lubos na mas maunawaan ng mga mag-aaral ginamit parin ng mga guro ang wikang F ilipino sa pagtuturo.

Ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika sa buwan ng Agosto dahil ito ang ating pambansang wika,nakakatulong din ang paggamit ng Ingles lalo na sa
opisina dahil karamihan kasi sa mga negosyante ay taga ibang bansa ang kanilang mga kliyente,kaya para magkaintindihan sila wikang Ingles ang kanilang ginamit sa pakakikipag komunikasyon.

Masining na pakikpagtalastasan
MW 7:30-9:00

Elvie T. Rebutazo

Anonymous said...

Mapapaunlad parin ang wikang Filipino kahit na ginagamit ang wikang Igles bilang medium ng pagtuturo sa paaralan,dahil hindi naman lahat ng tinuturo sa paaralan ay puro Ingles ang ginamit.Mayroon paring mga guro na gumagamit ng wikang Filipino lalo na sa mga elementaryang mag-aaral,hindi naman kasi halos lahat na mga estudyante ay naiintindihan ang wikang Ingles,kaya para lubos na mas maunawaan ng mga mag-aaral ginamit parin ng mga guro ang wikang F ilipino sa pagtuturo.

Ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika sa buwan ng Agosto dahil ito ang ating pambansang wika,nakakatulong din ang paggamit lalo na sa
opisina dahil karamihan kasi sa mga negosyante ay taga ibang bansa ang kanilang mga kliyente,kaya para magkaintindihan sila wikang Ingles ang kanilang ginamit sa pakakikipag komunikasyon.

Masining na pakikpagtalastasan
MW 7:30-9:00

Elvie T. Rebutazo

jean121993 said...

Aguelo,Ralyn Jean P.
BSIT- 1st Yr
GEFI 111

Ang wikang Filipino para sa akin ay isang mahalagang wika sa pagkat ito ay nagbibigay sa akin ng pang unawa sa iba , tulad ng mga kamag anak ,kaibigan at iba pagkakilala.Sa wikang Ingles, ito na man ang na kakatulong sa akin upang makipag usap sa ibang bansa ang wikang ito ay maaaring matulog upang makapasok sa ibat ibang tarabaho maging sa pamahalaan.
Ang wikang Filipino ang aking kinagamit dahil ito ang aking kinagisnan at sa pagdiriwang ng ating mga Gobyerno sa wikang Filipino ay ibig sabihin lamang nito ay kanilang naaalala ang araw ng ating wika at kanilang iginagalang pa rin nila ang ating pambansang wika.

Karamihan ngayon sa ating mga Filipino ay na kalimutan na ang pagkamit ng tamang wika sa dahilang marami na ang mga gumagamit ng aba't ibang wika tulad na lamang ng madalas na ginagamit sa pagtetext sa iba. Ito ay ating binabawasan o kaya na man ay ating pinapalitan ng number , imbis na litter ang ating gamitin, tinatawag nating itong jejemon.Ang ilang mga Filipino ay hindi nila alam kung anong araw ng wika sa pagkat ito'y hindi nila na pinapansin o kay na man ay alam nga nila pero bali wala alang sa ka nila.

Hindi ko sina sabi na kalimutan ko na ang ating wika subalit ako rin na man ay madalas na hinahaluan ko rin na man ng wika Ingles ang aking sina sabi maging
sa pagtetext ay gumagamit din ako ng tinatawag na jejemon.Ang wikang Ingles na man ay sadyang nakakatulong din na man sa ating mga Filipino dahil sa marami tayong na kilalang mga taga ibang bansa at nakikilala ang ating bansa sa galing ng ilang mga Filipino sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Renato A.Punzalan
BSA MW 7:30-9:00

Para sa akin dapat nating mahalin at pasiglahin ang ating wika, sangayon ako kay Ginoong ARAO masyado na nating nakalimutan ang ating sariling wika. Ganito ngayon ang pananaw ng ibang mga Pilipino pag hindi ka nag nagsasalita ng English mahina ka, iba ang kalidad mo, hindi ka sosyal, wala kang class. Tulad sa paraalan, lalo na sa Kolehiyo kailangan marunong magsalita ng Ingles magkabalubaluktot man ang mga dila ng estudyante. Kadalasan nagdadalawang isip pa kung sariling wika ang gagamitin sa kahit anong diskusyon, kasulatan ang mga kumonikasyon na para bang knakakahiya kung sarili na lang wika. Sa kabilang banda may punto rin ang mga guro na kailangang maituro at matutunan ng mga mag-aaral habang maaga pa ang salitang banyaga na paraan upang mahasa tayo sa maayos na pagsasalita ng Ingles Sa paghahanap ng trabaho ang kadalasan ay sa wikang Ingles nakasaad ang aplikasyon at mga impormasyon na kailangan isulat o ibigay ng aplikante. Lalot higit sa mga pagkakataon na gusto ng mga Pilipino magpunta sa ibang bansa na ang ginagamit na wika ay Ingles. Sa aking palagay din ay tama na gamitin natin ang ating sariling wika kahit saan at pangalawang wika lamang ang Ingles Wala naman kasing dapat pagtalunan sa paggamit o pag-aaral ng wika. Hindi rin naman dapat itakwil ang wikang banyaga o anumang wika sapagkat mas mabuti nga na mapalawak ang ating pagkatuto sa iba’t-ibang uri ng wika na umusbong sa mga kabuhayan at kabihasnang nalinang ng mga mamamayan sa daigdig. Siguro dapat nating kilalanin nang pantay ang kakayahan ng mga wika bilang pantay na halaga ng mga kultura at karanasang panlipunang nagbigay-daan sa paglinang ng mga wikang ito. Napakahalaga na mahalin natin ang ating sariling wika.tingnan nyo wika pa nga lang natin hindi natin kayang mahalin eh ano pa ang sariling bansa natin o ang kapwa natin Pilipino.
Nagtrabaho ako sa Taiwan ng limang taon, doon pag hindi ka natuto ng salita nila,mahihirapan ka sa trabaho,sa pang araw-araw na pakikipagusap mo,paano mo matutunan ang trabaho kung hindi mo naiintindihan ang mga sinasabi nila,ang katuwiran nila narito ka sa bansa namin kaya dapat matuto ka ng salita namin, hindi kami ang mag aaral ng wika ninyo,kung ayaw nyo matuto ng wika namin umuwi na lang kayo sa bansa nyo. Kahanga-hanga ang pagmamahal nila sa wika nila,hindi sila interesado na matuto ng ibang wika para lang maintindihan ng dayuhan. Dito sa atin baligtad o kakaiba, kadalasan pasikat ang mga Pilipino pag may mga dayuhan,tayo ang nag aaral ng wika nila hindi sila ang nag aaral ng wika natin . Magkagayun pa man hindi pa siguro huli ang lahat,kelangan lang siguro ay may batas na magsasabi na ito ang tama at ito ang dapat nating gawin. Kailangan natin na maitatak sa isipan ng bawat isa ang kagandahan at halaga ng sariling wika at hindi ang Ingles ang batayan ng katalinuhan ng isang tao.
Sa aking sariling pananaw ang pagbibigay-diin sa wikang Filipino ay dapat manguna para sa ating mga Pilipino ang pangalawa lamang ang sailatang Ingles.

Unknown said...

Sa aking sariling pananaw ang pagbibigay-diin sa wikang Filipino ay dapat manguna para sa ating mga Pilipino ang pangalawa lamang ang salitang Ingles.

bonelita andriano said...

ANDRIANO, BONELITA
BS HRM
TTH-7:30-9:00

Sa aking palagay, ang sinulat ni ginoong araw ay nagpapakita ng totoong pangyayari sa kasalukuyan. Sa panahon ngaun ginagamit na lang ang wikang filpino sa pakikipag-usap sa ating kamag-anak at mga kapit-bahay. Halos lahat ng kolehiyo ay gumagamit ng wikang ingles bilang midyum sa pagtutro ng mga guro. Kung mapapansin natin ang mga bansang mayaman ay gumagamit ng kanilang sariling wika ganon pa man, dapat ay pagaralan natin ang ingles upang magkaroon tayo ng kaalaman ditto para sa pagkakataon na kailanganin natin ito at para makasabay at maintindihan ang pangyayari sa labas ng bansa. Marami sa ating Pilipino ang walang trabaho dahil hindi makapasa sa interbyu at takot maghanap ng trabaho dahil walang tiwala sa sarili. Ito ang reyalidad sa kasalukuyan.
Sa buawan ng wika rin nahahasa ang mga kaisipan ng mga kabataan sa pagsali sa ibat ibang patimpalak at dahil ditto nagagamit ng mga kabataan ang kanilang talento sa pakikipag talastasan at mabigyan ito ng kaukulang pansin. Bagamat naganap ang ingles sa maraming babasahin, lalao na sa internet pero marami pa rin akong napapansing aktibong gumamit ng wikang Filipino. Maliban ditto ang pagigiging buhay n gating wika sa kumbensyonal na ingles. Ginagawa ito sapagkat maraming aklat at iba pang uri ng babasahin ang nakasulat na ingles at kailangan natin tugunan ito ng karapat at eksaktong pagsasalin sa Filipino. Sa ganitong paraan lamang natin nasisiguro na hindi tayo malilimitahan pagdating sa pagpapalawig n gating kaalaman.
Marahil marami rin ang naniniwala na may aspeto ng ating wika na nanganganib sapagkat ang bagong heherasyon ay hindi gaanong nakikipagtalastasan ng purong Filipino. Marami sa atin ay namulat at nasanay na sa pag tatagglish o pagsasalita ng halong Filipino at ingles. Nawawalan na namn ng saysay ng pagtuturo nito kung hindi natin sasanayin o bibigyan pansin ang pagbibigay nito ng mabuting halimbawa sa mga bata. Napapan-sin ko din karamihan ngayon sa mga magulang maliliit pa lang ang bata itinuturo na ang wikang ingles ewan ko kung bakit ganon parang din a rin nila pinapahalagahan ang wikang Filipino. Sabi kasi ng kapatid komalaking bagay daw kasi para sa isang bata pa lang na nakakapag salita na ng wikang ingles, bilang paghahanda sa kailang kinabukasan. Napaka modern na dawn g mundo kaya kailangan din natin makisabay para ditto tayo mapag-iwanan.
Pero hindi naman siguro masamang matuto kang magsalita ng wikang ingles kasi nakatulong din ito lalao na pag nag-apply ng trabaho. Karamihan kasi sa mga kumpanya ngayon kadalasan nilang ginagamit sa pagtatanong ay wikang ingles kagaya na lang ng call center company. Sa aking paniniwala ano man ang marating, saan man dahin ng pagkakataon, ano mang wika ang kailanganin pagaralan o gamitin bunsod ng pangangailangan pagtitiwala ko sa hindi matatawarang pagmamahal ng isang Pilipino sa kanyang sariling wika. Maliban ditto naniniwala din ako na matagal ka man hindi makapag salita ng Filipino sa ano mang kadahilanan hindi kailangan malilimutan ang tamis at ligaya na dulot ng salitang kumukumpleto o bumubuo sa iyong pagkatao. Sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda.”

Anonymous said...

meruelle gamao
mw 7:30-9am

Habang binabasa ko ang kolum ni Danilo Arao patungkol sa isang hamon sa buwan ng Wika , nauunawaan ko sa isang banda ng banggitin niang hindi nman prayoridad ng gobyerno ang pagpapaunlad nito. At kung ating bibigyang pansin ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ay nkasaad pa sa konstitusyon. Hindi ko rin naman masisi ang gobyerno kung gamitin man nilang midyum ang wikang Ingles o ang wikang banyaga sa pagtuturo sa mga eskwelahan o paaralan sapagkat hindi naman medaling gamitin ang sariling wika lalong lalo na pagdating sa Matematika , Agham at teknolohiya. Ang wikang banyaga rin ang madalas na gamitin pagdating sa ibat-ibang propesyon tulad ng Medisina, Abogasya at diplomasa. Pagdating naman sa paghahanap ng trabaho, ang wikang banyaga rin ang kadalasang ginagamit sa mga interview at ibat-ibang transaksyon. Pagdating din samga opisyal at kawani ng Gobyerno o pamahalaan , mas mainam kung gagamitin nila ang Pambansang wika sa pagbibigay ng pahayag sa publiko dahil ito ang nauunawaan ng nakararami.
Patungkol naman sa mga lokal na istasyon ng mga radyo at telebisyon na nakasaad ni Ginoong Danilo A. Arao sa kanyang kolum, Mas marami pa rin naman ang gumagamit ng wikang Filipino sa mga istasyong ito kumpara sa wikang banyaga kung iyong bibigyang pansin .Ayon sa aking sariling obserbasyon , mas naaaliw pa rin naman ang mga Filipino sa mga istasyong ito na gumagamit ng sariling wika . Hindi ako sumasangayon sa sinabi niyang patungkol sa Tabloid na karamihan sa mga ito ay puro kabastusan lamang ang nilalaman . higit na mapapansin pa rin naman ang mga makabuluhan, mahahalaga at napapanahong balita tulad ng mga paparating na bagyo, isyu tungkol sa mga kasalukuyang pulitiko na nakaupo, at iba pa na matatagpuan sa mga pahayagang ito. Ngunit sa isang banda , ang kalaswaan ang sensalisasyong hatid nito ay pawing hindi na maiiwasan , at naging bahagi na sa kultura ng ilang mamamahayag.
Ang paggamit ng wikang banyaga ay hind na mawawala , maiiaalis o maiiwasan pa ng iilan sa ating mga kababayan. Sa kabila nito kakikitaan pa rin naman sa mga palabas sa telebisyon ang paglinang ng wikang pambansa , bagaman gasgas na ang istorya ayon kay ginoong Arao, ito pa rin naman ang tinatangkilik ng maraming kababayan nating Filipino. Hindi rin ito sapat na basehan upang magsilbing kahinaan sa pagpapayaman ng wikang Filipino , kapansin pansin pa rin ang maunlad na paglinang ng wika sa mga indie films , documentaries at ilan sa mga Pelikulang Filipino.
Ang wikang Filipino ay mahalaga dahil ito ang nagbubuklod sa bansa at ang nagsisilbing pagkikilanlan natin, nakakatutuwang isipin na marami pa rin sa mga Filipino tulad ni ginoong Arao ang nagbibigay halaga dito. Patuloy pa rin ang pagdiriwang buwan ng wika tuwing agosto bilang pagaalala sa kahalagahan na dulot ng Pambansang wika, Lubos ko rin naman nauunawaan ang hinaing at hangarin niyang itaguyod at mapaunlad ang Pambansang wika. Marami pa rin naming organisasyon at kawani ng gobyerno ang nagsasagawa ng mga gawaing mkakatutulong sa pagpapayaman ng wika sa ibat-ibang larangan. Naniniwala akona patuloy ang paguunlad nito sa mga susunod at darating pang panahon.

Post a Comment

Infolinks In Text Ads

top